STASG (Rewritten)

By faithrufo

500K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata LX

4.1K 193 28
By faithrufo

"Because nothing makes me happier, and nothing makes me sadder than you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Asher?"

Kakakita ko palang sakanya pero alam ko na kaagad na may mali. Kitang kita ko sa mga mata niya.

"I'm sorry Adrian," ang unang sinabi niya nang makalapit ako.

"Anong problema?" kinakabahan na tanong ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Tumingin siya sa ibang direksyon para hindi ako matignan. Humakbang ako papalapit ngunit napatigil din kaagad nang umiling siya.

Tapos nakita ko siya.

Nakatayo sa likod ni Asher si Abigail kanina at ngayon ko lang siya napansin. Nahigit ko ang hininga ko tapos nahulog ang tingin ko sa magka hawak nilang kamay.

"Ano 'to?" tanong ko at pakonti konti ay nag iinit na ang gilid ng mga mata ko. Kung ano anong mga pangyayari ang pumapasok sa isipan ko. No, Adrianna. Hindi ka iiyak sa harap nila.

"Sorry, Adrian.." malungkot na sabi saakin ni Asher bago hilain papalapit si Abigail para kitang kita ko na siya. "Siya ang mahal ko."

"No.." umikot ang paningin ko.

"Masaya kami sa isa't isa Adrianna.." mahinang sabi ni Abigail at napahawak ako sa ulo ko.

"No.. hindi pwede."

"Nasasakal ako sa'yo Adi," sabi ni Asher. "Nagsawa na ako. Si Abigail naman talaga mahal ko, reserba ka lang."

"NO!"

Dumilim ang paningin ko at napuno ng katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay 'yung pagtibok ng puso ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko para pakiramdaman ito bago ko inihilamos ang kamay ko sa mukha ko bago ako bumangon.

Pinapagitnaan ako ni Ethel at Kei at naroon si Tris sa may dulo. Panaginip lang, sabi ko sa sarili ko bago maingat na umalis ng kama para hindi sila magising.

Agad kong inikot 'yung kwarto para hanapin 'yung phone ko. Nung hindi ko 'to makita, lumabas ako at tahimik na naghanap sa kusina para hindi magising 'yung mga lalaki sa sala. Madilim din dito pero nagawa kong bilangin 'yung apat na tao na naka higa sa couch. Kulang sila ng isa. Nangunot ang noo ko. Sino ang wala?

Nakita ko na 'yung phone ko sa may dining table at agad 'tong tinignan. May ilang missed calls ako mula kay Asher at isang text galing sa kapatid ko.

From: Ate Sky

Ano oras ka uuwi? Sunduin ko ba kayo ni Von?

received 6:28am

Ang aga ng text ni Ate. Mabuti nalang at gising na ako. Agad akong nag type ng reply na hindi na namin kailangan sunduin. Sasabay nalang kami sa mga kaibigan ko na umuwi. Tsaka panigurado ay gagala pa kami pagka alis namin dito.

Lumapit ako sa may pinto papuntang veranda at hinawi ng kaonti 'yung kurtina. Hindi pa ganoon ka liwanag sa labas at mukhang malamig pero nabigla ako sa lalaking naka upo sa may upuan, balot na balot ng kumot at naka tulala sa langit.

Anong ginagawa ni Jared sa labas ng ganito kaaga?

Hinawakan ko 'yung sa bukasan ng pinto at dahan dahan 'tong hinila pabukas ngunit dahil sa katahimikan ng paligid, umalingawngaw 'to at agad na napa lingon si Jared sakin.

Napatigil ang kamay ko sa pagbukas nang mag tama ang mga mata namin. Suot na niya ang glasses niya at gulo gulo ang buhok niya. Nginitian niya ako at itinaas ang isang kamay niya. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang mug na umuusok.

Tuluyan ko nang binuksan 'yung pinto para makalabas ako at maingat ulit 'tong isinara sa likod ko. "Goodmorning," bati ko kay Jared bago ko na-realize na hindi pa pala ako nag mumog. Namilog ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko bago ako mabilis na tumalikod at bumalik sa loob para dumiretso sa banyo.

Mabilis ako naghilamos at toothbrush. Umihi na rin dahil oarang sasabog na 'yung pantog ko. Ta's lumabas ulit ako, nandoon parin si Jared.

"Take two," sabi ko. "Magandang umaga ho Bossing."

Umangat 'yung gilid ng labi ni Jared at pinanood ko ang paglubog nanaman ng nunal niya sa dimple niya. "Magandang umaga din po Madame."

Umupo ako sa tabi niya at agad niyang ishinare 'yung kumot niya sakin tapos inabot na din 'yung mainit na kape niya.

"Ba't ang aga mo nagising?" tanong ko sakanya bago humikab. Sabay hinipan ko 'yung inumin at maingat na sumisipsip.

Umusog ng kaonti papalapit si Jared saakin at agad na bumalot saakin 'yung init niya. Heater ko talaga 'tong lalaking 'to e.

"I couldn't sleep. Ang ingay matulog ni Henry."

"Humihilik?"

"Like a bear."

Natawa ako sabay uminom ulit bago 'to iabot pabalik sakanya. "Buti nag kasya kayo doon?"

"Mahaba naman 'yung couch," sagot niya. 'Yung labi niya malapit sa rim noong mug. "Sakto lang pagka hila namin nung bed sa ilalim." Uminom na siya at saglit na napa simangot nang mapaso siya. Tapos tumingin siya sakin, "What about you? Why are you up so early?"

Lumabas nanaman ang accent niya at muntik ko nang 'di maintindihan ang sinabi niya. Medyo nag loading pa ako bago sumagot, "Bad dream."

"What happened?" inabot niya sakin 'yung mug.

Napatingin ako sa cellphone ko sa may binti ko at na alala kong may mga missed calls nga pala si Asher saakin. Tatawagan ko siya mamaya.

"Magulo e," sagot ko habang pilit na inaalala kung ano ang napanaginipan ko. Para itong nabura sa isip ko at sumasakit ang ulo ko habang pilit ko parin siya inaalala. "Basta andun si Asher. Hindi ko na maalala pero parang namatay ata ako sa dulo. Ta's ayun, nagising na ako..."

Napapikit ako dahil literal na sumakit ang ulo ko kakaisip. Tapos naramdaman ko 'yung mahinang pagtama ng balikat ni Jared sakin, "Hey," aniya kaya naman napatingin ako sakanya. "Sabi nila.. we dream about things we don't want to happen in real life. Kaya don't worry about it."

"Okay." Humigop nalang ulit ako sa kape na tinimpla ni Jared at nabalot na kami ng katahimikan.

Hindi nagtagal ay nagka ayaan kaming dalawa na maghanda ng almusal para sa mga kaibigan namin. Mabuti nalang at bumili ng pancake si Angelo kahapon at marunong magluto si Jared. Hindi nagising ang mga kaibigan namin dahil sa amoy ng niluluto kundi dahil sa tawanan namin habang nagkukulitan.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi ng Yaya nina Jared, maharot nga talaga siya. Muntik kong mahulog 'yung pancake kanina dahil kinagat niya ako sa balikat.

Pagka alas diyes ay nag swimming na kaming lahat. Nakakataba ng puso 'yung mga ganitong moment kasama ang mga kaibigan mo. 'Yung parang kahit saglit lang, nakakalimutan niyong lahat ang mga problema niyo at talagang nag e-enjoy lang habang magkakasama. Kung pwede lang patigilin ang oras, ginawa ko na.

"What happened in Casa Blanca, stays in Casa Blanca," sabi saamin ni Ethel nung oras na para umalis kami ng resort.

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko at bumalik saakin lahat ng mga pinag usapan namin. 'Yung mga oras na binuksan namin ang mga puso namin para sa isa't isa. Tapos tinignan ko ulit si Ethel, at tulad ng iba, tumango ako.

• • • • • • • • • •

"Hello," sabi ko pagka sagot ko ng tawag. Ini ayos ko 'yung upo ko sa jeep at isinandal 'yung ulo ko sa balikat ni Von na tahimik na nag te-text. Tapos tinignan ko din si Jared na naka upo sa tapat ko, tulog na tulog at medyo naka nganga pa.

"Andy," sagot ni Asher sa kabilang linya.

Inabot ko 'yung baba ni Jared at isinara 'yung bibig niya bago umayos ulit ng upo. "Hello? Oh?" Kawawang Jared, ngayon lang dinalaw ng antok kung kailan pauwi na kami.

"Kagabi pa kita tinatawagan."

"Sorry, distracted kasi e. May problema ba?"

"Wala naman. Na miss lang kita." Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang magwala ang puso ko. "Kamusta ang sleep over niyo?"

Napa ngiti ako, "Okay naman. Enjoy." Pinigilan kong hindi na mag kwento pa. "Pauwi na nga kami e."

"Ah, kaya pala ang ingay."

"Hmm.."

"Pwede ba kita makita ngayon? Puntahan kita sainyo?"

Napatingin ako kaagad kay Von. Halatang nakikinig siya at hindi maipinta ang ekspresyon niya. Nasa bahay 'to hanggang bukas kaya naman hindi pwede magpunta si Asher ng bahay. Baka kung ano pang mangyari.

Napalunok ako, "Baka kainin ka na ng tuluyan ni Whitey," biro ko. "Ako nalang ang pupunta jan." Yes, mas better kung ako nalang ang pupunta.

"Papayagan ka kaya ni Ate Sky? Kakauwi mo lang aalis ka nanaman."

"Hindi, diretso na ako jan. Malapit na din kami bumaba."

"Shit," tumawa siya at narinig ko ang pag galaw niya. "Nakahiga pa ako e."

"Ay ganon?"

"Oo," may narinig akong bumukas na drawer. "Pero sige, punta ka. Kami lang ni Mama dito sa bahay ngayon."

"Asan si Kuya Griffin?" Hindi ko na tinanong kung asaan papa niya dahil panigurado ay nasa station na.

"Edi nakila Ate Sophie, 'di nga umuwi kagabi. Mukhang nag happy time doon."

Napatawa ako, "Buang!"

"De, biro lang."

Tinignan ko kung nasaan na kami. "Osige na pala, malapit na kami bumaba. Kakatok na ako sainyo in three minutes."

"Okay okay, lalabas na ako."

"Babye."

"Bye, i love you."

Nilukot ko ang ilong ko sabay ngumisi ng pagka lawak lawak, "Korni mo Martinez." Tapos ibinaba ko na ang tawag.

Tinignan ko si Von at nakitang matalim siya nakatingin sakin. Tapos iniling niya 'yung ulo niya may ibinulong sa sarili. Napabuntong hininga ako, 'yung pakiramdam ko sa dibdib mas lalo lamang bumibigat.

Inabot ko si Jared at tinapik ang tuhod niya. Agad siyang napa balikwas at nagtama ang tingin namin. Hindi nagtagal ay binigyan niya ako ng isang inaantok na ngiti.

Sa saglit na 'yon, gumaan ang pakiramdam ko.

Continue Reading

You'll Also Like

90.6K 1K 136
[COMPLETED] Graduating Senior High School student, Chienna Aguilar, desperately wanted to get the attention of her college crush, Gab Del Mundo, the...
2.8M 73.9K 127
[Epistolary ◴ Hoops #3] Iniiwasan ni Gil si UAAP basketball star at Blue Eagle Ivan Yape at hindi alam ng mga kaibigan nila kung bakit. Pero habang t...
2.2M 76.3K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
4.8K 82 35
PUP College of Education student, Anne, believes that her highschool sweetheart, Jayden, who's taking up Business Management in Ateneo, will remain h...