A Campus Story

By CindyWDelaCruz

4.4K 61 0

They are all freshman with fresh dreams, but along the way, they will encounter different struggles, new kind... More

Prologue - First Day Hay!
Chapter One
Chapter Two - Kiss by Kiss
Chapter Three - Acquaintance Party
Chapter Four - Sino ang salarin?
Chapter Five - The Great Escape
Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa
Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House
Chapter Eight - Hindi Ako Nakasagot, sa Halip ay Tumango
Chapter Nine - Student Council Election
Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway
Chapter Eleven - Poprotektahan Kita
Chapter Twelve - Everything at its Right Place
Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi
Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako
Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions
Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest
Campus Seventeen - Go Go Go!!!
Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit
Chapter Twenty - Movie Marathon

Chapter Eighteen - Away na itich!

39 1 0
By CindyWDelaCruz

In jealousy there is more self-love than love.

-Francois Duc de la Rochefoucauld

Candy Chan

2nd day ng sports fest at pagkadating na pagkadating ko sa school ay hinanap ko na si Mayel. Sinubukan ko kasi siyang i text pero hindi siya sumasagot. Gusto ko ng makipagbati sa bestfriend kong yun. Sa totoo lang kasi it really doesn't feel right. Nanalo nga ako sa contest pero walang kwenta ang pagkapanalo ko kung di ko naman 'to mashe- share sa kanya. Ilang taon na din naman kaming magkaibigan at ayokong tumagal pa ang pagaaway namin na ito. Masyado ko na din siyang nami- miss. Hinanap ko siya sa basketball court, sa volleyball o kahit badminton court pero hindi ko siya mahanap. Doon kasi nanonood ang halos lahat ng estudyante pero kahit anong hanap ang gawin ko ay hindi ko siya makita. "Nakita niyo ba si Mayel?" tanong ko kay Jake na nasalubong ko nang palabas ako ng gym. Basang basa na siya sa pawis dahil sigurado ako na kanina pa siya inuutusan ng mga prof. Humihingal siyang sumagot sa akin.

"Wait lang ah, hahabulin ko lang ang hininga ko." aniya.

"Sorry, busy ka pa naman pero kasi makikipagbati na ako kay Mayel."

Talaga?" aniya na tuwang tuwa. "Buti na lang at ako ang tinanong mo, kasama ko siya kanina. Ayaw niya kasi sa mainit at crowded na lugar kaya doon siya tumatambay sa may Chapel." Chapel? Bakit di ko naisip yun? Tama si Jake, di sanay si Mayel sa mga mainit at mataong lugar.

"Sa tingin mo nandoon pa siya?"

"Well, I think so." aniya. Nagpaalam na ako at saka ako tumungo sa Chapel na hindi naman kalayuan sa gym. At doon ko nga siya nakita, nakaupo at nakikinig ng mga kanta sa cellphone niya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita na pumasok. Sa sobrang lakas nga ng pinapatugtog niya ay hindi niya din namalayan na umupo na ako sa tabi niya.

"Mayel," pagtawag ko ng atensyon niya pero hindi siya lumingon. Tinanggal ko ang earphone sa tainga niya na ikinagulat niya.

"Ano ba?" pagalit niyang tanong pero nang makita niya na ako pala yun ay nawala ang pagsalubong ng kilay niya. "Anong kailangan mo?"

"Mayel, alam kong galit ka sa akin, sa nagawa ko sayo. Akala ko nga noong una okay lang sa akin na magalit ka. Inaamin ko naisip ko na bakit ikaw na lang palagi ang muse? Bakit hindi mo na lang ako pinagbigyan eh kahit naman noong highschool tayo ay ikaw na palagi ang pinagbibigyan ko. You know what it really hurts me kasi akala ko hindi naman masisira ang friendship natin sa ganito-"

"Candy," putol niya. "Please shut up." Natahimik ako, galit pa din pala siya. Tumayo siya at saka hinawi ang buhok sa mukha niya. "Alam mo ang dami mong sinasabi eh. Sa totoo lang, hindi pa ako handang makinig sa iyo ngayon. Bakit ba hindi mo na lang aminin na ginusto mo talagang mapahiya ako sa harap ng departamento natin? Akala ko naman kasi kaibigan kita. Sana kung gusto mong maging muse, sana sinabi mo na lang agad sa akin, di naman kita pipigilan eh. Pero you know what you have done to me? I felt betrayed by you, I'm sorry." Di ko akalaing magagalit siya sa akin ng ganoon na para bang ang laki laki ng kasalanan na nagawa ko sa kanya.

"Mayel, mas importante pa ba sayo ang pagiging muse na yan kaysa sa pagkakaibigan natin?" di ko sinasadyang mataasan ang boses ko.

"Baka sayo, mas importante." sabi niya sabay lakad palayo. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga pangyayari, the next thing I knew, nakarandam na din ako ng galit kay Mayel. Mas importante pa pala sa kanya ang pagiging damn muse. Tila nawala na ang pagsisisi sa ginawa ko na tanggapin ang pagiging muse ng sports fest na ito.

Mayel Dominguez

Ang kapal talaga ng mukha ng Candy na yan. Papiliin ba naman ako kung ano ang mas importante sa akin, kung pagkakaibigan o pagiging muse? What a hypocrite? Para bang ako ang unang trumaydor sa aming dalawa. Gusto ko na din namang makipagbati, pero kung ganyan ang lumalabas sa kanya, ay hindi ko talaga maibababa ang pride ko. Pumunta ako sa basketball court para manood ang laban ng Gold team at Green Team. Kitang kita ko na isa sa mga naga-assist si Mart. Bigla akong nagka-ideya. Dapat marandaman ni Candy kung ano ang narandaman ko sa ginawa niya. Kailangan niyang maintindihan ang pakirandam ng trinaydor. Nagdalawang isip ako, kaibigan ko siya, sabi ng konsensya ko. Pero agad ko naman itong nabawi. Sinabi ko uli sa sarili ko na kailangan niya ng leksyong ito. At isa pa, gusto ko ding malaman kung si Mart ba ang tapat talaga kay Candy. Pinanood kong mabuti si Mart na naging crush ko din noong hindi pa sila ni Candy. Sasabihin ko na nga sana kay Candy na crush ko si Mart pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nasabi. Bakit nga ba si Candy na lang palagi ang kinahuhumalingan ng lahat ngayon?

Hanggang sa matapos ang laban na ikinapanalo ng green team ay nakaupo lang ako sa mga benches at nanonood. Kinawayan ko si Mart nang mapadako sa akin ang tingin niya at dahil tapos na ang laban ay lumapit naman siya sa akin agad. "Mayel, hinahanap ka kanina ni Candy ah, nagkita na ba kayo?" tanong niya habang nagpupunas ng pawis sa leeg niya.

"Ayun, makikipagbati na sana ako kaya lang, alam mo yun? Nakipagaway na naman siya sa akin and this time nasaktan ako sa sinabi niya. Sabi niya mas importante sa kanya ang pagiging muse kaysa sa pagkakaibigan namin. Would you believe it? Kahit ako hindi ako makapaniwala." pagdra- drama ko at dahil sa galing ng pagdra- drama ko ay napaluha talaga ako. Umupo siya sa tabi ko at saka ako nagpatuloy. "Hindi niya alam kung gaano ko pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin tapos yun ang maririnig ko sa kanya?" This time, hinahagod na niya ang likod ko, sobrang nadadala na siya sa drama ko.

"Baka naman hindi niya yun sinasadya. Kilala ko si Candy-"

"Akala ko din kilala ko siya, Mart pero nagkamali ako. Alam mo bang nakita ko na kasama niya si Jake kanina? Alam naman niya na matagal ko ng gusto si Jake, pero para siyang nangi- inggit na di ko malaman. Wala naman sa akin yung pagiging muse niya, pero huwag si Jake!" Kahit ako ay nagulat din sa mga sinabi ko. Hindi totoong nakita ko silang magkasama pero I think mas madadala siya sa drama ko kung maiinis siya kay Candy. "At ang sweet nila, alam mo naman na ayokong may naglolokohan di ba? Kayo pa din ba?"

"Oo naman Mayel, actually yesterday was our 2nd monthsary namin." aniya na tila nagsasalubong na ang kilay. At my peripheral view ay nakita ko na papasok si Candy sa gym and so I continued my act. Sumandal ako sa balikat ni Mart.

"Mart, I really need a friend right now." Umakbay siya sa akin.

"You have a friend Mayel, okay. Kaibigan mo ko, nandyan sina Rio, Mia, nandito din ako. And I know, kahit ngayon ay magkagalit kayo ni Candy, sure ako na magkakabati din kayo." Nakita kong papalapit na si Candy so hinawakan ko ang kamay ni Mart.

"Mart?" narinig naming sabi ni Candy na nakatayo na pala sa harapan namin na ikinagulat ni Mart at kunyaring ikinagulat ko din. "Come here, now!"

Rainier Lacosta

"Rain!!!" narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Pagkalingon ko ay tama nga ako sa hinala ko. Si Kyle. Kahapon pagkatapos ng laban namin ay ikinain niya ako sa labas kasama si May na little sis niya pala. Yup, magkapatid pala ang dalawang mokong na ito pero napansin ko na hindi sila madalas na nagkakasundo. Wala naman talaga akong balak makipag hang out sa kanilang dalawa pero nagpumilit si Kyle at mukhang napilitan ding sumama ni May. Hindi ko alam ang motibo niya kung bakit gusto niya akong makasama after ng laban namin, pero ayun, sa bandang huli nga ay napapayag niya ako.

"O kamusta Kyle?" Naka puting shorts siya at naka green na jersey tulad ng suot niya kahapon. Halatang di pa siya napapawisan at tulad kahapon ay amoy na amoy ko pa din ang perfume na gamit niya. Ang bango.

"May laban ako after five minutes eh, kung wala kang gagawin baka gusto mong manood." pagyayaya niya. Five minutes na lang laban na niya? Eh bakit nandito pa siya? Dapat ay nagwa- warm up na ang lalakeng ito. Pumayag ako at sumunod sa kanya sa badminton court na mukhang ikinasaya niya naman. Sa totoo lang after what happened to me and Jake ay kung pwe- pwede lang ay iiwas na muna ako sa lalake dahil habang tumatagal na ang pakikisama ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magpakabading na naman. Hindi ba sinabi ni May sa kuya niya na bading ako? Kalaban ni Kyle ang blue team (Engineering deprtment) na mukhang no match naman sa kanya dahil unang set pa lang ay ang laki na ng lamang niya dito. Pagdating ng second set ay lumapit sa akin si May at umupo sa tabi ko.

"May, matanong nga kita, sabihin mo nga sa akin, nabanggit mo ba sa kuya mo na bading ako." Tumango siya.

"Yup."

"So mahilig makipaghang out ang kuya mo sa bading na tulad ko?"

"Alam mo Rain, ang hina ng instinct mo." sabi niya na para bang ang tanga tanga ko. "Bading ang kuya ko Rain, nakikita mo ba? Bading!"

Hindi naman masyadong tumagal ang laban dahil nga ang kalaban niya ay parang first timer sa paglalaro ng badminton kaya natapos naman agad ang laro. Pagkatapos na pagkatapos ng laban ay nagmeeting si Kyle at ang coach nito at ilang sandali lang ay lumapit na ito sa aming dalawa ni May. "Nice Kyle! Congrats!" pagbati ko habang nakikipag apir ako sa kanya.

"Bukas na ang susunod na laban so pahinga na ako all day. Gusto mo kumain?"

"Ako Kuya, di mo yayayain?" Hinarap ni Kyle si May at saka tumaas ang kilay nito. "Ay oo nga pala may gagawin pa pala akong project, maiwan ko muna kayo ah." anito sabay walk out. Hindi na ako nagsalita dahil curious din naman ako malaman kung ano ang gustong mangyari ng Kyle na ito. So naglakad kami papuntang Bonita Bar na nasa tabi lang ng school. Nilibre niya ako ng kanin at ulam at pagkatapos ay niyaya niya akong uminom.

"Di ba yan makakasama sa laban mo bukas?"

"Konti lang naman, you know just to celebrate." At pumayag nga ako. Uminom kami ng Red Horse at nakapag kwentuhan na din. Nasa abroad ang parents nila ni May na nagiisa niya lang na kapatid at dahil nga doon ay sanay na silang maging independent. Siya na din ang nagbabantay kay May, tinuruan niya ito kung paano ipagtanggol ang sarili kaya hindi na rin siya masyadong nagaalala. "At ayun three years ago, inamin niya sa akin na lesbian siya, na babae ang gusto niya which is okay lang sa akin. Pero dahil conservative ang pamilya namin, we just keep it as a secret. Masyadong mahigpit ang parents ko, at kahit nasa ibang bansa sila ay kinakailangan naming i-report ang mga grades namin dahil kung hindi kami umabot sa standards nila ay binabawasan ang allowance namin. Kaya ayan ang hindi namin pinapabayaan ni May so ayun, kada buwan naman ay sobra ang allowance na natatanggap namin." Kaya pala may panginom ang lalakeng ito.

"May itatanong ako sayo." sabi ko. Nararandaman ko na din kasi ang pag init ng katawan ko which means lasing na ako sa halos tatlong muchos na nainom namin at gusto ko na din malaman galing sa kanya ang katotohanan. "Sabi ni May bading ka daw, so are you?' Hindi siya nagulat sa tinanong ko which is the least of my expectation. He just smiled. Hinawakan niya ang kamay ko. WTF? Sa lalakeng lalake na dating niya, hindi ko talaga ine- expect na ganito ka siya ka...bakla.

"Paano kung sabihin kong oo?"

"F-first time ko pa kasi kaya hindi ko alam-"

"Tara, doon tayo sa bahay namin, may sarili akong kwarto. May ituturo ako sayo." Di na ako nakasagot pa. Binayaran niya ang kinain at ininom namin at saka kami lumabas ng bar.

Mart dela Serna

"Tell me ano ang nakita ko kanina? Tama ba ang nakita ko? Kayakap mo si Mayel? So inaahas ka na pala niya ngayon? Ganoon ba yun?" Tuloy tuloy na tanong ni Candy gamit ang mataas na tono na para bang wala na siyang pakialam kung nagtitinginan na ilang taong naglalakad. Nakatayo kasi kami sa labas ng gym. Bago ko siya sinagot ay hinila ko siya papunta sa likod ng gym kung saan walang tao. "Bitawan mo nga ako! Ba't di ka makasagot?" naiiyak niyang dagdag. "Ayaw mo bang malaman ng ibang tao ang ginawa mo?" Tatalikod sana siya pero hinawakan ko siya sa braso ng mahigpt na kahit magpumiglas siya ay tiyak na mahihirapan siya.

"Una sa lahat Candy, hindi kami magkayakap ni Mayel, nakaakbay lang ako sa kanya dahil sinusubukan ko siyang patahanin. At pangalawa, hindi niya ako inaahas, naiintindihan mo ba? Mahal kita at kahit ahasin niya ako, hindi ako papayag-"

"Alam ko kung ano ang nakita ko Mart, alam ko!" panggigiit niya.

"At ano naman ang nakita niya kanina, na magkasama kayo ni Jake, na ng sweet sweet niyo daw? Ano ang ibig sabihin nun?" pagtataas ko ng boses.

"Tinanong ko lang kay Jake kung saan ko pwedeng makita si Mayel-"

"So totoo ngang magkasama kayo?"

"Mart, patapusin mo nga muna ako!" aniya. "Tinanong ko lang kay Jake kung saan ko pwedeng makita si Mayel dahil gusto ko ng makipagbati at sinagot niya lang ako na makikita ko si Mayel sa chapel. Ganoon lang! Hindi nga tumagal ng isang minuto ang paguusap namin, maniwala ka sa akin Mart! Please lang!" Napatingala ako, kumukulimlim ang langit, mukhang uulan pa ata. "Ako pa nga ang dapat magalit eh, kasi obviously she's flirting with you at hinayaan mo naman!"

"Please, kung anu- ano ang sinasabi niya sa akin Candy."

"Oo nga eh and you believe her. Hindi totoo ang sinabi niya, sigurado ako, gumaganti lang siya sa ginawa ko. Huwag kang pumayag na paglayuin niya tayo, huwag ka naman pumayag na magtagumpay siya." Di ako nakapagsalita. Bakit nga ba pinapahirapan ko si Candy? Sa kanya dapat ako magtiwala at hindi kay Mayel.

"Naniniwala na ako Hon. Naniniwala na ako sayo." pagbababa ko ng boses. Hinapit ko siya palapit sa akin at sa pangalawang araw ng sports fest namin ay napaiyak na naman siya. Kahapon lang ay umiiyak siya dahil sa tuwa, now I can't believe na napaiyak ko siya sa kabaligtaran na kadahilanan. Niyakap ko siya para tumahan. "Sorry, please forgive me."

"I was scared, you know. Akala ko kasi hindi ka na maniniwala sa akin."

"I'm sorry Hon, masyado akong nadala. Please naman Candy o, umiwas na tayo kay Mayel. I can't believe she can actually make us fight like this. Sorry kung nagtaas ako ng boses, hindi na mauulit, Candy, hindi na."

Rio del Grande

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa nangyari kahapon. Nabigla din ako sa ginawa ni Ma'am Wenona, ang magpakita ng tattoo malapit sa dibdib niya. At dahil di naman nakatulong talaga ang ginawa ni Mia ay napagdesisyunan ko na lang umuwi pagkatapos ng laban nila na naisip ko kinalaunan na maling hakbang kaya di rin ako magtataka kung magagalit siya sa akin. Pero kaninang umaga, nang nakita ko siya sa catwalk ay ngumiti siya sa akin at naging okay naman ang paguusap namin. Walang nakabanggit tungkol sa nangyari kahapon. Buti na lang. Gusto ko na din kasi kalimutan ang mga pangyayari.

Nakanood pa nga ako ng isang laban nila sa Blue team na ikinapanalo naman nila kaya pumunta kami sa school canteen para mailibre ko siya. Pagkatapos ay bumalik kami sa gym kung saan nakita namin si Mart at Candy na nagaaway. Pumunta sila sa likod ng gym kung kaya't hindi na rin namin naririnig ang pinaguusapan nila.

"Hanggang ngayon pa din ba ay magkagalit pa din si Candy at Mayel?" tanong ko kay Mia na kasalukuyang kumakain ng hotdog on stick.

"Yup, magkagalit pa din sila at di mo ba narinig? Inaahas daw ni Mayel si Mart. Tsk tsk. Mabuti pa ay huwag muna tayong makialam, away nila yun. Tsismoso ka." Napaupo kami sa isa sa mga benches na walang ibang tao. Katatapos lang kasi ng laban at kasalukuyang binakante muna ang gym.

"May sasabihin ako sa Mia."

"What?" Di ako agad nakasagot. Ano nga ba ang sasabihin ko? Paano ko ba sasabihin kay Mia na naa-attract na ako kay Ma'am Wenona? Na kung pwede ba itigil ko na lang ang panliligaw ko? "Kahapon nang isinama ako ni Ma'am Wenona sa Art Gallery room, hinalikan niya ako."

"W- what?" di niya makapaniwalang tugon na para bang hindi niya ako inaaasar kahapon.

"Sa tingin ko nagkakagusto na ako sa kanya."

Miabelle Basco

"Well, okay lang yun Rio. Ano iniisip mo ba na baka magalit ako kasi gusto mong makipag relasyon sa isang prof? Okay lang, I can keep that as a secret." sabi ko kahit ba gusto kong manapak sa mga oras na ito. Buti na lang talaga hindi ko pa siya sinasagot dahil hindi naman pala ganoon kahaba ang pasensya niya sa panliligaw sa akin. Buti na lang talaga.

"Iniisip ko kasi alam mo yun, nililigawan kita di ba? Tapos magkakagusto ako sa iba. Wala ka pa namang nararandaman sa akin di ba?"

"Wala! Wala, huwag mo na akong aalalahanin. Magkaibigan pa din naman tayo eh, okay? Suportado kita diyan sa balak mong yan."

"Talaga?"

"Yup."

"Ayos, balak ko na kasing ligawan si Ma'am."

"Uhm, nabubulunan ata ako, kukuha lang ako ng maiinom natin ah." page- excuse ko. Hindi ko na talaga kaya ang mga naririnig ko.

"Samahan na kita Mia."

"Huwag na, diyan ka lang okay? Babalik din ako agad."

"Wait Mia, friends pa din di ba?"

"Friends pa din, syempre!"

Jake Constal

"Okay ka lang Jake?" tanong sa akin ni Mia. Nakaupo ako sa may lobby kung saan bibihira ang mga taong dumadaan dahil halos lahat ng tao ata ay nasa gym para manood ng laban. Umupo siya sa tabi ko na mukhang problemado din.

"Honestly speaking, no." maikli kong sagot.

"Gusto mo?" yaya niya sa akin sabay abot ng drinks.

"Bakit dalawang drinks ang dala mo? Para sa akin ba talaga yan?"

"Huwag ka ng magtanong pwede? Kunin mo na lang." At inabot ko nga ang coke light sa kamay niya. Biinuksan ko ang coke at nilaklak ang laman nito. I have never done this before, parang alak din pala ang coke, masarap pag may problema. Hindi ka nga lang nalalasing o nakakalimot pero nakatulong pa din ito sa pagmumuni muni ko. Kaninang umaga, pag gising ko ay walang ibang tao sa bahay kung hindi ako. Pumunta ako sa kwarto ni Mom pero hindi ko na makita ang mga gamit niya. Hindi ko akalaing bibigay siya ng ganoon, sana nga lang at hindi matuloy ang sinasabing niyang annulment kagabi. "You look upset."

"Mas mukha kang upset." I replied to Mia na ikinatawa lang niya. "Bakit hindi mo kasama si Rio?"

"Pwede bang huwag ka na munang magtanong? Nire- respeto ko naman ang pagmumuni muni mo di ba?" mataray niyang sagot. Ang layo ng tingin niya at sa tingin ko sa mga mata niya ay nasasaktan siya. Mukhang kanina pa niya pinipigilang umiyak.

"Akala ko ako lang ang may problema, salamat sa coke ah."

"Minsan lang akong manlibre alam mo yun?" aniya.

"Kaya nga salamat eh, yaan mo babawi ako."

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng libre? Magkaiba ang libre sa utang Jake." tugon niya. Tama siya, may point.

"Okay, sabi mo eh." pagsangayon ko at pagkatapos ay sabay kaming bumuntong hininga.

"Bakit ganito ang buhay no? May pagka-unfair." sabi niya, malayo pa din ang tingin na tila ba kinakausap ang sarili.

"Ganyan naman talaga eh, para ngang gusto mo ng magtampo sa Diyos. Alam mo yung tipong masaya ka na nga tapos biglang may mangyayari na pwede namang iwasan tapos magkakaroon ng malaking impact sa buhay mo, madaming taong masasaktan. Iniisip ko nga minsan kung may pakialam ba talaga ang Diyos sa atin?"

"Yan din ang iniisip ko eh. Bakit hindi na lang tayo maging masaya habambuhay? Minsan nga may nate- take for granted tayo pero bakit ganoon, sa oras na napapahalagahan mo na ang isang tao o bagay ay saka naman ito inaalis sa atin? Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? And then tatanungin mo sa sarili mo, bakit, deserving ba talaga ako sa sitwasyon na ito?"

"That's what I am thinking too."


Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...