Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 26

654K 18.7K 5.8K
By JFstories

Chapter 26

"Get off my plane." He said. Mula sa kanyang likuran ay nakita kong nag-igitng ang kanyang panga.

"Kyo..." Napakapit ako nang mahigpit sa hawakan ng upuan. 

"You know? I couldn't understand you," mayamaya ay nagsalita siya sa mababang boses pero napakalamig na tono. "Hindi ko maintindihan kung bakit inilihim mo siya sa akin? Kung bakit hinayaan mong ipanganak siya na wala ako. Kung bakit hinayaan mo siyang mamatay nang hindi ko man lang nakikita. Hindi ko kayang intindihin."

"I'm sorry..." nangangatal ang mga labing sambit ko.

"Mas hindi ko kayang intindihin kung bakit pinabayaan mo siyang mamatay."

"H-hindi ko rin ginusto ang mga nangayari..." Nag-uunahan ang mga luha ko. "M-mahal na mahal ko ang anak natin... mahal na mahal ko siya..."

"Kung mahal mo siya, hindi mo siya itatago sa akin. Hindi mo siya hahayaang mamatay nang walang kalaban-laban. Dahil kung alam kong anak ko ang dala-dala mo noon, kahit magtago ka pa sa dulo ng mundo, susundan kita. Kukunin kita. Hindi ako papayag na malalayo ka sa akin kahit segundo. Hindi ko hahayaang wala kayo sa tabi ko. Poprotektahan ko kayo hanggang sa abot ng makakaya ko." Nabasag ang boses niya. "Kung kinakailangang dalhin ka sa ibang bansa, sa pinaka-malaki, pinaka-moderno, pinakompletong ospital at sa pinakamahusay na doktor, gagawin ko. Uubusin ko ang lahat ng pera at koneksyon ko. Gagawin ko ang lahat kahit pa ang imposible... Pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Inalisan mo ako ng karapatan."

Dama ko ang hapdi sa bawat salitang binitiwan niya. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kasalanan kong maging isang duwag. Pero hindi ako nagsisisi na pinili ko ang kaligtasan nina Mama, Amang, Ate Rosenda at Dangdang. Hindi ako nagsisisi na pinili ko ang pamilya ko dahil hindi ko sila kayang isugal.

Kung meron man akong pinagsisisihan ngayon ay iyon ay hindi ako naging malakas para sa anak namin.

"And now you're living your life like nothing happened," mapait na bitiw niya. 

"K-Kyo... maniwala ka..." lumapit ako sa kanya. "H-hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa pagkawala nya..."

Kung sana masasabi ko lang kay Kyo na ang banta ng ama niyang si Don Ybarra Montenegro ang dahilan kaya ako lumayo noon sa kanya. Kung sana makakasiguro ako na magiging ligtas pa rin ang pamilya ko kahit nagsumbong ako noon sa kanya. Kung sana makakasiguro ako noon na hindi siya idadamay ng ama niya sa banta nito, dahil kahit saan ko man tingnan noon, sigurado akong maski siya ay kayang bitiwan ng sarili niyang ama. Kung sana lang kasi may milagrong naganap noon, sana hindi kami nagkakaganito ngayon.

Sana magkasama kaming lumaban para sa anak namin. Sana rin nakita niyang hindi ako naging pabayang ina sa anak namin. Sana nakita niyang mahal na mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para hindi sila mapahamak...

Narinig ko ang malalim nyang paghinga mayamaya. Napayuko sya saka nagsalita.

"You killed my daughter..."

That was the most painful accusation I've ever heard. Ilang beses ko na ring sinisisi ang sarili ko pero nakakayanan ko. Sana ay makayanan ko iyong sakit ngayong narinig ko ito mula sa ibang tao. Lalo na sa ama ng batang ipinagluluksa ko.

"You. Killed. Her."

"K-Kyo, hindi..." niyapos ko sya mula sa likuran.

Subalit agad nya rin binaklas ang mga braso kong nakaikot sa kanyang bewang.

"I will make you suffer."

"K-Kyo..."

"No." bahagya syang natigilan. "Not only you. Idadamay ko ang pamilya mo... lahat kayo..."

Bumalatay ang matinding takot sa aking mukha.

"P-please, Kyo, wag mo silang idamay... wala silang kasalanan, ako na lang - " natigilan ako.

Sa isang kurap kasi ay hawak na nya ang leeg ko.

Buong pwersa nya akong ibinarandal sa pader. Napaigik ako sa paghampas ng likuran ko sa matigas na aking kinasadlakan.

Halos hindi ako makahinga dahil sa mahigpit nyang pagkakasakal sa akin.

"Pinatay nyo ang anak ko!" asik nya.

Ang kanyang malamig na mga mata ay nagliliyab sa galit.

Tanging ngayon ko lang siya nakitang naglabas ng ganitong damdamin. Pasalamat na lang ako at bumitiw rin siya sa akin. Dahil kung hindi ay baka nalagutan na ako ng hininga.

Humugot siya ng cellphone sa kanyang bulsa at nagtipa. Saglit lang ay may dumating na mga unipormadong lalaki. Walang kahirap-hirap na dinampot nila ako palayo sa kanya. Sumigaw ako pero walang tunog. Kumawala ako ngunit wala akong lakas.

Kailangan kong masabi kay Kyo. Kailangan kong magmakaawa sa kanya na wag idamay ang pamilya ko. Ang kaso ay huli na ang lahat.

Nang maibaba nila ako sa eroplano ay dali nila akong ipinasok sa itim na SUV. Pinaharurot nila ito hanggang sa makarating sa amin.


...

MATAMAN kong pinagmamasdan itong bull cap na bigay sa akin ni ate Rosenda. According to her, galing ito kay Macoy Sandoval, ang base guitarist ng Black Omega Band, na aking iniidolo.

Sa bandang BOS, si Macoy kasi talaga ang crush ko mula pa noong una. Nagkagusto rin naman ako sa ibang member pero never kay Kyo. Ayaw ko na kay Kyo kahit noong nagsisimula pa lang sumikat ang banda ng Black Omega Society. Umiiwas talaga akong marinig ang boses niya o makita siya kahit sa mga magazines. Lahat kasi ng bagay na asul ang kulay ay iniiwasan ko, katulad ng mga mata niya. Takot ako sa asul dahil ibinabalik niyon ang alaala ni Lord K sa akin. Funny dahil si Kyo rin pala ay si Lord K mismo.

Napabuntonghininga ako habang nakamasid sa bullcap na galing kay Macoy. Nakauwi na kasi si Ate a week ago from Manila. Marami siyang pasalubong na mula sa banda at isa na nga itong bullcap. Dapat masaya ako dahil nagkaroon ako ng souvenir from my idol pero hindi ko magawang magsaya. Hindi kagaya nila Mama, Amang, Dandang at Baby Quiro na masayang-masaya dahil meron din silang natanggap sa mga inuwing souvenir ni Ate Rosenda mula sa mga idol nila sa banda.  

"Sino na naman iyang pinagpapantasyahan mo?" puna sa akin ni Chie-chie. Hindi ko napansin na kanina pa pala sya nakamasid sa akin.

Dinalaw niya raw ako dahil hindi na raw akonagpapakita sa kanya. May isang linggo na rin nang makalabas sya sa hospital matapos ma-confine.

"Wag mong sabihing... in love ka na naman?"

Biglang sumagi sa isip ko si Kyo. It's been a week matapos ang masakit na pagtatagpo namin. Pagkatapos niyon ay hindi na sya nagparamdaman sa akin. Dahil sa mga banta nya sa akin, halos ibuhos ko na ang aking oras sa bintana. Nakaabang ako palagi doon na baka isang gabi ay may umatake na lang sa amin at saktan ang aking pamilya.

He said he will make us suffer. He accused us that we killed his daughter. Anak ko rin ang bata. Namatayan din ako tulad nya. Dapat nga na sisihin ako sa pagkamatay nito pero hindi naman pwede iyong sisihin nya rin ang pamilya ko.

Walang alam ang mga iyon sa nangyari sa amin. Kung mayroon mang dapat parusahan dito ay ako lang iyon at hindi ang mga mahal ko sa buhay.

"Ano, Pabebest? Ganito na lang? Magsasarili ka na naman?!" angil sa akin ni Chie-chie.

Iniba ko ang usapan. "Alam mo ba kung nasaan si Kyo ngayon? Saan ang gig nila?"

"Hindi ko alam. Hindi na ako nire-replyan ng source ko." Sabay tipa nya sa kanyang cellphone.

Kung ganoon, walang paraan para magkausap kami ng lalaking iyon.

"Teka, bakit mo ba naitanong? Wag mong sabihin gusto mo na rin ang Kyo ko?"

Kyo 'ko'? Bakit? Natikman mo na ba ang Kyo mo? Ako kasi, oo!

Tumunog ang kanyang CP at nagulat sya. Numero lang kasi ang nasa-screen at hindi nakarehistro sa kanyang phonebook.

Sinagot nya ito. "Hello?"

Nakapako lang ang tingin ko sa kanya.

Nilingon ako ng mga mata ni Chie-chie nang hindi umiikot ang kanyang ulo. "S-si Ruby? Narito sya katabi ko."

"Sino yan?" I asked in mimic voice.

Sumenyas sya na hindi nya rin daw kilala. "S-sino 'to?" sa huli ay naitanong nya. Ngunit pagkuwan ay nalalaglag ang kanyang panga at napatulala.

"Chie, sino raw?" bulong ko.

Kaya nga lang ay hindi na sya kumikibo. Tila ba sya robot na iniabot sa aking ang hawak nyang cellphone. Wala sya sa sarili nang gawin nya ito.

"H-he wants to talk with you..."

"S-sino?"

Hindi sya tumugon. Inilahad nya sa akin ang telepono kaya napilitan akong kunin ito. Napalunok muna ako bago ko sagutin ito.

"H-hello?"

"Uunahin ko na si baby Quiro." Buo ang boses nito.

Si Kyo Montenegro!

Napatayo ako sa aking kinauupuan. "P-please, Kyo, magusap muna tayo!" pagmamakaawa ko.

Habang si Chie-chie sa tabi ko ay tigagal sa akin.

"We're done." Pagkasabi'y pinatayan na nya ako.

Shit!

Nag-callback ako sa kanya at nag-ring naman ito. habang hinhintay ko na sagutin nya ang aking tawag ay nagawi ako kay Chie-chie na tila nabilaukan.

"P-patawag ah..." paalam ko sa kanya.

Tumango lang ito habang nakanganga. Halata sa mukha nya ang labis na pagkabigla.

Sumagot si Kyo sa kabilang linya pero hindi nagsalita.

"K-Kyo, kausapin mo ako. Please... kahit last na. May maganda akong proposal sa'yo..." pagmamakaawa ko muli. Sana ay makumbinsi ko dahil kung hindi ay idadamay nya pati si baby Quiro.

Hindi na sya nagsalita.

"H-hello? W-wala bang signal? H-hello?" tumuntong pa ako sa mesang kaharap namin ni Chie-chie.

"Now." Sa wakas ay tumugon sya.

"H-ha?"

"I'll wait."

"S-saan? Paano kita mahahanap?"

"You wouldn't. Coz' I'll find you." Pinatay na nya ang linya pagkatapos.

Pawisan ako nang isauli ko kay Chie-chie ang cellphone nya.

Hindi ko maintindihan ang huling sinabi ni Kyo. Saan ako pupunta gayung wala naman syang binanggit na lugar kung saan ko sya pupuntahan. He just said he will find me. Ibig sabihin ba niyon ay narito sya sa Cebu?

Hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay napapayag ko sya na kausapin ako. Isang chance na sana ay hindi masayang.

Tulala pa rin si Chie-chie nang balingan ko. "Okay ka lang?"

Pumusyaw ang matabang ilalim ng kanyang baba. "N-no I'm not."

Nag-dial sya sa kanyang cellphone at may tinawagan pagkuwan.

Sumagot naman ang nasa kabilang linya. "Hello, Pektong nasaan ka? Mag-sex tayo ngayon, pupuntahan kita..."

Dammit!

...


NAGLAKAD-lakad ako nang lumalim ang gabi. Kanina pa kasi ako sa bahay pero wala namang Kyo na dumarating.

Nang taluntunin ko ang kalsada patungo sa sakayan ay may huminto sa aking itim na kotse. May mga unipormadong lalaki ang lumabas mula rito ay iginiya ako papasok sa sasakyan.

Hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kanila. Pihado naman kasing tauhan nya ang mga ito.

Dinala ako nila ako sa isang mataas na liblib na lugar. Pagbaba ko ng kotse ay natanaw ko ang iba't ibang kulay ng mga building sa kalayuan.

Malakas ang hangin nang gabing iyon na dumadampi sa aking mukha. Kasing lamig ito ng mga matang nakatingin sa akin ilang hakbang ang layo. Sumasamyo rin sa hangin ang mamahalin nyang pabango.

Si Kyo na nga ito.

He had a black cap on his head and a scarf on his neck. May mga ilang hibla ng buhok ang nakaharang sa kanyang mukha. Hinahangin ang mga iyon kaya hindi ko maiwasang mapatanga.

God, he's so hot.

Particularly sa suot nyang jacket na tinernuhan na naman ng fitted na jeans. He's not wearing a sock, I guess, dahil sa suot nyang low cut na brown leather shoes.

He snapped his finger sanhi para magsi-alisan ang mga unipormadong lalaki. Nagkusa na akong lumapit sa kanya nang kami na lang dalawa ang natira.

"I'm giving only a minute."

Tumango ako. Bakit ba kahit alam kong galit sya ay ang gwapo nya pa rin sa paningin ko? Iyan tuloy napatulala ako nang tingalain ko sya.

He glanced at his wrist watch. 

"Ah, oo..." napatikhim ako. "K-kung pwede sana ay wag mo ng idamay ang pamilya ko."

"Why would I do that?" humakbang sya palapit sa akin. "I want you to feel what I've been through..."

"K-kaya nga... ako na lang ang saktan ko. Ako na lang ang pahirapan mo..." pumiyok ang boses. "Iyong gusto mong iparanas sa pamilya ko, sa akin mo na lang iparanas..."

One of his brows curved up. "How can I assure na mararanasan mo nga ang ipaparanas kong hirap sa pamilya mo?"

"D-doblehin mo ang sakit na ipaparanas mo sa akin..."

"That's what I'm asking. How will I know - "

"Dahil mahal pa rin kita!" napapikit ako. At nang imulat ko ang aking mga mata ay may kalakip na itong mga luha. "M-mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon..."

Nagdilim ang kanyang mukha. Hindi ko alam pero parang nakita kong bahagyang lumamlam ang kanyang mga mata.

"Madali mo akong masasaktan... dahil mahal pa rin kita. Sa isipin pa lang na gusto mo akong saktan... dahil galit ka sa akin..." Suminghot ako. "Iyon pa lang... doon palang nagtagumpay ka ng saktan ako."

Nanatili siyang nakatitig. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya.

"S-saktan mo ako sa mga paraang alam mo... p-parusahan mo ako hanggang sa ikamatay ko..."

Blangko ang kanyang mukha at wala syang kibo.

"M-madali para sa'yo ang gawin sa akin iyon... m-madaling saktan ang taong..." natigilan ako nang bahagya. "...ang taong nagmamahal sa'yo ng sobra..." napayuko ako kasabay nang paglaglag ng aking mga luha.

"So what are you suggesting?" malamig pa sa gabing iyon ay kanyang tinig.

"S-syotain mo uli ako." napahikbi ako. "G-gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa akin dahil sa'yong-sa'yo ako... susunod ako sa lahat ng gusto mo... gagawin ko ang lahat ng iuutos mo..." napahagulhol ako. "B-basta... wag mo na lang idamay ang pamilya ko..."

Iniangat nya ang aking baba gamit ang kanyang daliri. "There something I don't want to see again before I consider this."

"A-ano?"

"Your tears."

Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha.

"If I see that again, we're done here."

Sunud-sunod akong napatango.

"Brace yourself, Ruby, coz I'm going to hurt you so bad..." naroon sa kanyang pagbigkas ang galit. "...and harder..." segundo lang ay bigla nyang dinakot nang marahas ang aking dibdib. "Is it okay if we start now." Minasahe nya iyon at piniga nang mariin.

Masakit iyon pero kailangan kong tiisin.

Bawal lumuha, iyon ang rule.

"Wala akong ititira sa'yo, Ruby Castillo."

JAMILLEFUMAH




Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
58.4M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...