STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata LXV

4K 162 10
By faithrufo

"Purposely holding your feelings back because you know it's for the best."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Naka upo ako sa may fire exit sa tapat ng classroom namin. Isa itong pulang hagdan na naka kabit sa gilid ng building namin. Recess ngayon at gusto ko lamang mapag isa. May kirot akong nararamdaman sa dibdib ko at pakiramdam ko ay anytime maiiyak na ako. Napupuno na ako ng lungkot at parang gusto kong sumigaw o 'di kaya'y mawala nalang bigla.

Asher, Asher, Asher. Bakit ba kasi ikaw pa?

Siya lang. Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang makakapag pasaya sakin. Hindi ko na ma-imagine ang buhay ko na wala siya. Sobrang na-attach na ako sakanya at hindi ko yata kakayanin kung talagang mawala siya. Please Lord, kahit isang pakita niya lang sakin na importante ako sakanya, tatanggapin ko. 'Wag lang 'yung ganito Lord, please.

Ano na Asher? Kailangan ko nanaman bang ibaba ang sarili ko para lang magka ayos tayo? Kaya ko. Kaya kong mag mukhang tanga para sa'yo. Pero kasi hindi na tama. Pakiramdam ko ay naaabuso na ako. Kaya masama bang hilingin na ikaw naman ang mag-effort ngayon? Patunayan mo sakin na importante din sa'yo ang kung anong meron tayo. Please, Asher. Kailangan kita para patunayan na may pag asa tayo at hindi ako mananatiling nangangarap.

Huminga akong malalim at nanginig ang buong katawan ko, nagsi taasan ang mga balahibo ko at pakiramdam ko ay may kumurot sa puso ko. Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at naramdaman ko ang pag tibok ng ulo ko. Nahihilo ako at parang gusto kong masuka dahil sa kabang nararamdaman ko. Bakit ako kinakabahan? Parang may nase-sense ang katawan ko na hindi ko pa nakikita.

Iniangat ko ang ulo ko para tumingin sa paligid nang makita ko siya na nakatayo sa harapan ko. Ang bilis mo Lord ah. Dug. Isang malakas na kalampag ng puso ko ang yumanig sa buong pagka tao ko. Oh my shit.

Tulungan niyo ako, hindi ako maka hinga.

"Asher.." maliit ang boses ko at punong puno ng pag aalinlangan. Anong ginagawa niya dito sa harapan ko?

Humakbang pa siya lalo papalapit saakin hanggang sa bumangga na ang tuhod ko sa magka bila niyang hipbones. Huminga siyang malalim, "Adi.."

"A-Anong.." Hindi ko magawang magsalita. Nagbara ang lalamunan ko at ayaw lumabas ng mga gusto kong sabihin.

"Pwede ka bang maka usap?" tanong niya. Malungkot ang boses ni Asher at agad akong nakaramdam ng urge na yakapin siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko bago ako sumagot, "Oo naman," ani ko at medyo umusog para maka upo siya sa tabi ko.

Oh my shit, oh my shit, oh my shit uupo siya sa tabi ko.

Tumama ang balikat niya sa balikat ko at dumikit ang balat niya saakin. Napahigpit ang hawak ko sa bakal na kinakapitan ko nang maramdaman ko ang buong katawan niya sa tabi ko. Hihimatayin na ata ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Sana ay hindi nanaman ito isa sa mga usapan nila kung saan maayos sa simula tapos mag aaway nanaman sila sa huli dahil nakakapagod na ang ganun na pulit ulit nalang. Gusto ko lang sana maging masaya kasama siya kahit saglit kaya naman sana'y maayos matatapos ang usapan na 'to.

Nilakasan ko ang loob ko at tinignan si Asher. Naka tingin siya sa baba at naka kagat sa ibabang labi niya. Medyo naka kunot ang noo niya at natatakpan ng mahahaba niyang pilik mata ang magaganda niyang mga mata. Na-miss ko ang mga ito. Sana lumingon siya sakin, kahit saglit, tignan niya lang ako. Na-miss kong mawala sa mundo tuwing nagtatama ang tingin namin.

Pinanood ko ang pag kawala ng ibabang labi niya sa pagitan ng ngipin niya. Napaka plump ng mga labi ni Asher at napaka pink, nakaka akit. Bakit ba napaka perpekto nitong lalaking 'to sa paningin ko?

Saglit siyang sumulyap saakin at naramdaman ko ang dahan dahan at pasimple niyang pag kuha sa kanang kamay ko hanggang sa tuluyan niya na 'tong hawak sa dalawang kamay niya.

"Inatake sa puso si Mama nung kelan," bigla niya nalang sinabi. Malakas akong napa singhap at agad na nanlamig ang buong katawan ko. "Nagka sagutan kasi sila ni Papa."

"Ano nangyari? Okay na ba siya?" Bigla nalamang lumiit ang mga problema ko. Wala na akong pake sa mga 'yon. Wala iyon kumpara dito sa problema ni Asher.

"Okay na siya," sagot ni Asher at medyo lumuwag ang pakiramdam ko. "Na agapan naman namin."

"Buti naman," sabi ko sakanya. Nag aalala ako para kay Asher, alam ko kung gaano niya kamahal ang nanay niya. Panigurado ay natakot 'to. Itinaas ko ang kamay ko at inalis 'yung buhok niya na humaharang sa maga mata niya bago haplusin ang pisngi niya. "Ikaw ba? Okay ka lang?"

Tinignan niya ako bago pumikit at pakiramdaman 'yung kamay kong nasa mukha niya. "Okay na.." mahinang aniya bago dumilat para tignan ako. "Sorry Adi kung ngayon lang kita nilapitan. Hindi ko kasi kayang pag sabayin 'yung kay mama tapos 'yung satin."

Ibinaba ko na ang kamay ko at hinawakan nalang ang mga kamay niyang nakahawak sa kanang kamay ko. "Naiintindihan ko naman," sabi ko sakanya.

Tumango siya, "Salamat."

Mas maganda siguro kung hindi ko na muna itanong sakanya ang mga bagay na gusto kong tanungin. Andito si Asher sa tabi ko bilang bestfriend ko. Kailangan niya ako para pagaanin ang loob niya at wala akong planong dagdagan pa ang lungkot na nararamdaman niya ngayon. Sa susunod na ang mga problema mo Adrianna, kapag okay na si Asher, doon niyo na pag usapan.

"Kaya ba nag absent ka?" tanong ko sakanya.

"Oo," sagot naman niya. "Natatakot kasi ako na baka maulit nanaman kaya hindi ko siya maiwan pero si kuya na nagbabantay sakanya ngayon kaya nakaka pasok na ako."

"Eh si tito?"

Nag tagis ang mga bagang niya sa pag banggit ko sa tatay niya at babawiin ko na sana nang magsalita siya. "Ayun, umaarte na parang walang nangyari."

"Ano bang pinag awayan nila ni Tita?"

Bahagyang napatawa at napa iling si Asher, "Simpleng basang tuwalya. Muntik niya nanaman ngang pag buhatan ng kamay ni Mama, nasaktan na niya siguro kung wala lang kami ni Kuya Griffin doon."

Medyo napa awang ang bibig ko, "Nananakit nanaman si Tito?"

Mabigat ang kamay ng tatay ni Asher at malakas ang loob nito dahil isa siyang pulis. Noon ay si Asher ang palaging tinatamaan. Kaya nga mataas din ang respeto ni Asher sa Kuya niya dahil ito ang tagapag tanggol niya noong hindi pa siya marunong lumaban.

Akala ko umayos na si Tito, kaya naman laking gulat ko sa nabalitaan ko. 'Wag naman na sana siya bumalik sa dati, natatakot ako para sa kapakanan ni Asher.

"Wag ka mag alala," sabi sakin ni Asher. "Malakas na ako ngayon, kaya na namin siya ni Kuya."

Tumango ako para ma-boost ang confidence niya ngunit hindi ko parin mawala ang pag aalala ko.

Bago pa man ako makapag salita, tumunog na ang bell. Isang signal na tapos na ang recess. Naunang bumaba si Asher sa inuupuan namin sabay inalalayan niya ako pababa.

"Balik na ako samin," sabi ko sakanya.

Tumango siya at binitawan na ang mga kamay ko bago siya humakbang paalis hanggang sa tuloy tuloy na siyang naglakad palayo.

Pakiramdam ko ay pasan ko na ang buong mundo at naka kuba akong bumalik sa loob ng classroom namin. Wala sa mga kaibigan ko ang naka pansin ng mood ko. Maski ang pag upo ko sa sarili kong upuan ay nakakapagod, parang bibigay na ang buong katawan ko.

Natutulog parin si Jared at naisipan kong gisingin na siya bago pa dumating ang teacher namin. Ilang beses ko siyang kinalabit bago niya inangat niya ang ulo niya at dahan dahang dumilat. Nagkatinginan kami at alam ko na agad niyang napansin ang lungkot ko dahil bigla nalamang nawala ang antok sa mga mata niya.

"What happened?" nag aalalang tanong niya at parang gusto ko nalang kumandong sakanya at yakapin siya para maka iyak ako habang ibinubuhos sakanya lahat ng hinanakit ko.

Mas pinili ko nalang na hindi na muna magsalita. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. Ni hindi ko na pinunasan 'yung luha na tumulo sa gilid ng mata ko papunta sa sleeve ng uniform niya.

"It's gonna be okay," mahinang bulong niya bago ko naramdaman ang pag halik niya sa tuktok ng ulo ko.

It's gonna be okay daw Adrianna, kaya mo 'yan.

Continue Reading

You'll Also Like

557K 18.4K 49
******** Nandun kami, nakatayo sa harap Nya. Isang pari ang sumasambit ng mga kataga para kami ay mapag- isa. Tiningnan ko ang mga mata nya at na...
45.8K 970 25
Published by PSICOM | P175.00 - She fell for him, lost in his love but going deep through their relationship things get down. She's hurt, but too you...
1.5K 329 41
Enemies to Lovers? Real Quick! Si Catalina ay isang bakery owner. Boyfriend nito si Renn na tumutulong sa kaniya sa bakery. Katapat naman ng bakery n...
850K 19.7K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...