The Class S Students Dare

By bRezyLian62

3.4K 263 45

Tumuntong si Kaye sa school na pawang mayayaman lamang ang nakakapasok. She doesn't care about going to schoo... More

The Class S Students Dare
Chapter 1 New Comer
Chapter 3 I.D.
Chapter 4 Fighting!
Chapter 5 Retake
Chapter 6 ANG PUSA
Chapter 7 Him
Chapter 8 WARM HUG
Chapter 9 Sweets
Chapter 10 Lies
Chapter 11 Ryu and Leo
Chapter 12 Hide and Seek
Chapter 13 Hate

Chapter 2 "I Challenge You!"

283 31 0
By bRezyLian62

Chapter 2 "I Challenge You!"

***KAYE POV***
PANAY ang takbo ng ilang question marks sa utak ko. E kasi naman. Ang daming taong nakatumpok tapos parang ano, para bang may pinapanood silang shooting.

May filming ba ngayon?

Dahil ipinanganak akong dinikitan ng curiosity sa katawan. Nakisiksik na rin ako. Kung mga artista ito, lalayas ako kaagad, hindi kasi ako mahilig sa mga iyon. You know na. Topakin kasi akong tao.

"Excuse me..." *siksik*

"Ay, ano ba yan?!" angal ng naapakan ko. Ang laki kasi ng paa e. Dahil wala akong balak mag-explain nagpatuloy lang ako sa kakasiksik.

"Tabi-tabi..." *siksik*

"Ano ba?!"

"Makikidaan." *siksik*

"Hey!"

"Excuse me ulit." Nakahinga talaga ako ng maluwag nang nasa unahan na ako. Ang galing ko no? Ganyan talaga kapag ipinanganak kang payat. Laking advantage.

Hihi! Tama na nga ang pagmamayabang kong ito. Kailangan ko pang makiusyuso?

Teka! Nagsalubong ng husto ang mga kilay ko, kasi naman, may nakikita akong hindi maganda rito. Hindi ko mapigilan ang magtaka. Lalo na nang mapatitig ako sa babaeng nakaupo sa sahig. Tapos para bang umiiyak ito?

Tinitigan ko ng maigi ang pagmumukha ng mga lalaking kaharap ng babaeng nakaupo, ang pagkakaiba ay nakatayo ang mga ito. Sila ang mga tao kanina, yung dinudumog. Kaso parang mas dumami sila ngayon.

Kinamot ko ang ulo ko.

May filming nga ba rito? Ang tindi ng scenes e! May mga nakatayo at nakaupo. Tapos may umiiyak!

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan ko ngunit wala talaga kong makitang camera o kaya naman camera man. Puro estudiyante lahat ang naririto. Muli kong tinitigan ang mga nasa gitna, ang mga nilalang na kaharap ng babaeng nakaupo sa sahig. 'Yong umiiyak. Sa kakatitig ko, napatingin ako sa lasong nakatali sa leeg nila.

"Gold?" mahinang anas ko. Pasimple kong sinulyapan ang sa akin. Red ang kulay. Yung iba naman sa tabi ko ay Blue. Muli akong tumingin sa harap, doon sa babaeng nakaupo sa sahig. Green ang sa kanya.

Nagkamali lang sa pagbigay ng ribbon? Bakit naging rainbow ang kabuuan?

"Kawawa naman siya."

"Bakit kasi hinamon pa niya yung Mr. Perfect dito?"

Napatingin ako sa dalawang nagbubulungan. Sobrang curious na talaga ako dito. Kanina ko pa naririnig ang hamon thingy na iyan.

"Hindi kasi gumagamit ng utak."

"Sana nanahimik na lang siya."

Darn! I can't take it anymore!

"Miss, ano ba 'yong tinutukoy ninyong hamon na iyan?" hindi mapigilang tanong ko doon kay bubuyog one. Hindi ko kasi alam ang pangalan kaya naman makibubuyog na lang ako. Total hindi naman niya ito malalaman maliban na lang kung nakakabasa siya ng utak.

Saglit na nagtinginan ang dalawang bubuyog. Tapos tiningnan ang sa bandang dibdib ko. Sinundan ko naman iyon ng tingin. Wala akong ibang makita, flat chested ako e.

"Red ribbon... you belong to low class." wika ni bubuyog two.

"Low class?" Hindi ko sila ma-gets!

"Yep." Tumango si bubuyog two.

"Bago ka ba?" bubuyog one.

I nodded. "Oo. Sorry kung hindi ko alam."

Sana pala binasa ko na lang ang manual about sa school, na ibinigay ni Lola sa akin kahapon. Ma-scan ko nga mamaya. Ang daming arte ng school na ito. Nakakalito.

"Ang mga students dito ay nahahati sa rank nila. Malalaman mo lang kung anong uri ka oras na bigyan ka na ng ribbon." Paliwanag ni bubuyog one.

"A... Ribbon?" Kaya pala iba-iba ang kulay? So red means low class? Tapos gold naman sa high class? Over nila!

Tumango si bubuyog one.

"Next time Miss low class magbasa ka." Tuya ni bubuyog two.

Promise, insulto much na ako. Sarap niyang ingudngod kaso oras na makipag-away ako, ako naman itong malalagot kay Lola. Huminga ako ng malalim. I have to control my temper.

"Thanks ha." Nakangiting sabi ko don kay bubuyog two. Pero pikon na pikon na talaga ako sa kanya.

She just shrugged her shoulders and raise her eyebrow. Parang gusto din tuloy magsiakyatan ng kilay ko. Iniinsulto talaga ako ng isang ito.

Whew!

Sinulyapan ko na lang si bubuyog one. Oras na pansinin ko ang loka-lokang si bubuyog two, baka makasapak pa ako ng tao. "May I ask you about the challenge thingy they used to say?"

"Yung paghamon, laging nangyayari iyan dito. Hinahamon ng mga nasa higher class ang Special students."

Wala yata akong maintindihan don a!

"Tapos?"

Umiling si bubuyog two, mukhang hindi makapaniwala sa kainosentehan ko. Isang panlalait pa mula sa kanya. Kakalbuhin ko na talaga siya.

"Pwedeng e challenge ng kahit sino ang nasa special class kaso may kapalit kapag natalo. Depende iyon sa request."

"A... tapos?" Hindi magaling sa explanation ang isang ito!

"Oras na matalo mo sila, ibibigay nila ang kahilingan mo, ngunit oras na ikaw naman ang matalo, ihanda mo na ang iyong sarili sa parusa at mukhang natalo ang babae kay Prince Kaizzer."

Muli akong napatingin don sa babae. Walang tigil siya sa pag-iyak. So... iyon ang ibig sabihin ng HAMON na naririnig ko. Oras na manalo ka, may price. At nasa iyo na kung ano ito.

"Natalo ka hindi ba?" bigla akong napatingin sa lalaking kaharap nang nakaluhod na babae. He must be Kaizzer.

"O-oo." Umiiyak na sabi ng babae na naka-green ribbon.

"Then you already know the consequences?" hindi ko mabasa ang mga mata ng lalaki. Napakaseryoso niyon at napaka-blangko.

Muling tumango ang babae.

"Kagaya ng napagkasunduan, maghanap ka na ng ibang school."

Maghanap ng ibang school? Amputiks naman, iyon ang parusa?

"I-ibang consequences na lang-"

"I'll prepare your paper for transfer. You'll have it in a few minutes." walang anumang sabi ni Kaizzer. Binalak niya sanang talikuran ang babae kaso hinablot ng huli ang paa ng lalaki.

"P-please... maawa ka sa akin. Ikakahiya ako ng parents ko... Please maawa ka Prince Kaizzer... Please... ikasasama ng loob nila ang pag-ayaw mo sa partnership." umiiyak na pagmamakaawa ng babae.

Ano ba ang nangyayari dito?

"I-ibang parusa na lang.... Please..." walang tigil sa pag-iyak ang babae. Halos madurog ang puso ko nang padaskal na hinila ng lalaki ang paa dahilan para mapabitaw ang babae na pasalampak na tumama sa sahig.

What the heck is happening here?

Inis na napalingon ako sa paligid. Ang mga tao, nakatingin lang. Ang iba naman ay nakangiti.

"She deserves it." I heard nonstop laughs.

"Akala mo kasi kung sinong matalino, nasa top lang tapos.... Like duh! She's still a loser." *Smirk

"Prince Kaizzer is still the winner. No one can defeat him."

"Poor girl." *smirk*

What kind of school is this? Hinahayaan lang nilang mangyari ang kababuyang ito?! Nilalait pa?! Nasaan ang hustisya? Nilamon ng lupa?

"It will be her end."

Darn! Bakit wala man lang naglalakas loob na tumulong? Bakit ganito ang mga taong ito?

"She will be save..." napatingin ako sa katabi ko. Si bubuyog one, ito. "If someone challenge Prince Kaizzer..."

Challenge?

"It's your punishment."

Muli akong napatingin kay Kaizzer, masyadong malamig ang boses ng walang modong lalaking ito.

"K-Kahit ang partnership na lang..." Luhaang sabi ng babae kaso ang nakakainsultong parte ay tinalukuran siya ng Kaizzer na ito. "Kahit iyon na lang!"

Hindi pinansin ng walang modong lalaki ang umiiyak na babae. Nagpatuloy lang ito sa paghakbang.

Argh! I can't watch this anymore!

Masyadong masakit para sa akin na makita na nasasaktan ang kabaro ko. Kaya naman tinakbo ko ang kinaroroonan ng babae. Ang mga walang modong mag-aaral, nakikitingin lang. Ang sarap tusukin ng mga mata nila.

"Miss, are you okay?" tanong ko sa kawawang babae.

Napatitig siya sa akin, ang basa ng mukha niya. Dinukot ko ang panyo sa loob ng bulsa ko, sabay bigay sa kanya nito. Sa ginawa kong ito mas bumagsak ang luha niya.

Hala! May kasalanan ba ako?

"Thank you...."

Nakahinga ako doon ng maluwag. Hehe, nagpapasalamat lang pala. Tears of happiness!

"Thank you." ulit niya, ayaw paring tumigil ng mga luha niya. Parang gripo kung makaagos. "Thank you."

"You are welcome." I smiled back.

"You..." anang boses ng isang lalaki. Kahit hindi ko man siya tingnan, natitiyak ko na ang nagmamay-ari niyon ay ang walang puso at siraulong lalaki kanina.

Sinulyapan ko ang babaeng kaharap ko. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Who are you?" sabi ulit ng boses.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga, sabay tayo at nilingon ang lalaking ito. The guy they keep on telling, Mr. Perfect. Tss! Nobody's perfect!

Actually, I once known as Miss perfect in my old school before but everything's change when I lost the persons I love. Doon ko lang nalaman at natanggap na walang perfect, lahat ng bagay ay may kapalpakan.

"So?" walang anumang tanong ko, sabay taas ng kilay. Kitang-kita ko ang inis na gumuhit sa mga mata niya. Ang sama na niya kung makatingin, mas masama kesa kanina.

Hindi ako mahilig makipag-away, sa katunayan napaka-friendly ko noon. Oo, noon talaga. May mga nawala kasi sa akin kaya ako nagkaganito. Marami akong kinalimutan at binago.

Narinig ko ang ilang singhap ng iba at bulungan.

"Is she stupid?"

"She's dead."

Tss! I'm dead kaagad?! Asus! As if naman! Atapang atao ito!

"Ang bastos kung makasagot!"

"Nasaan ang manners ng bruhang iyan?"

Manners talaga? Sila ba, meron niyon?

Sa halip na makipag-sagutan sa utak, nilingon ko na lang ang lalaking sobrang sama kung makatingin. Ang tinatawag nilang prince Kaizzer.

Siya? Tinitigan niya lang ako. Kagaya ng dati, wala akong mabasa sa mga mata niya. Pero isa lang ang natitiyak ko, he is surrounded by black aura.

"Kung sino ka man..." I already know his name, pero hindi ang kabuuan.

According to bubuyog one. Natalo ang babaeng ito sa isang hamon. Consequences? She have to transfer.

Ayaw niyon ng babae kaya naman namakaawa ito. May isang bagay ang tumatakbo sa utak ko. I know that it isn't right, tiyak na mapapagalitan ako ng matandang hukluban na iyon but I have to help the girl beside me.

Isang bagay lang ang magagawa ko at iyon ay ang hamunin ang taong ito.

"I challenge you!" I pointed my finger on him.

Tsk! Bahala na si Lola sa parusa ko!
***END OF KAYE POV***

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
16.4K 912 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
83.2K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
176K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...