"Her heart belonged to someone who couldn't stay."
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄
"Lang?" may tahimik na galit sa mga mata ng pinsan ko. Hindi ako kaagad naka sagot at napa lunok nalamang. Ayokong magalit si Von kay Asher, mamaya sabihin niya kina Ate Sky at hindi na payagan si Asher na makatungtong sa bahay.
"Wala na siyang ibang ginawa?" taas kilay na tanong ni Kris na para bang may alam siya pero gusto niya ako ang magsabi.
"Wala na," sagot ko sakanya at naramdaman ko ang pag galaw ni Jared dahil sa mahina niyang pag tawa. Pasikreto ko siyang kinurot sa kamay niya na naka hawak parin sa baywang ko.
Hindi na nila kailangang malaman 'yung iba pa. Ayokong mag iba ang tingin nila kay Asher.
"Timpla pa kayo," biglang sabi ni Jared. Umupo siya ng diretso kaya naman inayos ko 'yung upo ko sa kandungan niya. "It's almost empty," aniya habang hawak hawak ang pitsel.
"Ako na," kinuha 'to ni Angelo at naglakad papunta ng kusina. "Hens, kuha kang yelo sa ref."
"Hinawakan niya dibdib mo?" tanong ni Kei kaya naman naibalik ang atensyon namin sa usapan. "Ng walang permiso?"
"Aba ang gago, manyak!" galit na sabi ni Beatrice.
"Hindi naman ganun!" Paliwanag ko sakanila. "Wala pa siyang nahahawakan natanggal ko na kamay niya. Tsaka nag sorry naman siya kaagad. Hanggang tyan lang nahawakan niya."
"Nag-sorry siya?" tanong ni Kei.
"Oo," sagot ko bago sumulyap kay Von. "Paulit ulit siyang nag-sorry. Hindi daw niya alam kung ano ginagawa niya."
"Pfft," umiling si Von at inubos na 'yung laman na alak ng baso niya.
Nahulog ang tingin ko kay Ethel na tahimik na nakahalukipkip lang. Nakita niya akong naka tingin. "Kaya pala parang takot na takot 'yung itsura mo nung umaga?"
"Takot?" tumawa ako. "Hindi naman ako natakot." Inayos ko ang pagkaka upo ko. "Ano ba 'yan, ba't ba nasa hot seat ako."
Literal na hot seat kasi hot and seat ko, pero syempre 'di ko sasabihin sakanila 'yon.
"Ayos ka lang p're?" tanong ni Kris kay Von.
Tumango si Von, "Wag lang siyang magkakamali."
"Lagot," kumento ni Tris.
"Magkakamaling ano?" natatawang tanong ni Kris. "Magpakita sa'yo?"
"Basta," sagot ni Von. "Binastos pinsan ko pare e. Kaya.. sorry nalang diba?"
"Wag ka nga Von," pag pigil ko sakanya. "Nag-sorry naman na 'yung tao. Tropa kayo nun diba?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "Tropa nga ba?"
"Eto kasing si Henry e," pag iba ko nalang sa usapan. "Ginigising kaya kita nung time na 'yun."
"Anong ako?" tanong ni Henry habang inilalapag 'yung pitsel na hawak niya sa lamesa. "Oh ayan na, inom pa!"
Oras na para tumakas.
"Sa veranda muna ako," sabi ko sakanila. "Ang ginaw na dito."
"Teka lang," pag pigil ni Kris kaya naman napa upo ulit ako nang may kasamang buntong hininga. "Basta Adi, matagal na kitang pinag sasabihan ha? Lalaki kami, kilala namin ang mga tipo ni Asher. Hindi lang kami nagsasalita. Mga ganyan, puro yabang. Salita. Dahil gwapo."
Lasing lang si Kris, Adi. Hayaan mo siya.
"Tama!" sabi naman ni Henry habang sinasalinan ng alak 'yung baso ko. "Oh, wag mo masamain sinasabi namin ah? Syempre mahal ka namin. Ayaw lang naming masaktan ka."
"Tamang warning lang," kumento ni Angelo bago akbayan si Ethel.
Tumayo na ako at nginitian sila, "Hindi niyo siya kilala tulad ng pagkaka kilala ko sakanya."
"Sinasabi lang namin ang observation namin."
"At sinasabi ko lang ang alam ko."
Tumayo na ako at naglakad papuntang veranda. Wala pa ako sa labas ay narinig ko na ang ilang umatras na silya at alam kong may tumayo para sundan ako.
"Dito din muna ako," rinig kong sabi ni Beatrice. Iniupo ko ang sarili ko doon sa bakal na upuan at ganun din ang ginawa ni Tris kaya naman magka tapat kami. Uminom siya sa baso niya habang nakatingin sakin, "Kwento na."
Bumuntong hininga ako at hinimas ang noo ko, "Ayoko na pag usapan."
"Okay," sagot niya. "Ako nalang magkukwento."
Itinaas ko ang dalawang paa ko at niyakap ang mga binti ko. "Go," sabi ko sakanya.
"Well," ginaya niya ang upo ko. "May nakilala ako. Online."
"Online?"
"Yup," uminom siya. "Kaibigan ni Jared."
Nangunot ang noo ko, "So taga ibang bansa?"
"Hindi, manila lang."
"Ah," Oo nga pala, nag aral nga pala ng tatlong taon sa manila si Jared. "Anong pangalan?"
"Chance," naka ngiting sagot niya.
"Chance? As in?" natatawang tanong ko.
"Hoy 'wag ka, ang gwapo kaya nun."
"May picture ka? Ilang taon na siya?"
"Nineteen na. Meron akong pic pero nasa loob phone ko e, nag cha-charge. Mamaya pakita ko."
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Masaya ako para kay Tris. Sana lang talaga naka move on na si Henry ng buong buo kapag pina alam na 'to ni Beatrice sa buong barkada.
"Paano kayo nagkakilala?"
"Nakita ko lang na nag-like siya ng picture ni Jared sa instagram. Tapos ayun. Hinanap ko na facebook niya," natatawang kwento ni Tris.
Napatawa din ako, "Stalker ka talaga. Tapos? Ano nangyare? Paano kayo nagkausap?"
"Ano, minessage ko siya tapos sabi ko kaibigan ko si Jared. Ta's ayun, nagkwentuhan kami. English speakin nga e, nakaka-nosebleed."
Binigyan ko siya ng isang nang aasar na tingin, "Kinikilig ka naman?"
"Oo," tinakpan niya 'yung bibig niya at tumili. "Ang cute ko daw."
"Weh? Sabi niya 'yon?"
"Tangina mo," sagot niya pero may ngiti siya sa labi kaya naman tawa nalang ang isinagot ko.
Sabay kaming napatingin sa loob nang mag tawanan sila. Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa at naisipang i-text na muna si Asher habang wala pa kaming ibang pinag uusapan or ginagawa.
To: Asher
Saya dito pero sayang wala ka. Laseng na ako :D
sent 11:34pm
Bumukas 'yung sliding door at lumabas si Jared. Shirtless parin kaya naman kitang kita ko 'yung tattoo niya sa gilid.
"Ba't 'di ka pa mag glasses Red? Mamaya makalimutan mo tanggalin 'yang contacts mo." Sabi ko sakanya.
"Oo nga," sabi ni Tris. "Naka inom ka pa naman."
"I just took them off," sagot ni Jared bago isandal ang sarili niya sa may railing. "Wala na akong suot."
"Asan na glasses mo?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya, "Too lazy to look for it."
"Ano na, kamusta na kayo ni Gail?" tanong ni Tris sakanya.
Kinamot ni Jared 'yung sentido niya, "We don't talk anymore."
"Minahal mo ba 'yun?" tanong ko sakanya.
Inalis niya 'yung cap niya para maayos 'yung buhok niya bago 'to isuot ulit, "I liked her a lot."
"Pero hindi ka na-inlove?"
"I cared about her," sagot ni Jared.
"Pero hindi mo nga minahal?" tinaasan ko siya ng kilay.
"How can I love her when i'm inlove with someone else?"
"Eh gago ka pala e," sinapak ni Tris 'yung tyan ni Jared dahil naka upo siya at ayun lang ang naabot niya. "Syinota mo may mahal ka palang iba!"
"The one you want or the one who wants you?" tanong sakanya ni Jared. "Tsaka wala naman ako pag asa doon sa isa."
"Sino ba 'yan?" tanong ko.
Saglit lang akong tinignan ni Jared, "No one you know."
"Sungit ah?"
"Teka nga teka," umikot si Tris sa inuupuan niya para matignan si Jared. "Bakit wala naman kang pag asa? Tumingin ka na ba sa salamin? Ang gwapo mo kaya!"
Umangat 'yung gilid ng labi ni Jared, "Thanks."
"Share ka naman," sabi ko sakanya. "Tayong tatlo lang naman dito." Tsaka habang lasing ka pa. Panigurado kung 'di 'to naka inom hindi 'to magkukwento.
"Anong isha-share ko?" tanong niya. "She's inlove with someone else. Anong mararating ng looks ko, if she's too busy seeing only him?"
"Kaya kay Gail ka nalang nag settle?"
"Yeah," nagkibit balikat siya. "But that didn't really end well for me right?"
"Mahal mo parin siya? 'Yung girl?"
Kinagat ni Jared 'yung ibabang labi niya at pinanood ko ang paglubog ng nunal niya sa dimple niya. "I'm not sure," sagot niya.
"Ang complicated ng love noh?" Uminom ako n kaunting alak. "Hanggang ngayon nga hindi ko parin alam ang meaning ng word na 'yon."
"Ano na bang status niyo ni Asher?" tanong ni Tris.
Tinignan ko 'yung phone ko at nakitang wala pang reply si Asher. Isinara ko 'to sabay umiling. "Hindi ko alam," sagot ko. "May something, pero walang label."
"Mahal ka ba?"
Bumukas 'yung sliding door at sumilip si Henry. Hindi namin siya pinansin at itinuloy lang ang topic.
"Daw," nagkibit balikat ako. "Sabi niya mahal niya ako. Eh mahal ko din siya. So baka kami na? Pero walang confirmation kaya hindi ko alam."
"So kayo na hindi kayo?" tanong ni Tris. "Taray, chichay and joaquin lang?"
"May respeto si Joaquin kay Chichay," bigla nalamang sabi ni Henry. Napa awang ang bibig ko sakanya at bago pa man kami may maisagot ay bumalik na siya sa loob at isinara na 'yung pinto.