*Ciara's POV*
Grabe ang dami kong bitbit ngayon. Lintik na mga projects kasi 'to. Dumiretso agad ako sa room at bumungad agad sa'kin si Joy at Iza. Tinignan lang nila ako hanggang sa makaupo ako sa upuan ko. Hindi man lang ako tinulungan ng mga bruhang 'to.
"Ang ganda naman ng projects mo Ciara, inspired?" bati sa'kin ni Joy na kung titingnan mo ay parang hindi na siya nagluluksa.
"Ah, ginawa namin 'to ni Gab kagabi."
"NI GAB?!" gulat na sabi nila.
"Oo. Tinulungan niya ako kagabi kasi nasira ang schedule ko dahil sa isang babaeng nagyaya magbar."
"Teka, nagbar kayo?" gulong gulo na tanong ni Iza.
Nagnod lang kami ni Joy habang binigyan kami ng nakakatakot na BAKIT-HINDI-KAYO-NAGYAYA?-LOOK ni Iza.
"Ah, eh, wala pa kasi kaming number mo Iza, kaya hindi ka namin nayaya nung isang araw." pagpapaliwanag ni Joy.
Naintindihan naman ni Iza ang paliwanag ni Joy at hindi na siya nagtampo. Binigay na sa'min ni Iza ang number niya at inusisa nila Joy ang projects ko.
Maya-maya, dumating na ang prof. namin.
"Good morning." bati niya "The deadline of your projects will be extended until next week. So may time pa kayo para maghayahay."
"NEXT WEEK?!" napasigaw ako. Nagtinginan sa'kin lahat pati na rin ang prof namin. Nakakunot ang noo ni Joy nung tumingin sa'kin na parang nagsasabi na Pinahiya mo na naman ang sarili mo for the nth time.
"Yes Miss De Guzman? Mukhang gulat na gulat ka?" natatawang tanong ng prof ko.
"Ah wala po ma'am." hindi naman ako nagulat. Naiinis ako. Badtrip! Sino ba namang hindi maiinis don? Inabala ko pa si Gab para lang matapos ang projects ko, tapos i-eextend pala ang deadline. Nako ma'am kung hindi ka lang talaga mas matanda sa'kin, naku! Naku!
Natapos ang klase na badtrip ako. Habang ang iba naming classmates ay nagbubunyi. Ay hindi. Lahat pala sila kasama si Joy at Iza. Dahil si Joy ay walang inatupag kundi ang pag-iyak niya kay papa Dave. Si Iza naman, ewan ko. Wala akong balita sa kanya nitong weekend eh.
"Ciara maging masaya ka nalang para samin na hindi pa natatapos sa projects or should I say, wala pang nagagawa. Hehe" tuwang tuwang sabi ni Joy na may kasamang pang-aasar.
Talaga 'tong babaeng 'to, wala ng ginawa kundi asarin ako. Palibasa kasi, pikon ako kaya trip na trip ako.
"Tara't magmall muna." yaya sa'min ni Iza.
Nahawa na ata sa'min si Iza sa pagiging gala. Malakas ba talaga kami mang-impluwensya? Haha!
"Pupunta talaga ako dun ngayon kasi magkikita kami ni Gab." sabi ko.
"Uy sis, parang iba na yan ha."
"Ayiieee!" sabay na pang-aasar sakin nila Iza habang kinikiliti ako sa tagiliran. At ang nakakainis pa, dala ko pa din ngayon ang projects ko. Kinikiliti nila ako ng wala man lang akong kalaban-laban. They're so unfair! >:(
"Tigilan niyo nga ako. Pambawi ko lang yun kay Gab dahil dun sa tulong niya sa'kin kagabi."
"Asus! Reasons!" sabi ni Joy.
"Date ang pambawi? Isn't that too much? Or maybe you're feelings for him are too much?" sabi ni Iza.
Ayaw talaga akong tigilan nitong dalawamg 'to sa pang-aasar. Siniringan ko nalang sila at sumakay na kami sa kotse ko. Pero wala naman talaga akong gusto kay Gab. Promise! Alam niyo naman na mahal ko pa din si Dylan diba? At hindi na magbabago yun. Kampihan niyo naman ako readers oh. Kawawa na ako sa dalawang 'to eh. :(
"Okay ka na ba sis?" pag-iiba ko ng topic.
"Pinipilit sis. " ngumiti ng matipid si Joy at si Iza naman ay gulong gulo.
"Teka teka, ano na naman ba ang nangyari?" pag-uusisa ni Iza.
"Naku mahabang kwento Iza, my friend. Pero to make it short, nagbreak na kami ni Dave."
"Huh? Bakit?"
"Basta, tsaka ko nalang iku-kwento pag hindi na ako bitter."
Tahimik kaming nakarating sa mall. Biglang bumaba ang energy ni Joy. Minsan nga iniisip ko na baka bipolar na 'tong si Joy eh. O may pinagdadaanan lang talaga siya.
Pumunta na kami agad sa foodcourt. Mas excited pa kasi sila sa'kin na makasama si Gab. Baka sila ang may crush dun.
*Gab's POV*
"Pre, ayos lang ba itsura ko?" tanong ko kay Jack habang inaayos ko ang polo shirt ko. Hindi talaga ako mapakali sa itsura ko. Pero bahala na!
"Pre, magrelax ka nga! Para kang timang diyan eh. Ano? Nasa foodcourt na ba siya?"
"Hindi ko alam eh. Hindi ko pa kasi nakukuha ang number niya."
"Anak ng. Ilang oras kayong magkasama kagabi, ni hindi mo man lang nakuha ang number niya?"
"Eh hindi naman ganun kadali yon pre."
"Ang bakla mo naman pre eh! Ayaw mo kong gayahin. Babae ang nagbibigay sa'kin ng number nila. Minsan nga tinatanggihan ko nalang kasi puno na ang phonebook ko. Walang wala ka sa kalingkingan ng kagwapuhan ko pre."
"Oo na pre. Matigil ka lang. Haha!"
"Wala bang chix na kasama si Ciara pre?"
Chix na naman ang hanap nito ni Jack eh. Kakabreak nga lang niya sa girlfriend niya nung isang araw, tapos chix na naman? HIndi talaga uso ang 3-month rule kay Jack. Napaka play boy talaga. Hindi pa kasi nakakakita ng katapat 'tong si Jack eh.
"Hindi ko nga alam. Makulit ka din eh noh?"
Psh! Iniwan ko na si Jack. Pupunta na ako sa mall. Buti nalang talaga at day off ko ngayon at kung day off din ngayon ni Jack, malamang nakabuntot na sa'kin yun ngayon. Nagbabakasakali na may kasamang mga kaibigan si Ciara.
Kinakabahan talaga ako. First date. Ay hindi pala 'to date. Nakakahiya, treat pa niya. Medyo parang natatapakan ang ego ko. Pero pambawi lang naman daw niya 'to eh diba? Siya naman ang nagsabi, hindi naman ako namilit. Pero basta! Bahala na mamaya.
Nagmadali akong pumunta sa foodcourt. Syempre ayoko naman paghintayin si Ciara dun. Hinanap ko agad siya sa foodcourt pagdating ko, konti pa lang ang tao dahil halos kakabukas pa lang ng mall.
Napansin kong may tatlong babae na nakaupo sa bandang dulo. Nilapitan ko kaunti at nagulat ako nung tinuro ako ng isang babae. Pamilyar siya sa'kin. Oo tama. Kaibigan yun ni Ciara. Lumingon naman sa'kin ang dalawang babae na nakatilod. Si Ciara pala yun at yung isa pa nilang kaibigan. Kumaway ako sa kanila at lumapit na. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"H-hi!" bati ko sa kanila. Kinakabahan talaga ako. Kalma lang Gab. Kalma.
Lumipat yung isang babae sa tabi nung babaeng tumuro sa'kin at pinaupo naman ako sa tabi ni Ciara.
"Oh hi Gab!" nakangiting bati sa'kin ni Ciara. Ang ganda talaga niya lalo na pag nakanigiti.
"Hi Gaaaaaaaab!" ngiting ngiti na bati sa'kin ng dalawang kasama ni Ciara.
"I'm with Joy and Iza nga pala."
"Ah, he-hello."
"Kalma lang Gab. Hindi kami nangangagat." biro sa'kin ni Joy yata yun.
Ngumiti lang ako. Tapos, ayun lang. Natahimik na ako. Mahina talaga ako sa pag-uumpisa ng topic. Tsaka nahihiya ako sa mga kasama niya. Kung alam ko lang dapat pala sinama ko na si Jack. Baka mapanis lang ang laway ko sa kanila. English pa ng english.
"So, are you courting our friend?" tanong ni Iza yata?
Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero hindi naman talaga. Hindi pa nga kami ganun ka-close ni Ciara eh. Hindi ko lang alam ang isasagot ko kung english din o tagalog.
Tiningnan ko si Ciara. Pinandilatan niya yung dalawa niyang kaibigan na parang kinikilig. Tae. Pinagpapawisan na ako. Malakas naman ang aircon sa mall dahil konti pa lang ang tao, pero nakakaramdam talaga ako ng init. Natetense ako sa kanila.
"Hi-hindi. N-no." kabadong sagot ko.
Anak ng tinapa. Tipak tipak na yung pawis ko sa noo. Whooh! Kalma na Gab.
"Tama na nga yan. Mga baliw talaga kayo. Tara't maglunch na." buti nalang at nagyaya na maglunch si Ciara. Makakatakas na yata ako sa mga pang-uusisa nitong mga kasama niya.
"Hey dude!" pamilyar na boses ang narinig ko. Paglingon ko, si Jack pala. Bakit nandito 'to? Mamaya pa ang duty nitong mokong na 'to ah. Tsaka bakit ako hine-hey dude nito?
"Uy pre bakit nan--"
"Hi I'm Jack. Gab's bestfriend." hindi na ako pinatapos ni Jack sa tanong ko at agad siyang nagpakilala sa mga babaeng kasama ko. Pa-english english pa. At yung porma niya, parang siya yung may date. Yung suot niyang polo, plantsadong plantsado. Masyadong malakas talaga ang pang-amoy nito sa mga chix.
Nakipagshake hands naman sa kanya si Ciara at Joy. Pero kay Iza... sobrang habang shake hands. Mukhang alam ko na kung sino ang isusunod nito. Pero mukhang malabo siyang makakapasa kay Iza. Goodluck nalang DUDE!
Ayun na nga, nilibre kami ni Ciara ng lunch. Pati si Jack nilibre din. Nahihiya tuloy ako kay Ciara. Baka isipin niya na nagsama pa ako ng dagdag gastusin. Patay talaga sa'kin 'tong si Jack mamaya. Tsk!
Pagkatapos namin magtanghalian, nag-ikot ikot muna kami sa mall. Nagiging kalmado na ako. Nakakausap ko na si Ciara at mga kaibigan niya ng hindi pautal-utal. Sentro nga lang kami ng asaran. Ang lakas mang-asar ni Joy. Pero nakakatuwa naman siya. Si Iza naman, medyo tahimik. Kinukulit ng kinukulit ni Jack. Tapos si Ciara, okay naman. Naiilang yata? Ewan ko. Sa una lang naman 'to siguro.
Sa wakas! Nasolo ko din si Ciara. Hindi naman solong solo pero nauuna na kasi maglakad samin sila Joy, Iza at Jack. Nakaramdam yata na hindi kami masyadong nakakapag-usap ni Ciara.
"Ahm, Ciara..."
"Yes?"
"Pwede ko bang makuha ang number mo?"
"Ah, oo naman."
Nahihiya kong binigay sa kanya ang cellphone ko para ilagay niya ang number niya.
"Sensya na, hindi yan touch screen. Hehe" napakamot ako sa ulo.
"Hehe okay lang yon." nginitian ako ni Ciara at nilagay na niya ang number niya.
"Salamat. :)"
Yun oh! Sa wakas makakatext ko na din siya. Makakapagyabang na din ako kay Jack. Haha! Kala niya ha.
Maya-maya, nagyakag na umuwi sila Joy. Bitin ako. Pero magkikita pa naman ulit kami ni Ciara. Sana.
Hinatid namin ni Jack sila Ciara sa parking lot. At nagpaalam na sa kanila. Pero bago pa makapasok si Iza sa loob ng kotse, humirit pa si Jack.
"Ahm, Iza..."
"Oh?"
"Pwede ko bang makuha number mo?" sabi Jack habang nagpapacute.
"Ah, hindi eh. Sensya na." at pumasok na si Iza sa kotse. Kumaway na samin sila Ciara at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.
Kawawang Jack. Babae pala ang nagbibigay ng number ha. O ano ka ngayon? Haha!
"Ano pre? Sawi? Nasan na ang pinagyayabang mo kanina? Haha!" pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi ako sawi pre. Ganyan talaga ang mga tipo kong babae. Yung mga pa-hard-to-get. Pero pustahan tayo, makukuha ko din ang 'oo' niya. "
"Masyado kang bilib sa sarili mo dude! May pa dude-dude ka pa kanina ah. Pa english english pa, barok naman. Haha!"
Sinuntok ako sa braso ni Jack. Wala siyang maipambara sa'kin. Sinungitan kasi siya ng babae eh. Haha! First time pa yata 'yon. Pero, tsaka na yung issue ni Jack. Basta masaya ako ngayon at nakuha ko na ang cellphone number ni Ciara.
Pagkauwi ko sa bahay, takang taka na naman si mama dahil ang saya saya ko na naman. Dumiretso ako sa kwarto ko at tinext na agad si Ciara.
To: Ciara
HAi!! NakAuwi kA nUa??!
Excited akong naghintay ng reply ni Ciara. Wala pang dalawang minuto ang nakakalipas, nagreply agad siya.
From: Ciara
Uh. Who's this?
To: Ciara
C Gab t0h.., j3j3j3 KamUstAh aNg pR0j3ct m0uh??!
Natutuwa ako kay Ciara kasi ang bilis niyang magreply.
From: Ciara
Tatawagan nalang kita.
Nagulat ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko. Sinagot ko agad ang tawag ni Ciara.
"Hello?"
Naririnig ko ang tawa ni Ciara. Mukhang ang saya saya niya talaga ngayon.
"Oh Gab. Hahaha!"
"Ang saya mo yata Ciara? Hehe bakit napatawag?"
"Eh kasi ang hirap intindihin ng text mo. Jejemon ka pala. Hahaha!"
Kaya pala siya tawa ng tawa. -___-"
"Ah, eh. Oo nga. Hmmm..."
"Buuin mo na ang text mo ha. Para makapagtext na tayo ng ayos kung gusto mo. Hehe"
"Ah sige sige."
Napahiya yata ako dun. Hindi naman kasi ako sanay magtext ng buo ang mga salita eh. Pero para kay Ciara mag a-adjust ako.
Nagkwentuhan muna kami saglit at maya maya pa ay naputol ang pagkwe-kwentuhan namin dahil inutusan ako ni Mama. Kaya nagtext nalang kami. PInilit kong buuin ang text ko kaya naman medyo mabagal ang pagrereply ko.