Buying Love (Published Under...

By fraeraine

5.5M 54.1K 1.7K

Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na la... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Ninety Two
Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Epilogue
Shameless Plug!
Grab a copy of BUYING LOVE now!!!
Wanna read BOOK 2?

Twenty Nine

58.8K 501 8
By fraeraine

Halos isang linggo na ang nakaraan mula nang magsimula ang klase. Oo, officially, eh, nasa college na si Hana. Sa awa ng Diyos, eh, nagawa niyang mag-enroll nang mag-isa. Hindi kasi talaga siya sinamahan ni Ram sa pag-aasikaso ng lahat. Naiinis nga siya dito. Magmula kasi nang dumating sila ng Maynila ay hindi na sila halos nagkikita. Lagi itong wala sa condo. Laging may lakad. Laging busy. Ni hindi nga niya alan kung anong oras ito umuuwi sa gabi. Madaling araw na nga yata.

Nakaka-frustrate. Ganito pala ang buhay may asawa. Parang wala namang pinagbago. Well, medyo gumanda lang 'yong buhay niya, gumanda 'yong bahay na tinitirhan niya, nakakapag-college siya... Pero hanggang doon lang. Hindi pa rin niya ma-feel na mag-asawa na nga sila ni Ram. Para namang hindi. Parang housemate lang, ganoon.

Sa katunayan ay hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa sila nagsisiping kahit na minsan. Akalain mo 'yon, halos dalawang linggo na silang magkasama sa ilalim ng iisang bubong bilang mag-asawa pero hindi pa rin siya nito makuhang sipingan? Anong drama naman 'yon?

Oo, naiinis siya. Papano, hindi ganito ang inaasahan niya. Ibang-iba ang nangyayari sa inaasahan niya. Dapat, eh, masaya silang magkasama. Sweet. Hindi mapaghiwalay. Hindi iyong ganito. Hindi na nga sila halos nagkikita, magkahiwalay pa sila ng kwarto. Ano 'yon? Lukohan?

Naputol ang pag-aalburuto niya nang madami siyang datnan sa may sala. Nandoon si Ram, na bibihirang mangyari. At hindi ito nag-iisa. May kasama ito, madami. Tatlong lalaki at dalawang babae. Magaganda. Seksi. Parang gusto niynag magselos bigla.

"Oh, you didn't tell us you have a new house help, Ram. Please get me some water. Iyong hindi malamig, ha?" ang wika noong isa sa dalawang babae pagkapasok niya. Blonde ito, peke nga lang. Pero maganda pa din ito kahit peke 'yong kulay ng buhok. Mukha kasing mayaman, sobrang kinis ng kutis.

Teka, teka, sinong kausap nito? Siya ba? Diyata't napagkamalan pa siyang katulong!

Napabaling siya sa isa sa tatlong lalaking naroroon. Papano'y humagalpak ito ng tawa. "Shut up, Roanne! She's not Ram's househelp. She's his wife," anito bago lumapit sa kanya. "Hi, I'm Maryo. Anong pinakain mo dito sa kaibigan ko, ha, at nagawa mong itali?" 

Hindi siya nakasagot dito pero tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito. Pakiwari niya'y nalulusaw siya sa klase ng mga titig ng mga ito sa kanya.

"I'm Jeoff." Iyong isa naman ang nakikipagkamay sa kanya pagkatapos. "Akala ko'y pinagtitripan lang ako nitong si Ram noong sabihin niyang nag-asawa na siya sa probinsiya. Pero mukhang totoo nga yata. But no, I am not going to congratulate you. I' gonna say "good luck". Good luck dahil nagkamali ka ng lalaking pinakasalan, hindi mo kilala 'tong kaibigan naming 'to. Kunsumisyon ang aabutin mo dito." Tawanan ang lahat.

Joke pala 'yon? Parang hindi naman nakakatawa.

"Shut up, dude!" ang saway ng natatawa ding si Ram doon sa nagpakilalang si Jeoff. "Nilalaglag mo naman ako, eh."

"Tigilan niyo na nga 'tong si... What's your name?" ang sabat naman noong isa pang lalaki.

"H-hana."

"I'm Marc." Nakipagkamay na din ito sa kanya bago bumaling sa mga kaibigan. "Tigilan niyo na nga 'tong si Hana, baka magbago pa ang isip nito't tuluyang hiwalayan si Ram. Kawawa naman si Ram kapagka ganoon, tatandang binata. Papano, walang babaeng tatagal sa kanya!" Tawanan uli.

Tinapunan niya ng tingin si Ram, pati ito'y nakikitawa na rin ng malakas. Bakit hindi siya natatawa? Bakit parang naiiyak pa nga siya? Sana'y bumukas nalang ang lupa at lamunin siya ng buhay. Aba'y para siyang piniprito ng mga ito, eh. Tingin pa lang ng ga ito'y para na siyang hinuhubaran.

"Behave, boys, behave. You're all making fun of Hana. You don't wanna give Ram's new wifey a bad impression, right? Hi. I'm Gayle nga pala. Jeoff's girlfriend. And that's Roanne," turo ito sa isa pang babae, iyong tumawag sa kanya ng "househelp" kanina. "Don't mind them, okay? Nagbibiruan lang sila."

"O-oo naman. Walang problema," ang nahihiya niyang sagot. "E-excuse me, magpapalit lang ako ng damit." Pagkawika'y dali-dali na siyang pumasok sa loob at saka nagtuloy-tuloy sa kwartong tinutuluyan niya. Nang maisara niya ang pintuan ay tila saka lamang siya nakahinga nang maluwag.

Sheeet! Ano 'tong napasukan niya?

Agad niyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Pakiramdam niya kasi'y hinang-hina siya. 'Di niya lubos maintindihan ang nararamdaman. Para siyang nanliliiit sa sarili na ewan.

Hindi niya namalayang tuluyan na pala siyang nakatulog. Nagising na lamang siya dahil sa tawag ng kalikasan. Kailangan niyang umihi. Sinipat niya ang suot na wristwatch. Mag-aalas-nueve na pala ng gabi. Umuwi na kaya ang mga friends ni Ram? Sana naman. Wala pa namang sariling banyo sa loob ng kuwarto.

Dali-dali siyang bumangon para sumilip sa labas. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang wala ng tao sa may sala. Mukhang nakaalis na ang mga bisita ni Ram. Dali-dali siyang lumabas at saka dumiretso ng banyo. Nang mahimasmasan ay naisipan niyang sumaglit na din sa may kitchen. Maghahanap siya ng makakain, nagugutom na kasi siya.

Ngunit ang plano niya'y napatda nang may marinig siyang nag-uusap doon. Diyata't may tao pa pala. Agad niyang ikinubli ang sarili. Ayaw niyang makita siya ng mga ito.

"I still don't get it, dude," anang boses na nakilala niyang pag-aari noong Jeoff. "You marry her para lang makaganti sa kapatid mo? That's nonsense!"

"All my life, lagi akong nasa likod lang ni JM. Laging si JM ang mas magaling. Si JM ang mas matalino. Si JM ang mas mahal ng mga parents namin. I want that to change, dude. I want him to feel what I felt all my life. Gusto kong maramdaman niya kung ano ang pakiramdam nang pangalawa ka lang... nang hindi mo nakukuha ang lahat ng gusto mo. What's a better way to do it than marrying the woman he love? I want him to wake up everyday and realize that he can't have the woman he loves. Because she's mine."

"That's unfair to her, dude."

"She has no one to blame. She knew the real score from the very start."

"Alam mo, sayang 'yang si Hana, ha, kung bakit siya pumatol sa'yo. She's beautiful, you know?"

"Of course, I know. Hindi naman ako bulag. Hindi naman siya magugustuhan ni JM kung hindi."

"Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa kanya. She's not that bad, you know?"

"Shut up!  Baka mapatay ako ni Gayle." 

Tawanan ng malakas.

Naglakad si Hana pabalik ng kuwarto. Tuluyan na siyang nawalan na siya ng ganang kumain.

Continue Reading

You'll Also Like

545K 14K 49
Kevin and Jasmin(JaVin)story from the "His Way of Revenge" (HWOR) Nagger.Yan ang pinakaayaw ni Kevin Sacramento sa isang babae. Mahangin at mayabang...
2.9M 13.9K 7
Pinabayaan ng kanyang mga magulang dahil sa isang pagkakamali na hindi niya nagawa, natagpuan ni Paige ang sarili sa kalye na walang anuman ngunit an...
109K 2.8K 17
Description: SHARINE never imagined herself falling in love. Kontento na siya sa buhay. Ang pag-ibig ay para lamang sa mga takot mag-isa. Besides, wa...
308K 5.1K 23
Dice and Madisson