Memories in the Making (On-go...

By heartyribbon

440 49 14

Book 2 of It's Just a Memory. More

Memories in the Making (On-going)
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 2

20 3 0
By heartyribbon

[Cafeteria; 3:05PM]

"Ciara, may gagawin ka ba after ng class natin?" tanong ni Joy.

"Hmmm. Wala naman. Bakit?"

"Magpapasama sana ako sa'yo sa mall. Kung pwede sana." nakangiting sabi ni Joy.

"Sure. Ano bang bibilhin mo?"

"Wala akong bibilhin. Titingin lang muna ako ng pwedeng ipang regalo kay Dave. Malapit na kasi kaming mag anniversary eh."

"Ay oo nga pala noh? Sige punta tayo sa mall after class."

"Sama naman ako sa inyo pwede ba?" nakangiting sabi ni Dave sabay akbay kay Joy.

"Ha? Ahmm, next time nalang baby. Bonding namin to ni Ciara eh. Next time nalang tayo magdate." nagwink sakin si Joy.

"Sige na nga." sabay pout ni Dave.

Binilisan na namin kumain ng snacks namin dahil matatapos na ang break time namin. Pagkatapos namin kumain, hinatid kami ni Dave sa room namin at nagpaalam kay Joy na uuwi na siya.

"Baby uuwi na ako ha. Ingat kayo ni Ciara.I love you."

"Yes po.I love you too." nakangiting sabi ni Joy.

"Ciara, ikaw na bahala sa baby ko ha."

"Yes boss. Sige na umuwi ka na. Ang sweet niyo eh. Nakakainis. Haha"

Ginulo ni Dave ang buhok ko at nagwave na samin. 

[After class]

"Joystar saan tayo?" tanong ko pagkasakay namin sa kotse ko.

"Dun nalang sa mall na lagi nating pinupuntahan Ciarastar. Hahaha" tawa ng tawa si Joy pagkasabi niya nun.

"Anong nakakatawa dun Joystar?"

"Wala lang. Bagay kasi yung Ciara the Starfish. Hahaha" tumawa na naman ng tumawa si Joy hanggang sa para na siyang hihikain sa kakatawa.

"Oo pagtripan mo ko Joy. Ikaw nalang magmall mag-isa." nagpout ako at nag galit-galitan.

"Haha! Joke lang Ciara. Bati na tayo. ^__^v"

Buong byahe namin ay kinukulit lang ako ng kinukulit ni Joy. Malapit ko na ngang saktan tong babaeng to eh. Hanggang ngayon may pagkachildish pa din siya pati si Dave. Kaya bagay talaga silang dalawa. 

Sa wakas ay nakarating na din kami sa mall. Grabe para akong may kasamang 2 years old na bata. -____-

"Tara Ciara! Maghanap na tayo." ngiting ngiti na sabi ni Joy sabay higit sakin papunta sa loob ng mall.

Inumpisahan na namin ang pag-iikot sa mall. Pagkalipas ng isang oras at kalahati, nagyaya muna akong umupo sa bench sa labas ng mall.

"Grabe Joy pagod na'ko. Wala ka pa din bang napipili?" Bagsak na bagsak ang katawan ko sa pagkakaupo sa bench. Grabe naman kasi, lakad lang kami ng lakad ni Joy. Gutom na din ako. 

"Ako din pagod na. Wala akong magustuhan sa mga nakita natin eh. Hmmm. Gusto mo kumain muna tayo?"

"OO NAMAN JOY! GUSTONG GUSTO KO! BUTI NAMAN AT NAISIP MO!" natawa lang si Joy sa reaksyon ko. Alam niya kasi na gutom na gutom na ako. 

Pumunta kami sa isang fast food restaurant. Naghanap ako ng table na makakainan namin at si Joy naman ang umorder sa counter.   

Maya maya pa ay dumating na si Joy kasama ang crew na naghatid ng inorder naming pagkain. 

"Enjoy your meal ma'am."

Teka lang, parang ito yung guy na nakita ko sa restaurant nung isang araw. 

"Ma'am may kailangan pa po ba kayo?" sabi sakin ng crew.

"Ah wa-wala naman." nauutal kong sabi.

Tumango at ngumiti yung crew sakin at umalis na siya. Inumpisahan na namin kainin ang mga inoreder namin ni Joy. Ang dami. Bawing bawi yung pagod ko sa paglalakad. Haha

"Uy Ciara, crush mo yung crew noh?" pang iintriga ni Joy.

"Hindi ah. Hindi ko nga kilala yun eh."

"Sus! Kunwari ka pa. Haha! Cute kaya siya. Hindi naman magagalit si Dylan eh. Hehe"

"Hindi ko nga crush yon. Kumain ka na nga lang diyan." sinubuan ko siya ng french fries para tumigil na sa pang-aasar.

Pero hindi ko naman talaga crush yun noh. Kahit cute si Gab. Ay! Oo nga pala. Tiningnan ko kasi yung name pin niya. Kaya nalaman kong Gab pangalan niya. Pero hindi ko talaga siya crush. Nabaling lang talaga yung tingin ko sa name pin niya. Promise talaga.

"Oy Ciara! Tulala ka na dian. Iniisip mo si Mr. Crew noh? Ayiieeee!"

Binigyan ko ng Tumigil-Ka-Na-Kung-Ayaw-Mong-Ipakain-Ko-Ng-Buo-Sayo-Yang-Burger-Look si Joy. Ang kulit kulit. Nakoooo!

"Ay oo nga pala Joy. Buti okay na kayo ni Dave. Ano bang nangyari nung isang araw?" pag-uusisa ko.

"Ah. Wala naman. May inaasikaso lang daw siya. Yun lang sinabi niya sakin eh. Kinukulit ko nga siya kung anu yon. Ayaw naman sabihin. Kaya hinayaan ko nalang."

"Eh baka naman nagpaplano ng surprise sa'yo? Ayiieee!"

"Asa pa dun." matipid na sagot ni Joy at saka kumain ng ice cream.

Ano na naman kayang problema nitong babaeng to kay Dave? Eh ang sweet naman nila kanina. 

"Tara na Ciara. Maghanap na ulit tayo. ^_^"

"Seryoso ka? Eh napasok na natin halos lahat ng stores dito eh." napakamot nalang ako sa ulo.

"Haha oo Ciara. Tara na pleaaaaaaase?" nagpuppy eyes pa si Joy sakin. Kala naman niya effective yun. Tss.

"Hmmm sige na nga!"

"Yey!" etong batang to masisipa ko na pauwi eh. 

Pag kasama ko tong si Joy feeling ko talaga may kasama akong younger sister. Kaya minsan "sis" ang tawagan namin eh. Minsan lang naman yun. Pag trip namin. Haha! Solong anak kasi tong si Joy. Ay hindi pala. May kapatid siya pero namatay din pagkasilang. Tapos ayun. Hindi na siya nagkaron ng kapatid.

"Thank you for coming. See us again!" may lalaking sumigaw niyan pag ka labas namin ng restaurant. Paglingon ko, si Gab pala yun. Nakasmile siya sa'min.

Kinalabit ako ni Joy. "Ang lalo pag nakasmile noh?" kinikilig na sabi ni Joy.

"Parang single ka Joy ah.Haha!" pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi naman ako kinikilig sa kanya. Kinikilig ako para sa'yo. Naaamoy kong may mabubuo. Haha!" pang-aasar na naman ni Joy.

"Mabubuo ka diyan. Asa naman." inirapan ko si Joy at naglakad nako.

"Haha napakapikon mo talaga. Osya wala ng mabubuo. Hihi" hinabol ako ni Joy at yumapos sa braso ko. 

Inabot na kami ng gabi sa kakahanap ng ireregalo kay Dave. Umuwi kaming luhaan. Ang daming makikita sa mall pero walang magustuhan si Joy.

"Joy, next month pa naman diba ang anniversary niyo? Wag kang magpanic. Madami pa tayong time para maghanap. Kalma sis. Okay?" tinap ko siya sa likod.

"Ang hirap maghanap ng pang regalo sa lalaki sis. Kelangan natin ng advice." nagpout si Joy.

"Kanino naman?"

"Hindi ko nga alam eh. Hays."

______________________________

*Gab's POV*

"Mama! Andito na po ako." nakangiti kong bati kay mama at nagmano ako.

"O anak magpahinga ka na. Maya-maya lang kakain na tayo."

"Opo mama." nagpalit na ako ng damit at nagpahinga saglit. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. Grabe nakakapagod talaga ang araw na to. Pero kelangan ko pa maghanap ng isa pang trabaho. Kulang yung sweldo ko para sa pag-aaral ko. GUsto ko talagang makatapos ng college. Gusto kong mag-aral ulit.

"Anak, kakain na tayo." pinuntahan ako ni mama sa kwarto ko.

"Opo mama."

Habang kumakain kami, "kamusta ang trabaho mo anak?" tanong ni mama. 

"Nakakapagod po mama. Pero ok lang naman po. Kayang kaya ko naman po ang trabaho ko."

"Buti naman Gab. Pasensya na talaga kung ikaw na kailangan sumuporta sa pamilya natin."

"OK lang po yun mama. Wala pong problema sakin yun." nginitian ko si mama at inubos ko na ang pagkain ko.

"Ay mama, maghahanap nga po pala ako ng isa pang trabaho. Ok lang po ba?"

"Ok lang sakin anak. Basta kaya mo at hindi mo mapapabayaan yang katawan mo."

"Oo naman po mama. Kayang kaya ko po yun."

Ngumiti sakin si mama at nagligpit na ng mga pinagkainan namin. Anong trabaho naman kaya ang mahahanap ko? Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga na. Maaga pala ang pasok ko bukas. 

Continue Reading