The Witness Acts

By kieanchiimo

29.3K 464 79

She is Selina Ortiz, a best friend of a girl who was raped by four men and to top that shit, she was a witnes... More

The Witness Acts
Prologue
Act 1: Kung Malaya Lang Ako
Act 2: Happy Birthday, Kira
Act 3: Sobra Na
Act 4: Kimiresekyree
Act 5: A New Beginning
Act 6: Yuri Hiroshima
Act 7: Issue and the Cold
Act 8: The Cold Came
Act 9: Insecurity
Act 11: Payback
Act 12: Fight
Act 13: Beg
Act 14: Blackmail
Act 15: Problems
Act 16: Slip
Act 17: Karma
Act 18: How to be a Dad
Act 19: Stress
Act 20: Secret Smiles
Act 21: As Well
Act 22: The Logic
Final Act: On Bended Knees
Epilogue

Act 10: Reunited

814 15 0
By kieanchiimo

**

Kung may mali sa grammar, pasensya na. Pero nire-reread ko naman ang chapters sa mobile kaya naaayos ko rin sya at ineedit minsan. :)

**

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 10

Reunited

[Selina]

Kahit labag sa kalooban ko na bumangon agad sa kama, ginawa ko pa rin dahil kanina pa may istorbo sa labas at nagdo-doorbell. Tinignan ko ang oras sa alarm clock na nasa desk ko. 10:18am.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at dumirecho sa pinto upang buksan ito. Hindi pa ko naghihilamos at nagtu-toothbrush pero who cares? Pwede namang takpan ng towel ang bibig ko pag magsasalita. At isa pa, maaga pa. Wala naman akong ineexpect na bisita. Magkaaway pa rin kami ni Jesse kaya tiyak kong hindi sya ang taong nasa labas ngayon. Baka bills lang o kaya kung anu-ano.

Pagbukas ko ng pinto, nagkukusot-kusot pa ko ng mata ko. May muta pa kasi. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko hanggang ngayon. Nang mamukhaan ko ang babaeng nakatayo sa harap ko, tinitigan ko pa sya mula ulo hanggang paa sabay bagsak ko ng pinto pasara.

"Nananaginip pa ata ako. Makapaghilamos nga muna." saad ko sa sarili ko na parang tanga habang papunta ng banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Hindi pa man ako tapos maghilamos, may nag-doorbell na naman.

"Ano ba!! Alam kong may sakit ako ngayon pero sobra na akong tine-take advantage ng lagnat na 'to ah!" sigaw ko pa habang may sabon ang mukha ko.

Hinilamusan ko na ang mukha ko. Unang doorbell, dineadma ko. Magsisipilyo na ko at may nag-doorbell na naman. Deadma ulit. Hanggang sa paulit-ulit at nonstop na yung pagdo-doorbell ng kung sino man yung tao sa labas at nainis na ko, pinuntahan ko na.

Pagbukas ko ng pinto, tinitigan ko ulit sya mula ulo hanggang paa. Maganda sya, maputi, makinis, at higit sa lahat, nakabusangot ang pagmumukha. kinusot ko pa ulit yung mata ko kahit na kakahilamos ko pa lang sabay tingin ko sakanya ng malapitan. pumunta pa ko sa likod nya para alaming kung totoo 'tong nakikita ko ngayon.

"Likod naman nya 'to. Kamukhang kamukha mo sya." kinuha ko pa yung ilang hibla ng buhok nya. "May kakambal na ba yung babaeng yun?" pagharap ko sakanya, nawi-weirduhan na yung itsura nya.

"Hi. Ako si Kira. Pwede bang tumigil ka na sa kaka-inspeksyon sa itsura at katauhan ko dahil ako 'to. Selina, buhay ako." pagkatapos nyang sabihin yun, bigla na lang nya kong niyakap nang sobrang higpit na halos di na ko makahinga. "Ghaaaad, I missed you!"

Oh.My.Gosh.

Si Kira nga itong kaharap at kayakap ko. Hindi ako nananaginip ngayon.

"Bakit ang init mo?!" kumalas sya sa yakap nya sa akin at hinawakan ang noo ko. "May lagnat ka! Nagpaulan ka ba kahapon, ha?!" nakatulala lang ako sakanya. Dina-digest pa rin ng utak ko ang mga nangyayari ngayon.

Hindi ko sya sinagot at niyakap ko sya. Sobrang higpit rin tulad ng yakap nya. "Kira..." nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. "Ikaw nga 'to, di ba?? Buhay ka nga. Kira naman eh.." pilit nya kong iniaalis sakanya pero hinihigpitan ko lang lalo ang yakap ko sakanya.

"Ano ka ba, Selina.. Di ako makahinga." kumalas na ko sa yakap ko sakanya nang maramdamang di na nga sya makahinga. Nginitian pa nya ako at pumasok na kami sa loob. "Na-miss ko 'tong unit natin." tinignan-tignan nya ang paligid. "Ganun pa rin, walang pagbabago." umupo sya sa sofa.

Sa nakikita ko ngayon, mukha namang maayos ang lagay nya. Nakikita ko rin na masaya sya. Nakakapagtaka lang. Kung na-rape sya, bakit ganito ang ekspresyon ng mukha nya? Hindi ba dapat panay galit at pighati ang nakikita ko sakanya?

"Kamusta ka na?" nakangiti nyang tanong sa akin. Nakayuko lang ako dahil nahihiya ako sakanya.

Alam ko pa rin naman sa sarili ko na may kasalanan rin ako sa mga nangyari sakanya noon. Hindi ko sya naipagtanggol. Nakakahiya dahil nasaksihan ko yung paghihirap nya at wala man lang akong nagawa. At ngayon, kaharap ko na sya. Nagui-guilty ako.

Tumayo sya at nilapitan ako sabay hawak sa magkabilang balikat ko. "Alam ko kung ano ang iniisip mo. Wala kang kasalanan, okay? Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung pati ikaw eh sinapit yung nangyari sa akin." nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya.

Alam nya na nakita ko ang mga yun? Pero paano? Si Jesse, Kylie, at Mike lang naman ang nakakaalam nun. Hindi kaya nagkita na sila ni Kylie pati rin ni Mike??

"Sinabi sakin ni Kylie at Mike nung nasa Japan ako." sa Japan? Anong ginawa nya dun?

"Sorry.. Wala akong nagawa nung mga oras na yun. Kahit pa sabihin mong di mo mapapatawad ang sarili mo kapag nangyari din sakin yun, wala akong pakialam. Dapat may ginawa ako.. Sorry.. H-hindi ko alam ang gagawin ko nun. Masyado lang akong--" di nya ko pinatapos at tinakpan na lang ang bibig ko sabay yakap sa akin.

"Ipagluluto kita ng lugaw. May sakit ka. Lalala yan kapag nag-drama ka pa jan." natawa namain kaming dalawa.

Ang sarap sa pakiramdam na makita ko syang malusog at mukhang walang problema. Pero hindi ko pa rin naitatanong kung anong nangyari sakanya pagkatapos ng kaganapang iyon. Bigla na lang silang nawala.

Pinanuod ko lang sya habang nagluluto ng lugaw. Hindi ako nakapasok ngayon dahil naulanan nga ako. Ang galing kong estudyante. Hindi na nga ako nakapasok kahapon, hindi pa ako pumasok ngayon. Malalagot na ko nito sa mga professor ko. =__=

"Eto na. Kumain ka na. Pagkatapos mo jan, may pupuntahan tayo." nag-wink pa sya sa akin.

Dalawang buwan ko syang nakita at ang saya ko talaga ngayon dahil wala pa ring nagbago sa kaibigan kong ito. Yun nga lang, parang tumaba ata sya?

"Tumataba ka. Ang lakas mo sigurong kumain noh?" tukso ko sakanya.

Tumawa sya ng malakas. "Oo eh. Ang sarap kayang kumain! Ikaw nga pumapayat. Lagi kang stressed noh? Nako ha. Lalaki yan noh?"

"H-hindi ah! Diet ako! lalaki ka jan. Bat naman ako maiistress nang dahil sa lalaki! Duhh!"

"Defensive! Next time wag ka na lang sumagot kung mapaghahalataan ka naman masyado. Hahaha!" kainis 'tong bruhang 'to! Bumalik lang, may nang-aasar na naman sa akin nang todo.

"Ang alam ko, ako ang Psychology student sa ating dalawa. Bakit kung makaasta ka, kala mong alam mo ang curriculum ng course ko, ha?" inirapan ko nga kaya tumawa na naman sya.

"Magaling lang talaga ako, Sel. Kumain ka na lang jan at may pupuntahan pa nga tayo." binelatan pa nya ako.

Nang matapos akong kumain, naligo na ko kahit sinabi nyang magpunas lang ako. Yoko nga. Mamaya di ako presentable tignan. Wasted na nga ang itsura ko dahil may sakit ako, papaka-wasted pa ko lalo?

"Saan ba tayo pupunta? kakakita lang natin ulit at may sakit ako ngayon, gusto mo pa kong igala kung saan-saan? Napakabait mo talagang kaibigan. Buti na lang talaga at na-miss kita." sarcastic kong sinabio sakanya pero syempre, joke lang yun. Gusto ko ngang gumala ngayon. Buti na lang at hindi na naulan.

"Wag ka nang magtanong pa jan. Lika na." nagpakaladkad na lang ako sakanya. Nagulat pa nga ako na may kotse sya kaya lang, may driver rin.

"Wow ha. Nawala ka lang ng ilang buwan, umasenso ka na. Nag-casino ka ba nung mawala ka? yung totoo?"

Tinulak nya nang mahina ang ulo ko. "Sira. Di akin 'to." humarap sya sa driver. "Mang Tino, si Selina po pala. Bestfriend ko." tinignan ako nung driver sa salamin at ngumiti sa akin.

"Hello po." ngumiti rin ako.

"Tara na po." nag-start nang mag-drive si Mang Tino.

Mga 15 minutes ang lumipas, nakarating kami sa isang ospital. Ano naman ang gagawin namin dito? Don't tell me, ipapa-check-up pa nya ko??

"What are we doing here?" tanong ko sakanya pagkapasok namin sa loob. Hindi nya ko pinansin at kinalikot lang ang cellphone nya na Samsung Galaxy Note. Okay, sya na ang malaki ang phone.

Maya-maya pa, may sumulpot na sobrang hot na lalaki with a white coat na halata namang doktor dahil may nakasabit na stethoscope sa leeg nya. Nakangiti sya at sobrang gwapo nya. Singkit yung mga mata nya at gulo-gulo ang buhok nya. Hindi ko tuloy napigilang kiligin. Nakalimutan kong may boyfriend ako pero ewan. Kami pa ba? Pagkatapos ng ginawa nya sakin kahapon, kami pa rin ba?! Ha!

Alam nyo ba kung ano yung ginawa nya sakin kahapon?? Tinalakan lang naman nya ko sa harap ng maraming tao. Kesyo bakit daw nilalapitan ko pa si Jethro, bakit mangiyak-ngiyak daw ako nung tinalikuran ako nung tao, bakit daw nanlalandi pa daw ako!! Pagkatapos nun, kinaladkad nya ko palabas. As in kaladkad! Ang sakit nga ng wrist ko eh. Nang makawala ako sa pagkakahawak nya, tinalakan na naman nya ko tapos iniwan ako sa gitna ng parking lot. Eh umulan. gagung yun! Di man lang inisip na wala akong payong!

At yung nangyari samin ni Jethro nang lapitan nya ko? Wala rin. Kasi iniwan ko syang nakatayo dun. Matapos nyang sabihin na layuan ko sya, sya itong lalapit bigla? Sinong parang tanga sa aming dalawa? Tch. Bahala sya sa buhay nya. Pero infairness, na-guilty ako sa pag-iwan sakanya kaya hinintay ko syang bumalik sa sasakyan nya bago ako umuwi sa unit ko nang basang-basa.

"Kiraaaa..." napapangiwi ako sa kilig. Papalapit nang papalapit samin yung doktor. Mukhang bata pa sya. Oh my gosh! So hot! "Ang gwapo nyaaaa.. Nakakaihi ang ka-gwapuhan nyaaaaa. Kyaaaaaaa.." nakahawak pa ko sa kamay nya nun at pinipisil-pisil dahil sa kakiligan ko.

"Wag mong babalaking gumanyan sa harap nya. Sasampalin kita." tapos inismiran nya ko. Problema nito? Eh sa ang gwapo naman talaga nung doktor.

Nasagot yung tanong ko nung nasa harap na namin sya. Nag-sparkle pa nga at ang mga mata ko at todo ang ngiti ko kaso, bigla nyang hinalikan si Kira sa pisngi nito at mmmmm!! kitang kita ng mga mata ko na nag-blush ang bruha!

Nawala lang ng ilang buwan, may jowa na agad!! >___<

"Selina, si Lee Jimenez nga pala. Boyfriend ko." nakatulala lang ako sa kanilang dalawa nung biglang may dumating at tumawag sa gwapong gwapong boyfriend nya.

"Lee!!" paglingon ko, si Jesse pala. "Selina??"

"What are you doing here??" sabay naming tanong sa isa't isa.

Napatingin ako kay Kira. Hindi mo maipinta ang mukha nya. Napatingin rin ako kay Lee at naihilamos nya ang kamay nya sa mukha nya.

"Magkakilala kayo??" sabay rin naming tanong ni Kira sa isa't isa.

"Let me explain." sabi naman ni Lee.

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1M 29.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend