Let Me Tell You About Lucas |...

By enahguevarra

1.5M 65.8K 11.2K

Evil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June... More

Prelude
1 --- Cigarette and blood
2 --- Dead
3 --- Tuxedo
4 --- Kiss
5 --- Hybrids
6 --- Black Cat
7 --- Gunshots
8 --- Out Of Control
9 --- Pandora's Touch
10 --- Primus
11 --- Lying
12 --- Knife
13 --- Revelation
14 --- Truth
15 ---Death
16 --- A Strange Request
17 --- Monsters
18 --- Marked
19 --- Angels & Demons
20 --- Mending scars
21 --- White Room
22 --- Parallel Worlds
23 --- Fire
24 --- Kiss of a Demon
25 --- Stay
26 --- Helen
27 --- Protector
29 --- The Twins' Curse
30 --- To Save or To Kill
31 --- Dos Diablos
32 --- Tainted Kiss
33 --- Sudden Confession
34 --- White Demon
35 --- Puppet
36 --- Bloody Letter
37 --- Trap
38 --- Blur
39 --- Laura
40 --- Fallen Angels
41 --- The End
EPILOGUE
L O S T
T I N D E R
7 - E L E V E N

28 --- Betrayal in Red Suit

23.4K 1.1K 145
By enahguevarra




"Dahil nasa harapan ko mismo si Lucas. Nasa mismong kama ko siya. Nakaharap siya sa akin at nakatingin lang sa akin."

________ _ _ __

NOONG GABI RIN na iyon ay nagising ako ng eksaktong alas-tres ng madaling-araw. May narinig kasi akong malakas na sigaw. Tumayo ako agad at ang una kong ginawa ay ang sumilip sa bintana. Napatakbo ako palabas ng kwarto nang nakakita ako ng nakahigang babae sa may gate ng bahay ni Lucas. Hindi ko mamukhaan kung sino ito ngunit alam kong kailangan niya ng tulong.

Sumunod na rin sa akin si Ares noong pababa na ako ng hagdanan.

"Anong nangyayari? Sino 'yung babae sa labas?" Tanong niya habang kami'y tumatakbo papunta sa pintuan.

Hindi na ako nakasagot dahil sa pagmamadali. Binuksan ko ang pinto at patakbo ko pa ring nilapitan ang nakahigang babae sa may harapan namin. Nilapitan ko pa siya nang husto. Sinuri ko ang kanyang itsura. Mahaba ang kanyang buhok at nakasuot lamang siya ng pantulog. Napansin ko rin ang kanyang duguan na paa. Wala siyang suot na kahit anong sapin sa kanyang mga paa. Nakaharang ang kanyang buhok sa kanyang mukha kaya noong hinawi ko ito'y nakilala ko na kung sino siya.

"Siya yung nurse mo di'ba?" Tanong muli ni Ares na nakatayo lamang sa may tabi ko.

Napatingin ako sa maliit na marka sa may leeg niya. Siya nga yung nurse ko sa ospital.

Dahan-dahan akong tumango, "Oo nga. Ngunit bakit siya narito?" Tugon ko sa kanya.

Bubuhatin na sana siya ni Ares ngunit bigla siyang nagising at agad na lumayo sa amin. Takot na takot niya kaming tinitigan. Palingon-lingon din siya na para bang nagtataka kung nasaan siya.

"A-Ayos ka lang ba?" Wika ko sa kanya.

Pero noong tumingin ako sa kanyang mga mata ay mayroon na naman akong napansin na kakaiba sa kanya. Ang isa niyang mata ay itim na itim at ang isa ay puting-puti.

Ano kayang ibig sabihin nito?

Niyakap niya ang sarili niya at muli na namang naging malikot ang kanyang mga mata. Titingin siya sa akin. Titingin siya kay Ares. Titignan niya ang paligid. Titignan niya ang kanyang sa mga braso at mga paa. Napansin ko ring kinapa niya ang maliit na marka sa kanyang leeg.

"Mali. Hindi ako dapat nandito. Mali. Ano bang ginagawa ko?" Paulit-ulit niyang bulong sa sarili niya. Ilang sandali ay tumingin na siya sa amin, "Pasensiya na. Naglalakad lang talaga ako minsan habang tulog. Pasensiya na talaga."

Iyon lang ang kanyang sinabi sa amin at tumakbo na siya palayo.

Nakalayo na siya ngunit nasa isipan ko pa rin ang duguan niyang mga paa, ang marka sa leeg niya at ang kanyang mga mata.

"Ano siya?" Tanong ko kay Ares pagkaraan ng ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Half-human at half-demon." Matipid niyang sagot at tumingin-tingin siya sa paligid. Naramdaman ko agad ang mahigpit niyang paghawak sa braso ko. Napatingin ako sa kanyang mga mata. "Delikado. Bumalik na tayo sa loob." Ibinulsa niya ang isa niyang kamay sa kanyang suot na pantalon at ang isa namang niyang kamay ay nakahawak pa rin sa braso ko.

Sumunod lang ako sa paghatak niya sa akin.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong nurse na 'yon. Half-human at half-demon? Nakakaawa naman siya ... maari kayang mailigtas-

"Iba siya kay Lucas. Si Lucas ay sinaniban ng hybrid sa katawan. Iyong nurse naman ay pinanganak nang ganun. May demonyo na talaga sa katawan niya mula pa noon. At wala na tayong magagawa para iligtas siya." Lumingon siya sa akin. "Wala na siyang pag-asa. Nakatanim na ang dilim sa pagkatao niya bago pa siya ipanganak. Nasa kanya na lamang kung paano niya kokontrolin ito."

Noong natapos siya sa pagsasalita'y nasa harapan na kami ng kwarto ko. Tango na lamang ang naging tugon ko sa lahat ng sinabi niya.

"Matulog ka na uli. Kailangan mong magpahinga." Mahinang sinabi ni Ares at pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang kwarto.

Pumasok ako sa kwarto na punong-puno pa rin ng katanungan sa aking isipan.

________ _ _ __

Kinabukasan ay maaga akong pumuntang bayan upang bumili ng mga kailangan upang makapagluto ako. Ginamit ko na lang ang natitirang pera sa bahay upang makabili ng mga kailangan. Sapat na ito para sa dalawang araw namin ni Ares.

At naniniwala akong babalik na sila ... kung hindi ngayon ... baka bukas.

"Ma'am, 786 pesos po lahat," wika ng cashier at binigay ko naman agad sa kanya ang bayad ko.

Noong lumabas na ako ng supermarket ay may namataan akong pamilyar na babae sa di kalayuan.

'Yung nurse!

Napatakbo ako bigla upang maabutan ko siya. Lumingon naman siya sa akin nang nakuha ko ang kanyang atensyon.

"Kamusta ka na?" Napatingin ako sa mga paa niya pero wala na yung mga sugat. Ngayo'y nakasuot siya ng kulay puting tsinelas. Paano ito nawala?

"Miss, pasensiya nitong madaling-araw. Kalimutan mo na lang iyon." Mabilis niyang sinabi saka nagmamadaling lumayo sa akin.

"Alam ko kung ano ka," malakas kong sinabi.

Sapat na ang ilang salitang iyon para lumapit siya agad sa akin habang patingin-tingin sa paligid. Hinatak niya ako palayo sa mga tao. At para bang kabado na tumingin sa akin.

"Alam mo kung ano ako?" Nagtataka niya tinanong sa akin.

Tango lamang ang naging tugon ko.

"Paano?" Tanong niya muli.

"Hellhound yung kasama ko at ako naman ang minarkahan ng liwanag at dilim. Alam namin kung ano ka." Mahina kong sinabi sa kanya.

Nanlalaki ang kanyang mga mata at para bang maiiyak na lamang sa mga susunod na sandali. Bahagyang hinangin ang buhok niya na agad niyang inayos.

"Kaya pala napanaginipan kita. Kaya pala kusang pumunta ang sarili ko sa bahay ninyo. Kaya pala ... kaya pala ..." Napahawak siya sa aking mga kamay na naging dahilan ng pagkabitaw ko sa mga pinamili ko. "Ikaw pala ang minarkahan ng liwanag at dilim. Ikaw pala..."

Wala akong ideya sa kung ano ang ibig sabihin niya pero nginitian ko lang siya.

Bigla siyang napahawak sa marka sa kanyang leeg na para bang nasaktan siya nang dahil dito. Napabitaw siya sa mga kamay ko.

"Kailangan ko nang umalis. Alam kong magkikita pa naman tayo," tumingin siya nang deretso sa aking mga mata. Bigla ko tuloy naalala ang mga mata niya kagabi. Ang isa'y itim at ang isa'y puti. Napakaganda nito ngunit nakakapangilabot din sa pakiramdam.

Naglakad na siya palayo ngunit agad din siyang tumigil at lumingon sa akin.

"Ano nga uli ang pangalan mo?" Tanong niya.

"Leah," tugon ko.

"Leah," pag-ulit niya.

________ _ _ __

Isang araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa ring bumabalik sina Lucas. Lubha na kaming nag-aalala ni Ares hanggang sa .... biglang may pumasok sa bahay. Agad kaming pumunta sa may sala upang tignan kung sino ang mga iyon.

Hindi nga kami nagkamali.

Nakita namin si Pandora na akay-akay ang duguang si Damasen. Maging si Pandora ay may ilang sugat din. Hawak naman ni Damasen nang mahigpit ang panlimang libro. Bumagsak ang kanilang mga katawan sa gitna ng sala.

Napatakbo ako papunta sa kanila.

"Anong nangyari? Nasaan si Lucas?" Tanong ko agad.

"H-Hindi namin alam. Nagpaiwan siya ... sabi niya ... babalik siya." Sagot naman ni Pandora. Tumingin siya sa akin gamit ang matalim niyang titig. "Bago mo siya hanapin. Gamutin mo muna si Damasen, mangmang!"

Bigla akong nataranta. Itinayo namin ni Ares si Damasen at iniupo siya sa sofa. Agad akong umakyat sa pangalawang palapag upang kuhanin ang first-aid kit ko sa kwarto. Agad kong sinimulan na linisan ang mga sugat ni Damasen at lagyan ito ng mga gamot. Dahan-dahan kong dinadampi ang bulak sa sugat niya upang hindi na siya mas masaktan pa. Itinaas ko ang kanyang polo at lilinisin ko na sana ang sugat niya rin doon nang bigla akong pigilan ni Ares.

Napatingin lamang ako sa kanya habang nagtataka sa kinilos niya.

"Ako na ang bahala dyan." Kagaya ng tingin ni Pandora ay matalim din niya akong tinititigan na para bang may nagawa akong mali. "Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa kanilang dalawa."

Hanggang sa naglalakad na ko paakyat ng kwarto ko ay nagtataka pa rin ako. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi magpahinga at uminom nang uminom ng mga gamot upang mas mapabuti na ang lagay ko. Bakit ganito na naman ang kinikilos nitong si Ares?

Napabuntong-hininga na lang ako. Baka talagang concern lang sakin yung hellhound na iyon.

Pagkahigang-higa ko sa kama ay agad kong naramdaman ang antok. Ilang sandaling pagpikit lang ang ginawa ko at nakatulog na ako agad. Napunta na naman ako sa isang kakaibang panaginip.

Sa panaginip ko ay may tatlong pinto na nakasarado sa harapan ko. Nasa isa akong kagubutan at tanging mga uwak na lamang ang naririnig ko. Kulay itim ang unang pinto, kulay puti ang gitnang pinto at kulay itim na naman ang pangatlo. Nararamdaman ko na kailangan kong pumili sa tatlong ito kaya agad kong nakita ang sarili ko na lumalapit sa gitnang pinto. Kinakabahan man ay binuksan ko ito.

Bumungad sa akin si Lucas na nakangiti. Naka-puting suit siya. Nakaayos ang kanyang buhok sa ilalim ng puti rin niyang sumbrero at matamis pa rin ang ngiti niya sa akin. Agad ko siyang niyakap sa sobrang kasiyahan.

Hanggang sa bigla kong naramdaman ang pagbaon ng kutsilyo sa may tagiliran ko. Napakabilis ng pagtulo ng dugo mula rito.

Dahan-dahan akong humiwalay sa pagkakayap ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata kong tinitignan ang pangngisi ni Lucas habang hawak pa rin niya ang kutsilyong isinaksak niya sa akin. Ang dati'y puting-puti niyang suit ay may bahid na ng dugo ko ngayon. Unti-unti itong kumalat sa buong suit niya hanggang sa pula na ito lahat pati rin ang kanyang sumbrero.

Bigla niyang binitawan ang kutsilyo at sumugod sa akin.

Nagising na ako 'nun at halos hindi ako makapaniwala sa nasa harapan ko.

Alam kong gising na ako, alam kong nasa realidad na ako. Alam kong totoo itong lahat. Dahil nasa harapan ko mismo si Lucas. Nasa mismong kama ko siya. Nakaharap siya sa akin at nakatingin lang sa akin.

"Lucas ... nagbalik ka na." Bahagya akong umupo. At sa pwesto namin ay sobrang magkalapit na kaming dalawa. Yayakapin ko na sana siya ngunit nangyari ang hindi ko lubos na inaasahan.

Bigla niya akong sinakal. Sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya ay naramdaman ko na ang dugo ko na umaakyat sa ulo ko.

"Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Paulit-ulit niya sigaw.

________ _ _ __

A/N:

Salamaaaat sa pagbabasa! I-comment ang naiisip sa kung ano ang nangyari na naman kay Lucas, kung gaano kakyot si Ares at ang pag-entrance ni maknae Minzy hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

133K 7K 47
Famine, war, and death. These were the things Rita saw during the Japanese occupation in the Philippines. The country was under the shade of Imperia...
179K 572 5
Keila Adrienne Ferrell Montenegro a cold hearted woman but it all changed when she laid her eyes on a hot and sexy conceited man. Will she be able to...
43.6K 2K 51
Highest rank: #1 in Spiritual Book 2 of Christ Illumination. Still Christian and Illuminati story. She's a mortal. He's an immortal. She's kind heart...