BLACK HEIRS (Girls vs Gangste...

By yuna_cross

26.3K 616 58

Mafia, Gangsters, Yakuza, Secret agents, Clans Paano kung nagsama-sama sila sa isang paaralan ano ang gagawin... More

Chapter 1 Welcome home
Chapter 2 First day of school
Chapter 3 First encounter
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 The culprit
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 Dinner
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Special

Chapter 17

599 20 3
By yuna_cross

Eto na update update ulit.. Guys paramdam naman kayo please.. Nakakamiss rin ang mga comments nyo eh.  By the way may bago po akong story medjo SPG. Bisitahin nyo naman please. Kapag naka 50 reads mag uupdate na ako ng bagong chapter nun. 

Sana mas nagugustuhan nyo hehehe.... More kilig moments pa hehehe. And thanks sa mga naglalagay sa reading list nila. I really appreciate it.  


CLARRY'S POV 

"RE-JECT" 

"President eto po pala yun proposal for the year starter natin." " I already ask the ..."

"RE-JECT" 

"Eto po yun outline ng mga activities po na pwede para sa party nakalagay rin po jan ang...."

"RE-JECT" 

"May konting modifications po about sa venue at sa theme I suggest ......"

Bago pa nya pinatapos ang sasabihin ng kasama ko 

"RE-JECT"  

Ayun nakakunot na naman ang ulo nya. Gwapo sana eh kaso may dalaw yata.

"President, eto po pala yun isusugest namin para sa sportfest next month..."

"RE-JECT" 

Nagsasalubong na talaga ang dalawa kong kilay ah habang nakayuko at pinipigilan ang sarili ko.  Nagcross arms na lang ako para hindi na ako lalo mainis. Kanina pa siya re-ject ng re-ject ang dami dami na nga namin sinubmit na proposals sa kanya. 

A moment ago pinatawag lahat ng liason officers at mga members ng student council. Dahil hindi pa nakakaapagelection kami muna ang bahala sa gaganapin na year starter at sport fest. Speaking of sport fest buti na lang natapos na ang kaguluhan. Akala ko kasi hindi na talaga makakasali ang freshman doon. 

Imbis nakikinig ako sa klase, nandito ako at pinapakinggan ang paulit ulit na sinasabi ng student council president namin. Hayst hindi pa ba siya nagsasawa sa paulit- ulit na binubuka ng bibig nya. 

Ayan na naman sabay lapag sa hawak nya papel. 

"RE-JECT" 

"Nakausap ko na rin yun magcacater para sa event sabi nila kung okay na raw ......"


"RE-JECT" 


Hiiro Minamoto,  the student council president for three consecutive years. Freshman pa lang siya tumakbo na sya sa ganoon kataas na posisyon kahit ang mga kalaban niya ay third years. Kaso ang mas nakakabigla nanalo siya at landslide ang pagkapanalo niya. 


At ngayon nakasandal siya sa may table in his most seductive way position habang hawak hawak ang mga papers na sinubmit namin. Malay ko ba kung binabasa niya talaga yuna o talgang hobby niya ang magpahirap ng kasama. 


"I already give you so much time yet you submitted these kind of craps." Yun sabay lapag ng papel na hawak niya. 


"President we reviewed the proposal at according po doon sa ...."


"RE-JECT" 


A-Ah nakakainis na talaga ha. Readers pakibilang nga kung ilang re-ject na ang pinapakawala ng lalakeng ito. Pasalamat siya at gwapo siya kung di...Argh!!!


"Excuse me. But president  I think you should atleast study it? I really emphasize the word study.  What I mean is hindi ninyo pa naman napag-aaralan mabuti.  Baka lang kung pakikinggan nyo muna kami eh may magustuhan kayo sa mga suggestions namin?" O ako na ang nagsalita nyan para matapos na kakareject niya leche. 

"And you are?" Sabay hawi sa mga papel na hawak nya at tingin sa mga mata ko. Sige pa landiin mo lang ako at baka bumigay ang legs ko sa iyo. Argh!!! Author ikaw ha kung ano ano pinagsusulat mo.... 


"I-I'm Cla-Clarice Julia Mendoza. Liason officer of freshman class A." Sige pa Clarry makipag-titigan ka pa sa kanya at mamaya nasa kama na kayo makikipagtitigan.


He just gave me a sneer.   Binalik na nya ang tingin nya sa mga hawak nyang papel. 


"Then I believe you do have beautiful recommendations miss LO?" With his husky voice. Grabe tingnan ko lang kung hindi ka tayuan ng balahibo sa kilig. Argh Why should I be affected by him. I hate this. 


Naku Hiiro kung hindi lang talaga, kanina ko pa ikaw hinalikan mali kanina ko pa ikaw nakurot. Ano na miss authorrr ilaglag talaga ako sa mga readers.... 


"We did our best to meet your expectations, I think the proposals that we submitted are  good enough?" Inalis ko na yun pagkacross ng arms ko and I stand straight. 


"Good enough?" sabay tingin niya sa may bintana. Ah excuse me nandito kasi yun kausap mo. "So okay na sa inyo ang ganito." Biglang kunot ng noo niya. 


I close my eyes at huminga ng malalim. Just relax trabaho mo ito Clarry. "Kung ayaw mo sa gawa namin bakit hindi ikaw ang magsuggest. I bet you have greater ideas than us." a small insulting smile came from me.  


"Okay then." Sabay tingin sa akin at nilapag niya na sa lamesa ang mga hawak nyang papel. GO lang ilapag mo lang ng ilapag yan mga papel at mamaya ikaw naman ang ilalapag ko sa higaan. 

ARGH!!! Author ano ba yun mga iniisip mo. Hindi mature ang kwento. 


*(Hahaha pasensya na clarry nadadala lang ako sa mga spg na nababasa ko wahahaha.) 

______________________  


CALEB'S POV


"Shit! What time is it?" Sabay alis ko ng kumot na nakabalot sa akin. Dito na ako nakatulog sa hotel nina G. Ah sino nga ulit ito katabi ko. 


"Hey handsome? What are you doing maaga pa later ka na bumangon." Ikaw siguro pwede later pa ako hindi patay ako nito kay primo. Iba pa naman yun magalit. Isa isa ko na rin pinulot yun mga gamit ko na kung saan saan nakalagay.


"Hey just get your things okay. Kumain ka na rin sa baba.  I need to go now." Ayun sabay zipper sa pantalon ko. 


"So kailan ulit tayo magkikita. I'm available later?" Ang kulit rin nito eh. Hindi ba pwede ako ang unang magsabi kung kailan ako available. Sinuot ko na yun t-shirt kong grey. 


"Ah-... Siguro kapag wala na ako kadate.Sige bye." yun sabay sara ko ng pinto. Malabo ko na rin makita siya kasi malabo naman ako na mawalan ng makakadate. hahaha Ako pa. 


Bumaba na ako sa may lobby at ipinahanda ko na yun motor ko doon sa isang lalakeng attendant. 


"Sir nanjan na po ang motor nyo sa labas." Sabay bigay sa akin ng susi ko ng vallet parking attendant. Kilala na rin kami dito sa hotel. Sa dami ba namin dinadala na mga babae dito halos gabi gabi hindi pa ba kami makikilala. Pero hindi lang iyon Pamilya ni G ang may-ari ng pinaka malalaking hotel sa buong mundo at bilang mga kaibigan niya may share rin ang mga pamilya namin dito. 

"Thanks."At sinuot ko na ang helmet ko. Kumaripas na rin ako dahil alam ko late na kami sa usapan ni Kaein. Hindi ko na rin napigilan mailing dahil hindi ko namalayan ang oras. 


Summer's POV

Naglalakad na ako ng mabilis dahil alam ko huli na ako sa una ko klase. Tinulungan ko pa kasi ang tiyahin ko sa bahay. Ulila na rin kasi ako kaya nakikitira ako sa bahay ng tita at tito ko. Although second cousin lang siya ni mama ko,siya lang kasi ang kakilala ko kamag-anak.  Kaya eto tyaga tyaga rin pag my time. 

Medjo umulan rin ng malakas kagabi kaya basang basa ang daan. Naku naman, baka bumigay ang sapatos ko ng di oras. Hindi ko pa naman afford ang bumili ng bago. Ang dami gastusin sa eskwelahan. Kahit sabihin na scholar ako ni gov sa isang public school eh may mga bayarin pa rin ako. Nasabi ko rin ba na working student ako. Yes dahil hindi naman ako binibigyan ng tita ko ng baon kaya kailangan ko kumayod. 

Siya na nga raw ang may sagot sa tinitirhan at pagkain ko siya pa rin daw ba sasagot sa mga gastusin ko. Napilitan lang yun kasi kahit papaano may pensyon na nakuha sa nanay ko na nagtrabaho sa abroad.  

Grabe sobrang traffic. Paano kasi biglang bumaha sa may intersection.  Maya maya may narinig akong may bumubusina sa likuran ko. 

BEEP  BEEP   Bigla lingon ko sa likuran ko. Napagilid tuloy ako ng di oras. "Shocks ng uniform ko." Hindi man lang tumigil at nagsorry. Hinabol ko nga ng tingin buti na lang biglang nag red ang stop light. Nilapitan ko yun motor at kinulbit yun taong nakahelmet. 


"Manong?" 



Bitin ba hahaha. :P maglike muna kayo. bisitahin nyo naman yun bagong story ko. hahahaha Kapag naging mabait kayo baka bukas may next chapter na hehehe.



Continue Reading

You'll Also Like

53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
51.2K 1.7K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
43.6K 675 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: