ZBS#6: Black Moth's Chemical...

By iamyourlovelywriter

1.9M 45.7K 2.8K

Teaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan... More

Teaser
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE
Extra #1: MasterH's letter to Black Moth
EXTRA #2: She'll gonna make it

Chapter One

111K 2.2K 162
By iamyourlovelywriter

Chapter One


Pakiramdam niya ay sumasakit na ng husto ang ulo niya na tila ba pinupukpok iyon na hindi niya maintindihan, hang-over plus jetlag really sucks they aren't good combination. Kapag nagpatuloy pa siya sa pagmamaneho ng ganito malamang hindi na siya makakarating sa bahay ng kanyang mga magulang dahil sa daan palang ay madidisgrasya na siya and he can't bear the idea that his mom will cry because of him, perks of being the only child in the family.

Ipinarada niya ang kotse niya sa harap ng isang twenty-four hour open coffee shop, kaunti lang ang customers dahil na rin siguro sa pasado ala una na ng madaling araw. Iyong ibang customers may ginagawa they are either college students who are busy with their reports or thesis, may iba namang grupo ng mga babae na sa tingin niya ay katulad din niyang nagpapagising ng dugo.

"Good morning Sir, what can I have for you?" magiliw na bati ng babaeng nasa likod ng counter. Tiningnan niya ang babaeng cashier, the woman doesn't look so bad kahit na nakasuot ito ng uniform sa café na iyon, matatas ding magsalita ng English now he's wondering why she is here. "Sir?"

"Yeah, coffee... strong coffee." He said. "No sugar."

"Okay po Sir, that would be black coffee and no sugar. Iyon lang po ba?"

"Yvette." Narinig niyang singit ng isang customer. "Here's your book, pwedeng paborrow ng isa pa and another black coffee with no sugar and chocolate sin." Napatingin siya sa babaeng biglang tumabi sa kanya. He is tall, pero matangkad din ang babaeng tumabi sa kanya.

"Sure Georgette, wait lang ha mag-oorder lang si Sir." May inabot itong isang libro mula sa ilalim ng counter sa babaeng nagngangalang Georgette. "That would be one hundred fifteen pesos Sir." Nagbayad siya habang binabasa ang libro na nasa ibabaw ng estante. DNA Microarrays and Gene Expression from Experiments to Data Analysis and Modeling. Napangiwi siya sa nabasang title ng libro, how can someone read that one in the middle of the night? Kahit siya hindi magbabasa ng ganoon, ni hindi nga siya nagbabasa ng libro maliban sa mga financial reports.

"Ihahatid ko po sa table niyo Sir ang order po, may I take your name po pala?"

"Ashton."

Isinulat nito ang pangalan niya sa receipt siya naman ay naghanap ng pwedeng maupuan na hindi naman kalayuan sa dalawang babae na nag-uusap sa hindi kalayuan.

"Hindi ka pa uuwi George, baka hindi ka na naman makatulog sa kakainom mo ng kape at nitong chocolate sin."

"Nag-enjoy ako sa pagbasa ng book na pinahiram mo, alam mo iyong one important distinction amongst clustering algorithms."

"Uy, nahook ka rin pala diyan nakakaintriga naman kasi talaga iyong supervised versus unsupervised algorithms na iyan, Kapag pala unsupervised clustering wala siyang predefined set of vector na ginagamit kaya pwedeng gamitin ang hybrid methods."

Pambihira! Gusto niyang iuntog ang ulo niya sa mesa sa mga naririnig niya hindi nap ala niya kailangan ng kape dahil sa naririnig niya ay gising na gising na siya dahil wala talaga siyang maintindihan.

"Here's your chocolate sin at pwede bang ikaw nalang ang magbigay kay Sir nitong black coffee niya. Ang weird niyo bakit gustong-gusto niyo ng ganyang kape ang pait!"

Napaigtad siya ng marinig ang mahinang tawa ng babaeng kausap ng cashier. "Hindi naman siya mapait, well, sa simula mapait nga siya pero masasanay ka rin." Bakit parang may ibang meaning ang sinabi nito sa simpleng kape lang.

"Excuse me po Sir here's your coffee."inilapag ng babae ang kape niya. Kunot-noong napatingin siya sa babaeng nasa harap niya. Hindi lang pala ito matangkad, hindi niya nakita ang mukha nito dahil sa mahabang buhok nito, nakasuot din ito ng malaking salamin na parang sa lola niya na kulay gold pa ang frame. Nakasuot ito ng turtle neck sweater na kulay black naka tuck-in sa isang khaki na slacks. Napangiwi siya ng makita ang ayos nito, it's a sore to the eye.

His mom used to tell him he needs to look presentable, nasanay narin siya na ang nakikita niya ay magaganda at presentable. Kaya ng makita ang combination na black turtle neck sweater and khaki slacks na iyon bandang dulo pa ay nakatiklop hanggang sa may ankle nito at may suot din itong black penny loafers. Walang sense of fashion ang babaeng ito, sayang maganda pa naman ang beywang nito kayang-kaya lang yata niyang hawakan gamit ang dalawnag palad niya.

Agad na umalis ang babae at doon lang siya nakahinga ng maayos dahil sumakit talaga ang ulo niya, tiningnan niya ang kape na hawak niya at agad iyong ininom. Muntik na siyang pumalatak ng mapaso ang dila niya sa init ng kape nakalimutan niyang mainit pa pala iyon. Inis na tiningnan niya ang babaeng walang sense of fashion dahil ito ang dahilan kung bakit nawala siya sa tamang wisyo.

May dalawang babae siyang ayaw na ayaw sa buong mundo, he hates virgins because when he do them they'll think that they are special and they want you to be their first and last which will never happen. He likes sex, no string attach. And next is, he hates nerds because for him nerds are frigid in bed, they might be smart in so many things but he doubt it if they are also smart in bed. He wants his woman to be passionate and knowledgeable at hindi na niya kailangang turuan pa, hindi naman siya propesor.

"Hello?" direkta pa rin ang mga mata niya sa babaeng version ng kaaway ni Perry the Platypus. May kausap ito sa telepono habang sinusuot nito ang isang puting lab coat kung hindi lang niya napigilan ang sarili ay baka humagalpak na siya ng tawa thanks to the coffee he's sipping right now napigilan niya ang sarili niya. "Uuwi na ako Maya just locked all the doors and please do lock my lab yesterday you leave it opened nakapasok si Kitty doon binasag niya ang formula 43x ko and I don't want that to happened."

Lihim siyang pumalatak hindi kasi niya matukoy kung galit ba ang babae na nasa harap niya o nagmamakaawa sa kung sinuman na kausap nito. He is sipping his coffee ng bumaling sa kanya ang babaeng walang fashion sense at muntik na niyang mahulog ang hawak na tasa niya dahil kahit wala itong fashion sense, kahit na nakasuot ito ng malaking eyeglasses at kahit wala itong make-up ay hindi maikakailang napakaganda nito.

Lumaki siya sa fashion industry, his mom was a model who was a stylist during her younger days. Ang ninong niya ay may-ari ng RJS at ninang naman niya ay isang famous designer. Ang kanyang mga pinsan ay hindi rin maikakailang pwedeng ihanay sa mga nasa billboard na nakatayo sa Edsa pati na rin ang kanyang kababata ay ganoon din. At ang babaeng nasa harap niya ay pwedeng ihilira din sa mga models.

Napakurap lang siya ay wala na ang babaeng iyon, napamura siya naalala niyang pinapahanap pa siya ng mommy niya ng bagong model sa bagong lingerie line na bubuksan palang ng mga ito. Pwedeng-pwede ang babaeng iyon! Tumayo siya at sinundan ito pero isang blue na kia na papalayo lang ang nakita niyang papalayo. Agad siyang bumalik sa counter upang alamin kung sino iyong babaeng kamukha ng mortal enemy ni Perry the platypus.

"Miss."

"Yes Sir?"

"Kaibigan mo iyong babaeng kausap mo kanina right?"

"Huh?" napatanga ito sa kanya.

"I need to know her name."

Napakamot ito ng ulo at ngumisi sa kanya. "Kanina ko lang po siya nakilala sir nakita ko kasi siyang may binabasang napakagandang libro kaya kinaibigan ko, nalaman ko lang na Georgette ang pangalan niya dahil sa order niyang kape." Sa tingin niya ay nagsasabi naman ng totoo ang babaeng kausap niya, kung nagsisinungaling ito hindi niya malalaman. He excused himself dahil alam niyang wala din namang silbi ang maghanap sa babaeng iyon, sayang din his mom would surely love that woman she had the face and the body.

Tuluyan ng nawala ang antok niya, mas mabut na rin sigurong umuwi na sila at mas mabuti na rin sigurona hindi niya naabutan ang babaeng iyon, ayaw niyang kausap ang mga taong sobrang talino din.







MAAGA siyang nagising at tinutulungan si Maya na maghanda ng almusal, last night she had a meeting with the girls, ngayon niya narerealized na hindi na pala sila talaga mga bata. Karamihan sa mga kaibigan niya ay isa-isa ng nagsipag-asawahan iyong iba ay may mga partners na rin at masaya siyang malaman na okay na sila. She is actually waiting for them to settle down bago siya sumunod kay Hexel sa kung saan man ito naroroon. Ito ang trabahong naakaatas sa mga braso niya bilang leader ng sorority, she needs to make sure na okay ang takbo ng buhay ng mga kaibigan niya.

Nasa bahay niya ngayon si Diana dahil nag-away ito at ng asawa nito, alam naman niyang magkakaayos din ang dalawa lalo pa at naguguluhan lang ang kaibigan niya. inamin na rin naman nito na mahal na nito si Warren, clueless si Diana sa feelings nito dahil ito ang tipo ng taong alam na nga idedeny pa. She can't blame her too sa mga napagdaanan nito sino ba ang mabilis magtiwala?

"Ay may kumakatok ate." Untag ni Maya sa kanya, abala ito sa pag-aayos ng mga plato.

"Ako na gisingin mo nalang si Diana at ng makakain na rin siya." Aniya dito, agad siyang naglakad papunta sa pintuan at mabilis iyong binuksan. Nagulat siya ng makitang si Warren ang nandoon, galit na galit pero may halong pag-aalala sa mukha nito. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa likod niya nagbabaka sakaling makita nito ang asawa nito.

"Nasaan si Diana?"

Umiling siya, sa ginawa nito sa kaibigan niya siguro naman deserves din nitong pahirapan ng kaunti lang.

"I don't know wala siya dito."

"Liar! Alam kong dito lang pwede magpunta si Diana Rose."

"Nagkakamali ka yata Warren, kaibigan nga ako ni Diana but it doesn't mean ako lang ang kaibigan niya." paalala niya dito pero mukhang wala itong balak na makinig sa sinasabi niya dahil mukhang mas malakas ang kutob nitong nasa loob lang si Diana.

"Ilabas mo ang asawa ko kung ayaw mong magdemanda ako ng kidnapping."

"Wala dito ang asawa mo." Kung ito ay nanggagalaiti na sag alit siya naman ay natutuwa sa pang-aasar niya kay Warren.

"Alam kong nandito si Diana, wala siya sa opisina kaya alam kong nandito siya." papasok sana ito ng mapigilan ito ng maharangan niya gamit ang katawan niya. "Huwag mo akong pigilan or else ipapagiba ko itong bahay mo."

"Wala kang holds sa akin Mr. Cuevas dahil ang titulo ng bahay at lupa ko ay nasa pangalan ko at hindi ko ito binebenta. Ikaw pa nga ang pwede kong kasuhan ng trespassing." Kalmado pa ring sabi niya.

Abala siya sa pakikipagtitigan dito ng biglang may isa pang matangkad na lalaki na biglang huminto sa harap niya at tumabi kay Warren.

"Wala pa ba Warren? Nasaan na ang asawa mo?"

"Ayaw akong papasukin ng kidnapper na ito." Nagdala pa ng kaibigan si Warren mukhang seryoso na nga ito pero hindi siya papayag na makapasok ang isa sa mga ito unless si Diana na mismo ang magsasabing lalabas na ito at haharapin na nito ang asawa nito. Kahit matangkad siya ay nagmumukha siyang unano sa harap ng mga ito. Sa kanila sila lang ni Chloe, Hexel, Monique at siya ang lumampas ng five feet and six inches ang height kaya mas matangkad sila sa mga iba pa nilang kaibigan. Humalukipkip siya at nagkibit-balikat nalang hindi naman height ang basehan ng tapang ng isang tao nasa tao na iyon mismo.

Tinitigan siya ng lalaking bagong dating at ngumisi. "Oh well, ako na ang bahala sa maliit na babaeng ito. Go and find your wife." Napanting ang teynga niya sa sinabi ng lalaking bagong dating, of all people siya pa talaga ang sinabihan ng maliit. Matangkad kaya siya slim lang talaga ang katawan niya, naramdaman niyang may humila sa kanya palayo sa pintuan at dinala sa kung saan. Nang lumingon siya ay nakita niya si Diana Rose na karay-karay na ni Warren, napabuntong-hininga nalang siya at saka binalingan ang kumalakadkad sa kanya.

"They are gone pwede mon a ba akong bitiwan?" malumanay ang boses niya, hindi siya nang-uutos nagsasabi lang siya. Kumurap ang lalaki na para bang nakakita ng aparisyon.

"Hindi ka galit?"

She sigh. "Galit ako pero nangyari na ang nangyari at saka ginawa lang naman iyon ni Warren dahil nag-aalala siya sa asawa niya kaya ganoon. Bitiwan mo na ako baka mangalay ka sa kakahawak sa akin wala pa namang gamut sa pangangalay ang bahay ko." Ngumiti siya dito.

Agad siyang binitiwan ng lalaki. "You don't remember me, do you?" ipinasok nito ang dalawang palad sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. Inaamin niya na magandang lalaki din ang kaharap niya may hawig kay Ainsley at sa mga kapatid nito.

"Are you somehow related to my friend Ainsley? You look like her brothers."

"I'm Ashton Villaraga, Ainsley's cousin."

"Okay, kaibigan ka rin pala ni Warren. It's nice to meet you Mr. Villaraga." She bowed a little bilang pagbati niya dito.

"Hindi mo nga ako naalala ako iyong sa coffee shop."

Kumurap siya at inaalala ang pangyayari sa coffee shop, kapag hindi nakasulat sa libro ay hindi naman siya nagtatangkang umalala ng mga tao. Noon oo, madalas niyang naaalala ang mga pangyayari kapag gusto niya pero natutunan na rin niyang isort out kung ano lang ang pwedeng manatili sa kanyang utak. Hindi lahat ng bagay na nangyayari sa buhay mo ay pawing magaganda may mga hindi rin magaganda.

"Hindi mo nga ako naalala."

"Sorry." Sincere na hingi niya ng paumanhin dito.

"Why are you apologizing?" takang tanong niya.

"I am sorry hindi kita naalala I am really sorry-."

"What the fuck-."

"Hala huwag kang mag-curse dito baka may dumaan na bata bad iyon."

Natawa itong bigla habang gulat na gulat na napatingin sa kanya. "Lady are you for real?" hindi makapaniwalang tanong nito.

She tilted her head and smile at him. "Biologically speaking yes I am real, I have cells, I have tissues and organs, may organ system din ako kaya ako ay isang organism na katulad mo. I comprises one of the millions population that makes up a community which makes up an ecosystem and the entire bio-." Napakagat siya ng labi ng nailing na tumingin ito sa kanya mukhang napasobra na iyong sinabi niya, those are the facts but seriously speaking ang mga tao ngayon mas trip pag-usapan ang lovelife nila keysa sa nangyayari sa ekonomiya ng bansa at mukhang ang lalaking kaharap niya wala ding pakialam kung sabihin niyang may apat na kulay ang ink sa printer niya. 

"Yes, you are real. Now for the real talk, pwede ka bang magmodel ng lingerie?" Ehh? Naghang naman ang utak niya sa sinabi nito, paspasan eh hindi man lang huminga. 

"Ano?" maang na tanong niya.

"Lingerie, you know brassiere and panties." Tinitigan niya ito now she is wondering whether the guy is straight or slightly... crooked? "My mom is opening a new line she asked me to look for a model and I think you are a good catch."

Natawa siya ng malakas sa sinabi nito at sabay na napa-iling.

"What seems so funny?"

"You Mr. Villaraga." She stepped back a little. "Look at me." Iminwestra niya sa harap nito ang kanyang katawan. She's wearing a monochromatic black and white cotton shirt and sweat pants. "Do you really think I had the guts?"

"You have the body."

She smile at him. "Iba ang may katawan sa may kakayahan Mr. Villaraga. Kapag sinabi mong may katawan kung wala namang guts iyong ganda ng lingerie ng mommy mo hindi makikita iyon ng mga tao, katawan lang ang makikita nila. Kapag sinabi mong may guts kahit na hindi gaanong maganda ang katawan niya nadadala sa pagdadala and I know myself better than you. I may have the body but surely I don't have the guts."

Mahaba ang naging paliwanag niya.

"Guts can be learned."

Tumango siya. "That's true for someone who is open to learn and I am not. Masaya na ako sa kung anong meron ako hindi ko kailangang ipangalandakan ang katawan ko sa ibang tao para sumikat dahil hindi naman iyon ang gusto ko. Naniniwala pa rin akong, the more you show the little you can give. It's nice meeting you Mr. Villaraga and sana makakita ka na ng model na pwede mong dalhin sa mommy mo." Magalang na paalam niya at pumasok sa loob ng kanyang bahay.

Napangiti siya sa kanyang sarili.

She might have almost everything... but she will never have something that she craves the most and that's her.... FREEDOM.





9

<<3 <<3 <<3

A/N: Hot sunday people, ang mga tao dito sa bahay nagrereklamo ng init i can't blame them though i am too hot kaya feel na feel din nila ang hotness ko #bagyongINENG. Ganoon talaga ang buhay ng busog ka, nagpipiggy mode ako ngayon eh at wala kayong pakialam #pabebemodeON, masyado lang akong masaya dahil hindi nnatuloy ang kasalang Frankie at Yaya Dub, dapat si Frankie at si Duhh ang magkatuluyan eh they deserves each other hahaha.. huwag lang si Alden at si  Yaya Dub. Kahit ilang ulit kong panoorin ang unang pagkikita nila sa TV ay napapangiti pa rin ako, feel na feel ko iyong nafeel ni Yaya Dub... 'the first time' eh, kung kailan nagsimula ang tuksuhan. hahahaha... ang trip ko sa kanila ay hindi sila pangteenager lang, pangmasa sila. Last time akong natuwa ng ganito sa isang loveteam ay kay Melai at Jason pa sa PBB house, hahahahah... wala eh, iyon iyong lovestory talaga kasi nagkatuluyan talaga sila at may baby Mela na sila ngayon. Tapos next ay heto, itong dalawang ito... hindi kaya magkatuluyan din sila sa totoong buhay? #Maine #Alden? Well, depende naman siguro iyon... nagkatuksuhan na eh at minsan sa tuksuhan na ganyan nadedevelop ang feelings, noon yaya dub lang ang tawag ni Alden kay Yaya Dub ngayon ay Maine na talaga. 

Ang haba na nitong a/n kong puro Aldub lang naman ang laman. hahahahahaha. 

STATUS UPDATE: Sa tamang panahon.

PPPS: Take note of something unnoticeable... :-)

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 39K 16
TEASER: Isang curse... as in... malaking sumpa ang umibig sa bestfriend mo. At ang sumpang ito ang naranasan ni Lei. Isang sumpang ayaw na sa...
4.5M 107K 35
Papayag ka bang mag pretend ang boyfriend mo na boyfriend ng iba? At ikaw mag pretend na girlfriend ng boyfriend ng iba? Sa madaling salita 'exchange...
268K 1.4K 37
A list of my favorite authors here in wattpad. The list of their stories here are the ones that I've read.
1M 19.4K 13
Teaser: What will you do if the person you love the most hurt you? What will you do if the person you loathe the most came back? What will you do if...