Shotgun Wedding

By pancakenomnom

436K 4.8K 699

One wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on t... More

Characters
PREFACE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Author's Note
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Sixty-One
Sixty-Two
Sixty-Three
Sixty-Four
Sixty-Five
Sixty-Six
Sixty-Seven
Sixty-Eight
Sixty-Nine
Seventy
Seventy-One
Seventy-Two
Seventy-Three
Seventy-Four
Seventy-Five
POSTFACE
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 1)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 2)
Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 4)
Shotgun Wedding Plus: A New Beginning
Epilogue
Author's Note II

Shotgun Wedding Plus: Birth of a Father (Part 3)

2K 22 0
By pancakenomnom

Mabuti na lang nakabili pa rin ako ng bagoong at manggang hilaw sa palengke. Sinuyod ko na siguro ang buong Kamaynilaan makahanap lang ng mga iyon. Sinadya ko talagang bumili ng marami para makakain din ako.

"Hay salamat dumating ka na rin! Akin na." nakangiting sabi ni Lujille at inilahad ang mga kamay.

"Kakain din ako. Wag kang matakaw." Sabi ko.

"Eh sino ba'ng buntis dito?"

"Eh sino ba'ng bumili?" pabalang kong sagot.

"Eh sino ba'ng humingi?"

Napabuga ako ng hangin. Mauubusan lang ako ng lakas sa babaeng 'to.

"Eh sino ba'ng bumili?"

"Oo na, oo na. Talo na 'ko. Kumain na tayo."

Inilagay ko na lang ang mga pinamili sa mesa at kumain na kami. Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasawsaw niya ang manggang hilaw sa bagoong. Abot-tenga ang ngiti niya habang kumakain. Parang isang batang binigyan ng candy tuloy ang tingin ko sa kanya sa halip na isang nagbubuntis at topaking babae.

Nagtagpo ang mga kilay niya nang magkatinginan kami.

"O, ba't di ka pa kumakain? Uubusin ko 'to, sige ka."

"Ha? Ah...eh..."

"Kain na!"

Isinubo ko ang mangga habang nakatingin sa kanya. Para tuloy siyang nanginig sa takot.

"Tigilan mo ko diyan ha? Para kang baliw."

Oo. Baliw. Baliw na baliw sa iyo.

"Nathan!" sigaw niya nang hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"Lalo ang gumaganda ngayon. No joke." sincere kong sabi.

"Mukha mo! Batuhin kita ng mangga diyan eh."

"Seryoso. Gumaganda ka."

Binato niya ang hawak niyang manga sa noo ko. ang sakit talaga dahil magkatabi lang kami. Nakakhilo.

"Ang tigas ng ulo mo! Kumain ka sabi!"

Tumawa lang ako kahit masakit pa ang noo ko. Sana hindi na matapos ang mga ganitong sandali kasama siya.


Isang buwan ang lumipas at maayos naman ang pagbubuntis ni Lujille. Wala namang komplikasyon sa bata o sa kalusugan niya. Sinisiguro ko na tama at masustansya ang mga kinakain niya palagi dahil mas matakaw siya kesa sa 'kin. Hindi naman siya nagpo-protesta. Ayaw din niyang malagay sa alanganin ang dinadala niya.

Akala ko wala na kaming pag-aawayan pa pero nagkamali ako. Galit na galit siya sa 'kin nang malaman niyang dinadalaw ko ang ina niya sa kulungan.

"Nathan, ayoko siyang makita ulit. Alam ko namang mabait ka eh pero please lang, wag kang magpaka-superhero."

"Lujille, ina mo pa rin siya. Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, lalapit at lalapit ka pa rin sa kanya."

"Ina? Ina ba ang tawag sa taong pipillin ang sariling interes kesa sa anak niya? siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ni Arleigh. I owe it to her kung bakit napakamiserable ko ngayon."

Tumahimik na lang ako. Piangmukha na naman niya sa 'kin na mas mahal niya pa rin si Arleigh. Talaga namang kahit anong mangyari, hinding-hindi ako magkakaroon ng lugar sa puso niya.

"Pwede ba akong humingi ng pabor?"

"Sabihin mo lang."

"Simula ngayon, ayoko nang marinig ulit ang pangalan ni Mama. Ayoko na ring pag-usapan siya. Okay?"

"Okay."

Tumayo ako at nag-walk out. Idinaan ko na lang sa paglalasing ang sakit na nararamdaman ko.


"Nathan. Nathan."

May yumuyugyog sa 'kin habang habang mantikang-mantika akong natutulog sa kamat. Iminulat ko ang mga mata ko. Nakaupo si Lujille sa gilid ng kama at nakahawak sa aking tagiliran.

"Ano?" nabubulol kong sabi.

"Alas dos na ng hapon. Hinahanap ka na ni Ate Nida sa restaurant." Sabi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Napabalikwas ako ng bangon nang makita kong 2:45 pm na. Biglang nawala ang sakit ng ulo ko na halos ikamatay ko na.

"Nabuhayan ka ata." sabi niya.

Tiningnan ko siya. Hindi ko pa nakakalimutan ang away namin kagani.

"Umalis na nga! Gusto kong matulog ulit." sabi ko.

"Tigilan mo nga ako! Bumangon ka na diyan." sabi niya at pilit akong hinihila.

"Alis!" Tinulak ko siya at nagtakip ng unan sa mukha ko.

Natahimik siya sandali. Muntikan na akong makabalik sa pagtulog nang magsalita siya.

"Alam kong galit ka sa 'kin dahil sa napag-usapan natin kagabi. Sorry na. Basta ayoko lang pag-usapan si Mama. Tsaka bumangon ka na. Mapapagalitan ako ni Ate Nida dahil sa iyo eh."

Umalis siya ng kwarto ko pagkatapos. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya na pinatawad ko na siya dahil hindi ko siya kayang tiisin.


"Sumisipa ba?" sabi ko habang pinapakinggan ang loob ng tiyan ni Lujille.

"Hindi eh."

"Seven months na 'to sa tiyan mo. Baka naman..."

Tinulak niya ang ulo ko palayo. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Baka may masamang mangyari."

"Maiba nga ako, malapit nang matapos ang coffee shop 'di ba? Kelan mo bubuksan?"

Ramdam ko ang paggaan ng loob niya. "Mga three months from now, Nathan. Excited na nga ako eh. Hindi ka pwedeng mawala and that's final."

Ngumiti ako. "Wala akong lakad sa araw na iyan. Basta yung kape ko – "

"Oo na, sagot kita."

Niyakap ko siya bigla ng walang dahilan. Ewan ko kung bakit. Napayakap na rin siya sa 'kin.

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nayayakap ng ganito.

"Oo naman, bakit hin –"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang hinalikan ko siya sa labi. Nabigla siya at kumawala sa akin.

"Nathan, ano ba?"

"Ano'ng ano ba?"

"Ba't mo ginawa iyon? Ba't mo ko hinalikan?"

Lumunok ako bago sumagot. "Wala ba talaga?"

"Nathan, direstuhin mo ko."

"Wala ba talaga akong puwang diyan sa puso mo?"

Mahigipit niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko magawang kumawala.

"Nathan, wag mong isiping wala akang puwang sa puso ko. Bata pa lang tayo, may space na akong inilaan para sa iyo. Pero hindi iyon ang puwang na gusto mo. At hindi kita kayang itaboy o iwan matapos ang lahat ng ginawa mo para sa akin. Naiintindihan mo ba ako?"

Tumango ako at nagkulong sa kwarto buong araw.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 4.1K 4
Married was never part of Alejandria's plan. But, because of one stupid deal she was forced to do it. How can she escaped from it? Would she runaway...
261K 6.5K 32
Kahit gaano kalupit ang tadhana pag minahal mo ang isang tao patuloy mo paring mamahalin. ©️ 2016
253K 3.8K 30
"Is it wrong to love a person too much?" ~ Ryah
181K 1.9K 11
Rank achived - #10 Generalfiction Vince Montereal a Eligible Bachelor business man. In just One Night Mistake. The Unforgettable Night with the Woman...