*You might hate me for this chapter but.... who cares? Hahahaha.
Selena's POV
Today, one week will be over. Huling araw na kailangan kong sulitin…
*…Don’t bid me goodbye…*
“Hello?”
[Today is the day. 8pm Selena. Sigurado ka na ba talaga?]
“I am. I’m hanging up.” I said then ended the call. Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ko at nakita ko si Clyde.
“Are you hungry?”
“No.”
“You didn’t eat.”
“No, I didn’t eat.” I sit back on my heels and regard him passively. “After witnessing you with your so called friend slash thesis partner slash childhood friend together, suppressed my appetite.” I said and glare at him.
“Let me fix you something to eat.” He said ignoring my words.
“I’m tired. Matutulog na lang ako.” Ang lame ng excuse ko. But who cares? He suddenly pulls me up. He gazes down at me, his expression soft.
“No, you need to eat, Selena.”
“I’m really not hungry.”
“Sorry about JM.” He murmurs.
“Why are you sorry?”
“It must be a shock for you, finding her in your apartment.”
“Clyde, apartment natin.”
“Sorry. Wala lang talaga si JM sakin. I told you, kababata ko siya. Her parents died when she was 10. At dun kami naging magkakilala. I’m the one beside her, comforting her. Hanggang dun lang Selena. Hanggang kaibigan lang.”
“So, what did the both of you do when I’m not around? Nung nasa cali. pa ko, anong ginawa niyo?” I glance up at him, and he freezes. That’s not good…
“You really want to know?”
“Yes.” I whisper.
“I’ve been helping her. Nag break sila ng boyfriend niya weeks ago. Sinasaktan niya si JM. Binubugbog. Nakatira sila sa iisang condo. Wala siyang magawa that’s why she asks some help at me.” His voice is hoarse.
“What kind of help?”
“Selena, wag na nating pag-usap—“
“Answer me Clyde. What kind of help?”
“I-I’m pretending as her b-boyfriend…" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon..
“It was all I could do, Selena.” He says.
“Y-you have feelings for her?”
“No!”
“Selena, don’t stress this. Wala lang yun. I’m just giving her a favor. Kahit papano may pinagsamahan din kami kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang.” And that’s it. Gusto ko na lang umiyak. Is he expecting my sympathy? Tss.
“Selena, look at me.” I can’t. Alam kong iiyak lang ako pag ginawa ko yun. He’s pretending as JM’s boyfriend, and it ripped me, inside.
“Selena.”
“What?”
“It doesn’t mean anything. I love you.” He mutters. Pero hindi ko alam kung maniniwala pa ba ko sa kanya. I take a deep, steadying breath. Gusto ko na lang umiyat at itulog lahat ‘to.
“Selena..” I stand and turn away at him.
“Selena, please.”
“Just stop. Just stop with the ‘Selena, please’! I don’t wanna hear it, Clyde. I’m tired. I need sleep. Now let me be.” Sigaw ko sa kanya at nagmadali na kong pumasok sa kwarto ko. Umiiyak nanaman ako. Ang daming problema. Tipong imbes na mabawasan, mas lalo pang nadadagdagan. He’s pretending as JM's boyfriend. Now, that sucks. At kung hindi ko pa itatanong, hindi pa niya sasabihin sakin? That’s one proof that he doesn’t trust me enough…
When I’m all cried out, nahiga na ko and I finally drift off into sleep with the painful words keep on repeating in my head…
“I’m pretending as her boyfriend..”
***
Nagising lang ako na ang sakit ng ulo ko. 7:30 pm na. I let go of a deep sigh. This is it. The time that I need to leave him. Leave the man I love. And it hurts.
*…Don’t bid me goodbye…*
“Hello?”
[Pae, it’s time. A-are you ready?]
“I am. See you, Parker.” I said then hung up. Tumayo na ko at kinuha yung mga gamit ko na inayos ko na kahapon. I slowly walk towards the door with my tears streaming down my face…Bago ako tuluyang lumabas, tinignan ko lang si Clyde. Tinitigan ko lang siya hanggang pwede pa. Hanggang kaya ko pa. I hope this is not the end. Pero tadhana na ang mismong naglalayo saming dalawa. Alam kong magagalit si Clyde sakin sa gagawin kong ‘to, but it’s better. Atleast, may dahilan na para tuluyan na rin niya kong bitawan.
I’m sorry, Clyde, sorry…
Pinunasan ko lang ang luha ko at dire-diretsong lumabas na. Sinalubong naman ako ni Parker sa pagka-labas ko.
“Sigurado ka na ba talaga?” Tumango lang ako sa kanya at sumakay na sa kotse niya. Tahimik siyang sumunod at nag drive papunta ng airport.
Para sa pagbalik ko sa Cali.
Ilang minuto lang din ng makarating kami. Hinatid lang ako ni Parker sa loob ng waiting area kung saan nag hihintay si Saturn at Mike. Yes. Saturn, Mike, and Parker know my plans.
“Pae…” Agad na lumapit sakin si Saturn at niyakap ako. Kasama ko siyang aalis. Co-incidence siguro pero dun siya sa Cali. pinapag-aral ng mom niya. Nakuha din siya bilang isang scholar sa isang elite university sa Cali. Kaya pala siya nawala ng matagal, inaayos niya yung papeles niya para dun.
“Saturn, si Clyde…”
“Sssh.. everythings gonna be fine, Pae. Don’t cry.” Pinunasan niya lang yung luha ko at hinalikan ako sa noo. Kahit papaano, thankful ako na nasa tabi ko sila.
“Mike..” Tawag ko sa kanya.
“Don’t. Hindi pa tapos, Selena. May pinag-usapan tayo. Pag sinundan ka ni Clyde, alam mo na ang gagawin mo. At pag nangyare yun, susunod ka sa kondisyon na napag-usapan natin.”
“Mike, tignan tignan mo si Clyde ah.. Make him forget me. Ingatan mo yun.”
“Wag ka munang magsalita ng tapos, Selena.” He said at lumapit sakin para yakapin ako.
“Ingat ka dun.”
“I will. Thank you.” I said and kiss him in his cheeks.
“Parker, ingatan mo si Kriella ah. Sagutin mo na!”
“Tss.”
“Thank you. Bye.” I said at tumalikod na sa kanila. Agad namang sumunod si Saturn at nginitian lang ako. Ngiti na nagsasabing, magiging ayos din ang lahat. I hope so… sana nga..
***
Clyde's POV
Nagising lang ako dahil naramdaman kong parang wala si Selena sa tabi ko. At hindi ako nagkakamali. Agad akong lumabas para tignan kung nandun ba siya pero wala siya. Nakaramdam agad ako ng kaba. After screwing up, alam kong nasaktan talaga siya. Pero kailangan ba talagang iwan niya ko?!
Tumakbo ako para tignan siya sa mismong labas ng apartment pero hindi ko siya makita. Agad kong tinignan yung mga gamit niya pero ni-isa walang laman na gamit niya.. Pero isang papel ang nakapukaw ng paningin ko. Agad kong kinuha yun at binasa…
Clyde,
sorry for everything, sorry. Mahirap man gawin na iwanan ka, pero wala akong magawa. Maybe we’re not really meant for each other… baka nga madami pang iba para sayo, para sakin. Hindi ako galit sayo. Sa mundo ako galit. Kasi masyado ng pinapamukha sakin na hindi talaga tayo pwede.. hindi… Ingatan mo si JM. Don’t close your eyes and heart to others.. Hindi lang ako ang babae sa mundo. Gusto ko mang magpaka-selfish ngayon, pero ayokong gawin. I know na nasasaktan kita, and I’m sorry. this is the least thing I can do. For the better, for us. Congrats for being one of the exchange student… I love you, perv. I do. I really do.
Yours,
Selena
Putang*na! Ganun na lang yun? Susuko na lang siya agad?! Iiwan na lang niya ko agad?! Tang*nang buhay naman ata yan! Iniwan niya ko ng ganun ganun lang?! Baket ba napaka-dali naman ata sa kanya ang iwan ako?! Damn!
Lahat na nga ginawa ko.
Tinanggihan ko yung opportunity bilang exchange student sa New York para sa kanya. Tang*ina ginawa ko yun para sa kanya tapos iiwan niya ko?!
Hanggang dun na lang ba lahat?!
Hanggang dito na lang ba kami?