Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 27

654K 16.9K 5.5K
By JFstories

Chapter 27

SPG

Nasa loob ako ng aking kwarto at tinanghali na ng gising dahil sa pagod. Humarap ako sa salamin pagkabangon at saka minasdan ang itsura ko. Napabuntonghininga na lang ako sa aking mga nakita. Bukod sa pamamaga ng mga labi na ilang ulit hinalikan ay namumula rin ang aking balikat na ilang beses pinisil ni Kyo. Hindi ko na lang babanggitin ang iba pang parte ng katawan ko na paulit-ulit niyang inangkin sa magdamag.

Napapiksi ako nang biglang kumatok si Mama. "Ruby, may bisita ka."

Umalis ako sa harapan ng salamin at nagsuot ng t-shirt. Sino kayang bisita ang tinutukoy ni Mama? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Even Chie-chie, wala kaming usapan. At alam ko pa nga ay may lakad siyang iba today.

Dumagundong ang dibdib ko nang makita ang lalaking nakatayo sa sala at nakaharap sa akin. May bitbit itong bag na itim sa kaliwang kamay.

"Goodmorning, Ruby." Ngumisi ito.

Sumingit si Mama sa likuran ko. "Bagong pagkakakitaan na naman ba yan?"

Napakurap ako. Ni hindi ko narinig ang tanong ni Mama. "B-Breeze..."

Ano na naman ang ginagawa niya rito?! Tapos na ang tungkulin ko sa kanya. Kahit nasusuka ako ay sinikap kong magawa ang pinapagawa niya! Napaubos ko na ang epektos na laman ng bag na iniwan niya. Kaya bakit nandito na naman siya?!

"Oho. Sa katunayan ay lumalago ang aming negosyo." Sagot ni Breeze kay Mama matapos umupo sa bangko. "Magaling ho kasing magpatakbo itong anak nyo."

"Negosyo?" tumingin sa akin si Mama. "Totoo bang may negosyo na kayo ng lalaking ito?"

Lumapot ang pawis ko. "M-Ma, mauna na po kayo sa palengke. Pag-uusapan pa po namin kung itutuloy ko pa ang negosyong binabanggit niya."

Nasa mga mata ni Mama ang pagdududa. Subalit sa huli ay naglakad na sya palabas ng bahay na dala ang mga bilaong ipapaninda nya.

Binalingan ko si Breeze nang mawala sya sa paningin ko. "Anong ibig sabihin nito?"

"Ang ibig sabihin nito?" ibinato nya sa paahan ko ang bag na hawak nya. "Tuloy ang negosyo, ito ang ibig sabihin nito."

"Patas na tayo, Breeze. Nangako ka rin na titigilan mo na ako!"

Napahalakhak sya. "Gaga! Sino may sabi sa'yong marunong mangako ang isang gangster? Ha?" tumayo sya at nang lapitan nya ako ay dinuro nya ako sa sintido. "Mag-isip ka nga!"

Napaatras ako.

Malaking tao si Breeze sa ex kong si Ariel. Isa pa, palaging binabanggit ni Ariel sa akin noon na dating sundalo ang kuya niya. Anong laban ko kay Breeze kung sakaling mapikon siya sa akin ngayon at basta na lang niyang pilipitin ang leeg ko? Isa pa, baka nasa kwarto lang ngayon ang bunso kong kapatid na si Dangdang. Ayokong ilagay siya sa alanganin.

"Ruby, wag mo akong sagarin. Alam mo namang walang mawawala sa akin, pero sa 'yo? Marami. You don't fight with someone who has nothing to lose, okay? Hindi mo gugustuhin ang resulta." 

Nagsindi sya ng sigarilyo at ibinuga iyon sa aking mukha.

"Nagustuhan ng triad ang performance ko. Bibigyan nila ako ng posisyon kapag napataas ko ang sales nila within this month." Humithit sya at muling bumuga ng usok. "Kaya dapat, doble kayod tayo ngayon. Kailangang ma-reach ko iyong expectation nila sa akin."

Doble kayod? Eh, ako lang naman ang kumakayod, ah.

"Ang kaso, may problema. Pangalawa na akong beses na nakita ng nanay mo. Mukhang..." bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi na naglalawa. "...sasabit ako sa kanya kapag nagkataon. Ano kaya'y kung... todasin ko na sya para walang aberya."

Dinampot ko ang bag na nasa aking paahan. "Wag mong idadamay ang pamilya ko."

"Okay." Umangat ang balikat nya. "Pero sabihin mo sa akin iyan kapag napaubos mo na ang nasa loob nyan." Itong mga droga sa bag ang kanyang tinutukoy.

"Tatawagan na lang kita kapag napaubos ko na."

"Good." Muli ay ngumisi siya. "Kung ganyan ka nang ganyan, magkakasundo tayo."

Nagsisikip ang dibdib ko sa mga oras na ito pero pinipilit kong magpakatatag. Wala akong laban kay Breeze at sa triad na nasa likod niya. Maging ang mga pulis ay hindi ko kayang pagkatiwalaan. Mahirap magkamali. Ayos lang kung ako lang ang malalagay sa alanganin, pero ibang usapan na kapag ang pamilya ko. Hindi ko kayang isugal ang pamilya ko kaya kailangan kong sumunod muna sa mga gusto ni Breeze. At habang hindi ko pa alam ang magiging hakbang ko upang makawala sa pangba-blackmail niya, kailangan ko pang tiisin muna ang maging tau-tauhan niya. 

Hinimas nya ang aking ulo pero umiwas ako sa kanya. "Basta wag lang akong sasabit sa Mama mo. Okay lang na ipaalam mo sa kanilang ginagawa mo ito para protektahan sila. Ngunit ayokong madadawit ang pangalan ko, tandaan mo." Umikot na ang kanyang katawan upang talikuran ako.

Nang makalayo na sya ay nanlambot ako. Wala akong nagawa kundi yakapin ang aking sarili.

...

TUMUNOG ang aking cellphone at nang makita ko sa screen nito ang unknown caller ay agad kong sinagot.

"I'll pick you up at ten." Iyong lang ang sabi ng isang malamig na boses at nawala na ito sa linya.

I recognized the voice.

Paano kaya ito?

May kikitain pa naman akong client mamaya na willing bumili ng marami-raming gramo. Sayang rin iyon kung hindi ko maiko-closed deal. Hay, ang hirap dahil hindi ko alam kung sino ang ipa-priority ko. Si Breeze ba o si Kyo? Pareho nilang pinag-iinitan ang pamilya ko.

Napabuntonghininga ako, siguro si Kyo muna ngayon ang uunahin ko tutal kahit paano ay may sales naman ako kahapon.

Agad akong nagligo at nagbihis.

I have only two hours para maghanda. At hindi si Kyo ang uri ng taong maghihintay nang matagal. Hindi siya maaaring magalit.

Nagtungo ako sa aking aparador para maghagilap ng magandang panty na isusuot. Malay ko, baka gahasain nya ako.

Bakit nga ba sa isiping iyon ay parang nae-excite ako? Ipinilig ko ang aking ulo pagkatapos. Humarap ako sa salamin upang pagmasdan ang aking sarili.

Pagnanasahan pa ba ni Kyo ang hitsura na ito?

Iyong katawan ko, pwede pa. pero kung ganda ang pag-uusapan, IDK. It means I Don't Know.

Saktong alas-dies nang gabi ay may humintong itim na limousine sa bakuran namin. Pumasok ako doon at ipinamaneho ako ng isang driver.

Kalahating oras ang lumipas ay huminto kami sa isang bahay na may mababang gate lamang. Sa tancha ko ay isa lamang itong apartment pero maganda ang yari at style.

Pumasok ang sasakyan sa loob ng gate. Bumaba ako nang huminto ito. May isang lalaking naka-coat na itim ang sumalubong sa akin.

Inihatid ako nito sa loob ng bahay.

Sa loob niyon ay naamoy ko na agad ang pamilyar na pabango. It was the manly scent of a deadly-gorgeous-hunk. Hayun sya at prenteng nakaupo sa isang executive chair na nakatalikod sa akin.

Si Kyo Montenegro. Walang emosyon ang mukha niyang nakatitig sa akin. Titig na tumatagos hanggang sa aking kaloob-looban.

Ibang tao na talaga siya ngayon.

Ibang-iba na.

"Lord," bati sa kanya ng lalaking naghatid sa akin.

"Leave us." Dumagundong sa paligid ang baritonong tinig nya.

Pagkaalis ng lalaki ay naglakad ako patungo sa harapan nya. Nilingap ko ang paligid habang ginagawa ko iyon. Sa kanyang harapan, apat na hakbang lamang ang layo, ay may malawak na table.

Sa gilid niyon ay may kung anong mga bagay na pamilyar sa akin.

"K-kanino ang bahay na ito?" tanong ko. Alam ko naman na hindi sya tutugon pero susubukan ko lang pakalmahin ang sarili ko.

Nanginginig kasi ang mga tuhod ko... sa takot.

As usal, hindi sya nagsalita.

Nang mapatinign ako sa kanya ay saka ko lang napansin na may pagkain sya sa kayang harapan. Steak iyon at pork na nasa puting pinggan. Sa kaliwa naman nya ang may wine at kopita na hindi pa nasasalinan.

Ano ito? Bakit nakaramdam ako ng tuwa habang nakatingin sa lamesa. Na para bang naririto ako ngayon dahil may date kaming dalawa.

Masama bang mangarap at umasa? Baka lang naman kasi napatawad niya na ako. Kung sakali mang oo, ako na ang magiging pinakamasayang babae sa mundo. Mawawala ang lahat ng sakit at makakahanap ako ng kakampi laban kay Breeze. Dahil kung sakaling magiging okay kami ni Kyo, hihingi ako ng tulong sa kanya. 

Ngumiti ako sa kanya nang masilayan ko ang gwapo nyang mukha.

Simple lang ang suot niya ngayon. Itim na V-neck shirt. Sa pantalon naman ay kulay itim rin.

Magulo ang kanyang buhok na parang kagigising lang. Ang ilan pa ngang hibla nito ay nakaharang sa kanyang mukha at nasa likuran ng mga ito ang asul nyang mga mata.

"Ahm... congrats nga pala sa concert nyo last week." Sabi ko pa. "S-sana maka - "

"Shut up."

Naitikom ko ang aking bibig. Mukhang mali ang hinala ko na napatawad niya na ako. Malungkot akong napayuko. Bakit ba umasa ako sa bagay na imposible?

"On the table." He ordered me. "Now."

Maigi nalang at rumehistro sa utak ko na pinapupunta nya ako sa lamesa. Patakbo akong nagtungo doon at animong maamong tupang humarap sa kanya.

Sinuyod niya nang tingin ang aking katawan. Nakatali in a messy bun ang aking buhok. Wala akong kahit anong inilagay sa mukha ko o accessories sa katawan. Simple na lang kasi talaga ako pumorma ngayon. Tank top na white ang suot kong top at lace white skirt sa ibaba. Sa paanan ko naman ay color white din na flats. O di ba? Parang magpapabinyag lang.

There was mischief in his teasing stare. Like he was enjoying what he's seeing. Nagsalin sya ng wine sa kopita at sinimsim nya iyon. Nakatitig lang sya sa akin na parang pinagnanasahan nya ako.

Naiilang na napaiwas ako sa kanya ng tingin.

"A-ano nang susunod na gaga - "

"Silence!" he yelled. "You are not supposed to speak unless I commanded you to, do you understand me?"

Napayuko ako matapos tumango.

Hindi pa rin ako sanay na sinisigawan niya ako.

Hindi naman kasi siyapalasigaw noon. Nagbago na talaga siya... parang ako. Nagbago na rin ako. Binagoniya ako... 

Nilagok nya ang alak na nasa kanyang kopita. "Take off your undies."

"H-ha?"

Sumimangot sya. "Do I need to repeat myself?"

Alam kong seryoso siya at alam ko ring hindi ko siya maaaring galitin. Inilibot ko muna ang aking mga mata sa paligid ng kuwarto para tingnan kung wala bang ibang tao na naiwan dito maliban sa amin. Nang matiyak na kami na lang ang naririto ay saka ako sumunod sa utos niya. Nanginginig ang mga kamay na itinaas ko ang suot kong white lace skirt. Nang mahawakan ko ang garter ng suot kong underwear ay pigil ang paghingang hinubad ko iyon pababa.

Umigting ang kanyang panga. Gamit ang kanyang kamao ay itinukod nya rito ang kanyang baba, pinakakatitigan ako. "On the table, I said." Utos nya.

Kusa namang kumilos ang katawan ko at sumampa ako sa lamesa.

Pumaling ang kanyang ulo. "What the hell are you doing?"

Napatingin ako sa kanya. Bakit? Ano bang mali sa ginawa ko? Nakasampa naman ako paupo sa mesa, ah?

"Bakit nakatikom ang mga hita mo?!"

Napaigtad ako sa sigaw niya.

"Spread your legs, dammit!"

Napapikit ako at saka marahang ibinuka ang aking mga hita. Naiiyak na ako pero kailangan kong pigilan ito. Isang patak lang nito ay tapos na kami. Masasayang ang lahat dahil mahirap syang kumbinsihin.

Nang nakabuka na ang mga ito ay pasimple kong tinakpan ang aking gitna ng suot kong mini-skirt.

"Don't make me mad, bitch."

Napasigok ako sa sinabi nya ngunit dali ko ring sinupil ang nagbabadya kong mga luha.

Napakasakit kasi ang mga sinasabi nya. Hindi nya ako sinasaktan bagkus binabastos nya rin ako.

Napakalayo niya sa lalaking nangako sa akin noon sa airport. Hindi ko na siya makilala. 

Iniangat ko ang piraso ng tela na bahagi ng aking mini-skirt sanhi para makita nya ang nasa pagitan ng aking mga hita. I felt my blood rise to my cheeks.

Napasinghap sya.

Nagsalin muli sya sa kanyang kopita at nilagok iyon. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa akin. "Make yourself come."

Napatitig ako sa seryosong mukha ni Kyo. Ano raw? Paano ko gagawin iyon?

Nabasa yata nya ang tanong sa isip ko. "You can use your finger or whatever. Just make a release and we're done for today."

Nagawi tuloy ako ng tingin sa mga bagay na nasa aking tabi. There's a dild o. I could use it, if that's what he wants but I chose to not to.

"You can use the tool."

Umiling ako. "H-hindi na... dadaliriin ko na lang..." I was shaking, nagpipigil ng luha.

Nag-iinit ang aking buong mukha.

Umalon ang kanyang lalamunan.

I touched my folds with the use of my index finger. I was already making myself a fool for doing this. Ni minsan sa hinagap ay di ko akalaing magagawa ko ito sa harapan pa ng isang lalaki. 

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang ginagawa ko ito. Nandidiri ako sa sarili ko!

Habang ginagawa ko ang inuutos niya ay wala akong ibang maramdaman kundi paninikip ng dibdib. Paano ako lalabasan kung ganito ang nararamdaman ko?

Nag-ulap ang aking paningin sa sinabi nya. Subalit nagawa ko pa ring pigilan ang aking pagluha.

Nagulat ako nang bigla siyang tumalikod. "Fix yourself and leave."

Nakaawang ang mga labing napasunod na lang ako ng tingin sa kanya nang iwan niya na akong sa kwartong mag-isa.

...

MUGTO ang mga mata ko pagbaba sa service car na inutusan ni Kyo na maghatid sa akin pauwi. Maski ang ilong at pisngi ko sa mga oras na ito ay tiyak kong parehong namumula.

Napahagulhol kasi ako matapos ang mga pangyayari. Mantakin ba namang para lang akong isang porno na matapos nyang panoorin sa desktop ay ide-delete na. Iyong pakiramdam na laruan nya lang ako kapag nakakaramdam sya.

He told me he will give me call after a few days. Siguro kapag nangyari iyon ay mababahala na ako kung ano na naman ang ipapagawa nya.

Sinalubong ako ni Bayug nang makarating ako sa aming bakuran. Nakakapagtaka naman na tahimik ang buong bahay at patay ang mga ilaw.

Kinutuban ako kaya nagmadali akong pumasok. Pagbukas ko ng ilaw ay naroon ay walang tao sa sala. Pero nakita kong bukas ang aking kwarto kaya tinungo ko iyon. Naroon si Mama na nakatungo. Umangat ang kanyang ulo nang maramdaman nya ako.

"M-Ma?"

Humihikbi sya. "Bakit mo ito nagawa, Ruby?"

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko sa tabi nya ang itim na bag na ibinigay sa akin ni Breeze. Bukas ang zipper niyon ay nakalantad ang mga droga.

JAMILLEFUMAH

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.7M 73.5K 37
A well-known doctor, Celestine Snow Montenegro, doesn't believe in love anymore. But, Military Captain, Stephen Conner enters her life. Will this man...
9K 259 53
Monique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its associati...
80.7K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...