ZBS#6: Black Moth's Chemical...

By iamyourlovelywriter

1.9M 45.7K 2.8K

Teaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE
Extra #1: MasterH's letter to Black Moth
EXTRA #2: She'll gonna make it

Chapter Four

83.4K 2.1K 171
By iamyourlovelywriter

Chapter Four


"HULI ka." Muntik na siyang mapatili ng may humawak sa braso niya at hilahin siya ng brasong iyon. Kanina pa sila naglalaro ng hide and seek ni Ashton, pasalamat siya at kaibigan niya si Renz kaya sinabi nitong nakita nito ang pinsan nito sa labas ng BRIDGE kaya siya ay hindi alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin niyang pag-iwas dito. Masyado kasi itong makulit dahil mukhang tinotoo talaga ang sinabi nitong babaguhin siya nito.

Sinabi ni Renz na okay lang naman kung pumayag siyang maging modelo ng mga sexy na bra at panty dahil nagsusuot naman talaga siya ng mga iyon at bagay naman sa kanya, alam naman kasi nila kung ano ang habol ni Ashton sa kanya kapag pumayag na siya ay mawawala din ito.

"Bakit mo ba ako pinagtataguan?"

Mr. Villaraga busy po talaga ako kailangan kong tulungan si Ainsley sa pag-aayos ng kasal ni Diana."

"Ang dami mo talagang palusot halika na kailangan na nating ayusin ang hitsura mo."

"Wala namang masama sa hitsura ko eh."

"Lahat masama, magagalit sa iyo ang taong nag-imbento ng salitang black at khaki. Nakakamanang ang hitsura mo sa mga dalagang nasa edad mo kailangan matuto kang mag-ayos paano ka makakapag-asawa kung hindi ka mag-aayos."

"Basehan na ba talaga ngayon ang hitsura ng isang tao para magustuhan?" inosenting tanong niya na naging dahilan kung bakit ito natigilan at napatitig sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng mga mata at ngumiti nalang dito dahil silence means yes, "Kapag ba ako nabago mo na titigilan mo na ba ako?"

"Uhm."

"Hindi na kita tatakbuhan pa let's do this now pero sana kapag naayos na ang hitsura ko huwag mo na akong guluhin ha? Kasi nakakahiya na sa iyo dahil inaaksaya moa ng oras mo sa isang tulad ko I don't deserved your time Mr. Villarga."

Nabigla siya ng bitiwan nito ang braso niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya gamit ang magkabilang palad nito kaya napaatras siya pero hindi siya nito hinayaan na makalaya sa hawak nito.

"Oo, just this day. Kapag satisfied na ako sa nakita ko pwede na kitang iwanan na para bang hindi tayo magkakilala." Tinitigan siya nito, she felt a pang of disappointment inside her chest when he said those words. Iyon naman ang gusto niya pero pakiramdam niya ay hindi tama, parang ayaw--- she shook her head when her train of thoughts were going somewhere. Hindi pwede iyong mga naiisip niya, hindi pwede... noong unang beses niyang may maramdamang kakaiba dito ay alam niya may mali na sa kanya.

Those tiny bolts of electricity? Hinalungkat niya sa baul ang rason ng kung bakit may ganoon at muntik na siyang matawa sa mga sagot na nalaman niya... it's very impossible alam niyang napakaimpossible. At kung possible man iyon hindi iyon pwedeng magtagal, mahirap na dahil inosente si Ashton kapag nakabit sa pangalan niya ang lalaki ay baka madamay pa ito.

He doesn't belong to her world, he is clean and she is not.

"Nakikinig ka ba sa akin Georgette."

"Ha? Ano iyon?"

"Ang sabi ko tawagin mo akong Ashton ngayong araw na ito dahil kapag hindi bukas guguluhin pa rin kita."

"But you said-."

"I call the shots here so now call me by my name."

"Pero-." Napaatras siya ng bigla nalnag nitong ilapit ang mukha nito sa mukha niya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. "As..Ash- Ashton." Halos pabulong na sambit niya sa pangalan nito.

"Ano iyon?"

"Ash-ton." She whispered again.

"Ulitin mo mas mabilis."

She closed her eyes and she knew by now pulang-pula na ang pisngi niya. "Ashton." Tila nakahinga na siya ng maayos ng sa wakas ay narinig niya na maayos niyang nabanggit ang pangalan nito.

"There, hindi naman mahirap hindi ba?"

"Mahirap," pag-amin niya. "Sorry hindi kasi ako sanay."

"Masasanay ka rin now let's go and let's start fixing you."

Napabuntong-hininga nalang siya at hinayaan siya nitong kaladkarin sa kung saan man. Ilang oras din ang biniyahe nila bago makarating sa isang malaking building na may iba't ibang shades ng blue. Nakita na niya ang building na iyon, isa iyong sikat na modeling and artist agency. Kapag papasok siya doon alam niyang may makikita siyang kaaya-aya sa mga mata katulad nalang ng mga modelo at artista.

"Why are we here?"

"Don't you know? I own the place, this is my branch here in the Philippines. Most of my models are London based kaya madalas ako doon."

"Oh? Kaya pala model din ang girlfriend mo kasi isang modelling agency ang business mo."

"Not just that, I know how to invest in good stocks. Kahit wala ito I can still think of another business, my dad owns an electronic company. Kapag may asawa na ako pwedeng siya ang humawak nito at ako naman ang mamamahala sa kompanya ng daddy ko." Napatango siya dito.

"Maswerte ka talaga no?" there's a ghost smile on her face when she looks at the pavement. "May parents ka pa, may maganda kang buhay, may hitsura ka rin, successful pa parang ibinigay na sa iyo ang lahat Ashton." Gusto sana niyang sabihin na may ibang tao na tulad niya na walang-wala na kailangan pang paghirapan ang mga bagay. "Ang swerte mo."

"May kanya-kanyang swerte ang tao Georgette nagkataon lang na ito iyong swerte na napunta sa akin. Ang mga tao kasi nagbibilang lang ng kung anong wala sila hindi na nila napapansin kung ano ang swerteng napunta sa kanila. Ikaw, saan ka maswerte?"

"Friends." Mabilis na sagot niya. "Maswerte ako sa kaibigan ko they are all I have, sila lang ang tanging swerte sa mundo na handa kong ipagpalit ang lahat ng meron ako."

"Not your family?" mabilis siyang umiwas dito.

"Sa paanong paraan ako suswertehin sa kanila kung ipinagpalit nila ako sa pera?"

"They did that? What kind of parents are they?"

"They are my parents Ashton sabihin mo maswerte ba ako kung sa simula palang ang bagay na akala ng lahat ay regalo sa isang tao ay siyang dahilan kung bakit ako..." mabuti nalang at hindi pumiyok ang boses niya. "Kaya nga sabi mo huwag bilangin ang malas na naranasan mo dahil marami namang swerte. Kahit na wala akong family I have my friends who were already my sisters since day one. Maswerte ako."

"Georgette-."

"Ang ganda ng kulay ng building mo sino ang pumili ng kulay?" masiglang tanong niya at dahil sa kung saan-saan siya nakatingin kaya hindi niya namalayan na may taong nasa harapan niya at dahil sa hindi niya naanticipate ang nangyari kaya bumangga ang katawan niya sa malaking bulto na nasa kanyang harapan at nadulas pa siya kung minamalas ka nga naman talaga, she closed her eyes and waited to feel the pain from the impact pero sa halip na sakit ay malambot na katawan ang nadaganan niya at tumama ang labi niya sa malambot na bagay din.

"What the hell Keith Alden Libiran what the hell-." Narinig niyang sigaw ni Ashton kasabay ng pag-angat ng katawan niya mula sa katawan ng lalaking nadaganan niya. Biglang nablanko ang isip niya at unti-unting nagsink in sa isip niya ang nangyari lang. Tumayo din ang gwapong lalaki na may bahid ng dugo sa gilid ng labi nito na agad nitong pinahid.

"Bakit ka sa akin nagagalit Ashton samantalang ako na nga itong napagsamantalahan dito." tumalim ang tingin sa kanya ang lalaki na panay punas pa rin sa labi nitong may sugat. Ramdam pa rin niya ang labi nito sa kanyang labi kaya agad niyang natakpan ang kanyang mga labi na naging makasalanan.

"You kissed her!" sigaw ni Ashton.

"Pambihira talaga ako na nga itong nadaganan ako pa itong nanghalik? Gaano pa kaginto ang labi niyang babaeng iyan at kung makasigaw ka wagas?"

Namula ang kanyang pisngi sa tanong nito dahil first kiss talaga niya iyo and her reaction just triggered everyone's reaction. Si Ashton ay sobrang nanggagalaiti sag alit kulang nalang ay umusok ang ilong nito samantalang si... iyong biktima ay ngumisi lang.

"First kiss eh?" lumapit ito sa kanya at biglang tinanggal ang eye glasses niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa kanyang mukha. "Not bad. How old are you lady?"

"Tu-twenty five."

"Hmn... pwede na."

"Anong pwede na?" tanong ni Ashton.

"Papanagutan ko ang first kiss mo dadalhin kita kay mommy ko at sasabihin mong nabuntis mo ako."

Malakas siyang napasinghap. "Paano kitang mabubuntis lalaki ka at wala kang uterus, fallopian tube at mas lalong wala kang ovaries."

Tumawa lang si Keith. "I like you more now," bumaling ito kay Ashton. "Akin na ito-."

"Hindi siya bagay na basta-basta mo lang kukunin Keith, she's mine." At hinila na naman siya ni Ashton. "Finders keepers buddy."

"I am her first kiss."

"First doesn't mean that they are always be your last, halik lang iyon." Kumuha ito ng panyo at pinunas sa labi niya na sa sobrang diin pakiramdam niya ay matatanggal na ang labi niya sa bibig niya kaya itinulak niya ito.

"Ashton teyka lang ang hapdi." Reklamo niya dito tumigil naman ito sa kakikiskis sa labi niya pero hindi pa rin maganda ang anyo ng mukha nito.

"Anong kaguluhan ito?" isa pang matangkad at gwapong lalaki ang biglang sumulpot sa likod ni Keith. "May magandang dilag-."

"She's mine Wyatt back off." Natawa siya sa sinabi ni Keith habang si Ashton naman ay mas lalong humigpit ang hawak sa braso niya.

"Walang nagmamay-ari sa kanya umalis na kayong dalawa bakit ba kayo nandito?" nagkibit-balikat lang ang dalawa na nakangisi sa kanya.

"You forced us to be a model man kaya kami nandito kung hindi mo kami pinilit wala sana kami dito. At hindi pa kami pwedeng umuwi dahil may hinihintay pa kami." At sabay silang napatingin sa may entrance ng building ng may apat pang lalaki na lumabas doon. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang ang dalawa doon ay kamukhang-kamuha ni Wyatt.

"Nahihilo na yata ako Ashton ang daming kamukha ng kaibigan mo."

Hinawakan lang siya ni Ashton at inilayo sa mga ito. "They are triplets, Wyatt, Winter and Wyeth, the other two are Zylon and Kendall." Pakilala nito na parang tinuturo lang na ang pansit ay ang Filipino version ng spaghetti. "Come here, kapag nakita ka nila hahalikan ka rin nila isa-isa. Marami ka ng first kiss at mabubuntis ka."

"Hiindi naman ako ganoon katanga no alam kong hindi nabubuntis ang babae sa paghalik lang." para silang ninja na umalis sa harap ng mga kaibigan nito.

"Hindi mo ba alam na ang lahat ay nagsisimula sa halik kapag nakalimot ka may mangyayari masaya." Natawa siya sa sinabi nito, he is explaining as if she's still five years old.

"Mangyayaring masaya? Ano iyon may unicorns and rainbows at pot of gold?"

"Heaven. Mas maganda sa heaven keysa sa unicorns and rainbows." Pumasok na sila sa exit at tamang-tama naman na bumukas ang elevator kaya agad din silang nakasakay at may pinindot itong red button na may nakasulat na office. Habang umaandar ang elevator ay saka lang niya napansin na hindi iyon tumigil sa kahit saang floor kaya ang bilis nilang nakarating sa kung saang floor man sila dinala ng office red button na iyon. Hindi na rin niya pinansin ang sinabi ni Ashton dahil alam niya ang ibig sabihin ng sinabi nito.

Bumukas ang elevator at bumungad sa kanila ang isang malaking opisina na umuukupa yata sa buong isang palapag.

"Here." Agad siyang sumunod dito at amazed na amazed siyang tiningnan ang buong paligid na para bang hindi siya makapaniwala na pwede pa palang mag-exist ang opisina na tulad niyon. It shouts luxury. "Sit down."

Umupo ito sa upuan na nasa likod ng isang malaki at marangyang mesa, may pinindot ito sa interom at may narinig siyang boses ng lalaki sa kabilang linya.

"Reynan, papuntahin mo si Raf dito I need him."

"Sino si Raf?"

"Stylist. Siya ang tutulong sa iyo upang mabago na ang hitsura mo and after today pwede mo ng sabihhin na hindi ka nagkamali sa pagsama sa akin dito."

She sighed. "At anong kapalit?"

"You are smart aren't you Georgette?" hindi na siya nagkomento. "In normal situation I would asked for replacement however since you are my friend's friends kaya walang kapalit ang pagtulong ko ngayon just fulfillment perhaps."

Napapailing nalang siya, "Palagi ka bang ganito iyong tumutulong sa iba?" naisip niyang itanong baka kasi hindi siya ang unang gusto nitong tulungan he seems to be a good guy medyo walang preno nga lang ang bibig kaya ganoon.

"My mom taught me to help, she's a good woman." Hindi pa niya nakikilala ang mommy nito pero naiinggit na siya dito. Ilang saglit pa ay may dumating na isang baklang mas maganda pa yata sa kanya kaya nga titig na titig siya dito.

"Good morning Sir Ashton siya po ba ang gusto niyong ayusan ko?" may kasama itong dalawang babae na may dalang make-up kit.

"Yes."

"Wala naman pong problema sa kanya she's already pretty the way she is." Napangiti siya ng matamis sa sinabi ng stylist. Bakit ang iba nakikita naman siya bakit si Ashton iba ang nakikita sa kanya, talaga nga yatang wala siyang ka-appeal-appeal dito.

Nagtaas lang ito ng tingin at binalingan si Raf. "Gagawin mob a ang gusto ko o mawawalan ka ng trabaho?"

"Ay, sinabi ko nga sir malaki ang dapat baguhin. Kukunin ko lang si ma'am dadalhin ko sa ibaba." Paalam ni Raf.

"No!" napapitlag siya ng bigla nalang itong sumigaw. "Do it here." Napatingin ito sa kanya. "Do it there." Turo nito sa isang silid na nasa palapag din na iyon. "You have two hours to do that one."

"No problem sir," hinawakan siya ni Raf pero agad din iyong natanggal ng biglang magdabog si Ashton.

"Sinabi ko bang hawakan mo siya? Kaya niyang tumayo ng wala ang tulong mo." Napabuntong-hininga nalang siya at ngumiti kay Raf na mukhang napag-initan ni Ashton. Sumunod nalang siya dito para wala ng gulo, mas mabuti nga sigurong wala sa harap nila si Ashton dahil baka ano pa ang maisipan nitong gawin.

"Girlfriend ka ba ni Sir Ashton?"

Agad siyang umiling, tumaas ang kilay nito. "Bakit parang..." tumitig ito sa kanya. "You are too innocent for my boss' likings sige maniniwala ako sa iyo. Are you are relative?" tinanggal nito ang eye glasses niya at inilapag sa isang tabi.

"Hindi rin, kaibigan ako ng kaibigan niya."

Napaawang ang mga labi nito. "Really? Sureness?"

"Oo, kaibigan ako ng kaibigan niya."

"Iba talaga kung mag-isip si Sir hindi ko rin lubos maisip na ikaw ang tipo niya, you are too innocent ayaw niya sa mga inosente at mukhang matalino."

"Anong gusto niya?" natutop niya ang kanyang bibig sa biglaang tanong niya.

"He likes sophisticated, daring, sexy, ano pa ba? Gusto din niya iyong submissive at hindi siya kokontrahin sa mga sinasabi niya. Si Sir kasi ang typical na alpha male he wants to be in control at ayaw niyang babae ang dumidikta sa kanya."

"Halata nga."

"And you my dear, you are the exact opposite of what he likes. Hindi kita inooffend dahil maganda ka naman talaga dear ang kinis ng skin mo, you have this big brown eyes, sexy ka rin naman pero iba ang aura mo eh. You have the safe aura, iyon bang tipong matatakot kang paglaruan ng mga lalaki. Ikaw ang tipong serious type."

"Thank you for telling me those kind words Sir."

"Ew, Miss Raf ang itawag mo sa akin or else itatapon kita from here to the ground floor." Tumawa siya sa sinabi nito.

"Okay Miss."

"Masyado kang magalang at sweet, girl kung gusto mo si Sir kailangan mong maging palaban."

"Hindi ko siya gusto."

"Iba ang nasasagap ng gaydar ko, mabilis akong makapick up sa mga ganyan."

"Swear hindi ko talaga like si Ashton, well maybe I like him because he is a friend's friend and seems nice but I don't like him the way you thought." Iwinagayway pa niya ang palad sa harap nito. "Promise Miss Raf hindi po talaga."

Narinig niyang nagtawanan ang dalawang babae na kasama nito. "Mabuti you are too good for him." Nag-isang linya ang labi niya sa sinabi nito, dahil gusto sana niyang itama ang sinami nito dahil kompara sa kanilang dalawa ni Ashton hindi hamak na mas mabuting tao ito sa kanya dahil kahit kailan hindi niya maiisip na isa siyang mabuting tao.

Naging cooperative naman siya sa mga taong tumutulong sa kanya, sinuklay lang nito ang kanyang mga buhok dahil tuwid iyon ng araw na iyon dahil sinuklay niya iyon ng maayos kanina. Kapag kasi basa pa ang buhok niya at nasuklay ng maayos ay tuwid na tuwid iyon pero kapag hindi ay basta-basta nalang iyong nagiging wavy.

"Here, isuot mo ito."

"Pwede bang iba nalang?"

"Ayaw mong magdress hindi ba? Kaya ito nalang ang isuot mo dahil kapag naisipann mong takbuhan si sir ay pwedeng-pwede."

"Pero kita na yata ang kaluluwa ko nito." ungot niya.

"Ma'am magugustuhan ito ni Sir Ashton."

Wala siyang magawa kundi isuot ang ibinigay na damit nito. Pagtingin niya sa salamin ay agad niyang natakpan ang naka-expose niyang tiyan, it's a three fourths hanging blouse na hanggang sa ibabaw ng pusod niya ang haba at blue skinny jeans na tamang-tama lang hulma ng beywang at balakang niya.

"Ayan, bagay naman pala sa iyo."

"May t-shirt ka ba diyan? Mahaba, tama iyong mahaba nalang."

"Be confident ma'am ang ganda niyo eh." Puri ng isang make-up artist.

"Pwede ka palang model, ang ganda ng katawan mo parang sa mga lingerie models."

"Hindi ako komportable."

"Sa ngayon girl maging komportable ka muna kapag sinabi ni Sir na ayaw niya saka lang natin palitan siya kasi ang pumili nito." May kinuha itong isang pares ng puting wedge na may strap sa ankle at isinuot sa kanya. Kaya mas lalo siyang nagmukhang matangkad. "Perfect and it took us less than fifty minutes to do this perfection."

Ihinarap siya nito sa salamin. "ANg tunay na maganda hindi na kailangang madaming kolorete ang mukha. Your beauty defines elegance my dear kaya head up, kahit hindi ikaw ang type na babae ni Sir Ashton ikaw naman ang tipo ng babaeng pwede niyang iharap sa mga magulang niya at sa harap ng simbahan."

"Joke ba iyan Miss Raf?"

"Hindi ako nagjojoke sa mga ganitong bagay kaya halika na girl puntahan na natin si Sir at ng maglaway naman siya sa kagandahan mo." Infairness sa stylist na nag-ayos sa kanya, no wonder he's good at this dahil hindi lang mukha at ayos niya ang inayos nito kasali na rin ang pag-aayos nito sa nararamdaman nila. She commend him for that.

"Sir Ashton nandito na po si Ma'am." Agad na tumingin si Ashton sa kanya mukhang mali yata ang pagpasok nila dahil may kausap ito sa cellphone nito. Tumitig sa kanya pero wala siyang mabasang anumang reaksyon sa mukha nito. Mukha yatang hindi effective ang pag-aayos niya, he wasn't satisfied at all.

Tumayo ito at bumaling kay Miss Raf. "Thanks Raf you may go now." Nang umalis si Raf at ang dalawang artist ay napabuntong-hininga ito. "This isnt right."

Parang may gumuho sa loob niya sa sinabi nito, sabi na nga ba at hindi nito magugustuhan ang naging ayos niya at kahit na anong ayos ang i-ayos sa kanya ay alam niyang hindi nito magugustuhan. Ang dahilan kung bakit siya ito gustong baguhin ay dahil sa simula pa lang hindi na talaga siya nito gusto.

"Sorry Ashton if it doesn't suit to your liking, sinabi ko naman sa iyo hindi ba huwag na nadisappoint ka tuloy." Hingi niya ng paumanhin dito.

"Right, this isn't right. Wait here."

"Ashton sandali lang makinig ka-." Pero ayaw yata talaga nitong makinig sa kanya. Pumasok ito sa isa pang silid at paglabas nito ay may dala itong t-shirt.

"Isuot mo ito." Tinulak siya nito papasok sa unang silid na pinasukan niya at hinubad ang nauna niyang suot at sinuot ang shirt na triple yata ang laki sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito kaya gulong-gulo siya ng lumabas siya sa silid na iyon.

"Masyadong malaki."

"Okay lang." lumapit ito sa kanya and she smelt his manly scent that woke her senses automatically. Tinupi nito ang sleeves ng suot niyang shirt hanggang sa makontento na ito at muli siyang tiningna mula ulo hanggang paa. "Perfect."

"Ang gulo mo." Napatingin ito sa kanya. "I thought you want me to be a lingerie model pero bakit balot na balot ako?"

Tumingin ito sa kanyang mga mata and a sexy smirk appear on his lips. "Huwag kang mag-alala Georgette hindi lang ikaw ang naguguluhan medyo nagugulo din ang isip ko ng dahil sa iyo."

Ano raw? Paki-explain?




<<3 <<3 <<3

a/n: falling in love is a gamble, you know when it happens because you feel the attraction, you let it happen unconsciously because you thought there's a chance but when there's none everything fades into pieces and you've got your heart broken.

Nagpunta kami sa Buhisan dam with my classmates from my masters class, nag-identify kami ng macroinvertebrates and nag-identify din kami ng mga plants and trees na mas madali pa yatang mag-identify ng isda sa palengke keysa sa halaman na halos magkatulad ang hitsura. So, iyon nga some of my classmates were my classmates from before, i mean noong undergrad pa kami. Nag-usap kami ng mga nakaraan na experiences kasi nga muntik-muntikan na kaming madulas sa maputik na daan na hindi mo alam kung daan pa ba talaga iyon na kapag nagkamali ka ng tapak ay sa dam ka mahuhulog and whoala goodbye world na talaga. So back to the topic, nag-usap kami about life tapos naopen namin ang mga kagagahan namin dati.

And then narealized namin, tumatanda na talaga kami. Parang kailan lang we were fifteen and sixteen when we first met, we were strangers and from different part of the world (char).  And now four years after we graduated, nalaman namin na nagbabago na talaga ang point of view ng bawat isa. Nagmature na nga kami, kung noon iniisip lang namin na makapagtapos para makapag-enjoy ng life, iyong iba naman gusto lang magkalovelife at wala ng ibang ginawa kundi ang mag-isip ng tungkol sa love life ... ngayong dumaan na ang panahon at nagkakaedad na nga kami saka lang namin naisip na hindi lang pala iyon ang importante, right now iba na ang priority in life ng mga tao. Mas naiisip na namin ang mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

STATUS UPDATE: REALIZATION AND REVELATIONS


Continue Reading

You'll Also Like

47.3K 199 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
170K 9.7K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
852K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
77.8K 137 49
Enjoy