A Deal is a Deal

By BigBossVee

20.8M 175K 19.8K

Umupo si Greg sa swivel chair nito at pinagmasdan siya. "Okay. Bibilhin ko ang Oregon Building under your nam... More

A Deal is a Deal
READ THIS FIRST!
Chapter One - Snatched and... Arrested?!
Chapter Two - Meeting with the Gods
Chapter Three - Payback Time
Chapter Four - Bree is back!
Chapter Five - Expect the Unexpected
Chapter Six - Bree's favour
Chapter Seven - The Deal
Chapter Eight - In Need of Help
Chapter Nine - Venus' Secrets
Chapter Ten - Lost and Cold.
Chapter Eleven - That was close! Phew!
Chapter Twelve - Stupid Gaby!
Chapter Thirteen - "I'm with my wife."
Chapter Fourteen - Kyra and Geoff
Author's Speech. (Ansaveh?)
Chapter Fifteen - Steamy Conversation
Chapter Sixteen - I'm Not a Ragdoll!
Chapter Seventeen - First Kiss
Chapter Eighteen - Lunch with the Billionaire
Chapter Nineteen - The Accident
Chapter Twenty - Love songs and Unknown feelings
Chapter Twenty One - Hontiveros Clan and Kristina
Chapter Twenty Two - Jealousy
Chapter Twenty Three - Her Darkest Secret
Chapter Twenty Four - The Visitor
Chapter Twenty Five - Time to Tie the Knots (Part One)
Chapter Twenty Six - Time to Tie the Knots (Part Two)
Chapter Twenty Seven - Performance Night (Part One)
Chapter Twenty Eight - Performance Night (Part Two)
Chapter Twenty Nine - Performance Night (The Climax)
Chapter Thirty (Bonus Chapter)
Chapter Thirty One - A Restless Geoff
Chapter Thirty Two - Who's teased now?
Chapter Thirty Three - Confessions. Lies. Betrayals.
Chapter Thirty Four - Time to wake up Bree!
Chapter Thirty Five - Miss me?
Chapter Thirty Six - Kyra's Plan
Chapter Thirty Seven - Turning Point
Chapter Thirty Eight - First Homecoming
Chapter Thirty Nine - A Father's Love
Chapter Forty - The Fashion Show
Chapter Forty One - Revelations
Chapter Forty Two - Unplanned Surprises
Chapter Forty Three - Still the Same
Chapter Forty Five - Mirror
Chapter Forty Six - Second Thoughts
Chapter Forty Seven - Shower & Conference Room
Chapter Forty Eight - Claws
Chapter Forty Nine - Shiver
Chapter Fifty - Missing
Chapter Fifty One - Sunset Drive at 8
Chapter Fifty Two - Nightmare
Chapter Fifty Three - Two lines
Chapter Fifty Four - Avowal

Chapter Forty Four - So Close

348K 3.4K 535
By BigBossVee

Chapter 44

NP: So Close by Jon Mclaughlin

It was already five pm in the afternoon. Kinakabahan pa din siya sa dinner date nilang dalawa ni Greg mamayang alas siete. Bakit ba siya pumayag? Bakit ba siya pumayag na magpahalik dito? Bakit ba siya tumugon? Kulang nalang ay sabunutan niya ang kanyang sarili dahil sa katangahan.

No, Gaby! Kailangan mo siyang pahirapan! Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan. Sobrang tanga niya dahil nagpahalik siya ng ikadalawang beses sa lalaking iyon! What the hell? Siguro kung nasa kwarto pa sila ay sa kung saan pa humantong ang halik na ‘yon. Jeez! Hindi nalang siguro siya pupunta sa dinner date nilang dalawa. Baka umiral na naman ang kanyang katangahan at tumugon ulit sa mga halik ni Greg.

Pero kung hindi siya pupunta, magmumukha siyang duwag. Baka isipin pa lang ni Greg ay apektado pa din siya dito. Na baka’y apektado pa din siya sa halik na pinagsaluhan nila kanina. Pinilig niya ang kanyang ulo. What the hell is happening to her? Para siyang teenager na ninakawan ng first kiss kung maka asta. You have to act like you don’t care. Simple as that.


Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok ang nakangiting anak niya. “Mommy! Mommy! Can I eat vanilla ice cream? Pretty please?” Tumakbo ito sa kanya at nagpakandong. Hinalikan niya ito sa pisngi. “But you already ate chocolate chip cookies, Gavin. Magkakatonsilitis ka na naman.”

Biglang pumasok ang dalawang anak ni Kuya Albert. Si Ashleen na kasing edad ni Gavin at si Connie na apat na taong gulang. “Tita! Tita! Daddy said we can have some ice cream! Right, Ate Ashleen?” Tanong ni Connie sa ate nitong si Ashleen. “Yes, Tita. Dad said we were good girls today.” Sagot naman nito.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang tatlong bata. Pinapunta kaagad ni Albert ang dalawang anak nito para may kalaro si Gavin. Mabuti nalang at nagkakaintindihan naman ang tatlong bata. Nilingon niya ang kanyang anak na naka-pout pa ang lips at nag puppy eyes sa kanya. “Gavin, just one cup okay? And promise me you’ll drink lots of water afterwards?”

Tumango naman kaagad ito. “Yes, Mom. Promise!” Pagksabi noon ay nag-unahan na ang tatlo sa paglabas ng kanyang kwarto. Napangiti siya. Ang bilis lang nitong nakapag-adjust sa kanyang mga pinsan. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya lubos maisip na alam na ng kanyang buong pamilya ang tungkol kay Gavin.

Pati ang kanyang Daddy.

Nakakagulat nga dahil sa mala bombang rebelasyong sinabog niya, ni pagtataka at pagkagulat ay hindi rumihestro sa mukha ng kanyang Daddy. Para bang matagal na nitong alam ang sikretong tinatago niya. Naging malapit kaagad si Gavin sa lolo nito. Pero dahil nga’t hindi pwedeng puyatin ang kanyang ama ay lima hanggang sampung minuto lang nitong nakakausap ang matanda.

Even her brothers adored Gavin. Natatawa daw sila sa kakulitan ng kanyang anak. Even James said one time, “Manang-mana talaga sa ama nito.” Pinandilatan niya ito. Buti nalang at hindi iyon narinig ni Gavin dahil busy ito sa pakikipaglaro kina Ashleen at Connie.

“Gab, bakit hindi ka pa nag-aayos? Mag aalas sais na ng gabi. Matagal ka pa namang mag-ayos.” Biglang bungad sa kanya ni Kuya James. Pumasok ito sa kanyang kwarto at naupo sa sofa.

Napabuntong-hininga siya. “Kuya, hindi na ako matutuloy.”

Tumaas ang isang kilay nito. “At bakit naman? Di ba mahal mo pa si Greg hanggang ngayon?”

Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Mahal pa nga ba niya si Greg? Makalipas ang anim na taong hindi pagkikita ay nanatili pa din ba ito sa kanyang puso at isipan? Napasandal siya sa kanyang upuan.

“Hindi ko ata kayang makasama siya ng ilang oras na hindi naiisip ang ginawa niya sa akin noon.” Sagot nalang niya.

Matagal din itong hindi nakapagsalita. “Parehas lang naman kayong may atraso sa isa’t isa eh.”

Napalingon siya dito. “Ha? Ano naman ang atraso ko sa kanya?”

“Ipinaglihim mo sa kanya ang anak niyo.” Seryosong sagot nito.

Nawalan siya ng isasagot. Ginawa lang naman niya iyon dahil nga baka itakwil din nito ang anak nila. Na baka sabihin nitong hindi ito ang tatay ng bata sa sinapupunan niya at dugo ni Geoff ang nananalatay sa mga ugat ni Gavin. Pero alam niyang once makita nito si Gavin ay malalaman kaagad ni Greg na anak niya ito. Hindi nalang niya ito sinagot. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya kayang sabihin kay Greg dahil hindi niya alam kung ano ang aasahang reaksyon nito.

“Gaby, alam mong kailangan mong sabihin sa kanya. Sabihin mo na ngayong gabi.” Usal nito.

Napataas ang isang kilay niya. “Bakit parang atat na atat kayong sabihin ko kay Greg? Sasabihin ko sa kanya at the right time.”

“Dahil napakalaki ng kasalanan namin sa kanya dahil sa lihim mong iyan.”

Bigla siyang kinabahan. “Kasalanan? Ano bang ginawa niyo sa kanya?”

Tinitigan muna siya nito bago sumagot. “Let’s just say we did something to him that we thought he deserved. Which in fact… didn’t.”

-

Lumabas na siya galing sa banyo at pumasok sa kanyang walk-in closet. Hindi niya alam kung ano ang susuotin sa gabing iyon. Will she go for the sexy look? Or will she go for the conservative one?

Buti nalang at natutulog na si Gavin sa loob ng kanyang kwarto. Mahirap na kung ano-ano pang itatanong sa kanya gayong may pagka makulit pa naman ang kanyang anak.

“I think you should wear that red corset dress.” Biglang salita ni Jenni sa kanyang likod. Napahawak siya sa kanyang dibdib. “Ano ba, Jen? Papatayin mo ba ako sa nerbyos?”

Ngumiti lang ito sa kanya at tuluyang pumasok sa kanyang closet. Medyo malaki-laki din naman ang kanyang walk-in closet kaya naman kahit sampung tao ay pwedeng pumasok doon. Kinuha nito ang tinutukoy na red corset dress at ibinigay sa kanya. Kinuha din nito ang isang black Louboutin stilletos at ang isang black leather blazer.

“Wow. These are all designer clothes! Louboutin? YSL? Burberry? Jesus! I can live here!” Nakalimutan niya na bang sabihing fashion consultant ng isang prestigious glam magazine ang trabaho ni Jenni? Jenni was the fashion consultant while Piey was the fashion model.

Napailing nalang siya. “Saan ba si Precious?”

“Right here.” Sagot ni Piey sa kanyang likuran. Sinipat-sipat nito ang mga naka-hanger na mga dress at blouses. “Gab, may hindi ka ata sinasabi sa amin.”

Napakunot ang noo niya. “Like what?”

Ngumiti ito sa kanya. “Na asawa mo pala ang nag-iisang Greg Hontiveros na may malaking billboard sa may bandang edsa?”

Napabuntong-hininga siya. “Ex-husband.” Sagot nalang niya.

“Oh my gosh! Yung nakita nating billboard kanina?! Yung nasa gitna na lalaki?! Yung mukhang familiar?! Yung si Enigmatic?!” Sunud-sunod na bulalas ni Jenni.

“Wag ka ngang maingay diyan! Gigisingin mo si Gavin eh!” Saway niya dito. Iba din kasi itong ma excite eh. Kala mo batang binigyan ng cotton candy na made of gold.

“Yes, Jen. At alam ko din kung bakit napaka-familiar ang mukha ng Greg na iyon.” Sagot ni Piey. Wala pang nakakatanong kung bakit pero sinagot na sila nito. “Dahil sobrang magkamukha silang dalawa ni Gavin. That’s why he’s so familiar!”

Hindi niya alam pero may kung ano siyang naramdaman sa sinabi ni Piey. Binalewala nalang niya iyon. “Hindi naman ah! Mas kamukha ko kaya si Gavin!”

Umiling-iling si Jenni. “He only has your smile and eyes, Gab. But overall? He’s the perfect replica of his own father.”

Alam niya iyon. Perfect replica nga ito ni Greg kaya siguro kahit lumipas ang anim na taon ay hindi niya nakayanang kalimutan ang daddy ni Gavin. She sighed. “Lumabas na nga lang muna kayo. Magbibihis muna ako.”

Lumabas na ang mga ito na busy pa din sa pag-uusap tungkol kay Greg. Mabilis siyang nagbihis at nag blower ng kanyang buhok. Isinuot niya ang blazer na tandang-tanda niya’y kinuha ni Greg noon sa cabinet ng mommy nito at pinasuot sa kanya dahil tutungo sila noon sa simbahan. Pinilig niya ang kanyang ulo. This was no time to reminisce that past.

Lumabas na siya sa walk-in closet upang marinig ang bangayan ng magpipinsan. Ano na naman kaya ang pinag-aawayan ng mga ito?

“So matagal mo na palang alam ang totoong pangalan ni Gaby pero hindi mo man lang talaga sinabi sa akin?” Naiinis na tanong ni Piey kay Jenni. Nagkibit lang ng balikat si Jenni habang sinusuklay ang buhok gamit ang kanyang brush. “Akala ko naman kasi matagal mo nang alam. Di ka naman nagtatanong.”

Napailing nalang si Piey. “Kaya naman pala nakunan mo ng passport at ticket si Gavin! I should have known! Bakit ba nawala ‘yan sa isipan ko!”

“Hoy! Kung mag away kayo wag dito sa loob ng kwarto ko at natutulog yung anak ko. Ano bang pinag-aawayan niyo ha?” Kinuha niya kay Jenni ang brush at sinuklay ang buhok. Galing din nitong si Jenni ah, nanggamit ng ibang suklay.

“Matagal na palang alam ni Jenni yung full name mo!” Naiinis pa ding pahayag ni Piey.

Kumunot ang kanyang noo. “Oh ano naman ngayon?”

“Eh hindi ko alam! Akala ko nga ‘Gaby’ lang yung pangalan mo! Gabrielle pala!”

Napangiti siya. “Hindi ka naman nagtatanong sa akin ah.” Alam niyang may mga panahon noong kating-kati na si Piey na tanungin siya tungkol sa kanyang pribadong buhay. But of course, Piey always respected her privacy that’s why she avoided asking questions regarding her family. As for Jenni, talagang magkabaliktad ang dalawang magpipinsan dahil hindi siya tinigilan nito sa pagtatanong. Likas talaga itong makulit. Duda nga niya ay nahawaan si Gavin sa kakulitan nito.

“Kasi alam kong naiilang kang pinag-uusapan ang pamilya at buhay mo dito sa Pilipinas! Ay ewan! Kung ano ano pang pinag-iisip ko noon! Makalabas na nga.” With that ay lumabas na ito ng kanyang kwarto. Napatawa nalang silang dalawa ni Jenni.

“Here, let me do your hair and make-up.” Tinulungan siya nito sa kanyang make-up at hair-do. Light at natural lang ang ginawa nito sa kanya. “Gaby, bakit ayaw mong subukang maging modelo? I’m pretty much sure pag-aagawan ka ng mga agencies doon sa States.”

Actually, ilang beses na siyang nilapitan ng mga talent scouts sa iba’t ibang modelling agencies pero tinanggihan niya ang lahat. She was trying her very best to keep a low profile that time. Joining those agencies, alam niyang wala pang isang araw ay kakatakot na lang bigla sa pintuan niya ang kanyang mga kuya.

“I’ll think about it.” Nang matapos na si Jenni sa kanyang make-up ay ang buhok na naman niya ang binigyang pansin. Jenni decided to do the messy bun.

Nang matapos na sila ay napangiti si Jenni. “Honestly, Gaby, you look absolutely stunning! I’m sure Greg will drool all over you once he sees you.” Kinuha nito ang cellphone nito at kinunan siya ng picture.

“Ba’t mo ako kinunan ng litrato?” Nagtatakang tanong niya.

“Instagram.” Yun lang at busy na ito sa pagtitipa ng sariling cellphone. Napailing na lang siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Well, she looked good. Hindi nga halatang may anak na siya eh. Mukha parin siyang si Bree Fortaleza. Ang socialite na biglang nawala sa halos anim na taon.

“So… Pahihirapan mo ba si Greg ngayon?” Tanong ni Jenni na busy pa din sa cellphone nito.

Napaisip siya sa sinabi nito. Pahihirapan ba niya si Greg? Well, why not? “Ako pa sa’yo, Gab, maging pakipot ka muna. Syempre nanliligaw ulit yung lalaki eh, dapat tayo mga babae, pa hard to get sa simula.” Pahayag ni Jenni.

“Don’t let him touch you. Don’t let him near you. Don’t even look at him too much! Ipakita at iparamdam mong wala kang interesado sa kanya at gugustuhin mo pang nasa ibang kontinente ka kesa makasama mo siya. If he talks to you, answer him but with no interest.” Segunda nito.

“Teka, teka! Ba’t parang naging man-hater ka ata ah? Diba may nobyo ko namang iniwan sa Chicago?” Natatawang tanong niya.

“Di naman ako man-hater. And yes, Ephraim and I are still going strong. Gusto ko lang makitang nahihirapan si Greg.” Nakangiting sagot nito sa kanya.

“Bakit naman?” Napatingin siya sa orasan. Sampung minuto nalang at mag aalas siete na ng gabi. Tiyak siyang papunta na dito si Greg.

“Dahil pag pinapahirapan mo siya, mas hahabulin ka niya. And once he’ll start eating right at the palm of your hands, dump him.”

Nabigla siya sa sinabi nito. “I don’t think dumping him will be wise, Jen. Lalong lalo na’t siya ang tatay ng anak ko.”

Mas lumawak ang ngiti nito. “So in other words… may pag-asa pala siya sayo?”

Hindi niya in-expect ang tanong nito. Oo nga pala, ang galing nga palang mag paikot-ikot nitong si Jenni. “H-Hindi naman… P-Pero—”

“Tss! Save it, Gaby. You still love him.” May isasagot sana siya sa sinabi nito pero naunahan kaagad siya. “Pero wag mong ipahalata na may gusto ka pa sa kanya, Gab. Pahirapan mo muna. Why not enjoy the ride diba? Drive him crazy! Bibigay ka naman din sa huli eh?”

Nakataas ang isang kilay niya dito. “At bakit parang siguradong-sigurado kang bibigay ako sa huli at may gusto pa ako sa kanya ha?”

“Because.”

-

“S-Saan ba tayo pupunta?” Hindi na niya maiwasang tanong. Twenty minutes na silang umalis sa bahay pero hindi pa din nila nararating ang destinasyon. Saan ba siya dadalhin ng kumag na ‘to? Kikidnapin ba siya nito at ipapahain sa buwaya?

Hindi niya parin nilingon si Greg. Ayaw niya. Baka makalimutan niya ang misyon niya sa gabing iyon na pahirapan ito. Dear God, tulungan niyo po ako. He looked so edible in his three-forths Polo shirt. Hubog na hubog ang mga biceps at triceps nito kaya naman ay napapanganga siya tuwing nakikita ito. Ano bang ginawa nito sa anim na taong nawala sa kanila? Mas lalo ba itong nagpagwapo? Kainis.

Nang pinagbuksan niya ito ng pintuan sa bahay ay halos lumuwa ang mga mata niya. Rinig niya din ang malakas na pagsinghap nina Jenni at Piey sa kanyang likuran. Nang pinakilala niya si Greg sa mga ito ay talagang nakanganga pa yung dalawa. Kailangan pa niyang suwayin ang mga ito para itikom ang mga bibig.


“Gaby, di mo naman sinabi isang demigod pala yung pinangasawa mo.” Bulong sa kanya ni Piey bago siya makalabas ng bahay. Napangiti nalang siya sa sinabi nito.

“Itatanan ka.” Balewalang sagot nito. Pag lingon niya dito ay nakita niyang ngiting-ngiti ito na para bang may nakakatuwa. Ano yung narinig niya? Itatanan niya ako?!

“Ano kamo?” Nanlalaking mga matang tanong niya dito. What the hell is wrong with him?

Mas lalong lumawak ang ngiti nito. “Sabi ko itatanan kita. May problema?”

Hinampas niya ng malakas ang braso nito. Wow, ang tigas ah. “Syempre may problema ako! Hindi mo ako pwedeng itanan! Ano tayo teenagers na minor de edad? At pwede ba, sagutin mo nga ng maayos yung tanong ko!” Naiinis na sagot niya dito.

Nilingon siya nito na nakangiti parin. Pero ibang emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. “You look so beautiful tonight.” Sagot nito sa outburst niya.

Hindi niya inasahan ang sinabi nito. Biglang namula ang kanyang magkabilang pisngi. Ano na bang nangyayari sa kanya? Hoy, Gabrielle! Yang lalaki yan ang nag dulot ng matinding sakit sayo noon! Nakalimutan mo na ba? Sigaw ng isang bahagi ng isipan niya.


Siya din naman ang nag dulot ng matinding kaligayahan sayo noon. Bulong naman ng isa.

Kulang nalang ay sabunutan niya ang kanyang sarili. Focus, Gaby! Pinapahirapan mo siya diba? Dapat yan ang ginagawa mo! Dapat hindi ka magpa apekto sa kanya!

Hindi nalang niya ito pinansin hanggang sa makarating sila sa isang pier. Ano bang ginagawa namin ni Greg dito? Holy shit! Baka talagang itatanan niya ako? “Greg, what the hell are we doing here? Wag mo sabihing totohanin mo talaga yung sinabi mo kanina?” Kinakabahang tanong niya.

Pinatay nito ang makina at nilingon siya. Gosh. Legal ba ang kagwapuhang taglay nito?

“We’re here.” Sabi nito.

“Obviously dahil pinatay mo na yung makina.” Pagtataray niya. Nakita niyang tumaas ang isang kilay nito pero binalewala na din ang pagiging pilosopa niya. Bumaba na ito at pumaikot sa pintuan niya.

Hindi na niya ito hinintay at bumaba na siya. Nakita niyang kumunot ang noo nito. “Bakit ka bumaba kaagad?”

“Alangan namang doon lang ako sa loob ng sasakyan hanggang mamaya?” Pagpipilosopa niya. This is fun! Nakikita niyang kumukunot ang noo ni Greg pero binalewala ulit ang sinabi niya. Alam niyang maikli lang ang pasensya ni Greg. Tingnan nga natin kung hanggang saan mo kakayanin, Greg.

Nagsimula na silang lumakad sa linya kung saan nakatambay ang mga malalaking yate. Oh dear, alam na niya kung saan siya dadalhin ni Greg. Sa yateng pagmamay-ari nito na ginamit nila noon papunta sa pribadong isla ng mga Hontiveros.

Nakita na niya ang Sunseeker 90 tabi ang iba’t ibang malalaking yate. It still looked really grand and formidable. Just like its owner. Huminto siya sa harap nito pero nagpatuloy pa din si Greg sa paglakad. “We’re not using that, love. We’re using the other one.”

Other one? May other one na ito? Ilan na ba ang yateng pagmamay-ari nito? Napalingon siya sa Sunseeker 90. Mukha ngang walang tao sa loob. “Other one? Bumili ka ng bago?”

Tumango lang ito sa kanya. “Yeah.” Kinuha nito ang kanyang kamay at nagsimula na silang humakbang palayo sa dating yate nito. Biglang lumakbay ay kuryenteng dulot sa simpleng haplos ng kamay nito kaya naman ay hinila niya kaagad ang kamay na hawak hawak ni Greg. Hindi naman ito nagsalita pero rinig niya ang buntong hininga nito.

Huminto na sila sa isang mas malaking yate kumpara sa Sunseeker 90. Mas lalo itong grande tingnan at mukhang mas mamahalin. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya ng makita ang pangalan sa gilid ng yate.


Gabrielle.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o kung ano ang gagawin. Tinitigan niya ng mabuti ang pangalang iyon at baka nananaginip lang siya. Bakit? Bakit ‘to ginawa ni Greg? Bakit nito ipinangalan ang isang mamahaling bagay sa kanya?

“Gaby.” Tawag sa kanya ni Greg. Hindi niya ito kayang lingunin. Natatakot siya sa kung ano mang emosyong makikita niya sa mga mata nito.

Mali. Natatakot siya sa kung anong emosyon ang makikita nito sa mga mata niya.

“Gaby.” Tawag ulit nito sa kanya. Lakas loob niya itong nilingon. She tried her very best to look displeased. “Bakit, Greg?”

“Anong bakit?” Naguguluhang tanong nito.

“Bakit mo ipinangalan sa akin?” Nakasimangot na tanong niya.

He gave her his signature smile before answering. “Bakit naman hindi?”

Nagka amnesia ba ito o nabagok ang ulo kaya nagiging makalimutin? “We broke up, Greg. Wala na tayo noon pa man! Ikaw pa nga mismo ang nakipaghiwalay sa akin noon. Nakalimutan mo na ba ‘yun?”

Naging seryoso ang mukha nito. Nawala ang ngiti at biglang tumigas ang anyo. “I know, Gaby. At hanggang ngayon ay pinagsisihan ko ang ginawa ko. Sa tingin ko nga’y hanggang sa mamatay ako’y pagsisisihan ko ang araw na iyon.”

“Kaya bakit mo ipinangalan sa akin ang yate na ‘yan—”

“Dahil ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng sobra.” Putol nito sa tanong niya.

She was paralyzed to her bones. Tama ba yung narinig niya? Tama ba yung sinabi nito? Sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ay natatakot siyang pati si Greg ay naririnig na ito. She was not expecting that kind of revelation! Hindi niya inakalang sasabihin nito sa kanya iyon. Ever.

Bigla itong lumapit sa kanya. She wanted to run. To get away from him. Pero may sariling kaisipan ata ang kanyang paa dahil nanatili siyang nakatayo doon. He grabbed her waist when he was two steps away from him. He pulled her so close to him that she can even feel his racing heart beat in harmony to hers. “Mahal kita sobra pa sa buhay ko.” Bulong nito sa kanya.

Itinulak niya ito pero hindi naman ito natinag. “No, love. No matter how hard you try to push me away, I will always keep coming back for you.”

Bakit ba sinasabi nito sa kanya ang lahat ng iyon? Nakakalimutan niya tuloy ang misyon niya. Sa sobrang bango din nito ay gusto nalang niyang manatiling nakadikit ang ilong niya sa may bandang dibdib nito. He smelled so good.


Get a hold of yourself, Gaby! “Pero hindi parin iyon ganun kadali, Greg.”

Bumuntong-hininga ito. “I know, love. That’s why I’m taking it slow. I’m not expecting you to say back those words to me but I am patient enough to wait.”

Tiningnan niya ito sa mga mata. He stared down at her with eyes full of sincerity. “Why are you saying this right now?”

“Dahil hindi ko na kayang itago, Gaby. Anim na taon ko din ‘tong itinago sa sarili ko. I’m not letting this slip away again.”

“What if I won’t love you back anymore?” Lakas loob niyang tanong dito. She saw the sudden sadness in his eyes pero nawala din iyon ng isang iglap.

“Then I’ll just have to accept it.” Mga ilang minuto din silang nagtitigan sa isa’t isa ng binitawan na siya nito. “Halika na. I’m sure nagugutom ka na rin.”

Pagkasakay nila sa yate ay pinaandar na kaagad iyon ng kapitan. They sailed until they were at the middle of Manila Bay. Ang gandang tingnan ng mga kumikislap na ilaw galing sa mga matataas na buildings. Kahit sa layo nila ay kitang-kita niya ang building na pagmamay-ari ng mga Hontiveros. Kitang-kita niya rin ang Gracemont at Clairmont. Even their own building was visible. It was a breathtaking view.

“It’s beautiful, isn’t it?” Kausap ni Greg sa kanya. He handed her a glass of wine.

Tumango lang siya. Medyo naiilang pa din siya kay Greg. Lalo na sa sinabi nito kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya maka move-on sa rebelasyong biglang sinabog nito sa kanya.

“Gaby.” Biglang tawag nito sa pangalan niya. Humakbang kaagad siya palayo dito. Hindi niya alam pero natatakot siya sa kung ano na naman ang sasabihin nito. Noon ay mga katagang iyon ang gusto niyang marinig. Pero ngayong narinig na niya iyon ay kinakabahan siya. Bakit ba ako kinakabahan?

Hinila ni Greg ang kanyang braso. “Gaby, ano bang problema? Okay ka lang ba? Masakit ba ulo mo?”


Ikaw! Ikaw ang problema ko! Pinapasakit mo yung ulo ko! “Can we just eat our dinner and leave?” Napapagod na tanong niya. Sa sobrang daming rebelasyon sa araw na iyon ay ngayon pa siya nakaramdam ng pagod. Tumango naman kaagad si Greg at iginaya siya sa upper deck kung saan nakahintay ang isang lamesa.

The place was very romantic! Hindi naman iyong cliché candlelit dinner pero masasabi mo paring romantic ang palibot. Napasinghap siya ng biglang tumunog ang isang kanta sa background. Mahina lang iyon pero rinig na rinig niya pa rin. It was their wedding song. She tried her best to keep a straight face. Ano na naman ba ang drama ni Greg?

“From this moment life has begun

From this moment, you are the one

Right beside you is where I belong

From this moment on”

“Here, love.” Bigay sa kanya ng isang kulay pula na bouquet of roses. Tinanggap niya iyon and murmured her thank you. Bakit ba siya binigyan ng rosas? May espesyal ba na okasyon ngayon na hindi niya natatandaan?

Tiningnan niya ang card na nakaipit sa loob ng mga rosas.

“To the woman who will always make my heart

skip a beat just by looking at her.

To the woman who would always make me

feel like lovesick teenage boy.

To the woman who will always

have my heart.

This day, May 13, is the anniversary of

the first time we met at the parking lot.

Greg”

Biglang lumubo ang kanyang puso sa simpleng card na iyon. Hindi niya namamalayang pinipigilan na niya pala ang kanyang hininga. This was… The card was… Oh God! She cannot put it into words! Natatandaan pa din ni Greg ang unang araw nilang pagtatagpo? Yung araw na ninakawan siya ng pera at pinagtanggol siya nito sa magnanakaw na iyon? Yung araw na akala nito’y kasama siya sa modus operandi na iyon at pinakulong siya? Yung araw na una niyang nasilayan ang gwapong mukha nito?

Tiningnan niya ito. He was standing there just a few steps away from her. Hindi niya mabasa ang ekspresyon  ito. “Thank you for the card.” Sabi nalang niya dito. Ngumiti ito sa kanya at iginaya siyang maupo. Hindi nalang niya masyadong tiningnan ang mukha nito dahil baka makita niya ang pagkadismaya. Malay ba niya kung ang araw na iyon ay ang mismong araw din ng kanilang pagtatagpo six years ago?

Malay ba niyang sentimental pala itong si Greg?

Nagsimula na silang kumain ng tahimik. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Tiyak siyang hindi rin alam ni Greg kung ano ang gagawin upang mawala ang awkwardness nilang dalawa. Ipinagpatuloy nalang niya ang pagkain ng lobster. It was very delicious. Sino kaya ang nagluto nito?

“Hanggang ngayon pala, mahilig ka pa din sa seafood.” Biglang salita sa kanya ni Greg. Tiningnan niya ito pero nakafocus ang mga mata nito sa kanyang labi. Tumikhim siya pero hindi pa din ito kinakausap. Nakakailang lalo ang titig nito sa kanya. Bakit ba kasi nakatitig ito palagi sa labi niya?

“You should also try the oysters. Masarap din iyon.” Hindi pa din niya ito pinapansin at patuloy lang siya sa pagkain. Ramdam na ramdam pa din niyang nakatitig pa din ito sa kanya. Stop it, Greg!

Makaraan ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita na naman ito. “Gaby.” Hindi niya ito tiningnan at pinansin. Susubo na sana siya ng mapahinto sa ere ang kutsara dahil sa sinabi nito. “Can I kiss you?”

Namula ang kanyang pisngi dahil sa simpleng sinabi nito. Ano ba! Kung ano ano nalang ang iniisip ng kumag na ‘to. “No.” Sagot niya.

“Hug?”

Umiling siya. “No.”

“Hmmm, make love then?” Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa tanong nito. Sa sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso ay nagulat siyang hindi pa rin iyon naririnig ni Greg.

“I don’t make love on my first date. Di ako ganun ka easy to get.” Sagot nalang niya dito. Greg gave her his mega-watt smile. Kung ngingitian ba naman siya palagi ng ganun ni Greg ay baka—

“Halata nga. Kanina mo pa ako di pinapansin eh? Pinapahirapan mo ako ano?” Nakangiti paring tanong nito. Bakit ba ang bilis nitong maka gets? Bakit hindi nalang ito naging bobo?

Pinandilatan niya ito. “Pwede ba, Greg? Tigilan mo nga ako dahil baka hindi ako matunawan dito!”

“So naaapektuhan ka din pala sa sobrang lapit nating dalawa?” Hindi na ito nakangiti pero nakikita parin niya ang kakulitan sa mga mata nito. Buti nalang at natapos na siya sa kanyang pagkain at baka nailuwa niya iyon sa tanong nito.

“Oo, dahil kanina ko pang gustong umuwi pero andito ako’t nagdurusa sa presensya mo!” Inirapan niya ito at ininom ang champagne. Pero actually tama ito, medyo naaapektuhan nga siya dahil sa sobrang lapit nilang dalawa. The dinner was intimate itself.

“Alam mo nagtatampo pa din ako sayo.” Biglang salita nito na nagpataas ng kanyang kilay.

“At bakit ka naman magtatampo? Ano ka? Bata?”

“Di mo man lang natandaan kung ano ang okasyon ngayon.” Medyo nakonsensya siya ng kaunti. Kaunti lang naman. Hindi naman niya talaga alam na May 13 pala ang araw ng pagtatagpo nila. Hello? Nakulong kaya siya sa mismong araw din na iyon?

“Di naman ako kasing sentimental katulad mo.” Kinuha niya ulit ang champagne at ininom. She had to distract herself from staring too much at his lips. It was so kissable lalong-lalo na’t namumula iyon.

“Wala ka man lang ibibigay sa akin? Di naman ako mahirap i-please eh?” Ngayon ay nakatingin na ito sa mga labi niya. Holy Christ! Don’t tell me magpapahalik ang kumag na—

“Just kiss me. Mawawala na yung tampo ko.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Aba’t! Hoy! Kung maka demand ka kala mo kung—”

“Kiss lang naman ‘yun eh? Wag mo sabihing apektado ka pa rin sa ating dalawa? Wala ka nang feelings sa akin hindi ba?” Walang hiya talaga ang isang ‘to! Binablackmail ata ako eh?

Inirapan niya ito. “Wala naman talaga akong feelings sayo. Sa sobrang tagal na nating hindi pagkikita ay sa tingin mo ba magkakagusto pa din ako sa’yo?”

“Oo.”

Ang taas din ng kumpiyansa nito sa sarili ah. Nakakabilib. “We ended everything we had with each other, Greg! Kung talaga bang meron mang namagitan sa ating dalawa noon.”

“I know. That’s why we’re gonna start over again.”

Ano na bang nangyayari sa mundo? Bakit nagkakaganito si Greg? Was he really that persistent to start anew? Was he really that determined to start over again?

At siya? Kaya ba niya? Kaya ba niyang kalimutan ang sakit na naidulot nito sa kanya noon? Sabi nga nila, forgive and forget. Madali namang magpatawad pero mahirap lang makalimot. Bigla siyang natigilan sa kanyang naisip. Napatawad niya na nga si Greg. Dahil kung hindi ay sana’y wala siya sa harap nito ngayon.

Nakakatawa dahil pangatlong tagpo pa lang niya dito pagkatapos ng anim na taon pero heto siya’t pinapatawad na ito. Bakit ang bilis? Ganun ba talaga siya kabilis magpatawad?

Siguro dahil sa sinabi ng kanyang daddy ng kinausap niya ito kanina. “Anak, kung gusto mong magsimula ng panibago para sa iyo at sa anak mo, kailangan mong magpatawad. Kung ano pa man ang kasalanang naidulot sa iyo, kahit napakaliit niyon o napakalaki, ang pinakawais na gagawin mo ay ang magpatawad. Ang Diyos mismo ay nagpapatawad kung tayo’y nagkakasala sa Kanya. Bakit hindi mo ‘yan kayang gawin sa kapwa taong nagmamakaawang patawarin mo?”

Parang isang malakas na sampal ang sinabi ng kanyang ama. “Ang Diyos mismo ay nagpapatawad kung tayo’y nagkakasala sa Kanya. Bakit hindi mo ‘yan kayang gawin sa kapwa taong nagmamakaawang patawarin mo?” Sapul na sapul.

Nagulat nalang siya at bigla itong tumayo at hinila ang kanyang braso. Napatayo din siya dahil sa ginawa nito. Nagmamadali siya nitong ipinasok sa loob. “Teka, bakit tayo nagmamadaling pumasok?”

Natatawang tiningnan siya nito. “Bakit? Gusto mo bang mabasa sa ulan?”

Pag lingon niya ay nagsisimula nan gang pumapatak ng malakas ang ulan. Bakit hindi niya iyon namalayan? Nakita niya ang binigay nito na rosas. “Teka! May naiwan ako!” Nagmamadali siyang bumalik sa labas kahit masyado nang malakas ang ulan at kinuha ang card na nakaipit sa rosas.

Nagmamadali siyang bumalik sa loob kahit na basing-basa na siya. “Oh, akala ko ba kukunin mo yung rosas? Bakit mo iniwan?”

Nahihiyang ipinasok niya sa loob ng kanyang pouch ang maliit na card. “Hindi naman yung rosas ang naiwan ko. Yung card.”

Nakita niyang unti-unting ngumingiti si Greg. “Not sentimental huh?”

“Shut up.”

Ngiting-ngiti parin ito habang nilalakbay ang loob ng yate. “Saan ba tayo pupunta?” Kanina pa sila liko ng liko pero mukhang wala naman silang pinatutunguhan. Hindi kaya naligaw sila?

“Sa kwarto ko.”

Natigilan siya. “Kung inaakala mo'y—”

Tinaas nito ang isang kamay. “Oops! Wag ka munang mag react! Basang-basa ka kaya sa ulan. Gusto mo bang umuwi na ganyan ang ayos mo? Baka ano pang sabihin ng mga kuya mo at bugbugin ulit ako?”

Pumasok sila sa isang maaliwalas na kwarto. Just like the Yatch itself, the room was also grand. Napaupo siya sa settee tabi ng kama at pinagmasdan si Greg na nakatayo lang sa harap niya. Ayan na naman. Naiilang na naman siya. “Don’t look at me like that, Gaby.”

Napakunot ang noo niya. “Like what?” Wala naman siyang ginagawa ah?

“Like you want me to kiss you.” Lumapit ito sa kanya at bago niya namalayan ay hinila siya nito patayo. Now they were just inches apart. Naaamoy na naman niya ang nakakaadik na pabango nito.

“Do you want me to kiss you, Gaby?” Mahinang tanong nito habang nakatingin parin sa kanyang mga labi.

Napailing nalang siya. Hindi sa tanong ni Greg. Kundi sa sarili dahil alam niyang bibigay pa din siya dito. Napailing siya dahil ang naisip niyang misyong pahirapan ito sa gabing iyon ay hindi nangyari. He was just too tempting to resist. Sa pinagsasabi ba naman nito kanina at sa simpleng card na ibinigay nito, sino ba naman ang makakapagpigil?

“Are you sure?” Tanong nito pero unti-unti namang lumalapit ang mukha. Napapikit nalang siya ng mga mata. Bahala na si Iron Man.

“There’s no turning back anymore, Gaby.” Bulong nito kahit na gahibla nalang ang layo ng labi nito sa mga labi niya.

Nang nagkadikit na ang kanilang mga labi ay lumipad na kahit saan ang kanyang inhibisyon. Her senses dissolved into thin air. Greg sucked her lower lip that made her moan out loud. He then entered his tongue to play with hers. Bakit ba sa tuwing naghahalikan sila ay mas lalo ata itong gumagaling? She bit his lower lip that made him groan. “Naughty one.” Bulong nito at nagpatuloy pa din sa paghalik.

Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa leeg nito at ipinatong doon. Pumulupot naman ang mga braso nito sa kanyang bewang at mas lalo siyang hinila palapit dito. Kahit hangin ay hindi na makakalusot sa sobrang lapit nilang dalawa.

His lips started to place feather-like kisses all around her face. Bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg. He grazed his lips around her jawline and nibbled her earlobes. “Stay for the night, love.” Bulong nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Humiwalay kaagad siya dito. “G-Greg.” Tulak niya dito pero hindi naman siya binitawan. Nagpatuloy pa din ito sa paghalik sa kanyang leeg. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang pouch.

It was a text from Frank. “Gaby, saan ka na? Gavin is having one of his tantrums. Nagising ito at hindi na tumigil sa pagiyak ng nalamang umalis ka pala. Baka iniwan mo na naman daw siya.”

Biglang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang buong sistema. Malakas niyang itinulak palayo si Greg na nagtatakang pinagmamasdan siya. “I have to go home. I can’t stay.”

“But, Gaby—”

“I’m sorry, Greg, but I can’t.” Yun lang at nauna na siyang lumabas sa kwarto nito bago pa man makapagsalita si Greg. Mabilis pa din ang tibok ng kanyang puso at hindi pa din tumitigil ang kanyang adrenalin rush. That was freaking close.


Too close actually.

____________________________


Follow Greg on Wattpad! Just click the external link! Thank you x

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...