ZBS#6: Black Moth's Chemical...

Por iamyourlovelywriter

1.9M 45.7K 2.8K

Teaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan... Más

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE
Extra #1: MasterH's letter to Black Moth
EXTRA #2: She'll gonna make it

Chapter Eight-C

77K 1.9K 48
Por iamyourlovelywriter

Chapter Eight-C

ABALA siya sa paghahalo ng mga chemicals para sa new products nila ng makarinig siya ng katok mula sa labas ng laboratory niya. Yari lang iyon sa salamin kaya kitang-kita kung sino ang nasa labas, tinanggal niya ang kanyang goggles at isinabit sa leeg niya at bumaba sa high stool na inuupuan niya.

"Yes po?" takang tanong niya sa guard.

"Ms. Andres may delivery sa inyo." Kumunot naman ang noo niya.

"Anong delivery po?" and as a cue ay may dumating na tatlong delivery guy mula sa iba't ibang kompanya, may isa na may tatak na pangalan ng isang flower shop, iyong isa naman ay may dalang paper bag na may tatak na Royale na isang kilalang restaurant, at iyong isa naman ay mula sa Little Devils.

"Ms. Georgette Andres po?"

"Yeah, bakit?"

"May pinapadeliver po si Mr. Ashton Villaraga sa inyo." Napatingin sa kanya ang mga taong napapadaan sa harap ng laboratory nila. Kung noong isang araw ay halos ibitin na niyang patiwarik ang mga kaibigan niya dahil sa pang-aasar sa kanya ngayon na nasa trabaho siya ay may pasasakit naman sa ulo niya. Ayaw man niyang aminin pero kinikilig siya sa gestures ni Ashton first time kasi niyang makaranas ng ganito, nakakatakot lang.

"Flowers? Foods? Cakes? Aba, galanteng manliligaw." Narinig niyang komento ni Renz na tinapik siya sa likod. Tinanggap niya ang bulaklak upang makapasok na siya sa loob ng laboratory niya, pati na rin ang paper bags na may mga lamang pagkain. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa kapag may napapadaan ay nanunuksong tumitikhim sa kanya o kaya naman ay nagpaparinig ng 'ayeeeee' at ang puso niya ginaganahan namang magpatukso. Kaya pagpasok niya sa loob ng laboratory ay mahigpit niyang niyakap ang bouquet dahil hindi na rin niya kayang pigilan ang kilig na naramdaman niya. Sa taong unang beses lang na naramdaman ito hindi niya kailanman naisip na ganito pala talaga ang feeling na iyon, parang punong-puno ng hangin ang tiyan niya, iyong puso niya sabog na sabog na.

"Baka himatayin ka na diyan." Tukso ni Renz na kinuha mula sa kanya ang paperbag na may lamang pagkain at cake na mapipisa na niya. "Ang sweet naman yata ni kuya Ashton nakakapanibago, hindi naman siya marunong manligaw."

Napatingin siya sa kasama, "What do you mean?"

Ngumisi lang ito na una pang binuksan ang cake niya. "Hindi siya marunong manligaw, hindi siya nag-eeffort unless may gusto siyang kuhanin sa isang babae o kaya naman ay he's already falling for you."

Biglang naglaho ang masayang pakiramdam niya sa mga sinabi ni Renz, naalala kasi niyang may gusto nga si Ashton sa kanya... gusto nitong maging modelo siya ng lingerie line ng mommy nito.

"Bakit ka biglang nalungkot?"

Nagtaas siya ng tingin at ibinalik ang naunang ngiti sa mga labi niya ayaw naman niyang mag-alala pa si Renz sa kanya.

"May iniisip lang ako."

"Gutom lang iyan here, kainin ko na itong cake ha tutal hindi mo naman ito mauubos. Oh wait, picture muna para remembrance." Kinuha nito ang phone nito at kinuhanan ng picture ang cake pati na rin ang paperbag na may foods at siya na may hawak na flower.

Kumuha siya ng Florence flask dahil wala namang vase sa loob ng laboratory at linagyan ng tubig, at saka inayos ang mga bulaklak na bigay ni Ashton. Kung anuman ang dahilan ni Ashton kung bakit nito ginagawa ang bagay na iyon talo pa rin siya, hindi siya pwedeng magustuhan ni Ashton, hindi siya pwedeng sumaya. She's not allowed to love dahil kapag may minahal na siya, mapipilitan siyang tumiwalag sa sindikato, at kapag nangyari iyon may mas mapapahamak pa na maraming tao at baka madamay pa ito.

"Alam mo ba ngayon ko lang uli nakita si kuya na happy."

"What do you mean?"

"Well, hindi na ako magsisinungaling sa iyo tutal malalaman mo rin naman in the near future and since alam kong mabait ka naman kaya maiintindihan mo si kuya A. Ganito iyon, before high school pa si kuya may like na like siyang girl, naging girlfriend pa nga niya ang girl Eula ang pangalan niya. So, naging sila pero kailangan ni kuya na mag-aral sa London kaya naiwan si Eula sa bansa. Hindi maintindihan ni Eula ang reason kaya nagpakabaliw si girl, nagpakalasing at nagpaka-high sa droga." Parang biglang may tumadyak sa kanya sa tiyan sa sinabi ni Renz. "Nang malaman ito ni kuya ay nagmamadali siyang umuwi dito dahil late na late na, nagcommit ng suicide si Eula. At simula noon sinisi na ni kuya ang drugs o ang lahat ng may kinalaman doon, naalala ko pa nga na may naging kaibigan siya dati, a close friend nalaman niyang gumagamit ng druga kaya pinakulong ni kuya Ashton. Ganoon siya kagalit at wala siyang sinasanto." Napalunok siya sa ipinagtapat nito.

Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa ipinagtapat ni Renz, kung-kung totoo man na may nararamdaman si Ashton sa kanya kapag nalaman nito kung ano talaga ang tunay niyang baho baka ipakulong din siya nito. Hindi pwede iyon, dahil kapag nalaman ng GS na may nagsuplong sa kanila awtomatikong ipapapatay nila ang taong iyon. And if that happens... hindi na talaga niya mapapatawad ang sarili niya.

"Hey, mas lalo kang naging sad. Huwag mo ng isipin iyon masyado ng matagal iyon at alam kong nakamove on na rin si kuya kay Eula, ang nanatili lang ay ang galit niya sa mga drugs, drug dealers and pushers."

Pilit niyang ngumiti dito. "It's okay."

Hindi na rin niya nagawang ubusin ang pagkain na ibinigay ni Ashton sa kanya kahit gaano pa iyon kasarap, tumabang na kasi iyon sa kanyang panlasa ang mas nangibabaw sa kanya ay ang takot na malaman nito ang tungkol sa trabaho niya. If only she could change time, hindi niya hahayaan na magkrus ang landas nilang dalawa.

"Uwian na hindi ka pa ba uuwi?" untag sa kanya ni Renz na naghahanda ng lumabas, kinukuha na nito ang gamit nito sa table nito pero siya ay nakatitig parin sa sa malaking scanning electron microscope na nasa harap niya kahit na wala namang specimen na nakalagay doon. Distracted kasi siya sa mga pinagagawa ni Ashton sa kanya. "Hoy!" napakurap siya ng magising na siya ng tuluyan sa pukaw nito.

"Uh? Sorry, iniisip ko lang ang ginagawa ko." Palusot niya, nagtataka man ay tumango lang ito. Sanay na kasi ito sa kanya na minsan ay nawawala sa kanyang sarili. "Mauna ka na ililigpit ko muna itong mga gamit ko."

"Are you sure?"

"Yeah, thanks Renz." Nagpaalam na ito sa kanya habang siya naman ay tila walang buhay na inayos na rin ang mga gamit niya. Paglabas niya ay halos wala ng tao sa hallway and it's getting darker too, pumunta muna siya sa biometrics upang mag-log-out.

"Hi!" napamulagat siya ng may huminto sa harap niya, napakurap siya ng makitang si Ashton ang nasa harap niya. He's smiling broadly at her, kaya iyong agam-agam niya kanina ay parang mga balimbing na nagtago sa likod ng kanyang utak at itulak iyong kaninang kilig na naramdaman niya.

"Ashton." His smile become broader when she uttered his name.

"Say it again." Excited na usal nito.

"Ang alin?"

"My name, it sounds so sexy when you said my name." natawa nalang siya sa sinabi nito, para talaga itong bata kahit na napakalaking mama.

"Para kang sira alam mo ba iyon?"

"Kung makikita naman kitang nakangiti ng ganyan okay lang sa akin na maging sira-ulo ako." Halos hindi na niya maisara ang labi niya sa sobrang pagkabanat, kasi iyong tipong pipigilan mo ay mas lalo lang lumalapad ang ngisi mo na nagmumukha ka ng ewan.

"Kahit huwag na and thank you for the flowers and the foods, we enjoyed it."

"We?"

"Ah, kasi hindi ko naman mauubos iyon kaya kinain namin ni Renz, I hope you don't mind."

Umiling ito. "As long as kumain ka I won't mind." May kinuha nito sa likod ng bulsa nito at saka ibinigay sa kanya. Kunot-noong napatitig siya sa isang tangkay ng pulang rosas na hawak nito, it's a big stemmed rose... at ang ganda ng kulay, it's so red that it almost look black... her color. "For you."

"Pero pinadalhan mo na ako ng flowers."

"Tanggapin mo nalang ito or else bukas isang truck ang ipapadeliver kong flowers." Napailing nalang siya at saka tinanggap ang rosas kaso aksidente namang nahawakan niya ang may tinik na bahagi kaya natusok siya. "Masakit ba?" nag-aalalang tiningnan nito ang daliri niyang may maliit na butil ng dugo na lumabas sa balat. "Sorry Georgette hindi ko-."

"It's okay Ashton it's just a small wound." Binuksan niya ang kanyang backpack at kumuha ng alcohol, hindi naman delikado ang tinik ng rosas maliban nalang kung may lason iyon which is very impossible.

"Akin na ang kamay mo." Hindi na ito naghintay at ito na mismo ang humawak sa kamay niya at tiningnan iyon.

"Okay na iyan Ashton maliit lang talaga iyong pagkaprick it's already fine there's no need to fuss about it." Mahinahong paliwanag niya dito. kumibot lang ang labi nito tapos tiningnan ng masama ang rosas na hawak nito.

"This shouldn't be given to-." Akmang itatapon n asana nito ang pobreng bulaklak ng pigilan niya. kinailangan niyang hulihin ang braso nito para hindi lang nito magawa ang pakay nito.

"Don't throw it away, ibibigay mo sa akin ito hindi ba? Akin nalang ito."

"Pero masusugatan ka bibigyan nalang kita ng bago iyong walang tinik."

Ngumiti siya kay Ashton. "That's make the rose more beautiful Ashton, ang tinik nito ang mas lalong nagpapaganda sa bulaklak." Napatingin siya sa bulaklak na nasa kanyang mga kamay. Akala niya ay sasagot ito pero napansin niyang tinititigan lang siya nito. "Bakit?"

"Hmn, mas lalo kang gumaganda araw-araw. Damn!" napapalatak ito. "Ano bang pinakain mo sa akin at hindi ko mapigilang isipin ka. You are bad for my brain Georgette."

"Baliw."

Ito naman ngayon ang ngumiti. "Kasalanan mo ito kaya kailangan mo akong tulungan,"

"Tulungan na?"

"Tulungan mo akong mas isipin ka pang lalo ngayong gabi, let's have our first official date."

"Eh-." Hinila siya nito papunta sa kotse nito.

"No buts, come here darling let's create more memories."

She sighed... natatakot siya sa pwedeng mangyari pero mas natatakot siyang hindi patulan ang tibok ng puso niya, ayaw niyang magsisi sa bandang huli. Alam niyang walang forever sa pagitan nilang dalawa ni Ashton but the memories she will have with him will be her eternity, she will treasure them for a lifetime because she bet, isang lalaki lang siguro ang kaya niyang mahalin sa buong buhay niya and that's Ashton Villaraga.





DINALA siya ni Ashton sa isang floating restaurant na hindi pa niya napupuntahan kahit kailan. It's a very beautiful place lalo na at nakikita moa ng city lights sa gabi kahit siya ay manghang-mangha. The city lights were like stars, noong bata pa siya gustong-gusto niya ng nakakakita ng stars she even dreamt to see a shooting star para magwish na sana ay lumaya na siya sa kamay ng GS pero hindi nangyari iyon hanggang panngarap nalang siya noon pa man.

"It's very beautiful." Hindi niya napigilan ang sarili niyang maging emotional.

"Is it your first time here?" ngumiti siya kay Ashton.

"Oo, thank you Ashton for bringing me here." Tumayo ito at tumabi sa kanya saka ibinalot ang braso nito sa beywang niya. Hindi na siya nagpumiglas pa malamig din naman kasi ang buong paligid, gusto lang niyang lunurin ang sarili niya sa mga magagandang bagay at sa magandang pakiramdam na kasama ito. "Mahilig kang manyakap ano?" biro niya.

"Hindi mahilig akong manyanching, hindi mo ba alam iyon?" ganti naman nito.

"Sira ulo ka talaga." She chuckled, habang nag-uusap sila ay gusto niyang itanong kung ano ba talaga ang balak nito sa kanilang dalawa. If he and she do really exist matakot na siya.

"Nasaan ang mga magulang mo Georgette?" she could feel him staring at her pero siya ay deritso lang ang tingin.

"I don't know." Mahinang sagot niya.

"Anong ibig mong sabihin na hindi mo alam?"

Ngumiti siya at humarap dito, she suppressed that negative emotions trying to surface from the bottom of her heart. "They don't matter to me Ashton so I don't know, don't get me wrong wala din naman silang pakialam sa akin kaya quits lang kami."

Her parents are the most sensitive topic she doesn't want to open with anyone else, kahit na sa mga kaibigan niya.

"Nasasaktan ka ba kapag pinag-uusapan ang mga magulang mo?"

Ngumiti uli siya at umiling. "I'm used to it." Pinihit siya nito at saka mahigpit na niyakap na medyo ikinagitla niya. "Ashton-."

"Walang anak na hindi nasasaktan kapag mga magulang na nila ang pinag-uusapan. I know you were hurt, you are hurt and you are still hurting. No matter how many happy smiles you showed to me, I can feel your pain Georgette. Don't forced yourself to be happy when everything is falling into pieces crying will make you feel better."

She bit her lips. "Hindi nga Ashton sanay na ako, mas masakit siguro kung may edad na ako ng iwanan nila. I was five years old when they sold me to some people, I can't even remember their faces anymore, I don't even know their name and I don't even know kung ang tunay na pangalan na ibinigay nila sa akin ay Georgette talaga."

"Wow, your life is complicated." Kumalas siya sa yakap nito sa kanya.

"If you only knew Ashton, kapag nalaman mo ang klase ng buhay na meron ako baka ikaw na mismo ang kusang lumayo sa akin. I am not worth it of your time." She said truthfully.

"Kung anumang buhay meron ka sigurado akong magugustuhan pa rin kita, hindi naman buhay mo ang nagustuhan ko sa iyo kundi ikaw mismo. I like Georgette Andres."

Masaya siyang marinig ang mga salitang iyon mula sa labi nito. "Kung kilala mo talaga ako Ashton sa tingin ko hindi ako ang klase ng babaeng magugustuhan mo. Babawiin mo rin iyang lahat ng mga sinabi mo." She stated as a matter of a fact.




<<3 <<3 <<3

a/n: alam niyo iyong feeling na ang lakas-lakas ng kulog at kidlat, tapos confident kang nagcecellphone at naglalaro ng Criminal case sa cellphone mo ng bigla nalang ma-struck ka ng kidlat, naitapon kong bigla ang cellphone ko my goodness pero tawa naman ako ng tawa after taht. Iyon pala ang feeling ng matamaan ng kidlat, first time in history iyon na natamaan ako ng kidlat na pumasok sa bahay mo habang ikaw naman ay nakahiga lang. So, iyon lang next time kapag may kidlat at kulog bubuksan ko na iyon bintana namin para magkaroon ako ng super powers (nabaliw na ako dahil sa kidlat last night)....


STATUS UPDATE: Back to work and back to school, tapos na ang isang araw na abswent to dahil sa flu.

PPS: Pabebe kiss *mwahhh*


Seguir leyendo

También te gustarán

559K 14K 22
Teaser: Paano kung isang araw ay may magbalik mula sa nakaraan ang twist lang ay hindi nakaraan mo kundi nakaraan nang kaibigan mo? At bago mo pala n...
111K 2.8K 28
GXG
2.1M 38.2K 18
a/n: contains slightly matured scenes. :p TEASER: "It's you!" tinaasan ni Chrome ng kilay ang lalaking kaharap. "Who...
31.5M 534K 55
Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura ni...