ZBS#6: Black Moth's Chemical...

By iamyourlovelywriter

1.9M 45.7K 2.8K

Teaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE
Extra #1: MasterH's letter to Black Moth
EXTRA #2: She'll gonna make it

Chapter Eight-A

84.1K 2K 96
By iamyourlovelywriter

Chapter Eight-A


"GRANDPA." Bati niya sa nakamaskarang lalaki na nakaupo sa gitna ng lugar na iyon and just like anybody else she's wearing a mask too. Lahat sila ay nakasuot ng maskara upang hindi sila makilala ng kanilang mga kliyente na nandoon din. Hindi mawawala ang business sa isang party, pero kahit na nakasuot na ng maskara ay nakikilala pa rin niya ang iba doon. Ang iba ay mayayamang tao ng bansa, iyong iba naman ay nasa kinauukulan kaya nga sobrang tatag ng GS dahil sa mga pader na nakapalibot dito.

"Nice to see you GET 730." She's wearing a different outfit for the party, red and black just like Ainsley's fave outfit. It's red and black corset that shows her number, on her left arm may nakatatak na 730. It was her code number, siya ang ika-730 na nakuha ng sindikato, kapag nasa labas sila ay tinatakpan nila iyon ng isang cream upang hindi iyon mahalata. It's not a tattoo, it's really a mark... a burnt mark and the only way for them to rid off the mark is when they buy themselves from the syndicate.

Base sa mga naririnig niya, noong unang batch ng mga numbered child na tulad nila ay sapilitang kinuha mula sa kanilang mga magulang. The founder of the syndicate was a ruthless bastard who only loves money and nothing else, the new 'grandfather' is actually a bit different. Yes, he's still ruthless however he doesn't kill the children's family in a morbid way. Binibili sila mula sa kanilang mga magulang, kapag hindi pumayag ay gumagamit sila ng mga underhand tactics hanggang sa pumayag ang mga magulang nila at binibili sila sa malaking halaga.

Kapag nasa kamay na sila ng GS ay binibigyan sila ng magandang buhay, they dressed and feed them... but it doesn't mean that their lives were easy. When they reached their twelve birthday, a hot plate of numbers will be pressed on their skin. Para itong passport nila, kapag may tatak na sila ay pwede na silang lumabas sa compound a.k.a kulungan nila. Pero kapag natatakan na sila ay kailangan na nilang magtrabaho depende sa kakayahan mo.

Sa part niya maaga siyang nakatapos ng college dahil na rin sa tulong ng GS, sa ibang bansa siya nakapagtapos dahil doon siya pinag-aral ng mga ito. Ilang beses na ba siyang nagtangkang tumakas sa dami siya nalang mismo ang sumuko dahil kahit saan siya magsuot ay nakikita at nahahanap pa rin siya.

Pagkatapos niyang magtapos ay nagtrabaho na siya sa underground laboratory at gumawa ng illegal na gamot kasama ang mga batang tulad niya. Iyong iba naman ay gumagawa ng mga illegal na armas na ibenibenta sa ibang bansa at sa mga kilalang tao. Iyong iba naman ay binebenta sa iba-ibang pharmaceutical companies o sa ibang kompanyang nangangailangan ng serbisyo nila. And the only way out is for them to pay one hundred million pesos, for the rich it's just a small amount of money but for them it's their everything.

Her last hope is Hexel's help, matagal ng sinasabi ni Hexel na bibilhin siya nito sa GS pero siya ang umaayaw. Ayaw muna niya, that's when their plans came in. Kapag kasal na ang mga kaibigan niya, pag-uwi na pag-uwi ni Hexel siya naman ang aalis. Hexel will buy her and she will devote her life serving her friend.

"Binabati ka ni Grandpa." Untag ni Uly sa kanya, napakurap lang siya at yumuko sa harap nito.

"Good evening po."

"It's been a year since the last time I saw you Georgette, what a wonderful night isn't it?" she flashed her poker face, hindi pwedeng magpakita ng anumang emosyon sa harap ng mga katulad niya because showing emotions mean showing your weakness. Nasanay na rin siguro siya.

"Yes, grandfather."

"The same polite Georgette, how's your friends?" pinagdiinan pa talaga nito ang huling salita. "Are they fine?"

"Yes they are and I am doing my part grandfather I hope you are doing yours."

Tumawa lang ito. "Very touching Georgette, very touching. But as long as you stay loyal to me and the GS walang mangyayaring hindi maganda sa mga kaibigan mo." Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. "Kailan ka titiwalag sa grupo?"

Nagulat siya sa tanong nito, "Hindi sa pinapaalis kita but I hear that a certain rich young man is pursuing you and I think that rich young man can buy you from the syndicate. Napatingin siya kay Ulysses na abala sa pag-ubos ng alak na hawak nito.

"Kung saan niyo nakuha ang balitang iyan mukhang maling chismis lang ho iyan grandpa, wala akong dahilan para kumalas sa sindikato at kung meron man sigurado akong hindi dahil sa isang lalaki iyon. Gagawin ko iyon dahil kaya ko na at may pera na akong pantubos sa sarili ko."

"Sharp tongue still pero mas gusto ko pa rin sana na maging presidente ka ng Pilipinas dahil kapag nagkaganoon mas mapapadali ang trabaho natin."

Napa-iling nalang siya sa sinabi ng matandang lalaking kaharap niya, napabuntong-hininga na rin siya nagpaalam siya upang kumuha ng makakain dahil hindi naman siya nakakain ng maayos sa party ni Diana kaya kakain nalang muna siya.

"Oopps! Sorry." Hingi ng paumanhin ng nakabunggo ng braso niya. "Oh hey, G.E.T 730." Bati ng babaeng kahit nakasuot ng mascara ay makikilala pa rin niya.

"S.Y.D 741, Sydney."

"Ang OA talaga ng codename- codename na iyan no? Nabati mo na ba si grandpa Georgette?" kumuha ito ng pagkain, mas marami keysa sa pagkain ng normal na tao. "Hindi ako patay gutom paano tinamad kasi si Yvette na tumayo alam mo naman ang babaeng iyon tamad kaya ako nalang ang kumuha."

"Saan ba kayo nakaupo?"

"Sa may sulok para iwas tsismis." Pagkkatapos kumuha ng pagkain ay sumama na siya kay Sydney sa mesa nina Yvette.

"Nandito ka rin Georgette." Puna ni Yvette na kulang nalang ay gumulong sa ibabaw ng mesa sa pagkabagot. "Ang boring ng party, gusto kong sumayaw ng twerk it like Miley o kaya naman ay Nae nae o kahit shalalala nalang. Ano bang klaseng party na ito nakakatanda, as in hello? Ang babata pa natin para sa mga ganitong boring na party."

"Pagkatapos nito pwede kang magbar hopping tiis-tiis lang."

"Paupo." Sabay silang napatingin kay Ulysses na may dala pa ring alak.

"Kuya Ulysses marami ka bang pera?" agad na salubong ni Yvette.

"Yup, why?"

"Pautang."

"How much?"

"One hundred million pesos, I want to buy my freedom." Hiyaw nito mabuti nalang at wala ding pakialam ang mga kasama niya sa ibang mesa.

"Kung mangungutang ka sa akin tatatakan kita ng number tapos magtatayo ako ng sarili kong sindikato at ikaw ang pinakaunang membro." Sumimangot lang si Yvette.

"Ang damot, sabi ko na nga at hindi nalang ako mangungutang sa iyo." These three and the other people here suffers the same just like her. They did the worst no one would ever thought they could do aside from killing of course. They make drugs, illegal arms but they don't kill. Pero may mga namatay na rin dahil na rin sa kagustuhan ng mga itong tumakas na hindi nabibili ang kontrata. Ayaw na rin nilang gumawa kaya para na rin silang walang silbe kaya sila pinapatay.

Ang buhay na ito, malayong-malayo sa payapang mundo na meron ang mga kaibigan niya. Malayo sa mundo na gusto niya. Pero kaunting tiis nalang, kapag okay na ang lahat, kapag handa na ang lahat siya naman ang aalis kaya nga hindi siya dapat mag-isip ng anumang bagay na pwedeng makapagpabago ng kanyang desisyon. Her freedom will always be her number one priority and nothing else... not even love.





TININGNAN niya ang naging reaksyon ni Renz ng matikman ang bagong chocolate drink na na-alter niya ang formula. The company she is working right now wants her to make another version of their chocolate drink na binebenta nila sa mga grocery stores.

"This is delish, how did made this? Iba ang lasa, hindi siya masyadong matamis pero hindi din siya matabang. Basta iba, hindi ko matukoy kung ano ang idinagdag mo dito."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Actually wala akong idinagdag sa katunayan nagbawas pa nga ako."

"What do you mean?"

"Binawasan ko ang sugar at ang iba pang ingredients niya, pasok pa rin sa nutrition facts na kailangan ng katawan ng iinom niyan. Napansin ko kasi na masyadong maraming sugar ang nadagdag natin sa unang gawa natin kaya kapag iinumin natin ay may mga residue pa. Sayang din ang sugar kaya binawasan ko, at mas hinabaan ko ang boiling period at ang freezing period ng mixtures para mas maging creamy siya kaya magaan lang siya sa dila."

Pumalakpak ito. "You are really smart aren't you. hindi ko naisip iyon." Gusto sana niyang sabihin na masyado lang siyang nasanay sa paggawa ng ibang chemical kaya pamilyar na pamilyar na siya sa steps ng paggawa ng mga inumin. Of course hindi niya iyon hinaluan ng druga, gumagawa lang siya iyon lang.

"Madali lang naman."

"Naku, ako nga hindi ko alam kung anong idadagdag ko dito sa gamot na ginagawa ko. Sa dami ng gamot sa market hindi ko alam kung may panlaban pa ba itong gagawin natin, as in seriously may mga gamot na sa flu at lagnat tapos iyon pa rin ang gagawin ko? Where's the originality there?" bulalas nito, natutuwa siya ng mapansin na nagiging madaldal na uli si Renz tila bumabalik na uli ito sa dati.

"Well, hindi talaga maiiwasan iyan normal competition kasi iyan eh. Pero kung gusto mo talagang maiba, bakit hindi ka gumawa ng gamot na swak sa parehong bata at matanda. Aminin natin ayaw ng mga bata ng tablet kasi mapait, may iba ding matatanda na maselan at ayaw ng gamot sa parehong dahilan. Bakit hindi ka gumawa ng medyo may lasa naman, parang candy lang na kahit hindi na kailangan ng tubig ay pwede nilang mainom. Parang chewables lang."

Maang na napatingin ito sa kanya. "And maybe you can change it's form too like pwede mong gawing carrots na maliliit o kaya naman ay chocolate form ikaw na ang bahala."

"How dare you?" bulalas nito. "Bakit ba ang talino mo girl? Naku, ang swerte ng magiging asawa mo nice idea maswerte din ako kasi pareho tayo ng laboratory." Tumawa ito at saka masiglang bumalik sa pwesto nito. Binuksan nito ang computer at ini-open ang isang software at nagsimula na itong tumipa doon hanggang sa makita niyang puro chemical formula nalang ang nakikita niya doon.

Siya naman ay ibinalik ang pansin sa ginagawa, since bago ang formula nila kailangang bago din ang packaging nila. Pero hindi na siya ang mag-iisip ng tungkol doon kundi ang packaging department na, kumuha siya ng sample dahil dadalhin niya iyon sa big boss nila. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasan na sulyapan ang hitsura niya sa salamin pero saglit lang iyon dahil hindi pala niya kayang titigan ng matagal ang kanyang mukha sa salamin.

"Hi." Bati ng katabi niya sa elevator.

"Hello." Wala sa sariling ganti niya hindi na siya nag-abalang tumingin pa.

"Iyon lang? Pagkatapos mo akong takbuhan sa party ni Diana?"

"Huh?" nang mag-angat siya ng tingin ay agad niyang nakita si Ashton. He looks so handsome and dashing with his three piece suit that makes him look so manly. At dahil silang dalawa sa loob ng elevator kaya amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito kaya napasiksik siya sa pinaka-corner ng elevator. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Where's that guy?"

Hindi niya alam kung maganda ba ang mood nito o nagpapanggap lang na maganda dahil hindi niya mabasa ang iniisip nito with that fake, gentleman smile on his face.

"Sinong guy?"

"Iyong sumundo sa iyo sa kasal ni Diana, don't tell me naghiwalay na kayo?"

Napaawang ang mga labi niya at saka napakurap at umiling. "Hindi ko boyfriend si Ulysses, kababata ko siya."

Tumango-tango ito, she felt different from his reaction parang may naiba. Hindi man lang ito nagtangkang lapitan siya nanatili lang ito sa kinatatayuan nito at nagkibit-balikat. Yumuko lang siya dahil hayon na naman ang paninikip ng dibdib niya, dapat masaya siya dahil balik na sila sa normal pero nasasaktan siya.

"What are you doing here?"

"Kaibigan ko ang may-ari ng kompanya I am here for business." Pormal na sagot nito. Kung kaibigan nito ang may-ari ibig sabihin ay pareho din sila ng pupuntahan at kapag mas nagsama pa sila ng matagal alam niyang mas titindi lang sakit sa dibdib niya. Kumilos ang kanyang katawan at pinindot ang fifth floor button, pagkabukas niyon ay mabilis siyang lumabas.

"Nice meeting you here... Mr. Villaraga." And the elevator closes. Nakahinga siya ng maluwang ng marealized na ito na mismo ang nagbibigay ng gap sa pagitan nilang dalawa, pero nasasaktan din siya. She already told to herself na hindi siya pwedeng magkagusto sa isang lalaki, kaya dapat pangatawanan niya iyon. Napakawalang kwenta naman niya kung wala siyang isang salita, kung maging sa sarili niya ay hindi niya kayang pangatawanan ang kanyang mga sinasabi.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Oh, Jane I am sorry nagkamali ako ng baba medyo nahihilo kasi ako kanina sa elevator. Akala ko nasa fifteenth floor na ako five pa pala." Paliwanag niya sa head ng finance department.

"Masyado ka kasing workaholic," tumingin ito sa kanyang hawak. "Dadalhin mo kay sir? Ako nalang ang magdadala kasi papunta din ako doon, may pahabol pa ba ito?"

"Sabihin mo lang sa kanya na new formula iyan ng Milkie, tapos kailangan ng new label."

"Ikaw ang may gawa nito? Pahingi mamaya gustong-gusto ng baby ko ang mga chocolate drinks na gawa mo."

"No problem marami pa sa laboratory, magdala ka lang ng lalagyan kasi bawal kaming maglabas."

"Thank you so much Georgette." Nang makasakay na si Jane sa elevator ay nagpasya siyang bumaba na pero hindi siya nag-elevator, sa fire exit siya dadaan kasi nagugutom na rin siya at mas madadaling daanan ang fire exit papuntang pantry nila. Pagpasok niya sa pantry ay sisigaw sana siya ng happy lunch or any happy moment gaya ng ginagawa niya dati pero nagulat na lamang siya ng makitang sobrang dami ng batang nandoon.

"Anong nangyari dito?" gulat na tanong niya.

"Hala, Miss Andres." Napatili siya ng matumba siya dahil basta nalang siyang sinugod ng tatlong maliliit na mga bata at dahil hindi naman niya pwedeng itulak ang mga ito kaya hinayaan nalang niya basta nalang siyang sagasaan ng mga bata. Ang nangyari kasi ay ang daming bata na nasa pantry. "Sorry po nasira po kasi ang playroom ng mga bata kaya habang inaayos po ay dito na muna sila." Hingi ng paumanhin ni Erica ang head ng playroom department A.K.A sosyal na yaya ng kompanya, kasama nito ang iba ring attendants ng playroom department. May mga naset-up na matt sa kabilang panig ng pantry at may mga fences na rin.

"Play! Play! Play!" napangiti siya ng marinig ang usal ng mga batang bumangga sa kanya. She doesn't know how to handle kids, hindi naman kasi napapaligiran ng mga ganoon. Hindi rin niya alam kung paano mag-alaga, theoretically she's an expert pero hindi niya alam kung hands on na parang nakakatakot na nakaka-excite.

"Huwag niyong abalahin si Miss Andres busy siya." hinila ng isang attendant ang bata pero dumikit lang ito sa kanya at pumalahaw ng iyak. "Naku, naging magnet na yata."

"Ako na lang... Ella." Basa niya sa name plate. Kinarga niya ang umiiyak na bata at saka dinala sa playing matt kung saan nandoon na rin ang ibang mga bata. Nagpababa naman ito pero iyon nga parang nagkaroong ng linya ng mga bata na gustong magpabuhat sa kanya. "Magsasaside line ako dito bayaran niyo ako ha." Biro niya.

"Bagay ka palang maging mommy Ms. Andres, kusang lumalapit ang mga bata sa iyo." Komento ng mga staffs ng pantry.

"Talaga? Naku problema iyan baka kapag nagkaanak ako kahit hindi ko anak pagkakmalan nila akong mama." Biro nalang niya.

"May anak na ako Ms. Andres kaso walang mommy pwede ka bang ihire?"

"Bilang nanny Doc. Ben?" nagtawanan uli ang mga kumakain doon siya naman ay tila nawala ang gutom dahil sa mga bata, hindi na nga siya kumain sa katunayan ay nakipasok na rin siya sa make-shift playhouse ng mga bata at nakipaglaro sa mga ito. Kaya hindi rin nakakapagtaka na ng mapagod ang mga bata ay napagod din siya kaya nakitulog na rin siya.




BAKIT ba ako nagagalit sa eksenang iyon? Hindi iyon pwede! Not with her, gusto ko lang siyang maging modelo ng lingerie line ni mommy iyon lang. Paulit-ulit na saad niya sa kanyang sarili habang papalabas sa opisina ni Coltrane ang kaibigan niya na siyang isa sa may-ari ng kompanya. Magkakaroon kasi sila ng isang malaking fashion show and he needs more sponsors, alam niyang hindi siya dapat ang naghahanap ng sponsors pero gusto lang talaga niyang makita si Georgette.

"Bakit kanina ka pa hindi mapakali?" kunot-noong tanong ni Coltrane.

"I am thinking of something."

"Anong something naman kaya iyon?"

"Something not important."

"Ok-."

"Sir Coltrane, naset-up na po namin ng maayos ang playroom sa may pantry. Nandoon na po ang mga bata natawagan na rin po namin ang mga mag-aayos sa mga nasira sa dating playroom maaayos din po iyon kaagad."

"That's good to hear Ericka," bumaling sa kanya si Coltrane. "Pwede bang dumaan muna tayo sa pantry bago tayo umalis Ashton?"

"No problem."

"Sino ang nagbabantay sa mga bata?"

"Sina Ella po Sir tapos nandoon din po si Ms. Andres ayaw po siyang paalisin ng mga bata the kids love Georgette so much."

"Kung ganoon ibabawas ko sa sweldo niyo ang sweldo ni Georgette."

Georgette na naman? Ilang Georgette ba meron sa kompanyang ito?

Pagpasok nila sa pantry ay tahimik na tahimik ang lahat which is weird kung maraming bata ang nandoon for sure kasing ingay iyon ng enchanted kingdom.

"Natutulog na po ang mga bata Sir." Tiningnan niya ang mga batang natutulog at kahit na hndi niya iutos sa kanyang sarili awtomatikong napangiti siya ng makita ang pinakamalaking bata na natutulog sa gitna ng maraming bata. Sa tingin niya ay ginawa ng unan at kama ng mga bata si Georgette.

"I see, napagod na si Ms. Andres sa pagbabantay sa mga bata."

"Gigisingin na namin si Ms. Andres, Sir."

"No!" agad na napatingin ang mga ito sa kanya. "Don't wake her up."

"Oh men, she needs to get back to her work."

"I'll pay for Georgette's remaining time."

"You knew her?"

"Yeah. Can I get her from there? Iuuwi ko na siya." malakas na napasinghap ang mga nakarinig sa sinabi niya. Siya naman ay hindi na nagsalita dahil hindi niya maialis ang tingin niya kay Georgette.

"Binabahay mo si Ms. Andres, Ashton."

"It doesn't mean that I am going to bring her home ay sa bahay ko kaagad, I know Georgette she's a friend." Yeah, kung kaibigan mang maituturing iyong naramdaman niyang pagseselos ng sunduin ito ng kung sinong pontio pilato na mukhang kilalang-kilala si Georgette.

"Kaibigan lang?"

"Huwag kang malisyoso Coltrane at saka maawa ka naman sa tao napagod na nga gigisingin mo pa?" mabilis niyang tinawid ang mababang makeshift na bakod at kinuha ang mga batang nagpapahirap sa buhay ni Georgette dahil sa pagdagan nila. At maingat na binuhat ang dalaga.

"Hmmn." Narinig niyang ungol nito pero hindi naman nagising, mukhang pagod na pagod na nga ito.

"Iba na iyan Ashton."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng kaibigan. "Sa tingin ko nga rin iba na ito." aniyang hindi naiiaalis ang mga mata sa dalaga.

"Hindi ka ba natatakot?"

"I do." Hindi na niya dinugtungan pa ang sasabihin niya at dahan-dahan na naglakad paplabas ng gusali ng makasalubong niya si Renz.

"Kuya Ash saan mo dadalhin si G?"

"Napagod siya sa pagbabantay ng mga bata iuuuwi ko muna siya sa bahay niya." kung nagulat man ito ay hindi ito nagpahalata bagkos ay ngumisi lang na tila ba nanunukso sa kanya.

"Tinamaan na si kuya eh."

Nailing nalang siya. "Tamaan na ang tamaan." Tiningnan niya si Georgette. "I think she's worth it." Hindi pa niya ito masyadong kilala, ni hindi nga niya alam na Andres pala ang surname nito or he knew pero nakalimutan lang niya pero ang nararamdaman niya para dito kakaiba na.. and he is familiar with the feeling hindi naman siya manhid at mas lalong hindi naman siya tanga.

Pagkatapos isakay sa kotse ay mabilis niyang narating ang bahay nito, kumatok muna siya saka lumabas si Maya ang kasambahay ni Georgette.

"Kuya ano pong ginagawa niyo po dito?" agad na nakuha ng tingin niya ang suot nitong uniporme, naka-pang school uniform kasi ito ng Winhlan University. "Wala pa po si ate mamayang gabi pa po ang uwi niya, wala din pong tatao dito dahil may klase pa po ako."

"Nag-aaral ka pala?"

Ngumiti ito sa kanya. "Sabi kasi ni ate Georgette kailangan po may matapos ako upang hindi na ako maghirap maghanap ng trabaho sa hinaharap at saka hindi pod aw pwedeng maging katulong nalang po ako habang buhay kaya po pinag-aaral niya ako. Ang bait po ni ate ano?"

True, wala siyang maisip na babaeng mas babait pa kay Georgette. Wala siyang mahanap na anumang kapintasan nito, he's blinded.

"Kasama ko si Georgette, inuwi ko siya kasi nakatulog siya sa trabaho niya sa pagod." Turo niya sa kotse niya.

"Hala, kailangan ko palang mag-absen-."

"No, ako na ang mag-aalaga kay Georgette pumasok ka na." tiningnan lang siya nito. "Wala akong gagawin sa kanya dahil kung may gagawin man ako kailangang asawa ko na siya."

"Papakasalan mo si ate?"

"Kung gusto niya at sa tamang panahon."

"Ey, enebey yen keye kenekeleg eke." Natawa siya sa sinabi nito. "Sige na nga I trust in you pero bantayan mo pong mabuti si ate kuya kasi ayaw na ayaw niyang may nagbabantay sa kanya dahil tumatakas lang iyan."

Totoo din iyon, sa hospital ay nagulat siya ng wala na ito doon. Tumakas daw ito sabi ng mga doctor. Binuksan nito ang bahay habang siya naman ay kinuha si Georgette sa loob ng kotse at kinarga iyon.

"Kuya nasa second floor ang room ni ate, iyong may black moth na sticker kailangan ko na pong umalis dahil male-late na po ako. Good bye kuya at ingatan mo si ate paalam!"

Sumara ang pintuan sa baba, narinig din niya ang kasakasan ng mga bakal na tanda ng pagsarado ng gate. Ang dalaga naman ay talagang tulog na tulog pa rin habang nakahiga sa kama. Napangiti siya ng tabihan niya ito, hinaplos niya ang pisngi nito.

She's really perfect, his mom will surely love her he bet his life for that... mahirap hulihin ang loob ng mommy niya pero alam niyang hindi pa man ay mahuhuli na ni Georgette ang loob ng kanyang ina dahil nahuli na rin nito ang loob niya.

And it's a vicious way of hunting his heart, dahil tagos na tagos ang pana ni kupido. Kahit anong gawing iwas at pagtatanga-tangahan niya, sapol na sapol talaga siya. IYon na iyon eh.




<<3 <<3 <<3

a/n: I'M SO TIRED BABIES! Seriously pagod na pagod na ako pero hindi ako makatulog samantalang hindi naman ako lumaklak ng kape ngayon. Kanina pa ako hikab ng hikab, natapos ko na nga ang mga visual aids ko pero go pa rin ng go.  Pwede bang hindi pumasok bukas? Gusto ko sanang hindi pumasok pero hindi pwede kasi magreready pa kami para sa releasing ng card sa sabado,... huuuu.. makatulog na nga.

STATUS UPDATE: Good night babies.

PPS: *PABEBE WAVE HERE*


Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 242K 57
Von Leandrei grew up with all the luxuries in life, while Janica lived a more humble, hardworking existence. When their worlds collide, could it be t...
438K 16.3K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
61.6K 153 15
SPG
1M 19.4K 13
Teaser: What will you do if the person you love the most hurt you? What will you do if the person you loathe the most came back? What will you do if...