FWO: Fantasy World Online (CO...

By _jammi

350K 14.2K 825

Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we... More

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1: WHAT'S THIS GAME?
CHAPTER 2: THE BASEMENT
CHAPTER 3: WELCOME TO FWO!
CHAPTER 4: TROUBLED THOUGHTS
CHAPTER 5: EXPECT THE UNEXPECTED
FWO: WORLD OF MONSTERS
[W.O.M] CHAPTER 1: THE REAL GAME HAS BEGUN
[W.O.M] CHAPTER 2: WHAT ARE YOU?!
[W.O.M] CHAPTER 3: HIDE MY IDENTITY
[W.O.M] CHAPTER 4: FIRST EVER RARE DROP
[W.O.M] CHAPTER 5: THE COOKING CONTEST
[W.O.M] CHAPTER 6: WE MEET AGAIN?
[W.O.M] CHAPTER 7: FIRST PVP DUEL
[W.O.M] CHAPTER 8: TRAINING START!
[W.O.M] CHAPTER 9: MONSTER ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 10: NEAR DEATH ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 11: SCHOOL GIRL NO MORE
[W.O.M] CHAPTER 12: SAVING A FRIEND
[W.O.M] CHAPTER 13: PECULIAR DREAM
[W.O.M] CHAPTER 14: WORLD OF MONSTERS MULTI-BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF SWORDS
[W.O.S] CHAPTER 1: THE HEROES
[W.O.S] CHAPTER 2: TRAPPED??
[W.O.S] CHAPTER 3: ODD MISSIONS
[W.O.S] CHAPTER 4: SEA OF STORM & THE MYTHICAL CAVE
[W.O.S] CHAPTER 5: THE CURSE & GIFT
[W.O.S] CHAPTER 6: ENEMIES' TRICKS & CONFUSION
[W.O.S] CHAPTER 7: NEW ACQUAINTANCES
[W.O.S] CHAPTER 8: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 1)
[W.O.S] CHAPTER 9: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 2)
[W.O.S] CHAPTER 10: A HUMAN'S VULNERABLE HEART
[W.O.S] CHAPTER 12: KIRO'S REALIZATION
[W.O.S] CHAPTER 13: RULES ARE MADE TO BE FOLLOWED
[W.O.S] CHAPTER 14: FINDING HER
[W.O.S] CHAPTER 15: THE GAME MASTER'S CHANGE OF PLANS
[W.O.S] CHAPTER 16: SOMEONE'S BEEN KIDNAPPED
[W.O.S] CHAPTER 17: PEOPLE'S DISAPPEARANCE
[W.O.S] CHAPTER 18: FOUND HIM
[W.O.S] CHAPTER 19: ASKY'S TRUE STRENGTH
[W.O.S] CHAPTER 20: KIRO'S CONFESSION
[W.O.S] CHAPTER 21: SILVER'S MISTAKE
[W.O.S] CHAPTER 22: SILVER'S PLAN
[W.O.S] CHAPTER 23: KIRO & HIS FAMILIAR, YURI
[W.O.S] CHAPTER 24: ASKY'S DISCOVERY
[W.O.S] CHAPTER 25: THE GUILD LEADER'S TRUE FORM
[W.O.S] CHAPTER 26: WORLD OF SWORDS FINAL BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF FAIRIES
[W.O.F] CHAPTER 1: SHATTERED EMOTIONS
[W.O.F] CHAPTER 2: THE GAME'S NEW FEATURE
[W.O.F] CHAPTER 3: UNKNOWN CIRCUMSTANCES
[W.O.F] CHAPTER 4: KIRO'S DISCOVERY
[W.O.F] CHAPTER 5: THE CLUE
[W.O.F] CHAPTER 6: UNSOLVED QUESTIONS & THEIR OPINIONS
[W.O.F] CHAPTER 7: A FAMILIAR'S APPEARANCE
[W.O.F] CHAPTER 8: TO KILL OR TO BE KILLED
[W.O.F] CHAPTER 9: OVERCOMING FEARS
[W.O.F] CHAPTER 10: THE MYSTERIOUS SKY
[W.O.F] CHAPTER 11: THE ILLUSION
[W.O.F] CHAPTER 12: SILVER'S FEELINGS
[W.O.F] CHAPTER 13: ZETH'S IN TROUBLE
[W.O.F] CHAPTER 14: THEIR WORST NIGHTMARE
[W.O.F] CHAPTER 15: THE TWINS
[W.O.F] CHAPTER 16: A BEST FRIEND'S LOVE
[W.O.F] CHAPTER 17: CRUELTY & DESPAIR
[W.O.F] CHAPTER 18: A RELENTLESS BATTLE
[W.O.F] CHAPTER 19: THE DREADED REALITY
[W.O.S] CHAPTER 27: THE REVELATION
[W.O.S] CHAPTER 28: THE LOST MEMORIES
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 1: THE GAME MASTER
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 2: THE TRUTH OF IT ALL
E P I L O G U E
ACKNOWLEDGEMENTS

[W.O.S] CHAPTER 11: UNINTENTIONAL DECISION

3.3K 166 5
By _jammi

A S H E

"Ano? 'Yan lang ba ang kaya mo?" tanong niya.

Argh! Ang yabang niya talaga! Alam niyo bang kanina pa kami nagte-training at ni isang segundo, hindi niya man lang ako pinagpapahinga? Walang awa!

"Hinahamon mo talaga ako ah. Heto ang sa'yo!" sigaw ko sabay sugod sa kanya.

*sword cracks sfx*

Nanlaki ang mga mata ko at napaluhod dahil nabalian nanaman ako ng espada. Nakailang gamit na ako huhu.

Naka-duel mode kami ni Kiro at may malawak na barrier na nakapalibot sa amin. May gamit kaming wooden sword at kapag malakas ang impact ng tira mo, talagang masisira ito. Syempre hindi naman namin gagamitin 'yung mismong sword namin dahil nagte-training lang naman kami.

Pang-bente ko na atang sword to eh, nabali nanaman. Oo nabalian ko na rin siya pero dalawang beses palang. Ikaw ba naman kalabanin ang isang katulad ni Kiro? Tsaka hello? Lalake po siya at babae lang naman ako. Magkaiba ang lakas namin.

Hinagisan niya ako ng isa pang sword at sinalo ko iyon.

"Isa pa. Diba gusto mong mapalabas ang true strength mo? Work harder!" sabi niya. Tama naman siya eh. Aish! Hindi na nga ako magrereklamo.

Pinikit ko ang mga mata ko at nag-focus. Eto na!

"Game!" sigaw ko.

Tumakbo ako ng mabilis at nang malapit na ako sa kanya, natisod ako ng bigla niya akong pigilan. Napadausdos pa nga ang mukha ko sa kamay niya dahil iyon ang pinangharang niya. Inis kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.

"Bakit?!" taka kong tanong.

"Gutom na ako." sabi niya sabay deactivate ng barrier. Tingnan mo 'yan. Kung hindi pa siya nagutom, hindi niya pa maiisipang tumigil.

Aish! Padabog akong tumayo at naglakad na. Umupo muna ako sa damuhan.

"Gabi na pala?" sambit ko at tumingin sa langit. Di alintana kanina kasi may illusion sa loob ng barrier. Depende kung anong background ang maga-appear.

*stomach grumbling sfx*

"Hala, gutom na ako. Ayoko namang pumasok sa loob dahil badtrip pa ako sa kanya. Titiisin ko nalang muna 'to." sabi ko sa sarili ko.

Yumuko muna ako at pinikit ang mga mata ko. Pagka-angat ko, may nakita nalang akong sandwich sa harap ko. Inaalok niya ko at tiningnan ko lang siya.

"Ano? Ayaw mo?" tanong niya.

"Wag na. Baka labag pa sa kalooban mo." sabi ko sabay talikod sa kanya. Pumunta siya sa harap ko at umupo. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang pagkain.

"Kainin mo 'yan. Kailangan mo ng lakas." sabi niya. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso.

"S-salamat." sabi ko sabay subo.



K I R O

Kumakain lang siya ng tahimik at walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa kanya. Maya-maya, napagdesisyunan ko naring magsalita.

"Asky." tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin.

"Bakit?" tanong niya.

"Sorry." sabi ko.

"Sorry saan?" tanong niya.

"Sorry dahil sobra kitang pinagod kanina. Sorry kung di ko pinapansin yun. Gusto ko na kasing matapos 'to. Gusto ko ng mapalaya mo si Yume." sabi ko sa kanya.

"Ako rin naman eh. Tsaka wala 'yun, ako lang naman ang mareklamo hehe. Tsaka sobrang makakatulong 'yun sa akin. Feeling ko nga nadagdagan ang lakas ko. Pero sa tingin ko, hindi pa sapat." sabi niya.

Nakikita ko sa mga mata niya ngayon na nahihirapan siya.

"Kaya mo naman 'yan eh. Ikaw pa." sabi ko.

"Teka, bakit parang may iba sa tono mo? May sasabihin ka ba?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at pinindot ko ang blue button.


[Disband Party? OYes ONo]


I pressed... yes.



A S H E

Nakatingin lang ako sa kanya at nagtataka kung ano ba 'yung pinipindot niya. Sobrang seryoso kasi ng mukha niya ngayon. Parang may iba. Parang may mangyayari na hindi ko maipaliwanag. Parang hindi ko... magugustuhan.

Maya-maya, may biglang lumabas na virtual screen sa harap ko.


[The party has been disbanded by Kiro.]


Napatingin ako sa kanya.

"Anong joke 'to Kiro? Trip mo nanaman ako asarin no? Haha! Sabi mo walang magle-leave?" sabi ko sa kanya. Ayokong seryosohin ang mga nangyayari. Tama, baka trip lang nanaman akong asarin nito.

Pero nawala ang mga ngiti ko nang hindi siya kumibo.

"Pasensya na pero kailangan kong gawin 'to." sabi niya.

"Pa'nong kailangan? Diba partners tayo? Diba magkasama natin silang kakalabanin? Diba sabay nating tatapusin ang mundong 'to? Diba... magkaibigan tayo?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

Naramdaman ko na biglang nag-iba ang aura niya, at doon na nagsimulang madurog ang damdamin ko.

"Kaibigan?" tanong niya.

"Oo. Bakit, hindi ba?" taka kong tanong.

Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko na siya maintindihan.

"Tsk. Asky, hindi tayo magkaibigan. Tsaka diba humingi ka lang naman ng tulong sa'kin? Sorry pero hanggang dito nalang." sabi niya. Hindi ko na napigilan at bumuhos na ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.

"Kiro pasensya na ah? Pasensya na dahil naging pabigat ako sa'yo. All this time, mali pala ang akala ko. Alam mo bang simula nung makita kita, panget ang first impression ko sa'yo? Pero nabago lahat ng 'yun nang makilala kita. Hindi ko makakalimutan ang mga kabutihang ginawa mo sa akin. Oo inaamin ko. Naiinis ako sa kayabangan mo pero isa iyon sa mga nagustuhan ko sa'yo. Dahil sa ugali mong 'yun, nakumpleto ka. May kakaiba kang side na hinayaan mong matuklasan ko. Napakabait mo pala. Hindi mo ako pinabayaan. Salamat sa pagpapalakas sa'kin. Dahil sa'yo, nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Natuto akong lumaban." tumigil ako para punasan ang luha ko at tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Naging masaya ako nung mga panahong magkasama tayo. Kahit na minsan, paiba-iba ang mood mo. Pero di ko maipaliwanag eh. Kakaiba kasi talaga kapag kasama kita." sabi ko.

"Bago ko pasukin ang mundong 'to, hindi ko inaasahan na may makikilala akong isang katulad mo. Isang tao na buong kusang loob na tumulong sa akin. Hindi ko makakalimutan ang mga memories na kasama kita. Salamat Kiro. Salamat sa lahat." sabi ko sa kanya.

Ayoko ng magtanong pa sa kanya kung bakit niya ginawa ito. Alam kong may dahilan ang lahat kung bakit niya gustong gawin 'to. Siguro para na din sa akin. Para matuto akong lumaban at protektahan ang sarili ko nang mag-isa.

Yumuko siya at nagsalita na. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Wala 'yun. Ayaw ko lang na may isa pang taong tutulad sa'kin. Na naging mahina at nakagawa ng bagay na hindi tama. Gusto kong matuklasan mo ang mga bagay sa sarili mong paraan. Tsaka, kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin Asky. Tandaan mo 'yan." sabi niya. Tumayo na siya at naglakad.

"Teka lang!" pigil ko sa kanya. Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya.

"Basta para sa'kin kaibigan kita. Tandaan mo rin 'yan ha? Wag ka ng mag-alala sa'kin. Malakas 'to dahil product ata 'to ni Kiro. Haha!" pagkasabi ko nun, napangiti siya pero sumeryoso din agad at hinawakan niya ako sa balikat.

"Promise me one thing." sabi niya. Tumingin ako diretso sa mga mata niya.

"Live." sabi niya.

"Oo naman tsaka magkikita pa ulit tayo eh. Kapag nangyari 'yun sasabihin mo sa'kin ang dahilan mo ah!" sabi ko.

"Oo." sabi niya at nagkamayan kami.

"Well, I guess hanggang dito nalang talaga. Magiging solo player na ako. Malay mo mas maging magaling pa ako sa'yo." sabi ko sa kanya.

"Prove it." sabi niya at nag-ngitian kami. Hindi nagtagal at tuluyan na rin kaming nagpaalam sa isa't-isa. Unti-unti na siyang naglaho sa pangin ko.

Paalam Kiro, hanggang sa muli nating pagkikita.


*****


(Time: 6:00 A.M.)

Dahan-dahan kong idinilat ko ang mga mata ko.

Panibagong araw nanaman. Panibagong araw na bago sa'kin. Mag-isa ko nalang ulit ngayon. Nasaan na kaya si Kiro? Sa tingin ko ginagawa niya na ang lahat para mapalaya si Yuri.

Kahit papa'no masaya akong malaman na hindi naman pala ako naging pabigat sa kanya. Doon palang, ayos na ako.

Ashe, tama na. Wag mo ng isipin yun. Iniyak mo naman na lahat kagabi. Ganyan talaga ang buhay. Ang mahalaga, masaya kayong naghiwalay. Mabuti pa at mag-focus ka nalang sa mission mo. Isipin mo lang ang kaligtasan mo.

Yume. Sorry dahil natatagalan ako ah? Wag kang mag-alala, sisikapin kong mahanap ang true strength ko.

Dahil... ikaw nalang ang natitira sa'kin sa mundong 'to.


Continue Reading

You'll Also Like

240K 11.1K 96
Mga lumang pamamaraan at mga sikretong kaalaman ng pangagamot. Ang mga di pangkaraniwang sakit Mga nakulam at nabarang Sinaniban ng masasamang ispir...
874K 8.7K 10
She was just a normal girl living by herself. She is always lonely. She was called a cold-hearted person by other people. She's a ruler that no one d...
The Healer 2 By loe

Science Fiction

14.2K 559 35
Maraming nagbago sa buhay ni Heaven Carlos. Madaming mga katanungan ang gumugulo sa kaniya kahit ang kaniyang sarili ay pinagdududahan niya. Hindi ni...
1M 27.2K 69
She's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL...