I'm A Kontrabida of My Own St...

By Splendidity

15.3K 1K 158

Highest rank: #469 in Random Category ... More

Cast
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20 Part 2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Not an update.
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Not an update
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Not an Update
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49 (Last Chapter)
Epilogue
Author's Note
Character's Pictures

Chapter 18

184 14 0
By Splendidity

Hadlee's POV

Pakiramdam ko blangko yung utak ko ngayon, di ko nga alam kung paano pa ako nakauwi eh, basta namalayan ko na lang tumigil na sa harap ng bahay namin yung taxi na sinakyan ko.

Di ko rin alam kung tama ba yung binayad ko, kahit kasi tinatawag na ako nung driver pagbaba ko di ko pa rin siya pinansin, kaya umalis na lang siya.

At pakiramdam ko sobrang sakit ng mata ko, parang tuyong-tuyo yun, gusto kong maglabas ng luha pero hindi ko kaya, kahit isang patak walang lumalabas, gusto kong umiyak pero di ko magawa.

Ms. Diem? Ay Miss bakit nandiyan ka pa po, pumasok na po kayo dito naririnig kong sabi ng isang guard namin, wala naman akong buhay na tumingin sa kanya, nagkukumahog naman siyang lumapit sakin at kinuha yung dala ko.

Okay ka lang po Ms. Diem? Pumasok na po tayo he said, tumango naman ako sa kanya, inalalayan naman niya agad ako papasok sa bahay.

Pagkapasok namin sa bahay, sinalubong agad kami ng ibang katulong, halata yung pagtataka sa mga mukha nila.

Dahil siguro sa itsura ko ngayon, wala kasi akong lakas na ayusin yung mukha ko kanina sa loob ng taxi, basta nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang inaalala yung nangyari kanina.

Hadlee? Teka! Anong nangyari sayong bata ka? Malakas na sabi ni Ate Isa, napatingin naman ako sa kanya at bakas sa mukha niya yung pag-aalala.

Lumapit agad siya sakin at hinawakan yung mukha ko.

Okay ka lang ba? Bakit ang dami mong sugat, tsaka yang buhok mo? Nakipag-away ka ba? Hadlee, sumagot ka nga, nag-aalala kami sayo dito oh, anong nangyari sayo? Tsaka namumutla ka na oh? Tara nga sa kwarto mo Ate Isa said, inalalayan niya agad ako paakyat sa kwarto ko, narinig ko pang inutusan niya yung ibang katulong.

Pagkapasok namin sa kwarto, pinaupo niya agad ako sa kama ko, at hinawakan ulit yung mukha ko.

Pasensya na Hadlee kung nasigawan kita kanina, ano ba kasing nangyari sayo? Sinong may gawa nito? Malumanay na sabi ni Ate Isa, tinitigan ko naman siya at dun ko na naramdaman yung pagbasa ng mata ko.

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na yung labas ng luha ko, at hanggang sa napahagulhol na ako.

Mabilis naman niya akong niyakap at hinayaan lang akong umiyak, without questioning again of what happened to me.

5 minutes..
10 minutes..
15 minutes..
Hanggang sa umabot na yata ng 30 minutes na umiiyak lang ako habang yakap ako ni Ate Isa.

Pero kahit ganun na katagal, ang bigat pa rin ng dibdib ko, akala ko kapag umiyak na ako kahit papaano magiging okay ako pero hindi parang mas lalong tumindi yung nararamdaman ko.

Naramdaman ko naman yung pagvibrate nang phone ko sa bulsa ko kaya humiwalay muna ako kay Ate Isa at kinuha yun.

Mas lalo namang naglabasan yung luha ko nang mabasa ko yung pangalan ni Keegan dun, nanginginig kong binuksan yung text message niya at halos di ko na mabasa yun dahil sa panlalabo ng mata ko, pero pinilit ko pa rin yung sarili ko, because maybe this is last text that I will receive from him, that's why I want to cherish it.

From: Keegan

Hi Babe, Happy Monthsary, mahal na mahal kita, kahit ginawa mo yung kanina, wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko sayo, Babe bawiin mo lang talaga yun kakalimutan kong may nangyari kanina, mahal na mahal kita eh, wag namang ganto oh.

At nga pala, naghanda ako ng surprise sayo, pumunta ka naman oh, dun lang yun sa paborito nating Resto, hihintayin kita, kahit anong oras ka dumating nandoon lang ako.

I want you back please Babe.

Napahigpit kaagad yung kapit ko sa cellphone ko dahil sa text niya, mas tumindi pa lalo yung iyak ko dahil dun.

Gusto kong tumakbo palabas at puntahan siya dun and tell him that I really love him too, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko kanina, ayoko ng ganitong pakiramdam, parang kinakain yung puso ko, di ko kinakaya.

Hinampas hampas ko naman yung cellphone ko sa ulo ko habang umiiyak pa rin.

Ano ba talaga Hadlee nangyayari sayo? Sumasakit ba yang ulo mo? Sumagot ka namang bata ka, nag-aalala na ako sayo, ano ba itigil mo nga yan she said tsaka inagaw yung cellphone ko, napatakip na lang ako sa mukha ko habang tuloy pa rin yung pag-iyak ko, hinigit naman niya ako at tsaka ako niyakap ulit.

Ang tanga ko Ate Isa, ang tanga tanga ko paulit-ulit kong sinasabi habang yakap yakap niya ako, di naman siya nagsasalita.

Nang kumalma na ako tsaka niya lang ako nilayo sa kanya at walang imik na tumayo at kinuha yung medicine kit ko.

Nilinis niya naman agad yung mga sugat ko sa mukha ko.

Ate Isabel tama ba yung ginawa ko? Biglang tanong ko sa kanya, tumigil naman siya saglit at tinignan ako sa mata.

Okay now tell me, anong nangyari? She said tsaka nilapag sa tabi niya yung cotton na hawak niya.

N-Nakipagbreak na ako sa kanya, I hurted him, I hurted them all, ginawa kong masama yung sarili ko, kung ano-ano yung sinabi ko sa kanilang lahat, lalong lalo na si Keegan, ang sakit Ate Isa, ang sakit kasi kailangan kong gawin yun, di dahil gusto ko kundi yun ang kailangan, ang sakit makasakit umiiyak na sabi ko sa kanya, pinunasan naman niya yung luha ko tsaka bumuntong hininga.

Bakit mo ba ginawa yun? Bakit kailangan? She asked habang tuloy pa rin sa pagpunas sa luha ko na wala na yatang balak tumigil.

I want them to be mad at me Ate, I want them to hate me para kapag nawala ako, di sila masaktan, gusto ko ito na yung huling beses na masasaktan sila dahil sakin, di ko matatanggap na masasaktan sila ng sobra kapag nawala na ako, because I didn't deserve that, natatakot akong mangyari yun Ate, they are all important to me especially Keegan, kaya gusto ko ito na yung huli at mas gugustuhin ko pang galit sila sakin pagpapaliwanag ko, halata namang naaawa na siya sakin.

Ano bang sinasabi mo Hadlee? Di ka mawawala okay? Gumagawa ng paraan yung mga magulang mo para gumaling ka, wag kang mag-iisip ng ganyan, ano na lang mararamdaman ng mommy at daddy mo, and di ko sasabihin na mali yung ginawa mo kila Keegan kasi masasabi kong mabuti rin yun dahil yun rin yung sinabi ng doctor mo but you don't need to hurt them, pero nangyari na eh, tanggapin mo na lang kung anong mga consequences niyang mga ginawa mo, magpakatatag ka okay, nandito lang kami para sayo, at tsaka wag ka nang mag-iisip ulit ng ganun okay? She said at humawak sa mga kamay ko, tumango na lang ako sa mga sinabi niya, tinuloy naman niya ulit yung paglinis sa mukha ko nang makalma na ako.

~

Ate Isabel, okay lang ba sayo kung sasamahan niyo ako ni Mang Johnny sa Resto diyan sa may McKinley? I said to her nang matapos niya nang linisin yung sugat ko at lagyan ng gamot yun, napatingin naman agad siya sakin.

Gabing gabi na Hadlee, kailangan mo nang magpahinga, makakasama sayo ang pagsstay ng ganitong oras, at tsaka ano bang gagawin mo dun? nag-aalalang sabi niya pero umiling lang ako.

Mabilis lang po, may sisilipin lang ako dun I said, tinitigan naman muna niya ako ng medyo matagal tsaka humugot ng malalim na hininga bago tumango, nginitian ko naman siya bago ako tumayo.

~

Pagdating namin sa may Resto, di na ako bumaba pa ng sasakyan, mabuti na lang at di na nag-usisa pa si Ate Isa, or siguro nakita niya rin si Keegan habang nakaupo sa isang table, habang may flower at isang gift sa harapan niya, glass lang kasi yung wall ng resto kaya kitang kita namin siya, at kitang kita ko rin yung isang banner na nagpalabas na naman ng mga luha ko.

"HAPPY 16th MONTHSARY BABE I REALLY REALLY LOVE YOU FROM YOUR HANDSOME AND CUTEST BABE"

And may mga nakasabit pa sa buong paligid ng resto na parang banderitas, pero mga pictures naming dalawa yun.

Tuloy-tuloy naman ulit yung labas ng luha ko, at napaharap ulit ako kay Ate Isa tsaka ako yumakap sa kanya.

He really loves you she said, humagulhol naman na ako habang yakap niya, di ko na kaya, sobrang nasasaktan na ako.

Napapikit naman ako bigla nang may kung anong pumukpok na naman sa ulo ko, but this time, sobrang nanginginig na yung katawan ko, naramdaman yata yun ni Ate Isa kaya bigla niya akong nilayo sa kaniya.

Hadlee iha, okay ka lang ba, answer me, Hadlee naririnig kong sabi niya habang inaalog ako, gusto ko siyang sagutin pero di ko na magawa, di ko na rin mamulat yung mata ko.

Niyakap naman niya ulit ako pero halos di niya magawa ng maayos dahil sa panginginig ko.

Shit Mang Johnny, si Hadlee po, pumunta na po tayo ng hospital please huli kong narinig na sinabi ni Ate Isa bago ako nawalan ng ulirat.

Keegan's POV

Napatingin naman ako sa relo ko kahit di ko na masiyadong maaaninag yun dahil siguro sa pagkalasing ko.

Nakita kong kaka12 am lang dun, madaling araw na pala, mabuti na lang pala at narentahan ko tong buong resto kaya solong solo lang namin ni Babe to, favorite naman lahat ng pagkain dito kaya panigurado mag-eenjoy siya, pero bakit parang di pa dumadating yun, nagpaganda na naman yata ng sobra yun, samantalang kahit nakapambahay lang siya sa harap ko siya pa rin yung pinakamagandang babae na nakita ko.

Ano ba Keegan? Di ka pa rin ba uuwi? Hindi na dadating yung manloloko mong ex kaya umalis na tayo, tumayo ka na diyan, kapag di ka diyan tumayo babasagin ko tong lahat ng bote na ininuman mo diyan sa pagmumukha mo sigaw sakin ni Ryker hyung pero dinuro ko lang siya.  Sinong ex ba tinutukoy nito? Wala pa akong nagiging girlfriend maliban kay Babe, lasing na yata tong lalaking to tsk.

Alam mo hyung, lasing ka na eh, wala akong manlolokong ex, eh si Babe pa lang naman nagiging girlfriend ko *hik* tsaka bakit ba tayo uuwi? Late lang yun si Babe, baka nagmakeup lang yun, malalagot ako dun kapag umalis na tayo sagot ko sa kanya, tsaka ko pa inayos yung bulaklak na ibibigay ko mamaya pagdating ni Babe.

Ikaw ang lasing na Hyung, wag mo sabihing nakalimutan mo nang break na kayo ni Hadlee? At wag mo ring sabihing nakalimutan mo na rin kung paano ka niya pinahiya at kung paano niya tayong niloko lahat? Sigaw sakin ni Rush.

Let's break up..

Ayoko na..

I never loved you..

Parang tanga namang bigla akong napahagulhol dahil naalala ko yung mga sinabi ni Babe kanina, akala ko nanaginip lang ako kanina, akala ko okay pa rin kami, akala ko kami pa rin.

Umayaw na siya, di ko alam kung anong ginawa ko pero t*ng ina ang sakit.

Hinawakan ko kaagad yung isang bote ng soju, pero mabilis yung inagaw sakin ni Titus hyung.

Ano bang ginawa kong masama? May di ba siya nagustuhan sa mga ginawa ko? Ginawa ko naman lahat diba? Minahal ko naman siya ng sobra diba? Titus hyung diba? Mahal na mahal ko siya eh, hyung di ko kaya umiiyak pa ring sabi ko sa kanya at pilit ko namang inaagaw sa kanya yung soju pero inilayo niya sakin yun.

Nasa kanya ang problema Keegan, wag mong sisihin yung sarili mo kung bakit siya nagkaganun, minahal mo siya, minahal natin siya, di lang natin alam na yun pala yung tinatago niya, nagtiwala tayo masiyado pero peke pala siya, mas mabuti pang layuan na lang natin siya, kaya tara na at umuwi na tayo singit ni Damon Hyung, tumayo naman agad ako pero mabilis din akong napaupo ulit nang naramdaman ko yung hilo.

Hindi kaya may ibang dahilan si Hadlee, malay natin drama niya lang yung kanina tapos may biggest surprise pala siyang hinanda diyan kay Keegan, o kaya naman magulo lang yung utak niya ngayon, bakit di muna natin siya bigyan ng space para magisip Harley said at parang nabuhayan naman ako dun sa sinabi niya, sana nga ganun lang talaga, kahit ano pang dahilan mo Babe tatanggapin pa rin kita.

Harley the damage was done di niya na mababawi lahat ng ginawa niya kaya mas mabuti pang layuan na natin siya wala siyang madudulot na maganda satin, sigurado ako naapektuhan ang career natin dahil sa kanya kaya kailangan na nating magpahinga para sa press conference bukas, umuwi na tayo, hoy Keegan tumayo ka na dyan, itatak mo diyan sa kukote mo na break na kayo ng peke mong Babe sagot ni Rocco hyung kay Harley, tsaka na siya naunang lumabas, sumunod naman agad sa kanya sila Rush.

Inalalayan naman ako ni Damon hyung, at kukunin ko pa sana yung bulaklak pero kinuha yun ni Titus hyung at tinapon sa basurahan.

Napabuntong hininga na lang ako at tsaka ko hinayaan sila Damon hyung na igiya ako palabas at isakay sa van.

Wala na yata talaga..

Continue Reading

You'll Also Like

9K 387 26
EXOSHIDAE FANFIC nerd ba kamo? nuon yun nag bago na ako eh kaso sa isang iglap bumalik nanaman ako sa pagiging nerd kaso iba na hindi na yung lampa...
65.4K 1.8K 20
Her name is Brielle Lauren Griffin, the youngest student teacher from Merrol Hyde Academy. Sheʼs not just an ordinary teacher, because she is also a...
18.6K 528 20
All that Tiana wanted to have was a perfect vacation and being stranded on an island is not on her plan of activities. Lalo na ang makasama doon ang...
460K 12.9K 73
I am living a normal life until one tragic accident happened that kills the life of many and brought me to an unknown world of Eos. I am not sure if...