STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata LXIII

4K 189 63
By faithrufo

"Mostly, I hate the way I don't hate you. Not even close, not even a little bit, not even at all."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Tumigil ako sa paglalakad nang malapit na ako sa gate namin. Panigurado ay makaka tanggap ako ng maraming tanong kapag nakita ako nina Ate Sky. At ayoko 'yun, gusto ko pag pasok ko sa bahay, diretso ako sa kwarto at doon na ako buong mag hapon. Sinisipon na ako at nararamdaman kong namamaga ang mga mata ko. Unang tingin ng kahit sino ay malalaman kaagad na umiyak ako.

Sumilip ako mula sa gilid ng gate namin at naka hinga ng maluwag nang makitang wala ang sasakyan ni Ate Sky sa garahe. Kaya naman pala hindi ito nag tatanong kung nasaan ako, hindi niya pala alam na ngayon palang ako uuwi.

Pinunasan ko 'yung ilong ko at mata bago buksan 'yung gate. Agad na tumahol si Whitey nang makita ako ngunit naka kulong siya kaya naman hindi siya maka punta saakin. Nakita kong bumukas 'yung kurtina sa sala at sumilip si Von. Napa mura ako nang makita si Jared na naka upo sa couch. Naka limutan kong andito nga din pala siya.

Hindi pa ako nakaka lapit sa terrace ay naka labas na si Von para salubungin ako. "Anong nangyari sa'yo? Ba't namamaga 'yang mata mo? Ha? Sinaktan ka ba ng gagong 'yon?"

"Von please," napa pikit ako at ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng pagod ko mula kahapon. "Ayokong pag-usapan."

"Sinaktan ka ba?" Wala na ang galit sa boses ni Von at puno nalamang 'to ng pag aalala.

Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti bago ako umiling, "Ma-drama lang talaga ako."

"Nag away kayo?"

Nag kibit balikat ako, "Assumera kasi ang pinsan mo." Sabay nilagpasan ko na siya at nag dire-diretso sa loob ng bahay.

Napatigil ako nang makita ko si Jared. Wala siyang sinasabi pero naka tingin siyang mabuti sa mukha ko. Binigyan ko siya ng isang tango bago ko siya nilagpasan para pumunta sa kwarto ko. Kailangan ko ng isang hot shower, nagsisimula nang sumakit ang ulo ko.

Pumasok ako sa banyo at agad na tinanggal ang basang damit ko at inilagay ito sa lababo. Binuksan ko na 'yung shower at pumailalim sa mainit na tubig. Napa hinga ako ng malalim ng bumalot ang mainit na tubig sa katawan ko. Pumikit ako at bigla nalamang nag replay sa utak ko ang mga nangyari kanina. Napa kagat ako sa ibabang labi ko nang manikip nanaman ang dibdib ko. Ayoko ng umiyak, pagod na ako. Pero hindi ko na napigilan ang mga luhang tumakas sa gilid ng mga mata ko. Napa takip ako sa bibig ko nang naglabas ako ng isang malakas na hikbi. 'Wag sana nila marinig na umiiyak ako, please.

"Ang gago mo naman kasi Asher e.." Marahas kong pinunasan ang mga luha ko pero ayaw nanaman nitong tumigil. Napa upo ako sa sahig at napalakas na ang iyak ko. Diyos ko, maririnig ka nila Von, Adrianna! Tumahan ka na... Itinayo ko ang sarili ko, "Tama na, tama na. Okay ka lang Adrian. Kaya mo 'yan.." Baka isipin ng iba may relasyon tayo. Nabasag nanaman ang boses ko at tinakpan ko nanaman ang bibig ko.

Napatalon ako ng may kumatok sa pinto ng banyo ko. Pinilit kong itigil ang pag iyak ko pero tumataas baba parin ang mga balikat ko.

"Adrianna?" Umalingawngaw sa buong banyo ang malalim ang malambot na boses ni Jared.

"Okay lang ako Jared," sabi ko sakanya ngunit galing sa ilong ang boses ko.

"It's okay to cry.." Naramdaman ko ang mainit kong luha na dumadaloy sa pisngi ko at mas diniinan ko ang pagkagat sa ibabang labi ko. "Mas masakit kapag pinigilan mo."

"I'm okay," pag ulit ko. "Patapos na akong maligo."

"I'll be outside."

Hindi na ako sumagot. Saglit akong na-distract dahil sa pagka usap siya, tumigil na ang mga luha ko kaya naman nang marinig kong sumara ang pinto ko, tinapos ko na ang pag ligo at lumabas na para mag bihis. Binuksan ko ang aircon sabay tinignan ang sarili ko sa salamin. Namamaga ang mga mata ko. Mabilis akong kumuha ng powder at ipinahid 'to sa buong mukha ko. Kahit papano ay hindi na siya halata.

Pinupunasan ko ng twalya 'yung buhok ko habang naglalakad papuntang pinto. Binuksan ko 'to at tinawag si Jared na agad pinutol ang conversation nila ni Von para puntahan ako.

"Sara mo 'yung pinto," sabi ko sakanya habang umuupo sa kama ko. Hinila ko 'yung electricfan at itinapat 'to sakin para patuyuin ang basang buhok ko.

Umupo siya sa tabi ko, "Do you want to talk about it?" tanong niya. "Aawayin ko na ba?"

Napangiti at napa iling ako sa sinabi niya, "Nahahawa ka na sa pinsan ko."

Ngumiti siya at pinigilan kong hindi sundutin ang dimple niya. "Hindi naman masyado," aniya.

Hindi na ako sumagot kaya naman nabalot kami sa katahimikan. Hindi ko siya tinitignan pero alam kong naka tingin siya. Nag hihintay. Kaya naman itinigil ko na ang pag suklay ko sa buhok ko at hinawakan 'yung dulo ng t-shirt ko.

"Nag-away kami.." sabi ko bago umiling. "I mean, inaway ko siya."

"Why?"

"Kasi kanina magkasama kami, naliligo sa ulan. Kaya nga basa ako pag uwi. Tapos may sinabi siya, na parang sinusulit niya na daw na magkasama kami ng ganon. So nagtaka ako, kasi pwede naman kaming ganun kahit saan at kelan diba? Kaso sabi niya na baka isipin ng iba na may relasyon kami."

Tumango si Jared, "And then?"

"Syempre nagalit ako."

"Na-offend ka," sabi niya. "Kasi inisip mo na kayo na."

"Pfft, syempre naman Jared," umirap ako pero hindi sakanya. "Hinahalikan niya ako at sinasabihan na mahal niya ako. Oh, ano 'yun trip lang? Kung halikan kita ngayon at sabihin kong mahal kita, anong iisipin mo?"

"Na mahal mo ako at gusto mo akong halikan."

"Eh kung paulit ulit? Araw araw?"

"Can we not talk about you kissing me and telling me you love me?" aniya bago mag iwas ng tingin.

"Example lang naman," sabi ko sakanya. "Pero kung sa ibang tao, ginanun ka. Anong iisipin mo?"

"Okay, I understand. It's not your fault for thinking that. Ano pa bang sinabi ni Asher?"

"Mahal niya daw ako at natatakot siya. Kasi kapag naging kami, may posibilidad na mawala ako sakanya. Tapos may sinabi siya na parang hindi niya daw napipigilan nararamdaman niya kapag magkasama kami, kaya nahahalikan niya ako at nasasabing mahal niya ako."

May kung anong understanding akong nakita sa mga mata ni Jared. Na para bang nakaka relate siya. Naramdaman niya na ba 'to sa iba?

"You should talk to him," sabi niya.

"Nanaman? Ulol! Ayoko na Jared. Ako nalang palaging nag e-effort."

"He's scared."

"Wala akong pake! Magpaka lalaki siya. Palagi nalang ako 'yung naghahabol."

"What if he doesn't do anything?"

Nanikip ang dibdib ko at napa lunok ako. Iniwas ko ang tingin ko kay Jared, "His loss, not mine."

"You two obviously love each other."

"Pero nga Jared hindi pwedeng ako nalang palagi ang nag aayos ng gulo namin!"

"Oo na, oo na," lumambot ang boses niya at naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Wag ka na magalit. Nagiging dragon ka nanaman e."

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko siya magawang tagalan dahil sa ngiting ibinibigay niya sakin. Etong lalaking 'to talaga! Napahalukipkip ako, "Okay. Kalma na ako."

"May gusto ka pa bang ilabas na sama ng loob?"

Saglit akong napa isip bago ako nagsalita, "Naiinis ako kasi kahit gaano niya ako saktan mahal ko parin siya."

"Yeah," tumango si Jared at parang lumungkot ang boses niya. "I know the feeling."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala," pinisil niya ang pisngi ko. "Back to you, ano pa?"

"Ayun nga, hindi ko maintindihan. Kasi andami namang iba dyan na katulad ni Angelo. Nanligaw tapos ang taas ng respeto kay Ethel. Eh si Asher ba? Inaasar ako palagi, napaka insensitive, mahal nga ako pero hindi ako kayang ligawan. Pero bakit ganun? Siya parin?"

"Maybe you just haven't met the right guy yet. And you got used to Asher na, I mean, 'yung personality naman niya na 'yun ang minahal mo sakanya diba? Think about all his good traits. He cares more about you than any other girl, he makes you laugh, you're happy when you're with him, right?"

"May right guy pa ba?" Napatawa ako pero wala itong ni katiting na humor. "Masaya nga ako pero ngayon kasi nangingibabaw 'yung pagod at sakit na paulit ulit na proseso."

"Ofcourse may right guy," sabi niya sakin. "You're just too caught up with Asher to see him."

"Or baka wala pa siya. Or paano kung si Asher pala 'yun? Hindi ngayon pero someday? Kapag nagbago na siya at siya na ang right guy para sakin?"

"You want to change him?"

"Hindi naman sa ganun.." Napahawak ako sa ulo ko, "Argh, ang gulo." Humiga ako at iniabot ang kamay ni Jared. "Ano bang dapat kong gawin?"

Nagkibit balikat si Jared bago humiga sa tabi ko. "Whatever you decide to do, i'm with you."

Tinignan ko siya at nginitian, "Thank you."

"Anytime, Ma'am."

Continue Reading

You'll Also Like

649K 4.2K 64
Is there such a thing as second chances? Find out what will happen if your 1st love left you and his bestfriend was there to catch you. READ THE PROL...
24M 1M 54
THE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you sha...
8.7K 149 35
Koleksyon ng aking mga tula na nagawa dahil sa mga WriCon. Tinta At Papel Ang Aking Piyesa❤️
1.2M 36.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...