Fangirling Overload [COMPLETE...

By justanotherchxls

19.9K 331 20

This is a story of a fangirl who fell inlove with his idol. Will he catch her? //ongoing edit More

Fangirling Overload
Part 1.
Part 2.
Part 3.
Part 4.
Part 5.
Part 6.
Part 7.
Part 8.
Part 10.
Part 11.
Part 12.
Part 13.
Part 14.
Part 15.
Part 16.
Part 17.
Part 18. ♥♥
Part 19.
Part 20. (Last Part)

Part 9. unedited

734 11 0
By justanotherchxls

"Ang sweet niyo ate, kinikilig ako," hampas sa akin ni Shine. Lumabas ako saglit para kumuha ng tubig, nadatnan ko siya sa sala nanunuod ng TV.

"Ako din eh," matabang kong sabi.

"Pakilala mo ako sa kanila no?" nagtaas baba ang kanyang kilay.

"Sige. Basta libre mo ako ng ramyun saka magnum?"

"Call."

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Binuksan ko yung profile ni Joseph sa twitter. Tas bigla siyang nagtweet ng picture.

"She gave me this. Ayos diba? @Sandzzz (link ng picture)"

How do I spell HOT? Its.. J-O-S-E-P-H

HAHA. Ang gwapo niya. Suot niya yung damit na plain black shirt. Nakahiga siya sa bed niya. Halos mapatili ako roon. Bakit sobrang gwapo niya? I mean. araw araw siyang gumagwapo.

Nagtipa ako sa aking phone para sa reply, "Bagay naman pala sayo eh."

Nagring ulit ang phone ko, si Joseph ulit.

"Oh ano? Naniniwala ka na?" sabi niya.

"Oo na." I chuckle. "Ang gwapo mo naman." Hindi ko napigilan ang pagsabi noon

"Syempre."

"O nga pala," I change the topic kasi parang nagiging conceited na 'to. "Pwede bang pa-follow back yung kapatid ko?"

"Sure. Anong username niya?"

"@SunIsShine." inispell ko pa iyon.

"Sige." saglit siyang nanahimik sa linya pero makaraan ang ilang saglit, "Done!" sabi niya.

"Thank you! Alam mo naiinggit yung kapatid ko, bakit daw hindi ko siya sinama kahapon. Gusto niya kasing makita si Kern. Crush niya yun e."

Narinig ko ang pagtawa niya, "Andami ngang nagkakacrush kay Kern."

"Pati naman sayo." I said as a matter of factly.

"Pero mas maraming nagkakacrush kay Kern."

He's not giving up. Kanina conceited, ngayon pahumble. Ano ba talaga?

"Pero mas gwapo ka naman sa kanya..." usal ko

"Oo na po."

"See? Pasalamat ka, sayo ako nagkacrush." hawak ko ang labi kong nangingiti

"Oo nga, Salamat Sandra Briones, GF ko."

Nagulat ako sa huling sinabi niya. Ano daw? GF?

"GF daw!" I tried to hide my kilig sa tawa ko.

"Ayaw mo?"

"Gusto syempre. Kaso baka maraming magalit."

"Hayaan mo. Girl friend. In tagalog, babaeng kaibigan. Wala namang masama dun diba?"

My heart sunk, friendzone, Sandra?

"Oo na." sabi ko.

"Can we videocall? Para makita kita."

"Huwag na! Ganyan itsura ko. Ampangit ko eh."

"Ganda mo kaya. Dali na kase." Pagpupumilit niya. Napabuntong hininga ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin.

Inayos ko ang sarili—suklay, polbo, headband at ang mahiwagang liptint.

"Oo na, eto na." Nanginginig kong inaccept ang videocall request niya.

Hindi ako makapaniwala kausap ko si Joseph. Gwapo niya talaga. Kinilig ako nang makita kong suot niya yung bigay ko.

"Hello, Sandy!" he wave his hands and flashes his smile.

"Hello, BF" I wave back.

"Pasensya na, magulo kwarto ko. Nakakahiya tuloy." Sabi niya. Kita ako nga, medyo magulo yung kwarto niya. Medyo lang. pero magulo pa rin.

"Nahiya ka pa!" I mock, "Joke lang! ayos lang no."

"Ganyanan ah? Ganda mo!"

"Anong ibig sabihin niyan, maganda talaga ako o insulto na pangit ako?"

"Maganda ka talaga. Ikaw ah. Really, you're so pretty. Bakit ayaw mong maniwala?"

"Sus! Bolero. Ikaw, gwapo." Sabi ko.

Tinawanan niya lang ako doon. I know you get that alot. "Pink na pink ang kwarto ah?"

"Oo e. favorite color ko kase."

"Sabagay."

Pumasok sa kwarto ko yung kapatid ko.

"Joseph, eto pala si Sunshine kapatid ko." Hinila ko si Shine.

"Hello, Sunshine."

"Hi, Kuya Joseph! Ang gwapo gwapo mo naman!"

"Salamat Sunshine. Nafollow back na pala kita."

"Talaga po kuya? Thank you po!"

"No problem."

Naramdaman ko ang pagsiko ni Shine sa akin. Alam ko na kung anong ibig sabihin nom

"Joseph..." I interrupted. "May isa pang request to."

"Ano yun?" tanong niya

"Pakisabi kay Kern, I-follow back niya si Sunshine." Kapal na ng mukha ko

"Sige. Sabihin ko mamaya."

Napatalon ang kapatid ko nang marinig iyom.

"Thank you!" Liningon ko si Shine. "Ready the Ramyun and the Magnum."

"Oo na. Mamaya sige labas tayo."

"Nice. Oh, labas ka na." sabi ko sa kanya. Pinapalabas ko siya sa kwarto ko. Di naman siya nag-refuse. She went out of my room with a smile on her face. Kinikilig pa din

"Kamukha mo yung kapatid mo no?" sabi niya.

"Syempre magkapatid e." sabi ko.

"Ilan kayong magkakapatid?" tanong niya.

"kami lang dalawa ni Shine." Sabi ko. "Ikaw?"

"tatlo kami. Lalaki lahat."

"ah, siguro gwapo din sila no?"

"oo, Basta Vidal gwapo, pero ako ang pinakagwapo." Pagmamalaki niya. Tapos hinahaplos haplos pa niya yung baba niya. Nagpapacute for short.

"You're lifting your own chair!"

"I'm telling the truth babe. Admit it, gwapo ako. Kaya nga crush na crush mo ako e."

I pout. Nanlalaki pa ang butas ng ilong ko, "Dont state the obvious!"

He smiled.

"Wala yata kayong practice ngayon?" tanong ko.

"Wala, pag Sunday wala kaming practice. Pero magkikita-kita kami mamaya." Sabi niya

"Para san?" tumayo ako saglit para icharge ang laptop ko.

"Hang out lang." tipid niyang sagot. Bakit ba ang gwapo nito kahit na nagpipixelate yung screen?

"Chick hunting?" I asked. Wag naman sana.

"Sila." Nanliliit ang mga mata ko.

"Eh ikaw?"

"I found the one." He found the one? Sino? Wala na pala akong pag-asa. Hanggang fan nalang talaga ako. Pero who am I to hinder his happiness? Dapat nga masaya ako kase natagpuan na niya yung 'the one' niya. Kainggit naman yung babaeng yun. Syet. Kaplastikan ko talaga. Gusto ko kasi ako nalang yung 'the one' niya.

"Who?" tanong ko, malay natin, baka pangalan ko ang masabi niya diba?

"Secret, babe." Sana, ako nalang si 'Secret'. Paano ba palitan yung pangalan sa Birth Certificate? Ge.

"May pasok ka bukas. Wag kang late umuwi ah?" sabi ko. Kung makapagbilin parang ako ang girl friend. Wala eh, nagreready na kasi ako. Ge ulit.

"Yes, Master!" nagsalute siya na parang sundalo na nakasalubong yung lieutenant nila.

"Anong oras ba pasok mo bukas?"

"9am pa. Ikaw?"

"7:30am. Ang aga no?"

"Ganyan talaga. Ano palang course kukunin mo niyan pagkagraduate mo?" tanong niya.

Nakita kong lumapit yung isang babaeng may kaedaran na nakasuot ng pangyaya, iniabot nito kay Joseph ang slice of cake pati juice.

"Baka mag engineering ako." Sagot ko. "Penge, nagugutom ako."

"Halika dito, papakainin kita, susubuan pa kita. Engineering ba kamo? Ang galing mo yata sa math?" He says sounding amazed.

"You know what? I'm not good in math. Pero dahil gusto kong maovercome yung fear ko sa math. I'll face it."

Tumango tango siya sa sinabi ko. Did I prove a point?

"Ikaw, bakit ka nagHRM?" tanong ko sa kanya.

"Kase passion ko ang pagluluto at the same time pagmamanage." Sumubo ito ng cake. He offered me, natakam lang ako lalo.

"Kaya pala." Iba talaga pag mayaman. Iseserve nalang lahat sayo. Choice mo na kung kakainin mo or hindi.

"Sandra?" tawag niya after he drinks the juice.

"Yes?" nagpangalumbaba ako.

"Suot mo pala yang bracelet no?"

"Oo eh. Ayoko ng hubarin." I joke pero totoo. "Bigay kasi ng ultimate crush ko e." tiningnan ko yung bracelet na bigay niya..

"Ako nga e, ayoko ng hubarin tong tshirt."

Sige lang, paasahin mo lang ako. Willing victim ako.

"Edi ambaho mo na?"

"Kung pwede nga lang di ko na papalitan tong damit ko. Bigay kasi ng number one fan ko e."

Malapit nang masira ang unan ko.

"You consider me as your number one fan?"

"Oo." mataman niyang sabi, pero tumawa kinalaunan. "Cute mo kase. Diba GF?"

"Ano ba yan. Naiilang ako kapag tinatawag mo akong GF. "

Joseph hissed, "Masanay ka na. Gusto kasi kitang maging ganun."

Huh? Ano daw? Parang may sinabi siya sa bandang huli. Di naman choppy, lakas nga ng signal pero bakit parang di ko yata narinig? Did he said he loves me? I wish.

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
218K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
172K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...