A Deal is a Deal

By BigBossVee

20.8M 175K 19.8K

Umupo si Greg sa swivel chair nito at pinagmasdan siya. "Okay. Bibilhin ko ang Oregon Building under your nam... More

A Deal is a Deal
READ THIS FIRST!
Chapter One - Snatched and... Arrested?!
Chapter Two - Meeting with the Gods
Chapter Three - Payback Time
Chapter Four - Bree is back!
Chapter Five - Expect the Unexpected
Chapter Six - Bree's favour
Chapter Seven - The Deal
Chapter Eight - In Need of Help
Chapter Nine - Venus' Secrets
Chapter Ten - Lost and Cold.
Chapter Eleven - That was close! Phew!
Chapter Twelve - Stupid Gaby!
Chapter Thirteen - "I'm with my wife."
Chapter Fourteen - Kyra and Geoff
Author's Speech. (Ansaveh?)
Chapter Fifteen - Steamy Conversation
Chapter Sixteen - I'm Not a Ragdoll!
Chapter Seventeen - First Kiss
Chapter Eighteen - Lunch with the Billionaire
Chapter Nineteen - The Accident
Chapter Twenty - Love songs and Unknown feelings
Chapter Twenty One - Hontiveros Clan and Kristina
Chapter Twenty Two - Jealousy
Chapter Twenty Three - Her Darkest Secret
Chapter Twenty Four - The Visitor
Chapter Twenty Five - Time to Tie the Knots (Part One)
Chapter Twenty Six - Time to Tie the Knots (Part Two)
Chapter Twenty Seven - Performance Night (Part One)
Chapter Twenty Eight - Performance Night (Part Two)
Chapter Twenty Nine - Performance Night (The Climax)
Chapter Thirty (Bonus Chapter)
Chapter Thirty One - A Restless Geoff
Chapter Thirty Two - Who's teased now?
Chapter Thirty Three - Confessions. Lies. Betrayals.
Chapter Thirty Four - Time to wake up Bree!
Chapter Thirty Five - Miss me?
Chapter Thirty Six - Kyra's Plan
Chapter Thirty Seven - Turning Point
Chapter Thirty Eight - First Homecoming
Chapter Thirty Nine - A Father's Love
Chapter Forty - The Fashion Show
Chapter Forty One - Revelations
Chapter Forty Three - Still the Same
Chapter Forty Four - So Close
Chapter Forty Five - Mirror
Chapter Forty Six - Second Thoughts
Chapter Forty Seven - Shower & Conference Room
Chapter Forty Eight - Claws
Chapter Forty Nine - Shiver
Chapter Fifty - Missing
Chapter Fifty One - Sunset Drive at 8
Chapter Fifty Two - Nightmare
Chapter Fifty Three - Two lines
Chapter Fifty Four - Avowal

Chapter Forty Two - Unplanned Surprises

305K 2.9K 419
By BigBossVee

Chapter 42

 

Piey’s POV

 

Patay talaga ako kay Gaby nito. Kinakabahang isip niya habang hinihintay ang kanilang bagahe sa loob ng airport. They just arrived at the Philippines. Wala pa siyang sampung minuto sa bansa ay gusto na niyang bumalik sa Chicago. Eh kasi naman ay kinakabahan siya sa kung anong magiging reaksyon ni Gaby pag nalaman nitong sumama pala sa kanya si Gavin at Jenni.

“Relax, Piey. Di naman siguro magagalit si Gaby. And I’m pretty much sure nangungulila na ito kay Gavin kaya wala kang dapat ipagalala.” Nakangiting saad ni Jenni habang kinukuha na nila ang kanilang mga maleta.

“Tita Jenni is right! I’m sure mommy will be so happy and surprised to see me! Ohhhh, I can’t wait to see her face when she sees me!” Tumatalon habang nakangiti na saad naman ni Gavin.

Medyo kumalma siya ng konti pero kahit papano ay andun pa rin ang kaba. This wasn’t really part of her plan. Her plan was to stay in the Philippines for a few weeks then fly back to Chicago after her work. Alone. Hindi parte ng plano niya ang isama si Jenni. Lalong-lalo na si Gavin.

Naalala niya ang kanyang reaksyon ng sinabihan siya ni Jenni na kumuha din ito ng ticket papuntang Pilipinas. Kasama si Gavin. Muntik na siyang mabilaukan ng iniinom niyang kape.

 

“What the hell were you thinking, Jen? Gusto mo bang balatan tayo ng buhay ni Gaby?” Nanlalaki ang kanyang mga mata habang tinanong si Jenni. Nagkibit lang ito ng balikat.

 

“Piey, matagal na din akong hindi nakapag-uwi sa Pilipinas. It’s been what? Ten years since I’ve seen my motherland! Namimiss ko din naman ang init ng klima doon, Cous.” Sagot nito sa kanya habang tumitimpla ng kape.

 

“What about Gavin? Anong gagawin natin sa kanya? Iiwan nalang dito?” Nakataas ang isang kilay habang tinanong muli si Jenni. Ngumiti ito sa kanya at umiling. “Are you serious? Of course we’re going to bring him with us! I’m sure namimiss na din ni Gavin ang ina niya. Every night ko siyang nakikita na umiiyak sa kama nito hanggang sa makatulog. I don’t think I can bear to see him like that again. Kawawa naman yung bata.”

 

Tumayo siya at kinuha ang cellphone sa loob ng bag. “I’m going to call Gaby about this.”

 

Mabilis na tumutol si Jenni. “Come on, Piey! It won’t harm to surprise Gaby a little right? I’m sure tatalon yun ng kasing taas ng Mt. Everest pag nakita si Gavin.”

 

“But, Jen, we can’t just bring Gavin with us. Kailangan niya ng passport and—”

 

“Already been taken care of. Actually, matagal ko na ‘tong pinagplanuhan. Kaya naman kumuha na ako ng ticket para sa aming dalawa bago kita sinabihan dahil alam kong tatanggi ka.” Nakangiting singit nito sa kanya.

 

Napabuntong-hininga siya. Typical Jenni. “Kailangan muna nating sabihan si Gavin tungkol sa planong ito.”

 

Tumango-tango si Jenni habang iniinom ang kape. “Already done. He’s actually packing his stuff as we speak.”

 

Napailing nalang siya. “You really planned this already, haven’t you?” Tanong niya pagkatapos ubusin ang laman ng kanyang mug.

 

Jenni just flashed her signature smile and then nodded. “Oh, yes. And you know me, I absolutely love surprises.”

Kaya heto sila ngayon nag-aabang ng taxi sa labas ng airport. Buti nalang at hiningi niya kay Gaby ang address nito para dumiretso na kaagad sila. Nang makapara na sila ng taxi ay kaagad niyang sinabi sa driver ang subdivision at address kung saan nakatira si Gaby.

“Wow! It’s really hot in here, Tita! I don’t think I’ll like it here.” Nakasimangot na pahayag ni Gavin nang makasakay na sila sa taxi. Ngumiti nalang siya at pinagmasdan ang mga matataas na gusali. Unlike Jenni, bumabalik siya sa Pilipinas every now and then dahil nga sa trabaho niya. But the last time she went back here in the Philippines was two years ago. Kahit sabihing dalawang taon lang siyang nawala ay madami nang pinagbago ang Manila.

“Take off your hoodie, Gavin, and you’ll feel better.” Rinig niyang sabi ni Jenni sa likod.

Ilang saglit din ang lumipas ng biglang nagsalita si Jenni. “Grabe, cous! Ang tagal ko din hindi nakatapak sa bansang ito ha? The last time I remember ay wala pang matataas na gusali. Usually makikita mo lang yun sa Makati. But now? It’s like a concrete jungle here! Just like New York!”

“At least New York was way cooler than here!” Naiinis pa din na sagot ni Gavin. Kahit kailan talaga ay umiinit ang ulo nitong Gavin na ‘to pag hindi nasusunod ang gusto.

Bigla siyang napaisip sa kung sino ang ama nito. Pero isa ang natitiyak niya, gwapo ang ama ni Gavin. Ang tanging nakuha lamang ni Gavin sa ina ay ang mga mata nito. The rest? Sigurado siyang sa lalaking nakabuntis kay Gaby.

Bigla siyang may na realize. Wala siyang kaalam-alam sa buhay ni Gaby. Ni pamilya, buhay, trabaho, kahit birthday nga nito at apelyido ay hindi niya alam. Gaby was a very secretive and private person. Natatandaan niya noong unang tinanong niya ito tungkol sa pamilya nito dito sa Pilipinas pero tiningnan lang siya nito at kumibit ng balikat.

Natatandaan niya din nung unang beses niya tinanong si Gaby kung saan na ang ama ni Gavin ay ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting hindi naman umabot sa mga mata.

She can still remember the first time she had seen Gaby. Dinala ito ni Jenni sa bahay nila dahil naaawa daw ang pinsan niya sa kalagayan nito. She was seven months pregnant at that time. Seven months pregnant nga ito pero sobra naman nitong payat dahil sa stress at kulang sa nutrisyon. Sa sobrang takot niya sa kalagayan nito ay pina check-up niya kaagad ito sa ob-gyne.

Nalaman niyang ninakawan ito sa unang buwan ng paglalagi sa America. Nang tinanong niya kung may pamilya ba ito o asawa ay umiling lang ito sa kanya. But she was amazed by Gaby’s determination and strong-will, akalain mo ba naman, seven months pregnant na nga ito pero naghahanap pa ng trabaho dahil nahihiya daw ito sa kanilang dalawa ni Jenni. She cannot help butadmire Gaby.

Minsan ay gusto niyang tanungin si Gaby kung modelo ba ito dahil sa angking ganda. She was naturally beautiful. Yung tipong di na kailangang ayusin at lagyan ng make-up pero lilitaw pa din ang kagandahan. Gaby wasn’t just an ordinary simpleton. She was sure of that.

Nang nanganak ito ay hindi na ito nagpa anesthesia dahil mas lalaki daw ang gastos. Sila ni Jenni ang nagbayad sa panganganak nito dahil wala talaga itong ka pera-pera. Naiintindihan naman niya ito kaya hindi siya nagdalawang-isip na pahiramin ito ng malaking halaga ng pera.

But just a month after giving birth to a very cute little boy ay nag hanap na kaagad ito ng trabaho. Gaby sacrificed her first few months to pay back the money she borrowed from them. Kahit ilang beses na nila itong kinausap na hayaan muna nito ang utang ay hindi parin ito natinag.

Nakahanap din naman ito ng trabaho as a waitress in a restaurant. But just a few years later, na promote ito at naging manager nan g restaurant na iyon. They were so proud of her. Dahil alam nilang dalawa ni Jenni na ang laki ng baggages na dala-dala nito kahit magaling itong magtago. They can see it in her eyes. Malungkot ito at parang walang buhay.

Buti nalang at dumating si Gavin sa buhay nito dahil napawi man ang sakit at galit na palagi nilang nakikita ni Jenni sa mga mata nito. They were replaced by happiness and contentment. It’s like Gaby was reborn or something. It was a totally different Gabrielle.

“Cous! Look! Ang gagwapo nila oh!” Putol ng boses ni Jenni sa kanyang pag-iisip. Napalingon siya sa likod. Gavin was busy playing in his PSP. “Ano?”

May tinuro itong malaking billboard. “Ayun oh? Oh my gosh! They’re so handsome! ‘Most eligible bachelors in town. Who’s your pick?’ Talagang nakakalaglag naman ng panty ang mga kagwapuhan oh? Sino sa’yo, Cous?”

Tiningnan niya ang malaking billboard na naglalaman ng siyam na mukhang Abercrombie models. Jenni was right. They were very handsome. Buti nalang at traffic dahil makakapagpantasya muna siya ng ilang segundo. Tiningnan niya ang mga pangalan ng mga Adonis tabi ng mga title na ibinigay ng magazine na nag cover sa photoshoot na iyon.

 

L to R:    Xavier Figueroa (The Captain)

                Giovanni Marfori (The Knight)

                Julian Montesor (The Heir)

                Brandon Bañares (The Daredevil)

                Gregory Hontiveros III (The Enigmatic)

                Adamzon Figueroa (The Irresistable)

                Jack Trivilegio (The Elusive)

                Kostas Kostreva (The Debonair)

                Liam Piernavieja (The Wild One)

Bigla siyang natulala sa lalaking nasa pinaka gitna. Greg Hontiveros? He looks very familiar. Parang nakita na niya ito somewhere pero hindi niya alam kung saan. “Manong, talaga bang single pa ang mga iyan?” Di niya maiwasang tanong sa taxi driver.

Tiningnan naman nito ang billboard at umiling-iling. “Hindi po, Maam. Ang ilan po diyan ay may nobya at asawa na.” Napakunot ang noo niya. “Eh bakit ho nakalagay ‘Most Eligible Bachelors in Town’?”

Ngumiti ang driver. “Isang taon na ho ‘yang billboard na ‘yan! Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin pinalitan.”

Napatango-tango siya. “Baka ayaw tanggalin dahil magkakaroon ng welga? Kung mga ganyang mukha ba naman ang makikita mo papuntang trabaho ay talagang mas gaganahan ka.”

“Teka, Manong, may nalalaman ba kayo tungkol kay Gregory Hontiveros? Familiar kasi siya eh.” Biglang singit ni Jenni.

Napatingin siya dito. So hindi lang pala siya ang nagtataka at kung bakit napaka-familiar ng lalaking iyon. “Oo nga. Parang nakita ko na siya somewhere.”

Tumango naman ang driver bago nagsalita. “Ah, si Greg Hontiveros? Ang nalalaman ko lang ho sa kanya ay ikinasal ito nakaraang anim na taon na pero nagkahiwalay din sila ng asawa nito. Ang ganda ho ng asawa nun eh! Nakalimutan ko ho yung pangalan pero Fortaleza yung apelyido. Mayaman din yun! Pag-aari nga nila ang building na ‘yan oh?” Turo nito sa isang napakataas na building sa kanilang harapan.

Napa-wow naman si Jenni sa likod. “Siguro ang yaman talaga ng mga Fortaleza at Hontiveros ano? Haay! Siguro kung magkakaanak man yung si Greg at ang asawa nito ay tiyak akong gwapo o maganda.”

“Sayang nga po eh at nagkahiwalay yung dalawa. Wala na din ho akong balita sa dating asawa ni Greg. Nang nagkahiwalay kasi yung dalawa ay hindi na ito nagpapakita. Laman kasi palagi ng diyaryo ang mukha nito—Ay! Alam ko na! Bree Fortaleza! Yun po yung pangalan ng asawa ni Greg! Nabasa ko yun kahapon lang sa diyaryo na bumalik na daw ito dito sa Pilipinas!” Natatawa siya sa kadaldalan ng taxi driver. Bagay itong maging showbiz reporter.

May itatanong pa sana siya ng biglang nagsalita si Gavin sa likod. “Tita, I’m hungry. Do you have Mrs. Fields?”

Binigyan ito ni Jenni ng dalawang cookies at bumalik na din silang lahat sa katahimikan. Nakalusot na din sila sa traffic at wala pang sampung minuto ay pumasok na sila sa isang exclusive na subdivision. Hinarang sila ng security guard sa may gate. “Saan po tayo?”

Napakunot ang noo niya. Patay ni hindi niya alam kung anong apelyido ni Gaby. “Uhm, kilala mo ba si Gaby, Manong? Ito ho yung address niya at balak sana naming siyang supresahin.” Ibinigay niya ang address dito at thankfully ay tumango naman ito. “Ah, si Ma’am Gabrielle?”

Gabrielle? Yun ba ang tunay na pangalan ni Gaby? Tumango nalang siya at nginitian ito. “Opo, galing ho kaming America at gusto namin siyang i-surprise.”

Nakita niyang medyo nag-aalanganin ito. “Hindi po pwede, Ma’am. Kailangan po kasing may approval kayo galing sa pamilya bago makapasok. Ay teka—Heto pala si Ma’am Sheila! Tatanungin ko nalang po siya.” Pinuntahan nito ang sasakyang nasa kanilang likuran. Napatingin siya sa likod at nakitang may nakasunod sa kanilang kulay puting BMW.

Ilang minuto din ang lumipas nang bumalik na ang security guard. “Okay na ho, Ma’am. Pwede na po kayong pumasok.”

Napatanga siya sa sobrang laki ng mga bahay sa subdivision na iyon. “Mga milyonaryo ba ang nakatira dito?” Rinig niyang tanong ni Jenni. Nag overtake ang BMW sa kanila kaya naman ay pinasundan nalang niya ito sa driver. Tiyak siyang kapamilya ni Gaby kung sino man ang Sheila na iyon.

“Opo, Ma’am. Halos lahat po ng mga mayayaman ay dito po nakatira. Kaya nga ang higpit nila sa gate dahil na din sa utos ng mga tumitira dito.” Napatango nalang silang dalawa ni Jenni. Sinasabi niya na nga ba. Hindi lang basta-basta si Gaby eh!

“Are we there yet?” Tanong ni Gavin sa likod.

“Not yet, Babes, but we’re almost there.” Sagot niya dito.

“But I want to pee!”

“Don’t worry, we’ll be there in a minute or two.”

“I want to see Mommy already.” Sabi nito makaraan ang ilang segundo. Napangiti siya.

“I know, Gavin. We miss your mommy too!” Sagot ni Jenni dito.

Makaraan ang ilang minuto ay huminto na ang BMW sa isang napakalaking bahay. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Gaby lives here?” Pabulong na tanong sa kanya ni Jenni.

“Wow! My Mommy lives here?! It’s fifty times big than our house in Chicago!” Excited na saad ni Gavin sa likod. Nakita niyang bumaba ang babaeng nagmamaneho ng BMW. She was wearing a sunglass kaya naman ay hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito. But one thing is for sure, she’s so pretty.

Binayaran na niya ang driver at binigyan na din ng tip bago bumaba. Sinabihan niya muna sina Gavin at Jenni na wag munang bumaba pag hindi siya sumenyas. Nilapitan siya ni Sheila habang nakangiti. “Hi! You must be Gaby’s friend? Sinabi nga niya sa akin na may dadating daw itong kaibigan galing Chicago. I’m Sheila by the way, her cousin.”

She smiled and shaked hands with her. “Hi, Sheila! My name’s Precious but you can call me Piey. It’s really nice to meet you!”

“It’s nice to meet you too pero naku! Sa loob na tayo mag-usap. Ang init dito sa labas eh. Come on, let me help with your bags.”

Bago pa man niya mapigilan ito ay binuksan na ni Sheila ang pintuan sa backseat. Napatanga ito ng makita si Jenni na lumabas. “Hi! I’m Jenni!” Nakita niyang biglang natigilan si Sheila pero nakabawi din naman kaagad. “Hi, Jenni! Sorry kung nabigla ako, ang sabi kasi ni Gaby ay isang kaibigan lang yung dadating, but of course, you are more than welcome to stay here!”

“Hey! What about me?” Biglang singit ni Gavin. Bumaba na din ito sa taxi at nakangiting tiningala si Sheila. Ngayon ay tiyak siyang nabigla ng sobra si Sheila ng makita ang batang lalaki. Binalingan kaagad siya nito. “A-Anak mo?”

Bago siya makasagot ay naunahan siya ni Gavin. “She’s not my mommy! My mommy’s name is Gaby!”

Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Sheila habang tinitigan si Gavin. Anong problema nito? Para itong tinuklaw ng ahas. “Uh, Sheila. Hindi kasi alam ni Gaby na kasama ko pala yung pinsan kong si Jenni at ang anak ni Gab na si Gavin. We were planning to surprise her.” Paliwanag niya dito.

Hindi pa rin umaalis ang mga mata ni Sheila sa mukha ni Gavin. Nagtataka siya sa reaksyon nito. Dapat nga at kinarga nito kaagad si Gavin at pinupugpog ng halik dahil nakita na nito ang nag-iisang pamangkin kay Gaby pero heto ito at tinitingnan lang si Gavin na para bang lima ang mga mata ng bata. “Is there a problem?” Tanong niya dito.

Bumalik na din sa mukha niya ang mga mata ni Sheila at alanganing ngumiti. “Uhh. No, everything is uhmm fine. Halina kayo sa loob.” Nauna na itong pumasok at tinawag ang pansin ng isang tauhan na lalaki para buhatin ang kanilang mga bagahe.

Kinarga niya si Gavin at hinalikan sa noo. “I don’t think she likes me.” Bulong nito sa kanya.

Napangiti siya. “Are you kidding? She’s just too stunned by your cuteness!” Alibi niya dito. Honestly pati siya ay nakita ang pag-aalinlangan sa mukha ni Sheila nang makita si Gavin.

“What was that all about? Kung makatitig yung si Sheila kay Gavin kala mo may sampung ulo yung bata.” Salita ni Jenni sa kanyang likuran. Nagkibit nalang siya ng balikat.

Nang pumasok na sila sa bahay ay nalula siya sa karangyaang nakikita. Sa sobrang laki ng bahay ay tiyak siyang kakailanganin niya ng mapa. The house was huge alright but it was almost close to being empty. Maliban sa isang sala set na nasa gitna ng sala at isang flatscreen tv sa may bandang kanan ay wala nang ibang makikita.

Nakita niyang nakaupo sa isang sofa si Sheila habang may kinakausap sa cellphone nito. “No, tito’s fine. Pero kailangan mo nang umuwi. ASAP! You have a lot of explaing to do.” Yun lang at binaba na nito ang tawag.

Was she talking to Gaby? Bakit parang napaka-urgent ng boses nito na para bang bobombahan sila ng mga nukes galing sa North Korea any minute?

“Hi! Maupo kayo! I’m sure pagod na pagod kayo galing sa biyahe.” Nakangiting saad ni Sheila. Nang makaupo na silang tatlo ay biglang nagsalita si Gavin. “Where’s mommy?”

Halatang hindi parin nakakamove-on si Sheila sa rebelasyon kaya naman ay mga ilang segundo muna itong tinitigan si Gavin bago sumagot. “She’s coming, honey.” Tumango-tango si Gavin bago may tinanong ulit. “Who are you?”

“I’m your mother’s cousin, Gavin.”

Nanlaki ang dalawang mata ni Gavin. “Really? So your my family?”

Nangingiting tumatango si Sheila. “Yes, Gavin. I’m your aunt and we are a family.”

Bigla itong pumanaog sa kanyang pagkakarga at niyakap si Sheila. “I thought it was always me, mommy, Tita Jenni and Tita Piey. Mommy never said anything about you. What should I call you?”

Nakita niyang namamasa ang mga mata ni Sheila dahil sa sinabi ng bata. Niyakap din nito ng mahigpit ang bata bago nagsalita. “You can call me Tita Sheila, honey.”

Ilang minuto ding nag-usap sina Sheila at Gavin habang silang dalawa ni Jenni ay nangingiting pinagmamasdan lang ang dalawa. Why in the world did Gaby keep Gavin as a secret? Bakit nito itinago sa pamilya ang sariling anak? She knew Gaby was a private person, but she didn’t know she could be this secretive.

Halatang sabik na sabik si Gavin na malamang may ibang pamilya pa pala ito bukod sa kanila nina Jenni. He was wide-eyed and all-ears while listening to Sheila’s stories when the front door suddenly swang open. Pumasok ang dalawang lalaki na tantiya niya’y mga kuya ni Gaby. Magkahawig kasi ang mga mukha nito.

The one wearing the glasses looked at them with a questioning glance while the other one was busy with his phone. Bago pa man siya magpakilala ay naunahan siya ni Sheila. “Kuya James! Kuya Frank! This is Piey and Jenni. Mga kaibigan sila ni Gaby galing sa Chicago. They’re going to stay here for a few weeks.”

Tumayo silang dalawa ni Jenni at nakipagkamay sa dalawang lalaki. “Good Morning. We’re both deeply sorry for the short notice. We were planning to surprise Gaby so we didn’t tell her about our plans.”

Nginitian siya ni James. “You are all welcome to stay here. Please make yourselves at home.”

“Why am I being ignored?” Biglang salita ni Gavin sa kanilang likod. Nakakandong pa din siya kay Sheila pero nakasimangot at naghahalukipkip. Malapit siyang napatawa sa itsura nito.

Nilapitan ni Frank si Gavin at umupo sa tabi nito. “Hey, kiddo! What’s your name?”

Nag-pout muna ito bago sumagot. “Gavin! You?”

Biglang nanigas ang ekspresyon ni Frank. Para itong nakakita ng multo at bigla din itong namutla. Nilingon niya si James at pareho din ang reaksyon nito kay Frank. Bakit ba lahat ng mga tao sa bahay na iyon ay nag-iiba ang reaksyon pag nalamang anak ni Gaby si Gavin? Ano bang problema ng mga ito?

“Why are you looking at me like that?” Natatakot na tanong ni Gavin kay Frank. Dali-dali itong pumanaog sa pagkakakandong at nagtatakbong lumapit kay Jenni at nagpakarga. “They hate me, Tita Jenni! They hate me!” Nangingiyak na sabi nito. Biglang tumaas ang dugo niya sa ulo dahil sa ginawa ng mga ito kay Gavin.

Kumunot ang noo niya. “Is there a problem here?” Lakas-loob niyang tanong kina Frank, James at Sheila. All of them were trying there very best to avoid her glance.

“I think it’s best if we discuss it in the dining hall.” Malapit siyang napasigaw sa biglang pagsulpot ng isang lalaki galing sa kanyang likuran. She bet her favourite shirt that this one right here was the eldest. He was wearing a goatee and has an authoritative aura surrounding him.

Nilingon niya si Jenni at tinitigan ito ng ilang segundo. Nang maintindihan nito ang kanyang gustong iparating ay kinarga nito kaagad si Gavin. “Come on, Babes. You said you wanted to pee right? I’ll accompany you.”

“What? But I don’t want to pee any—” Protesta ni Gavin pero nakasingit kaagad si Sheila. “Nasa second floor yung comfort room. The first to the left.” With that ay nagmamadaling umalis si Jenni bitbit ang isang nagpoprotesta na Gavin.

Tahimik silang lahat habang pumasok sa dining hall. Kung malaki ang living room ng mga ito ay hindi naman magpapahuli ang dining hall. Umupo siya sa isang upuan at tumabi sa kanya si Frank. They were all looking at her as if siya ang may sasabihin at hinihintay lang siya ng mga itong magsimula. “Well?” Tanong niya sa mga ito.

Bumuntong-hinga muna si Goatee bago nagsalita. “How old is he?”

“He’s five years old. Mag aanim na taon na siya two months from now.” Sagot niya dito.

“Is he really Gaby’s son?” Biglang tanong sa kanya ni Frank.

Napakunot ang noo niya. “Of course! I witnessed her giving birth, so yeah, I’m pretty much sure Gavin is Gaby’s son.”

“So she lied to us.” Halos pabulong na salita ni James na nakaupo sa kanyang harap tabi ni Sheila.

“Bakit niya nagawa ‘yon?” Pabulong din na tanong ni Frank.

“I can’t believe she kept the truth from us. All this time.” Pabulong din na saad ni Sheila.

“The things we did to Greg.” Napatingin siya kay Goatee ng sinabi iyon. Greg? That sounded familiar!

Medyo naiinis na siya sa mga pinagsasabi ng mga ito dahil wala siyang ideya sa kung ano man yung nangyari noon. “Wait! I think I’m missing something here. Ano bang nangyari? Gaby lied to you? Kept the truth all this time? I still don’t get it.”

Mga ilang minuto ding tahimik ang mga ito bago siya sinagot. “Gaby made us think that she had a miscarriage six years ago before she left. All this time ay buhay pala ang bata sa sinapupunan niya.”

Napatanga siya. What? Ginawa iyon ni Gaby bago ito umalis dito sa Pilipinas? Ba’t niya ginawa iyon?

Kaya naman pala’y halos lumuwa na ang mga mata ng mga tao sa bahay na ito ng makita si Gavin dahil buong akala ng mga ito’y patay na ito. Na hindi na ito nag e-exist sa mundo. Bigla siyang nanlamig sa realisasyon. Gaby was going to kill her for sure! Sa kanyang ginawang surpresa ay sobra pa iyon sa bombang sumabog!

May tatanungin sana siya ng biglang pumasok si Gaby sa dining hall. Bigla siyang nanigas sa kanyang upuan. Ang laki ng kasalanan niya dito. Ngayon ay alam na niya kung bakit hindi ito nagku-kwento tungkol sa pamliya nito noon dahil may itinatago pala itong napakalaking sikreto. And that secret was no other than her son Gavin!

“Hey, sinong dumating—” Naputol ang sasabihin nito ng makita siyang nakaupo tabi ni Frank. Kaagad siyang tumayo at nilapitan ito. She was smiling on the outside but she was so fucking nervous on the inside. Para siyang inaatake ng asthma sa sobrang kaba. “Piey! Ikaw lang naman pala eh? Kaya naman pala atat na ata akong pauwiin ng mga tao dito!”

Hindi niya alam kung anong isasagot dito. Buti nalang at nagsalita ulit si Gaby. “Kamusta na? How was the flight? Di mo man lang talaga sinabi sa akin na ngayon pala ang dating mo? Sana sinundo na kita.” Nakangiting tanong nito sa kanya.

She took a deep breath before answering. “I wanted to surprise you, Gab. Pero mukhang ako ata ang nasurpresa.” Doon lang napansin ni Gaby na seryoso ang mukha ng mga kuya nito.

 

I’m sorry, Gaby. I’m so so sorry.

 

 

 

______________

BTW, this is Gaby's Wattpad Account. You might want to ask her some questions, just click the external link. Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 60.7K 38
Conrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry...
11.5M 471K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
25.3M 905K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
248K 21.4K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...