Love Me Harder

Por JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... Más

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 30

730K 21.8K 18K
Por JFstories

Chapter 30

Lumapit si Mari kay Kyo. Dahil nga matangkad si Kyo ay kinailangan niya pang tumingkayad upang abutin ang bibig ng lalaki. At bago pa maglapat ang mga labi nila ay napapikit na ako. But still, I could hear the sounds of their kisses.

Kung sana'y kaya ko lang din ipikit ang mga tainga ko para hindi ko sila marinig. Kung sana'y kaya ko ring isara ang nararamdam ko para hindi ko na maramdaman ang sakit. Ang kaso, wala akong kakayahang gawin iyon.

Tunay ngang ang pinakamahinang babae ang iyong nagpapakatanga sa pagmamahal.

Kyo tied me on the chair facing them. Wala akong choice kundi ang makita sila. Wala rin akong lakas para iwasan ang mga mangyayari.

How I wish I could cry but I must not. Kapag may nakita si Kyo na luha sa akin ay pihadong tapos ang lahat ng pagtitiis ko.

Especially now, Kyo was looking at me while they were kissing. Binabantayan nya ang mga mata ko kung may babagsak bang luha sa mga ito. And the thought na sinasadya nyang saktan ako, pakiramdam ko ay nakaupo ako kung saan ako binibitay.

Hinga, Ruby, hinga. Heto na naman ang dibdib ko, naninikip.

Makalipas ang ilang minuto ay gumapang na ang kamay ni Mari. Iniangat nito ang laylayan ng suot ni Kyo pataas upang hubarin iyon. Ito namang lalaki ay nagpaubayang mahubaran.

Ayaw ko na, hindi ko na kaya. Wala pa sa kalahati ang nakikita ko pero hindi na ako makahinga. Nauubos na ang hangin sa dibdib ko at nanlalabo na ang aking paningin. Ni hindi ko matiyak kung nakita ko ba talaga si Kyo nang itulak niya palayo sa kanya si Mari.

Nang sikapin kong aninagin ang nasa harapan ko ay nasa harapan ko na si Kyo.  

Sa parteng ito ay nagdilim na ang aking paningin at pagkatapos niyon ay hindi ko na alam ang nangyari.

...

NANG imulat ko ang aking mga mata ay nakahiga na ako sa isang malaki at malambot na puting kama. Napakakumportable ko sa aking kinalalagyan, iyon nga lang ay nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa chandelier na nasa kisame. 

Nasaan ako? Anong nangyari sa akin?

Panandalian lang ay naalala ko rin ang lahat. Siguradong hinimatay ako dahil hindi ko kinaya ang mga pangyayari.

Naalala ko nang hinimatayako habang gumagawa ng milagro sina Kyo at Mari. Ang mga walanghiya. Ang mgawalang puso. Natuloy kaya ang kamunduhan nila? Naka-ilang rounds kaya sila? Atbakit ba iniisip ko pa? Pakialam ko ba sa kanila!

Pero kaninong lugar kaya ito? Bakit ako narito?

Nasan na sila?

Napabalikwas ako ng bangon. Umalis ako sa kama at iginala ang aking paningin sa kabuuhan ng kwartong kinaroroonan ko. Malaki ito, maaliwalas at mukhang lahat ng gamit dito ay mamahalin. Napakurap ako habang minamasdan ang bawat kanto ng kwarto. Teka, parang hindi ito isa sa mga kwarto ng apartment ni Kyo, ah? Based sa istruktura at disenyo, tila ito ay isa sa mga kwarto ng kanyang mansiyon. Natatandaan ko pa kasi ang itsura ng mansiyon niya kung saan madalas na dinadala at pinapapunta niya ako noon.

Pero bakit ako naririto? Dinala niya ba ako rito habang wala akong malay? Pero bakit nga?!

Napalingon ako sa pinto nang aking marinig ang tunog ng isang musika. Kusa akong napahakbang palabas at bumungad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa harapan ng piano. Kahit likuran lang aking nakikita ay alam ko na kung gaano ito kakisig. Magulo ang buhok nito na halatang kagigising lang din. Nakasuot ito ng white loose shirt at pajama. Malayo man sya ay naamoy ko ang panlalaki nyang amoy.

Si Kyo!

Ang galing niya mag-piano. And FYI, according to Chie-chie, siya raw ang composer ng mga hits na kanta ngayon ng Black Omega Society. Siguro ito ang gamit niyang instrumento kapag nag-iisip siya ng bagong kanta.

Pero teka, alam ko itong tinutugtog niya. Akma pa akong lalapit nang biglang nagbago ang tunog ng mga piyesang pinipindot niya.

Hinampas niya ang keyboard dahilan para makalikha ito ng masamang tunog. Pagkuwan ay napasentido siya na para bang namomroblema.

Napalunok ako. Alam na kaya niyang narito na ako sa likuran niya?

Tumikhim ako. "S-saan ang daan palabas?"

Nakita kong gumalaw ang kanyang panga mula sa likuran.

"Just find it yourself. Don't interrupt me." Pagkasabi'y nagsimula muli syang tumugtog.

Pinakinggan ko muna ang pagtugtog nya sa piano dahil pamilyar sa akin ito. Subalit hindi nagtagal ay nagbago muli ang tono ng mga piyesa. Romantic ang tugtog na napalitan nakakatakot, punong-puno ng galit.

Napahampas ulit sya sa keyboard. "Can you just leave!" singhal nya nang hindi ako nililingon.

Napaurong ako. Oo hindi ko alam kung saang parte ng mansiyon niya ako naroroon pero hahanapin ko ang daan paalis. Hindi niya naman ako kailangang ipagtabuyan e. Aalis naman ako.

Ngunit palabas na ako nang tumunog ulit ang piano. Hayan na naman ako at kusang naaaliw sa kanyang tinutugtog.

O nakawagayway na naman ang bandila ng aking katangahan. Dagdag pa na nakakarahuyo ang musika na mula sa pagpi-piyano ni Kyo. Hayan tuloy, para akong nalulunod na hindi ko maunawaan. 

Ngayon ko lang kasi napagtanto na mas mas masarap pala pakinggan sa malapitan ang tinutugtog ng banda. Lalo na kung mismong iyong mahal mo ang lumikha.

Namalayan ko na lang na nakalapit na pala ako sa kanya. Tuluyan na akong nadala ako sa saliw ng musika at bumuka na ang aking bibig para kumanta. Sinabayan ko ang mga daliri niya sa piano.

"When tomorrow comes, I'll be on my own.. Feeling frightened of the things that I don't know. When tomorrow comes..."

Napahinto ako. Mabuti na lang at namulat ako na nadala ako kaya sinaway ko agad ang aking sarili.

Pero ang pagtugtog nya sa keyboard ay hindi nahinto.

Nagulat pa ako nang bahagya nya akong lingunin. "Go on."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. Subalit sa huli ay sinabayan ko muli ng kanta.

"And though the road is long. I look up to the sky, and in the dark I found... I lost hope that I won't fly. And I sing along, I sing along... And I sing along..."

Gumanda ang daloy ng pagtutog nya. Nakikita ko rin sa galaw ng balikat nya na komportable na sya.

"I got all I need when I got you and I. I look around me, and see a sweet life. I'm stuck in the dark but you're my flashlight. You're getting me, getting me through the night...

Can't stop my heart when you shinin' in my eyes. 'Can't lie, it's a sweet life... I'm stuck in the dark but you're my flashlight.

You're getting me, getting me through the night...

'Cause you're my flashlight ..."

Nang matapos nya ang huling nota sa piano ay nakita ko ang kapayapaan sa kanyang hitsura nang tumayo sya. Nag-aalab ang asul nyang mga mata nang humarap sya sa akin.

"You're my flashlight..." mahinang sambit ko.

"You never told me that you can sing..."

Nag-init ang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso.

Nakakahiya naman kasi na bigla na lang akong kumanta habang nagpa-piano siya. Ewan ko ba, bigla na lang lumabas ang pagmamahal ko sa kanya, este sa musika.

Sa totoo lang, hindi naman na talaga ako kumakanta sa may mga nakakarinig. Matagal ko na kasi talagang kinalimutan ang hilig kong ito. As much as possible, sinasarili ko na lang ang boses ko. At hindi ko akalaing maipaparinig ko pa ito kay Kyo.

Kyo slapped me on my ass as he headed out the door. "I don't want you to continue, anyway."

Natulala ako nang lampasan niya.

"Because you are mine. I'm the one who'll tell you what you must do." Napatigil sya sa paghakbang at saka pumamulsa, hindi nya ako nilingon. "You are living now to be fucked, not to sing, do you understand?"

Nakayuko na sinagot ko siya. "U-understand po..."

"Good. Now get the hell out of here!"

...

Two weeks have passed... Ang daming nangyari. Ang dami kong namissed. Sa sobrang kamiserablehan ko, hindi ko napansin ang mga nagaganap sa paligid ko. Hindi ko namalayan na ang isa sa mga miyembro ng pamilya namin ay bubuo na pala ng sarili niyang pamilya... ang panganay kong kapatid na si Ate Rosenda.

Nang bumalik mula sa Manila si Ate Rosenda ay unti-unti na ngang nagbago ang takbo ng buhay niya. At ngayon, nakamit niya na ang happy ending na matagal niya nang inaasam. Pinakasalan siya ni Terrence Montemayor-Saavedra ng Black Omega Society. Yes, mga mamsh, nakabingwit ang ate ko ng hindi lang basta bata at guwapong bilyonaryo, kundi leader pa ng isang sikat na banda. Biglang sumikat ang pamilya namin dahil nga sa mala-Cinderella story ni Ate Rosenda. Marami ang nainggit, marami ang natuwa at marami ang naki-usyoso.

Deserve na deserve ng ate ko na sumaya. Deserve niya ang lahat ng swerte na ngayon ay tinatamasa niya. At masaya ako para sa kanya. Sa kanilang dalawa ni Kuya T, my new bayaw.

Kung pinakilig si ate ni T ay ganoon din kami. Kasama nya kasi ang buong banda. Dumalo si Santi Montemayor kaya daig pa ni Mama ang nakawala sa koral kung magtitili. Si Cloud Deogracia na malagkit ang tingin sa boobs ko at wala pang isang oras ay nakaakbay na sa bunso kong si Dangdang. At si Macoy Sandoval na crush ko. Shit, ang gwapo nya pala talaga lalo na sa personal!

Hayun, at least sumaya rin naman ako nang slight. Nakapag-chill din kahit paano. 

Kahit pa nandoon din si Kyo.

Speaking of Kyo... wala kaming pansinan sa reception ng kasal. Pero noong naging busy na ang mga tao sa party, pasimple niya akong hinila sa isang tabi. Doon sa dilim. Doon siya nagmilagro. At pagbalik namin sa reception, napakain kami nang matindi. Ginutom e.

All in all, okay naman ang lahat... Natapos ang party nang matiwasay. Iyon nga lang, hanggang ngayon ay parang outcast pa rin ako sa sarili kong pamilya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako pinapansin nila Amang at Mama. Nararamdaman ko pa rin na galit sila sa akin. Pasalamat na rin ako at hindi ako kinukulit ni Breeze ngayon. O baka naman tumaas na ang posisyon niya sa triad kaya ganoon.

Tumunog ang aking cellphone na aking ikinabahala. Sinagot ko agad ang tawag at boses ni Kyo ang aking narinig sa kabilang linya.

"I'll pick you up. Now." Pinatay na nya agad pagkatapos.

Nagmadali akong kumilos at nagbihis. Ilang minuto nga lang ay may huminto ng itim na kotse sa labas ng aming bakuran. Nilapitan ko ito na nililingap ang paligid. Ayaw kong makita ako nila Amang dahil baka pagdududahan na naman nila akong nagbebenta ng droga.

Sumungaw sa bintana ang guwapong mukha ni Kyo. "Get in."

Pumasok ako sa passenger's side. Nakakapagtakang wala yata siyang driver ngayon.

Pinaandar na niya ang sasakyan. Wala kaming kibuan sa buong byahe. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa palihim kong pagsulyap-sulyap sa kanya. Kainis kasi ang pogi niya ngayon. Anyway, palagi naman siyang pogi.

At ako? Palaging marupok.

He's wearing a black polo shirt at nakataas ang kanyang kwelyo. Mukha syang hot vampire dahil sa kanyang buhok na naka-wave sa side. Wet and shiny ito na may style.

Bumaba kami ng kotse nang makarating kami sa Radisson Blu, isang five star hotel dito sa Cebu. Isang valet ang sumalubong sa amin at doon ibinigay ni Kyo ang susi ng kotse para magpa-park. Nagkandatali-talisod ako sa pagsunod sa kanya dahil sa bilis niyang maglakad papunta sa lobby. Bago pumasok sa glass door ay nagring ang phone niya.

Sinagot nya iyon. "I'm with her." Iyong lang at pinatay na nya ang linya.

Sino ang kausap niya? Saka bakit ba kami nandito sa hotel na ito?

Kinutuban ako bigla nang hindi maganda kaya lakas-loob na nagtanong na ako. "S-saan tayo pupunta?"

Hindi niya ako tinugon bagkus nagpatuloy siya sa paglalakad. Tumalima ako sa kanya at kinailangan ko pang manakbo para lang abutan siya.

"S-saan mo ko dadalhin?" tanong ko muli.

Huminto sya sa paglalakad at saka pumamulsa. Kalmado ang kanyang mukha. "A friend wants to fuc k you."

Na-estatwa ako sa sinabi niya. Para akong naitulos sa aking kinatatayuan.

Kung ganoon ipapamigay niya ako. May balak siyang ipahiram ako ngayong gabi!

Tumingin sya sa kanyang wrist watch. "We're late. Mainipin pa naman ang lalaking iyon pagdating sa kama."

Pigil ko ang aking pagluha. Sa wari ko kasi'y ang turing nya sa akin ay isang ulam na pwede nyang ipatikim sa iba. Na isa akong laruan na ipapahiram nya sa kanyang kalarong kaibigan.

Ayoko... ayoko... ayoko...

Hindi ko kaya na magpagalaw sa ibang lalaki! Hindi ako bayarang babae! Hindi ako katulad ng mga ikinakama nila gabi-gabi!

Oo walanghiya ako, pasaway ako, maligalig ako... pero hindi ako pakawala! Iisang lalaki lang ang pinagbigyan ko ng katawan ko. Iisang lalaki lang ang hinayaan kong makuha ako. Iisang lalaki lang ang minahal at minamahal ko!

Lumapit sa akin si Kyo at hinila ako sa pulso.

Napatitig ako sa malamig niyang mga mata, at sa isang iglap ay nanghina ako. Nawalan ako ng lakas. Nawalan ng pakiramdam.

Sa lakas niya at sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin ay naging madali na mahila niya ako, lalo at wala akong kalakas-lakas sa mga oras na ito.  

Binitiwan nya lang ako nang makapasok na kami ng elevator. Nawala ako sa sarili at napakapit ako sa kanyang braso.

"K-Kyo... please..." nabasag ang tinig ko. "W-wag mo akong ipahiram sa iba..." pagmamakaawa ko.

Umaasa ako na magbabago ang isip niya. Na marerealize niya itong ipinapagawa niya sa akin.

"Kyo, wag... please..." 

Nakita kong nag-igting ang kanyang panga.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa kanya. "P-parang awa mo na... Ayoko..."

Segundo lang ay binaklas nya ang kamay ko na nakakapit sa kanyang braso. Pagkatapos ay pinisil nya ang mukha ko. Madali iyon para sa kanya dahil malapad ang kanyang mga palad.

"Did I give you a permission to speak?"

Umiling ako, pilit pinipigilan ang mga luha.

"Then don't speak!" itinulak nya ako pagkuwan.

Tumalikod ako sa kanya at isiniksik ko ang aking mukha sa sulok ng elevator. Doon ako umiyak nang walang ingay.

"Are you crying?"

Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha. "H-hindi..."

"Good." Nang bumukas ang elevator ay hinila na nya ulit ako sa aking pulso.

Animong binabayo naman ang aking dibdib sa kaba habang papunta kami sa kung saan man iyong kaibigan nya. Lumipas ang ilang segundo ay nakaharap na kami sa pinto.

Pinindot nya ang doorbell at saka humarap sa akin.

"It's just for a night..." binuksan nya ang ilang butones ko sa aking dibdib. "...or two, maybe. Be a good girl."

Napapikit ako. Hindi ko masikmura ang mga binitiwan niyang salita. Ito na yata ang pinakamalala niyang ipapagawa. Iyong galawin niya ako kung kailan niya gusto ay matitiis ko pa, pero iyong ipapagamit niya ako sa iba? Sobra na. Wala na talaga siyang natitirang respeto sa akin. Para sa kanya, isa na lang akong basura na pwedeng ipasalo sa kahit kanino.

Bumukas ang pinto at napanganga ako nang makita ang lalaking nagbukas nito. Taglay nito ang magandang pangangatawan gayun din ang mahaba nitong buhok na ginintuan.

Ang drummer ng Black Omega Band: Si Cloud Deogracia!

"Hi, Ruby. Remember me?" kinamayan nya ako.

Tigagal lang akong nakatingin sa kanya.

Bumaling sya kay Kyo. "Don't tell it to our leader. Sasapakin ako niyon kapag nalaman nyang ikakama ko ang kapatid ng asawa nya."

Hindi kumibo si Kyo. Ni hindi ko rin alam na sa akin pala sya nakatingin kung hindi ko pa sya tingalain.

Napasipol si Cloud. "Whatever." He gently held my hand upang igaya ako papasok. "I'll take her from here," aniya kay Kyo.

Nang tingalain ko ulit si Kyo ay blangko ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ganito kalaki ang galit niya sa akin at ganito kaliit ang tingin niya sa akin.

Pagkasara ng pinto ni Cloud ay hindi ko na naiwasang humagulhol. Tutal wala na si Kyo, pwede ko nang ibuhos ang lahat ng naipong pait at sakit sa dibdib ko.

Nagulat naman si Cloud sa akin. "Hey? Why are you crying? I thought you like this too? You wished for this, right? Di ba nag-chat ka raw kay Kyo kasi type mo ako?" Napakamot siya ng ulo. "Though I don't know kung bakit kailangang si Kyo pa ang i-chat mo, pwede ka namang dumirekta sa akin, you know."

Lalo akong napahagulhol sa sinabi niya.

Nagpa-panicked na nilapitan niya ako at inabutan ng panyo na mula sa bulsa ng suot niyang jeans. "Hey... hey... please, stop crying. You're ruining the mood. Nakakapanlambot ka, baby." 

Kinuha ko ang panyo sa kanya at sininghutan iyon. Barado na kasi ang aking ilong dahil sa pagpipigil ko ng pag-iyak. Napangiwi lang ako nang malamang mamahaling panyo pala iyon.

"S-sorry..."

"It's fine." Kinabig nya ako palapit sa kanya upang aluin sa pag-iyak.

Damn! Ang bilis ng lalaking ito, ah. Pero infairness, ang bango nya. At kung tatanchahin ko ay halos magkasing laki sila ni Kyo. Well, lahat naman sila ay matangkad at hindi nalalayo ang mga taas.

Pero ayaw ko pa rin sa kanya. Hindi ko naman siya mahal e.

Nang kumalas sya sa akin ay ikinulong nya ang mukha ko gamit ang kanyang palad. Sinuklay nya rin ang ilang hibla ng aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"It's okay... I'll be gentle..."

He's an artist, and famous. Kahit sinong babae ay madali nyang madadala sa kanyang kama kung kanyang gugustuhin. Pero hindi ang katulad ko. Ang tulad ko na nagmamahal ng tapat sa lalaking ipinagkalulong ako.

"Cloud, sandali... Kasi nagkakamali ka na—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin.

Naramdaman ko na lang ang mainit na labi ni Cloud na dumadampi na sa akin. Kahit ako ay hindi makapaniwalang nahahalikan na nya ako nang ganoon kadali.

Napatili lang ako nang may biglang sumipa ng pinto.

Magkapanabay naming nilingon ito at nabigla ako nang mapagsino.

Si Kyo!

Mabibigat na mga paa ang kanyang gamit nang lumapit sya sa amin. Hinablot nya ang aking kamay at hinila ako.

"Seriously?!" Madilim ang mukhang hinarap ito ni Cloud.

"Move an inch and you'll die." Tugon ni Kyo nang hindi nililingon ang binata habang hila-hila naman ako.

"Kyo, you're a bogus friend!" maktol ni Cloud.

"Fucking shut up!" singhal ni Kyo sa kanya.

"Fine." Ngumiti na lang sa akin si Cloud nang lingunin ko sya. Pero iyong harapan niya, bukol na bukol na!

Nagpatianod na lang ako kay Kyo na salubong ang mga kilay. Marami akong tanong na alam kong hindi nya sasagutin kaya isinaisip ko na lang. Hindi ko na kasi talaga sya maintindihan.

Ang mga lalaking tahimik talaga ang hirap unawain!

Gulong-gulo na ako sa kanya!

Hindi pa kami gaanong nakakalayo nang pumreno ang mga paa ko.

Bumitiw ako sa kanya para takpan ang mga mata, saka ako humagulhol. Hindi ko na kasi kinaya, hirap na hirap na ako. Pakiramdam ko kasi ay sarili ko na lang ang kakampi ko.

He saw my tears, wala na akong pakialam. Kung papatayin nya ang pamilya ko, sana ay unahin nya ako. Pagod na akong masaktan kaya ayoko na. Suko na talaga ako kaya tama na.

Pero may mainit na mga brasong yumakap sa akin. And somehow I felt safe.

Iyong habol nya ang kanyang paghinga at isiniksik nya ako sa kanyang malapad na dibdib. Iyong nanginginig sya habang nakayapos sya sa akin nang mahigpit.

Sabay bulong nya sa aking punong-tainga. "S-sorry na... hindi na..." pumiyok sya. "H-hindi na mauulit... h-hindi na. Hinding-hindi na..."

JAMILLEFUMAH




Seguir leyendo

También te gustarán

52.3K 1.5K 16
Nicolette is not an ordinary girl. Lumaki at nagkaisip siya na pagtuntong niya sa edad na beinte ay siya na ang papalit sa posisyon ng lolo niya bila...
47.9M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...