Just One Answer

由 pilosopotasya

2.1M 55.3K 8.5K

"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?" 更多

Pr: The Question
Ch1: My first friend
Ch2: His unique name
Ch3: Hear my name
Ch4: Look at the mirror
Ch5: Zelle's words of wisdom
Ch6: Must be a sign
Ch7: Slow motion
Ch8: Crush life
Ch9: Almost, but not yet
Ch10: Puting uwak
Ch11: Classmates
Ch12: At sinong hindi mababaliw sa @ulaaaann
Ch13: Sorry hangover
Ch14: Music video tuwing umu @ulaaaann
Ch15: Fifteen days
Ch16: "Mahal Kita"
Ch17: An awkward experience
Ch18: Crush Note
Ch19: Epic Fail
Ch20: My heartbeat meter
Ch21: Anyareh?
Ch22: Gulat factor
CH23: Serious mode: ON
Ch24: Heart to heart
Ch25: Na-aftershock syndrome
CH26: Biglang liko
Ch27: That feeling begins
Ch28: Blind checkered guy
Ch29: Wishes and fortunes
Ch31: Kasal, kasali, kalas
Ch32: Boom! Kapow!
Ch33: Alamat ni Manhid at Sensitive
Ch34: Five questions
Ch35: His confessions
Ch36: Her Feelings
Ch37: Arrythmia
Ch38: El ow vi ee
Ch39: Reservation of first dance
Ch40: Frustrations and birthday special
Ch41: Heart breaks fast
Ch42: Masked mumu
Ch43: Main event
Ch44: After effects
Ch45: Hypothesis and conclusion
Ep: The Answer

Ch30: Dedications and checkered polo

30.3K 851 156
由 pilosopotasya

“—ahal kita pero… mahal ko rin siya”

♪ ♫ Ngunit kung isa sa inyo'y mawala
'Di makakaya ang hirap na madarama

“Hindi ko kayang mawala kayong dalawa sa akin…”

♪ ♫ Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw

“Dahil para sa akin, importante kayo..sobra.”

♪ ♫ Sana dalawa ang puso ko
Hindi na kailangang pumili pa sa inyo
Oh, sana
Oh

“Sana talaga, dalawa ang puso ko. From Jasper” Hindi pa rin tapos 'yung kumakanta pero tapos na 'yung letter na binabasa nung taong nasa dedication booth.

“Well Jasper… goodluck sa lablayp mo, sana lang pagkatapos ng kantang 'to… nasa'yo pa rin silang dalawa. Selfish mo dre!” Sabay nagtawanan 'yung mga tao sa dedication booth. Actually malayo ako sa kanila, nasa isang bench lang ako habang umiinom ng chocolate shake tapos pinapanood ko lang 'yung sa dedication booth. Hinahawakan ko rin minsan 'yung fortune tablet na binili ko na keychain na ngayon ng bag ko, wala lang, ang cool kasi tignan.

Nakaupo lang ako ngayon dahil napuntahan ko na halos lahat ng booth at feeling ko tataba ako pag lumibot pa ako dahil sa mga pagkain na nagkalat.

“Hindi ko kinakaya mga nagpapadedicate dito!” Natatawang sabi nung parang DJ din na babae, lalaki 'yung isa.

“Oo nga—teka, eto daw… teka hahahahaha” Biglang natawa 'yung lalaki sa nabasa niya at may pinatugtog na pamilyar na kanta.

“Sabi nitong nagsulat... 'Ang gwapo gwapo ko lang at para sa akin ang kantang to' hahahahaha”

♪ ♫ Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo
Sa piling mo, 'pag kasama kita ang nadarama
Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo

Rinig na rinig pa rin ang tawanan ng mga tao sa dedication booth dahil sa mic at sa sobrang lakas ng tawa nila. Napaface palm na lang ako, lakas apog naman nung nagpadedicate nun hahaha.

Matapos masayang ang 5 minutes ko sa kakarinig ng tawanan ng mga DJs habang tumutugtog 'yung kanta, may isang pangyayari na talaga namang kumuha ng atensyon naming lahat.

“Bago namin umpisahan ang susunod na kanta, maaari lamang po ay tinatawag namin si Rayne at Daniel. Kilala niyo na kung sino kayo huwag na mag inarte, sa gitna po.” Mula sa hindi kalayuan, nakarinig naman ako ng mga naghihiyawan at ingay.

Ang daming nakatingin at syempre likas akong chismosa, tumayo pa ako sa bench na kinauupuan ko para tignan ng buo 'yung nangyayari at ewan ko kung masusweetan ba ako o matatawa dahil 'yung lalaking tinutulak nila na medyo pogi ay parang kumakawala pa tapos 'yung isang girl sa kabilang side eh kyut na parang nagtataka sa nangyayari.

Habang pinaglalapit 'yung dalawa, nagsalita 'yung DJ na lalaki.

“Dear Daniel, pre—kung hindi pa ngayon, kelan pa? Sabihin mo na kay Rayne. Nagmamahal, barkada mo” Nagsigawan na naman 'yung mga lalaki na parang tumutulak dun sa Daniel at napastay sa gitna 'yung Daniel at Rayne habang pinapalibutan ng karamihan.

Tapos nagsimula 'yung tugtog.

♪ ♫ Our little conversations are turning into little sweet sensations

 

Naghiyawan 'yung mga nakapaligid sa dalawang 'yun na nasa gitna tapos parang kinikilig din 'yung mga DJ. Kita ko namang naaawkward 'yung babae at 'yung lalaki.

♪ ♫ And they're only getting sweeter every time

 

“Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan!” Kantyaw nung mga DJ at nagsisabayan na 'yung mga nakapalibot. Napansin ko namang nagkamot ng batok 'yung lalaki, ankyut nahihiya siya!

♪ ♫ Our friendly get-togethers are turning into visions of forever

 

Napansin ko naman na may lumapit dun sa lalaki at parang hinahawakan 'yung mic para sa kanya at nung nagsalita 'yung lalaki, ang daming nagsigawan at ewan ko pati ako kinikilig!

♪ ♫ If I just believe this foolish heart of mine

 

“R—Rayne…”

HALA HALA HALA ANKYUT MAGTATAPAT BA 'TONG LALAKING TO? OMAYGAHD ANKYUT!!!

♪ ♫ I can't pretend that I'm just a friend

 

“Hindi ko talaga alam to maniwala ka, hoy kayong mga unggoy kayo lagot kayo sa akin!” Nagtawanan naman 'yung ilang lalaki na nasa may side nung Daniel.

♪ ♫ 'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be

 

“Pero Rayne, the song speaks for what I'm feeling…” Napatingin naman ako dun sa babae at nakahawak lang ito sa bibig niya na parang hindi makapaniwala sa naririnig niya.

OMAYGAHD NAGTATAPAT SIYA.

“I think I'm falling…” Naghiyawan 'yung mga tao at pati ako ngiting ngiti sa naririnig ko. OMAYGAHD.  “…in love with you”

♪ ♫ I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away

 

Pwede bang mahimatay? Parang iniabot nung lalaki 'yung kamay niya dun sa girl habang nakaluhod tapos nung parang hinawakan ni girl 'yung kamay nung lalaki, kiniss nung lalaki 'yung kamay ni girl! OMAYGAHD tapos nagsayaw sila! Nagsayaw sila sa gitna! Huhuhuhu hindi ko kinakaya 'to bakit ang sweet nila?!

“Korni naman” Napatingin ako sa baba kasi di ba nakatayo ako sa bench at nakita ko si Enzo na naglalakad at nilagpasan ako.

“Inggit ka lang Enzo!” Lumingon siya sa akin tapos parang inasar niya ako na parang ewan. Ang sama ng ugali talaga nakakainis! Ang gulo pa niya.

♪ ♫ But I'll say it anyway
I think I'm fallin'(fallin') for you
I'm fallin'(fallin') for you

 

Nanood lang ako sa sayawan nila at kinikilig talaga ako hanggang matapos ang lahat tapos sinusundan sila ng iba. Naupo na ako sa bench at tinapon ko 'yung ininuman ko ng shake at nakinig na lang sa mga dedications hanggang sa…

♪ ♫ You’re insecure
Don’t know what for
You’re turning heads when you walk through the door

 

“Woah, bakit iba pagkakanta dito?” Napasabi ako sa gulat kasi parang naging love song imbis na mabilis 'yung beat nung kanta.

♪ ♫ Don’t need make up
To cover up
Being the way that you are is enough

“Ikaw…” Pagkarinig ko na banggitin 'yun nung babaeng DJ, kinabahan ako. Ewan ko kung bakit pero aaah, ano ba 'yan! “Para sa'yo ang kantang 'to”

♪ ♫ Everyone else in the room can see it
Everyone else but you

 

“Sorry kung hindi ko masabi sa'yo 'tong nararamdaman ko pero para sa akin, ikaw ang pinaka magandang babae sa mundo—aw, ang sweet naman nitong guy” Kinikilig na sabi nung DJ na babae. "At dagdag lang namin guys, 'yung nagdedicate talaga ng kantang to eh siya pa talaga nagbigay sa amin nung song na ipeplay"

♪ ♫ Baby you light up my world like nobody else
The way you to flip your hair gets me overwhelmed

Napatingin naman ako sa isang part na parang pinagkakaguluhan, 'yung picture with crush booth na naman! Benta talaga 'yun eh. Pagtingin ko dun sa nakaposas sa stante, si Elle.

♪ ♫ But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don’t know (oh oh) 

Pinagkakaguluhan si Elle, mapalalaki at babae, ang daming nakapila para magpapicture sa kanya. Hay, ang ganda talaga niya, mabait pa. Perpekto.

♪ ♫ You don’t know you’re beautiful!
If only you saw what I can see 

 

“Sana manatili kang ganyan, 'yung sa lupa ka lang… kahit alam kong may kaagaw ako sa'yo dahil maraming nagkakagusto sa'yo, sana malaman mo pa rin” Sa hindi malamang kadahilanan, kinabahan ako.

♪ ♫ You’ll understand why I want you so desperately
Right now I’m looking at you and I can’t believe

 

“Mahal kita…” Mahinang sabi nung DJ. Narinig ko naman 'yung comment nung DJ na kinikilig daw siya kahit na nilayo niya 'yung mic.

♪ ♫ You don’t know (oh oh)

 

“Huy Zelle” Napatigil ang pagtibok ng puso ko nang hawakan niya ako sa balikat ko. Paglingon ko, umupo sa siya sa tabi ko. Mahihimatay na ata ako. “Bakit mag isa ka lang dito?”

Woooh, stop it puso. Stop it! Si John lang 'yan!

Yun na nga eh, si John 'yan!

♪ ♫ So come on
You got it wrong
To prove I’m right I put it in a song

 

“Ah ano, wala lang… nakikinig lang sa dedication booth” Tumango tango lang siya. Tumingin na lang ako ulit sa dedication booth at pinapanood 'yung mga nandoon na nagkukwentuhan.

♪ ♫ I don’t why
You’re being shy
And turn away when I look into your eye eye eyes

 

“Maganda ba?” Napalingon ako kay John. “Uh, 'yung kanta?”

Tumango ako, nararamdaman ko na naman 'yung awkwardness huhuhuhuhu gusto ko na lang bumalik sa dati please. Yung kahit kinikilig ako at kinakabahan eh ayos lang, ngayon kasi sobrang ilang na ako!

♪ ♫ Everyone else in the room can see it
Everyone else but you

 

“Nagustuhan mo ba?” Pagkatanong niya nun, nagulat ako na parang ewan. Hindi ako nag eexpect pero…bakit niya tinatanong sa akin 'to?!

  

♪ ♫ Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell

 

“A—Ayos lang… maganda” Bakit siya nagtatanong ng ganito, bakit sa akin pa? Bakit John, bakit?

♪ ♫ You don’t know (oh oh) 

“Ah, buti nagustuhan mo—“ Naputol ang sasabihin ni John nang biglang may tumawag sa akin.

♪ ♫ You don’t know you’re beautiful!

 

“Zelle! Andyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap nako!” Hinila agad ako ni Enzo patayo at naglakad na palayo kay John, ni hindi pa ako nagpaalam or something.

♪ ♫ If only you saw what I can see
You’ll understand why I want you so desperately
Right now I’m looking at you and I can’t believe 

Anong problema nitong lalaking 'to!? Parang kanina lang nag iinarte tapos ngayon hinahatak niya ako? “Teka lang nga Enzo!”

♪ ♫ You don’t know (oh oh)
You don’t know you’re beautiful!
(Oh oh)
That’s what makes you beautiful

Pagtingin ko naman sa likod niya dahil nga hinahatak niya ako, napansin kong nakabukas 'yung bag niya. “Huy Enzo 'yung—“

♪ ♫ Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But you when smile at the ground it aint hard to tell

  

Natigilan ako sa nakita ko sa bag niya. “Ano na naman?!”

♪ ♫ You don’t know (oh oh)
You don’t know you’re beautiful!

 

Napatingin ako kay Enzo tapos dun sa bag niya at parang nababadtrip na siya sa akin dahil hindi ako makapagsalita. Napatingin ako ulit sa kanya tapos sa bag niya. Nang marealize niyang bukas 'yung bag niya, agad niya akong binitawan at bara barang sinara 'yung zipper.

♪ ♫ That’s what makes you beautiful!

Napatingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita at nagsimula nang maglakad.

Palakas na naman nang palakas 'yung kabog ng dibdib ko. Bakit… bakit siya may red checkered na damit sa bag niya? Siya ba 'yung sa bli—

 

“Huli ka!” Sigaw ng lalaki na nagposas sa akin, t-teka—sa—sa—Marr—!! "Sa Marriage Booth tayo!"

Nanlaki ang mga mata ko pero mas nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko, nakaposas din si Enzo!

---x
Author's Note:
Thank you for the comments, appreciated it a lot! :)

Pakinggan niyo 'yung youtube video, sarap sa tenga tapos dedicated itong chapter na to kay YhelSilva dahil patuloy pa rin siya sa pagbabasa nitong JOA, her reason at the right or click external link salamat po! :D

繼續閱讀

You'll Also Like

629K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
62.5K 2K 6
Huwag kang maghahamon sa gitna ng dilim. Huwag mong uusyosohin ang hindi mo kayang makita. At huwag mong hanapin ang hindi mo kayang harapin. Tatlong...
5.4K 475 60
Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masa...
17.3M 764K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...