A/N: To my active readers/twitter followers, nasabi ko na the next chapters are based on a true story but i've decided na ibalik siya sa fiction. So no, ang mga susunod ay hindi nangyari sa totoong buhay, medyo lang. And hindi ko sasabihin kung ano ang totoo sa hindi. Hahaha! Babye. Enjoy reading.
#TeamJaSherFTW
• • • • • • • • • •
"Yes, asshole. I do care about you."
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄
ASHER: Tara labas tayo
ADRIANNA: san punta?
ASHER: Nood tayong sine :D
ADRIANNA: libre mo
ASHER: Malamang
ADRIANNA: WEH. LIBRE MO NGA?
ASHER: Parang tanga 'to -_- LIBRE KO NGA.
ADRIANNA: hehe, sige po. sama ko si whitey
ADRIANNA: asher
ADRIANNA: huy
ADRIANNA: tao po?
ASHER: New phone. Who dis
ADRIANNA: WEH
ASHER: Dami mong alam. Maligo ka na bilis sunduin kita
ADRIANNA: naligo na ako soy
ASHER: Edi magbihis ka na. Lintek na
ADRIANNA: ah, ge. lintek pala e
ASHER: Joke lang po mahal kong prinsesa. Mag bihis ka na po para maka alis na tayo po.
Natawa ako sa reply ni Asher. Kung sa totoo lang, minumura na siguro ako nito sa isip niya pero 'di ko maiwasang hindi kiligin sa reply niya. Sa loob ng isang linggo, nagawa ko nang kalimutan kung ano ang nangyari nung gabing 'yun. Mas maganda siguro kung kalimutan na talaga. Tsaka wala siyang ginawa sa buong isang linggo kundi bumawi.
"Mahal kita Adrianna. Tangina, 'di ko pa 'to naramdaman sa iba. 'Di ko akalain na mahuhulog ako ng ganito sa'yo. Nakaka inis ka. Ta's palagi mo pa akong pinag seselos. Tuwang tuwa ka e noh? Pero ayos lang 'yon. Alam kong wala pa akong karapatan sa'yo at naiintindihan ko kung hindi mo pa masabi na mahal mo rin ako dahil sa ginawa ko, pero maniwala ka, pinagsisisihan ko 'yun. Mahal na mahal kita. Nag b-blanko utak ko tuwing kasama kita. Hay, tangina. Shet ka. I love you."
Ano ba ang tamang response jan? Hanggang ngayon ay na a-awkward parin ako tuwing inaalala ko ang conversation namin na 'yan nung isang araw nung tumawag siya sakin. Kung normal na babae siguro ako, sasabihin ko na ang sweet sweet niya, aaminin ko na mahal ko din siya. Kaso ako si Adrianna Marie Gomez, at ang sagot ko sakanya ay,
"Corny mo gago hahaha!"
Wooo orayt, rock and roll to the world.
Napa iling nalang ako sa sarili nang maalala ko nanaman. Pumasok na ako sa loob ng bahay dahil nagpapahangin ako sa may terrace para makapag bihis at makapag ready na ako. Hindi ko pinatuyo 'yung buhok ko ngayon kaya naman wavy ang baba nito pero hindi naman sabog kaya okay lang na mag lugay ako. Simpleng blouse at jeans lang ang suot ko tapos hindi na din ako masyadong nag make-up. Mahilig pa naman ako mangamot ng mukha kapag napipikon, naiinip or naiinis ako kaya masasayang lang.
Nung nag susuot na ako ng hikaw, narinig ko ang pag tahol ni Whitey at ang mura ni Asher kaya naman napa ngiti nalang ako. Kinuha ko na 'yung clutch ko at lumabas na ng kwarto ko. Nakita ko si Ate Sky at Tita sa may sala, nanonood ng Showtime. "Mauna na po ako," paalam ko sakanila.
"Mag-text ka Adrianna ha," bilin ni Ate.
"Wag kamo kayo papa-gabi," sabi naman ni Tita.
"Opo," sagot ko sakanila at nagmadali na lumabas bago pa sila mag SONA tungkol sa kung ano ang bawal at pwede.
Pag dating ko sa may gate ay nagtititigan si Whitey at si Asher. Napa irap nalang ako at inusog ng kaonti 'yung aso para maka labas ako. Nawala ang inis sa mukha ni Asher ng makita niya ako sabay binigyan ako ng nakakatunaw na ngiti. Inilagay niya ang kamay niya sa batok ko at hinalikan ako sa tuktok ng ulo bago niya ako inakbayan, "Tara?"
Nginitian ko siya, may kung ano anong paro-paro na nagsisi liparan sa tyan ko. "Tara."
Hindi nagbibiro si Asher nung sinabi niyang libre niya ako ngayon. Sa totoo lang, may ticket na siya at may upuan na din kami na naka reserve. Maaga nga lang ang dating namin sa sinehan kaya naman naka upo lang kami ngayon sa may sahig at naka sandal sa ding-ding. Tahimik lang si Asher, naka titig sa kamay naming magka intertwine.
"Anong iniisip mo?" tanong ko sakanya.
Iniangat niya ang ulo niya at tinignan ako ng seryoso. Mahina lang ang boses niya nang magsalita siya pero rinig na rinig ko 'to ng buong buo at dumaloy ang bawat salita niya sa buong sistema ko. "Paano ako naging ganito ka-swerte?"
Napa nguso ako at napa kagat sa loob ng pisngi ko. Mahinang itinulak ko 'yung noo niya at isinandal ang ulo ko sakanya. Huminga ako ng malalim at napa titig na rin sa kamay namin. Ikaw ba talaga ang swerte, o ako? Ngayon palang ako nagka gusto sa isang tao na gusto din ako at ngayon palang din nagkaroon ng lalaki na sobra mag effort para sakin.
Gago si Asher, alam nating lahat 'yan. Pero nakikita ko kasi na nagta-try siya. Hindi siya perpekto, nasanay siya sa mga easy na babae. Kaya naiintindihan ko kung minsan nakakalimutan niya na hindi ako ganon. Time, ayun lang ang kailangan niya. In time, lalabas na ang Asher na kilala ko. Kailangan ko lang maghintay ng kaunti pa.
"Adi.." tawag niya.
"Oh?"
"Sabihin mo pakyu."
"Bakit?"
"Basta sabihin mo."
Inilis ko ang ulo ko sakanya at nagtama ang tingin namin. Ibinuka ko 'yung bibig ko at sinabing, "Pakyu."
Natawa siya, "Love you too." Tapos hinawakan niya ako sa baba para mailapit ang mukha ko sakanya sabay hinalikan ako sa labi.
• • • • • • • • • •
Ant-man ang pinanood namin ni Asher at sa totoo lang, nagsayang lang siya ng pera. Hindi pangit ang movie pero hindi din siya maganda. Nakakatawa pero hindi siya 'yung tatatak talaga sa isip mo. Si Ashong nga tinulugan lang ako e.
"Sa'n na tayo niyan?" tanong niya bago ako akbayan.
"Kahit saan," sagot ko.
Iniliko niya kami at nag dire-diretso kami ng lakad papunta sa gilid ng harbor point kung saan may parang maliit na park. "Mag-smoke lang ako," sabi niya.
Sumimangot ako, "Alam mo, maaga kang mamatay."
"Dahil sa kunsimisyon sa'yo? Siguro nga."
Ibinangga ko 'yung pwet ko sakanya, "Gago." Natahimik na kami parehas, tahimik na naglalakad lang na parang normal na couple. Napa isip akong mabuti sa bisyo ni Asher at 'di napigilang sabihin na, "Ayokong naninigarilyo ka kapag kasama ako." At mabilis pa sa mabilis, iniikot niya kaming paerho papunta sa ibang direksyon. Napayuko ako, sinusubukang itago ang ngiti ko.
"Kain nalang tayo," aniya. "Libre mo naman."
"Lakas mo ah."
May isasagot pa sana siya pero nalipat ang atensyon niya doon sa nakita niya, "Si tisoy oh," aniya at sinundan ko 'yung daliri niya. Sa may harap ng Harbor Point, sa fountain, kasama ni Jared si Abigail at hawak hawak niya ang kamay nito. Sweet sana, kundi lang nagpupumiglas si Gail at sinusuntok si Jared.
"Hala," napa abante ako pero mabilis akong pinigilan ni Asher.
"Problemang mag syota 'yan, mas maganda kung 'di na tayo mangealam."
Gusto kong suntukin si Asher, pero may point siya. Pinigilan ko ang sarili ko na sumugod doon at itulak si Gail sa fountain. May sinasabi siya kay Jared pero hindi ko marinig. Tahimik lang si Jared at naka tingin sa girlfriend niya pero kahit sa malayo, kitang kita ang naka tagis niyang bagang.
"Tara, dun na tayo dumaan," ani Asher bago ako hilain papunta sa gilid, malayo sa nag aaway na mag syota.
"Pano kapag ginanun din kita sa public?" tanong ko. "Kunwari nag away tayo?" Tapos para ma emphasize 'yung sinasabi ko, nag "Hya!" ako at siniko siya sa bunganga.
Napatakip siya sa bibig niya, "Ouch."
Hinarap ko siya, "Tapos ganito, hiya!!" Sinipa ko siya sa ilalim ng tuhod.
"Argh," napahawak siya doon. "Tama na ayoko na!"
"Isa pa, isa pa." Lumayo ako ng kaunti sakanya sabay tumakbo para sana kunwaring tutuhurin ko siya sa tyan pero ang tanga yumuko at sinalubong ako. Natuhod ko tuloy siya sa mukha. "Oh my God!"
"Ay ano ba 'yan!" sabi ng isang lola na dumaan nang makita na naka bulagta sa sahig si Asher.
Lumuhod ako sa gilid ng ulo niya. Nag aalala ako sakanya pero hindi ko alam kung ba't ako natatawa. "Sher, Sher, sorry! Ba't ka kasi yumuko? Okay ka lang ba?"
May luhang tumulo sa gilid ng mata niya at itinaas niya ang isang kamay niya para mahawakan 'to. "Panginoon, ito po ba ang luha? Ito po ba ang ibig sabihin ng pag iyak?" Natulala ako. Tinignan niya ako at hinaplos ang pisngi ko, "Nakikita ko na ang liwanag." Napa piyok siya sa dulong linya.
"Tangina ka," sinapok ko siya at nag simula na akong tumawa habang tumatayo. "Akala ko seryoso na!" Kinuha ko 'yung kamay niya at tinulungan siyang tumayo. "Kinabahan ako sa'yo!"
Nakangiti siya pero base sa paghawak niya sa may kanang kilay niya, 'yung parte na natuhod ko, halatang nasaktan talaga siya.
"Masakit?" tanong ko. "Kawawa ka naman."
"Brutal ng misis ko e."
"Misis mo mukha mo," singhal ko sakanya. "Ba't ka ba kasi yumuko?! Tignan ko nga!" Hinawakan ko siya sa likod ng ulo at hinila 'to papalapit sakin. Tumingkayad pa ako ng kaunti para matignan ng mabuti. Namumula lang 'to pero wala namang sugat o sign na magpapasa siya. Mabilis ko 'tong hinalikan sabay brutal na itinulak palayo sakin 'yung mukha niya. "Hmp! Wala namang sugat e."
Hinawakan niya 'to at binigyan ako ng isang pilyong ngiti, "Okay na. Kiniss mo na e."