The Witness Acts

By kieanchiimo

29.3K 464 79

She is Selina Ortiz, a best friend of a girl who was raped by four men and to top that shit, she was a witnes... More

The Witness Acts
Prologue
Act 2: Happy Birthday, Kira
Act 3: Sobra Na
Act 4: Kimiresekyree
Act 5: A New Beginning
Act 6: Yuri Hiroshima
Act 7: Issue and the Cold
Act 8: The Cold Came
Act 9: Insecurity
Act 10: Reunited
Act 11: Payback
Act 12: Fight
Act 13: Beg
Act 14: Blackmail
Act 15: Problems
Act 16: Slip
Act 17: Karma
Act 18: How to be a Dad
Act 19: Stress
Act 20: Secret Smiles
Act 21: As Well
Act 22: The Logic
Final Act: On Bended Knees
Epilogue

Act 1: Kung Malaya Lang Ako

1.8K 27 6
By kieanchiimo

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 1

Kung Malaya Lang Ako

[Selina]

"Kung malaya lang ako~. Kung malaya lang ako~." tumigil ako sa pagkanta at hinarap si Jesse na prenteng prente sa pagtulog sa sofa. "Anak naman ng tipaklong, Jess! Hanggang kelan ba ko makukulong dito sa lintik na bahay na 'to?! Argh! Lalabas ako! As in lalabas talaga ko!!"

Bigla syang tumayo sa pagkakahiga. "No way!"

"Anong 'no way' ka jan?! No way mo your face! Batong bato na ko dito! I wanna go home na! I miss my condo unit!!"

"Stop whining!! Ayoko sabi eh!"

"I'm not whining!! You are! Pwede ba?! Tumigil na nga ako sa mga plano ko tapos pati ba naman ang kalayaan ko, ipagkakait mo sakin?! Oh come on! I'm going out by myself whether you like it or not!" nag-walkout ako at naligo na para makapag-ayos ng sarili't makaalis na dito sa bahay na 'to.

Nakakainis talaga. Para akong ginawang preso ah. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag sa mga gusto nyang mangyari. Kinalimutan ko na nga ang paghihiganti tapos eto pa ang gagawin nya sakin? Ikukulong lang ako dito sa loob ng bahay nya at magbahay-bahayan kami??

I mean, duhh! Di naman ata tama yun. Oo, mahal ko sya pero iba na eh. Parang nakakasakal na. Gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay. Ayoko na dito.

"Selina naman.." eto na naman sya para pigilan ako. Nakakairita na talaga. "Don't go."

"Look, Jesse. I'm sorry pero di ko na talaga kaya 'tong situation na 'to. I wanna go back to my real world. Ibabalik ko na yung dati kong buhay, okay? Wag mo namang ipagkait sakin yun. Please lang. May sarili akong mga paa. Kaya kong mabuhay kahit wala ka." walang pag-aalinlangan kong sinabi sakanya.

Mejo nagulat pa sya sa pagkakasabi ko nun pero there's no turning back na. Kayang kaya ko syang iwan kung ganito lang rin naman ang gagawin nya. Nakakasawa na rin kasi.

For almost a month, nandito lang kami sa bahay na 'to. Susme! Ang boring kaya dito! Panay TV lang ang source of entertainment namin! Pati na rin yung laptop nya na syang gamit ko sa pag-aaral online! Ang hirap kayang mag-self study at mag-take ng quiz online! Nakakainis! Magpapaliwanag pa ko sa dean namin kung bakit ako biglang nawala.

Sya naman, malayang nakakalabas ng bahay samantalang ako, hindi. Tch. Unfair!

Miss na miss ko na ang unit ko. Buti na lang at binayaran ni Jesse ang monthly dues ko dun kaya akin pa rin ang unit na yun. Leche talaga. Bakit kasi ako ikinukulong dito! Dinaig ko pa talaga ang mga preso!!

Uuwi na talaga ko!!

"Are you breaking up with me??" gulong-gulo nyang tanong sa akin.

Anong break-up? May sinabi ba kong nakikipag-break ako sakanya??

"Ha? Pinagsasabi mo jan?" tanong ko pabalik habang nagsusuklay ng buhok ko.

"Sabe mo kasi iiwan mo na ko."

"Oo nga."

"Edi nakikipag-break ka nga sa akin?!!" tumigil ako sa pagsusuklay at hinarap sya.

"Wala akong sinasabe!!"

And yes, now we're shouting. Ganito kami palagi. Hindi buo ang araw namin kung di kami mag-aaway. O, di ba? Nakakasawa talaga. Kaya gusto ko na talagang umuwi! Para naman mabawasan kahit papaano yung pagtatalo namin.

 "Hindi mo na ba ko mahal??" lumungkot ang muka nya.

Err. Ano bang dinadrama nitong lalaking 'to? Hindi naman ako nakikipagbreak!!

"Mahal kita." tumayo ako at lumapit sakanya. "Pero mahal ko rin ang sarili ko. Hindi ako nakikipagbreak sayo, ungas!!"

Binatukan ko nga at baka sakaling matauhan.

Porket iiwan, break agad? Eh gusto ko lang naman nang umuwi sa lungga ko!! Ayoko nang maging daga sa bahay ng iba.

"Okay, ganito na lang.." umupo ulit ako sa harap ng salamin at nagsuklay. "Bukas na lang ako uuwi. Pupunta na lang muna ako ng mall ngayon. Sama ka? Batong bato na talaga ko dito eh."

"Hmm? May pupuntahan kasi ako ngayon eh. Inaayos ko yung paglipat ko sa Manila."

"Bakit? lilipat ka na nga talaga??"

"Oo, bakit?"

"Mabuti yan. Mukang malayo yung lungga mo talaga eh."

Hinawakan nya ang kamay ko at iniharap ako sakanya. "Sorry ha? Gustolang naman kitang protektahan pero di ko naisip na naiinis ka na dahil nandito ka lang sa loob ng bahay."

Napagiti naman ako. "Di mo naman ako kailangang protektahan. Kaya ko naman na siguro yung sarili ko. I know I'm weak pero alam kong nagmamature ako at sa pagmamature ko, nagiging malakas ako. Di ba?" tumango naman sya at hinalikan ang noo ko.

"I love you."

"I love you, too."

Matapos ang dramahan namin ng boyfriend ko (na kelan ko lang talaga sinagot), pumunta na ko sa isang mall. Buti na lang at kahit papaano, alam ko ang lugar na 'to dahil taga-Sta. Rosa talaga ako. Nandito ako ngayon sa Festival Mall at ang sarap ng feeling na makagala ulit.

Nag-withdraw muna ako ng pera gamit ang ATM ko na halos isang buwan ko nang di nagagamit. Yes, may 45k ako dito (na padala malamang ng mga magulang ko).

Una kong ginawa ay bumili ng bagong phone dahil ang magaling kong boyfriend ay wala na atang balak na ibalik ang phone ko nung tumawag sa akin si Jethro once. I must admit na talagang nag-away kami nung time na kunin nya ang phone ko nung magkausap kami ni Jethro. I don't know why pero talagang kumulo ang dugo ko kay Jesse nung mga oras na yun.

I was about to enter Sir Lance nang may tumawag sa akin.

"Selina!!" nakita ko si Mike at Kylie na nasa likuran ko lang.

Ghaaad, I missed them so muck kaya naman agad akong tumakbo papunta sakanila.

"Kylie! Mike!!" napatigil ako nang makita ko ang mga daliri nilang naka-intertwine. Sila na ba?? "Kayo ba??" tanong ko habang nakatingin sa mga kamay nila.

Akala ko bibitiwan nila ang kamay ng isa't isa pero wala eh. Ganun lang talaga at nagngitian pa! Langya!

Pumunta muna kami sa Sbarro para kumain at di ko maiwasang manliit habang naglalambingan sila sa harap ko. Gusto ko silang paghiwalayin kaso baka upakan nila ko. Sa pinapakita nila, nasagot na ang tanong ko. kelan pa naging sila? Tss.

"Ang tagal ka naming kinokontak pero di ka namin ma-reach! San ka ba nagsususuot ha?!" tanong ni Kylie.

"Wala yung phone ko eh. Nawala kung saan." kahit na nasa boyfriend ko lang talaga at tinatago nya.

"Ahh kaya naman pala. Tell me, Selina. Are you still affected by Kira's disappearance?"

Nang maitanong yun ni Kylie, parang bigla akong nalungkot. Again, si Kira na naman. Naaalala ko na naman tuloy yung weakness na pinakita ko nung mga sandaling yun.

Akala ko okay na sakin ang lahat pero hindi pa rin pala.

"I.. witnessed it all." napatahimik silang dalawa sa akin. "Nakita ko kung papaano sya gahasain nung mga lalaking yun pero wala akong nagawa. Ang sama ko di ba? Itinago ko pa. Sorry, guys. Hindi ko kasi kayang ipagtanggol sya nun. Babae lang ako. Apat sila at malalakas silang lahat. Ang duwag ko. Sorry.." itinakip ko ang mga kamay ko sa muka ko at nang alisin ko ito, may nakita akong pamilyar na muka na kadadaan lang sa harap nitong Sbarro.

Could it be? Is that him??

"Selina.. About Kira.." agad akong tumayo at hindi na gaanong napakinggan si Kylie.

"Mauna muna ko sa inyo. May titignan lang ako. Sorry ha! Next time na lang ulit tayo mag-usap!" sabi ko habang tumatakbo palabas ng Sbarro. Di ko na naubos yung kinakain ko.

"Selina!!!!" rinig ko pang tawag sakin ni Kylie pero I'm too occupied para lingunin pa sila ni Mike.

Hinanap ko yung pamilyar na muka sa bawat daraanan ko pero di ko na ito nakita pa. Malaki rin itong mall na 'to kaya mapapagod ako kung susuyurin ko pa ang kabuuan nito.

'Baka naman hindi sya yun.' sabi ko sa sarili ko.

Pero..

bakit ako disappointed na hindi ko sya nakita ngayon??

Continue Reading

You'll Also Like

170K 1.1K 21
Arliza is just an ordinary girl with lots of stories up her sleeves. A newly graduate nurse and an aspiring writer, she thought moving in a new place...
MΓ­o By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mΓ­o, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
38.1K 837 24
Sa kanilang magkakaibigan ay siya na lang ang wala pang asawa dahil abala siya palagi sa trabaho at sa mga pamangkin niya. Wala na siyang oras para s...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...