Ang lapad ng ngiti ko habang nakapangalumbaba at nakatunganga sa binili kong slice ng cheesecake. Desert ko to today. Normally hindi naman ako nag-de-desert kasi mabilis akong mag-gain ng weight. Pero special ang araw na ito kahit ang lakas ng ulan. Happy kasi ako ngayon. Sobra.
Nag-flash back pa sa isip ko yung nangyari kanina. NO! Hindi yung pagpiyok ng mga sapatos ko at pagkadulas ko sa harap ng mga balasubas na estudyante.
I’m talking about the guy who helped me. Soshi my-labs. He helped me get up and let me borrow his hankie.
Weeeeeeeee…kinilig naman ako dun. Feeling long hair ako ngayon.
Grabe para lang akong tanga dito. Mag-isa lang kasi akong nakaupo sa isa sa mga table ng school cafeteria pero care ko naman. Alam ko kanina pa ko pinagbubulungan ng mga kapwa ko estudyante. Akala siguro nila nababaliw na ko. Eh ano bang magagawa ko, eh super happy nga ako ngayon di ba? Naka-score ako kay Soshi. Kyaaaa…super kilig talaga!
Naka-plaster pa rin ang matamis kong ngiti habang marahan akong nag-slice ng maliit na piraso ng cake gamit ang tinidor. Heaven talaga ang feeling ko ngayon. Daig ng one real kilig moment ang isang libong kalandian sa pagde-day dream.
“Oy grabe sarap nito.”
Napabilis ako ng subo ng cake. Saka hindi na maliit, nilakihan ko na. Sarap eh.Nawala tuloy poise ko. Mwuhehehe
Lumingun-lingon ako sa paligid. Baka kasi andito lang si Soshi sa tabi-tabi. Makita pa niya kong nilalapang ang cake. Kakahiya din.
Tingin sa kaliwa.
Tingin sa kanan.
Okay. Safe. He’s not anywhere in sight. Makakakain ako ng ayos, to the highest level.
Tinusok ko uli yung tinidor ko sa cake kaso yung mesa lang natinidor ko. Bigla kasing nawala yung cake. Parang magic, kulang lang ng usok.
Napatingin ako dun sa balasubas na nang-agaw ng cake ko. Si Istorbo na naman pala. Umupo pa siya talaga sa katapat ng silya ko. Hindi na nga siya nag-tinidor eh. Gamit nya lang thumb nya saka pointing finger. Tapos dinalawang subo niya lang yung cake. Malaki pa yun ha. Ang tindi. Mas masahol pa sa kin! Akala ko ako lang matakaw sa school namin, may uubra pa pala.
“Hoy hoy hoy… cake ko yun. Di ka ba binigyan ng allowance ng nanay mo? O nang-aasar ka lang talaga?”
“Gutom ako di pa ko nag-aalmusal,” sabi niya tapos kinuha niya yung orange juice ko at ininom niya. Dire-diretso parang hindi na siya humihinga. Napatanga na lang ako dun sa walang lamang baso na ibinaba niya sa table. Tapos sa kaniya naman ako napatanga.
Pinunasan niya ng kanang braso ang bibig niya sabay sabi ng “Ahhh”.
“O ano busog ka na? Inubos mo nang pagkain ko eh.”
“Ano ako butiki? Hindi pa ko natinga dun.”
Dumukot siya ng pera sa bulsa niya tapos inihagis niya sa harap ko.
“O.”
Confuse na napatingin ako sa kaniya.
“Ano to?”
“Pera.”
Napa-flat face ako.
“Alam ko pera yan. Ibig kong sabihin ano’ng gagawin ko diyan?”
Binabayaran nya kaya yung pagkain ko na inagaw nya? May puso din naman pala.
“Pumila ka dun ibili mo ko ng pagkain. Sizzling steak ha saka large mountain dew,” utos niya bago sumandal sa upuan, ipinag-krus ang mga braso sa likod ng ulo at ipinatong ang dalawang paa niya sa hita ko. SA HITA KO!
O di ba pang-asar lang! Kala ko pa naman binabayaran niya yung inagaw niyang pagkain. Yun pala uutusan lang ako. Pinatungan pa ko ng paa. Anak ng isdang bilasa talaga o!
“Biliiisss… gutom na ko.”
I harshly pushed his legs away para makatayo ako. Sinadya ko talaga yun para malaman niya na galit ako.
“Oy,” angal niya tapos ipinatong niya uli yung mga paa niya dun sa silyang inalisan ko. Binatukan ko siya bago ako patakbong nagpunta dun sa bilihan ng mga pagkain. Ahahaha
“Oy… samahan mo din ng mushed potato saka large fries. On the side yung gravy ha,” sabi nya lang. Amputcha! Nagpahabol pa ng order. Kapal talagaaaaaaaaaa.