An Angel Turned Into Devil (...

By ladymasquerade

10.1M 164K 17.3K

Sa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa... More

An Angel Turned Into Devil
Chapter 1: The Angel
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Epilogue
UNEXPECTED

Chapter 37

161K 2.4K 230
By ladymasquerade

Chapter 37

(THIRD PERSON)

“Ate Nat!” Sabay-sabay nilang sigaw.

”O Bakit para kayong nakakita ng multo?” Tanong ni Natalie sabay hawi ng mahaba niyang buhok.

“Akala ko naman kung sino na.. Tss..” Bulong ni Justine. Pero narinig naman ni Natalie, lumapit siya sa kapatid niya at pinikot ang tenga nito..

”ARAY!!!! ATE!!!” Sigaw ni Justine sa sakit.

”Ikaw talagang bata ka! Nagagawa mo pang magbiro ngayon, kung kailan magulo na ang lahat..” Natigilan naman bigla ni Natalie.

”Hindi ko dapat sinabi yun!!” Sabay takip sa bibig niya. At saka tumingin sa kanila.

”Ate ano ba yung sinasabi mo?” Seryosong tanong ni Justine. Napabuntong hininga is Natalie

“Well, di ba magulo na. Kayo napatalsik kayo sa Royal Academy. At naka-report na yun sa media, world wide. Hindi ko alam kung sino ang nagpaalam nito sa media pero ito lang ang masasabi ko, dinaig pa nito ang concert ng mga KPOP groups.” Napailing sila. Wala silang alam na umabot na pala ito sa media. Pero wala naman silang nababalitaan.

“Sa tingin ko hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin ito. May alam akong lugar.” Sabi ni Amber. Nagulat sila ng bigla itong sumulpot. Pero  sumakay sila sa kotse ni Natalie. Well, limousine pala ni Natalie at nagpunta sila sa isang malaking mansion.

”Okay lang ba na andito kami?” Tanong ni Daniel. Ngumiti si Amber.

”Hindi naman ako magagalaw ni Sophia, hindi ako parte ng Royal Academy.”Sagot ni Amber.

 

”Kahit na. Kakampi ni Sophia si Jacob ang Head Master ng Knight Academy..” Sabi naman ni Julia. Umiling si Amber.

“Believe me she can’t. Wala naman akong ginawang masama sa kanya.” Confident na sagot ni Amber.  At saka tumingin ng diretso kay Julia.

“Ah, nga pala. Anong balita sa Royal Council? May alam ba kayo?” Tanong ni Natalie.

”Wala kaming komukasyon sa kanila.” Sagot ni Clarissa. Tumingin si Natalie sa kanila. Parang may hinahanap.

”Si Lia?” Tanong nito. Walang kumikibo sa kanila..

”She’s with Sophia.” Malungkot na sagot ni Daniel. Tumango-tango lang si Natalie.

”Ok. I get it. Kaya pala todo ang kapit sayo ni Amber...” At tinaasan niya ng kilay si Amber. Ganun din si Amber, nagtitigan sila bago unang bumawi tingin si Amber.

“Sige na. Alis na muna ako. Hahanap muna ako ng impormasyon. Babalikan ko na lang kayo dito.” Tapos umalis na si Nat...

(LIA)

Ang tahimik dito sa Royal Academy. Parang namiss ko tuloy sila. Isang linggo na din ang nakalipas, Simula nung umalis sila. Mali pala simula ng pinaalis sila.

Sa totoo lang nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon, pero kung hindi ko gagawin yun hindi ko malalaman ang mga nangyari kay Sophia. At lalo’t higit ngayon alam kong kailangan niya ng isang kaibigan..

”Haay...” Hinawakan ko ang tummy ko. Ang anak ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

”Baby... Pasensya ka na kung laging stress si Mommy. Magulo lang talaga ngayon pero sisiguruhin ko na hindi ka madadamay sa mga ito. Mahal na mahal ka ni mommy...” Naglakad-lakad ulit ako, hanggang sa may narinig akong pinag-uusapan ng ibang estudyante.

“Narinig niyo na ba ang balita?”

 

”Hindi pa ano ba yon?”

 

“Andito daw  ang Royal Council...”

 

“Hah?!”

 

“Siguro dahil sa pagpapaalis sa mga Royalties. Kaya andito sila..”

Ang Royal Council. Andito sila? Pero wala naman sinasabi ni sila Mama na dadating sila. Lalapitan ko sana ang mga estudyante na yun kaso may biglang dumating si Sebastian..

“Young Mistress Lia, hindi po dapat kayo masyadong nagpapakapagod..”Sabi ni Sebastian. Tumingin ako sa kanya.

“Totoo ba? Na andito ang Royal Council?” Tanong ko. Alinlangan pa siyang sumagot sa akin.

“Opo. Pero bahala na ang Head Mistress doon..” Sagot ni Sebastian. Kahit na hindi ako mapakali.

“Nasan sila?” Tanong ko.

“Young Mistress Lia…” Tumingin ako sa kanya bilang si Lia Estrella. The Lady of Royal Academy. Napayuko si Sebastian..

 

“Patawad po, pero mahigpit ang utos ng Head Mistress. Ihahatid ko na po kayo sa mansyon…” Napabuntong hininga ako. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod.

 (THIRD PERSON)

”You have to arrange the mess you did, Sophia.. Or else..” Tumingin si Sophia kay Julianna Velasco. Ang ina ni Julia. They have similarities, especially their traits.

 

“Or else what? Aalisin niyo ako sa posisyon ko? O Tatanggalin niyo ang karapatan ko bilang Montereal? Then do it.” Walang ganang sagot ni Sophia. Lumapit si Julianna sa kanya.

”Gagawin talaga namin ‘yon, hangga’t hindi mo inaayos itong gulong ginawa mo. Pinalampas namin ang ginawa mo sa Ramos Group of Companies. Pero iba na ‘to,  dinamay mo sila, ang mga anak namin! Kapag may nangyari sa kanila, ikaw ang mananagot!” Galit na sigaw ni Julianne.

“Yan ang problema sa inyo. Masyado niyong inaalagaan yang mga anak niyo. Kaya tuloy mga walang alam sa totoong mundo. You protect them so much, pero hindi naman kailangan.” Walang emosyong sagot ni Sophia.

 

 

”Wag mo silang itulad sayo na walang mga magulang na kagaya namin! Kaya namin sila inaalagaan para hindi sila magaya sayo. Dahil kahit baligtarin mo ang mundo at kahit ikaw pa ang pinakamakapangyarihan sa aming lahat, hindi mo pa rin maitatanggi. Mag-isa ka lang. At walang nagmamahal sayo.” Nagtagis ang panga ni Sophia. Maski ang mga ibang Royal Council ay nabigla sa sinabi ni Claude Lobregat, ang ama ni Clarissa. Natahimik sila.

“Don’t expect me to apologized for what I have said. Because I won’t.” Matapang na sagot pa nito.

“Sa tingin  mo ba, kailangan ko ng taong magmamahal sa akin? Nabuhay ako ng 4 na taon na walang kinailangan na kahit na sino. Nalampasan ko ang paghihirap ko ng walang tulong ng kahit na sino. At hindi tumigil ang mundo ko. Kaya nga andito ako ngayon sa harap ko.”Malamig na sabi ni Sophia.

”Because you can't make people love you, but you can make them fear you. That’s my philosophy in life.” Halos hindi makatingin sa kanya ang mga Council.

“To tell you the truth, hawak ko na kayong lahat sa leeg. Nakasalalay na sa akin ang magiging kinabukasan ng mga pinakamamahal niyong anak. Lalo na si Clarissa.” Nakakuyom ang kamay ni Claude Lobregat.

“Young Mistress, Sophia kapag nagkaroon ng problema sa iba pang kompanya maraming madadamay. Maraming maghihirap. Kung anuman yang galit na nararamdaman mo, isang tabi mo na lang.” Mahinahong sagot ni Lianne Estrella. Sa lahat ng Royal Council, siya ang pinakamabait. Napangiti si Sophia.

”Galit? Hindi ako marunong magalit. Pero anong mararamdaman niyo, kung yung mga taong inaasahan mong tutulungan ka, ay bigla kang iniwan sa ere? Pinabayaan kang magdusa. Sabihin niyo sa akin hindi ba kayo magagalit?” Tinitigan ni Sophia sila isa-isa. Napayuko ang lahat ng Royal Council. Kahit na malaki ang agwat nila sa edad, hindi ka pwedeng tumitig sa mga mata ng isang Motereal kapag isa ka sa mga Royal Council. Dahil ang ibig sabihin nun hinahamon mo siya.

”Oh! Bakit hindi kayo makasagot?” Tanong niya. Tumayo siya at naglakad papalapit sa pinto.

”Alam kong alam niyo ang tunay na nangyari kay Yves at sa mga magulang ko. Pero hindi kayo naglakas loob na magsalita. Ngayon, masisisi niyo ba ako kung bakit ko ‘to ginagawa? I want answers, pero hindi niyo maibigay sa akin. Kaya ako ang gumagawa ng paraan. And let me tell you, I found out some interesting things. Especially you,  Dianne Ramos.” Tumingin siya kay Dianne. At binuksan niya ang pinto.

“Pero wag kayong mag-alala, hindi naman sila pahihirapan. I will just make their life miserable, kabayaran sa ginawa niyo sa akin.”

(JUSTINE)

”Grabe ang laman ng balita ngayon. Mag-iisang buwan na ang nangyari pero ganun pa rin..”  Sabi ni Timothy.

”Hindi pa din bumabalik si Ate. Wala pa rin sigurong balita.” Sabi ko naman.Sa totoo lang ang hirap ng buhay namin. Kung nung mga unang linggo medyo ok pa kami.. Ngayon hindi na. Hindi din kami makahingi ng tulong sa mga magulang namin dahil pati sila hirap na. Unti-unti ng bumabagsak ang mga negosyo namin. Kaya wala kaming choice kundi magsariling sikap.Kaya heto may kanya-kanya na kaming trabaho..

”Sige pasok na ako sa trabaho ko..” Sabi ko at lumabas na sa munting bahay na natitirhan namin. Gaya ng sabi ko kanina, nadamay na si Amber dahil sa pagtulong sa amin. Buti na lang mabait yung nagpaparenta nung bahay kasi bayaran na lang daw namin kahit magkano buwan-buwan. Di ba ang bait!

Nakarating na ako sa pinapasukan kong restaurant. Waiter ako. Buti nga kahit ito meron akong trabaho lalo ngayon halos ang daming nagsasarang mga kompanya ng dahil sa kagagawan ni Sophia.

”Hi Justine!” Sigaw ng mga babaeng customer. Tsk. Iba talaga ang dating ko! Pero bakit ganun si Sophia hindi naapektuahan ng charm ko?

”Buti naman at andito ka na. Kanina ka pa nila hinihintay. Sige mag serve ka na ng pagkain.”  Inabot ako ng hating gabi sa trabaho. Ang dami pa din kasing mga customer na dumadating. Nagpaalam na ako sa manager at naglakad na pauwi. Malapit lang naman ’to sa tinutuluyan namin.

Napansin ko lang na hindi kami kilala ng mga tao. I mean, hindi kami kilala bilang mga Royalties. Ang tingin lang nila sa amin para kaming mga model kaya kami sinusundan ng tingin.

Habang naglalakad ako, hindi maiiwasang hindi ko maisip si Sophia. Miss na miss ko na siya. Kaya tuloy nagtatiyaga na lang ako sa pagtitig sa litrato niya.

Tapos pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Bigla akong napatingin sa isang itim na kotse na nakaparada, malapit sa bahay na tinutuluyan namin. Tinignan ko yun, pero bigla na lang itong umalis. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

”Sino kaya yun?” At nagsimula na ulit maglakad. Pero bago ko pa buksan yung gate ng bahay. Bigla itong bumukas at nagmamadaling lumabas si Daniel...

"Daniel, saan ka pupunta?" Pero hindi niya ako pinansin at tumakbo. Kasunod naman sila.

"Saan pupunta si Daniel?" Tanong ko..

"Pupuntahan niya si Lia.." Sagot ni Timothy. Bakit naman kaya?

"May nangyari ba?" Tanong ko ulit.

"Lia is pregnant. And obviously siya ang ama." Sagot ni Julia. Nagulat ako. Naka-score agad si Daniel? Bilis talaga!

"Hindi niya mapupuntahan si Lia sa Academy o kahit pa sa bahay nito.." Sabi ni Ate.Nakabalik na pala siya. Pero mukhang pagod na pagod siya. Siguro dahil sa kakaintindi sa problema.

"Bakit naman?"  Tanong ni Alexa.

"Kasi wala siya doon. Dahil nasa pangangalaga siya ngayon ni Sophia." Napatingin kaming lahat..

"Kung ganun kailangan nating tulungan si Daniel.. Kaso saan ba ang bahay ni Sophia?" Tanong ni Timothy.Hindi kasi namin alam kung saan ang bahay ng mga Montereal. Kahit kailan hindi pa namin ito nakikita, kahit picture man lang.Tinignan namin si Julia...

"O Bakit sa akin kayo nakatingin? Hindi ko alam kung saan yun." Sabi niya. Sabay todo iling.

"Well, iisang tao lang naman ang may alam nun. At maari nating pagtanungan.." Nagtinginan kami.

"Si Sebastian"

(SEBASTIAN)

Ngayon ko lang nakita ulit na ganito kaseryoso si Sophia.

”Wala silang magagawa…” Napatingin ako sa kanya.

“Young Mistress..” Nakatingin siya sa chess board. Sa loob ng isang buwan lagi kaming naglalaban ng chess. Pero hindi kami natatapos dahil bigla na lang siyang aayaw.

“Kung sila magsisimula palang, ako patapos na sa laro ko..” Walang emosyon niyang sinabi.

”Paano kung alisin nila sayo ang lahat?” Tanong ni Olivia. Nakatayo lang siya at pinapanuod ang laro namin. Ngumiti si Sophia...

”Hindi nila magagawa yun. Hindi nila akong pwedeng pakielaman. Kung ayaw nilang mas lalong lumala ang lahat. Wala silang magagawa kundi ang maghintay. Kung kailan ako titigil. Pero kailan kayo iyon? Afterall, I’m Sophia Ysabelle Nicole Blanc-Montereal, the Empress. I can make impossible things, possible. Maliban na lang kung…” Nakatingin lang kami ni Olivia sa kanya.

“Maliban na lang kung?” Napayuko ako. Alam ko naman.

“Maliban na lang kung kusa kong isuko ang lahat o kung mamamatay ako..” Natahimik kami sa sinabi niya.

 

Siya na lang ang natitira sa pamilya ng Montereal. At kapag namatay siya o isuko ang lahat-lahat, mapupunta yun sa pumapangalawa sa kanya. Pero hindi namin hahayaan na mangyari iyon. Itinayo ko na ang buhay ko para sa kanya.

”One last move...” Tumayo siya.

”Hihintayin ko na sila mismo ang sumuko. Bago pa mahuli ang lahat. Bago pa ako gumawa ng galaw na ikakabagsak nila.” At lumabas na siya. Napatingin ako sa chess board. At ngayon ko lang napansin.One last move.. Checkmate na ako. Ngayon naintindihan ko na.

”Malapit ng matapos. Sana lang walang mangyaring masama..” Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Sebastian Speaking..." Sabi ko sa kabilang linya.

 

"Sebastian, le puede hacernos un favor?” ( Sebastian, can you do us a favor..) Si Young Mistress Julia

.

"Rien.." (Anything..) Magalang na sagot ko.. Dahil kahit anong mangyari isa pa rin s

 

"Kailangan magkausap si Lia at Daniel.  Pero alam naman namin na hindi papayag si Lia. Maari mo bang ituro sa amin ang bahay ni Sophia?" Siguro alam na nila ang ang pagbubuntis ni Young Mitress Lia. Pero, napaisip ako baka magalit si Sophia. Ayaw ipaalam ng mga Montereal ang lokasyon ng bahay nila.

Tatanggi sana ako ng magsalita si Olivia sa likuran ko.

"Say Yes, Sebastian..  Para magkasundo na yung dalawa, maawa ka sa baby.." Tama siya kawawa naman ang baby. Bahala na nga.

"Sige po.. Magkita na lang po tayo, malapit sa main gate ng Academy.." Sabi ko..

"Maraming salamat Sebastian.." At ibinaba ko na ang tawag. Tumingin ako kay Olivia..

"Patay tayo nito kay Sophia.."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 47.9K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
239 103 13
I have no desire to be an heiress, living a life of extravagance and possessing things that most people cannot afford. Instead, I long for a life tha...
103K 2.3K 60
Highest Rank: #1-coldprincess #70-vengeance Book 1: Cold Princess (The Vengeance) Book 2: Coldest Queen (The New Battle) ____...
6.7M 61.7K 21
โœ”๏ธŽ๐‘ท๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’”๐’‰๐’†๐’… ๐’–๐’๐’…๐’†๐’“ ๐‘ท๐‘บ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ถ๐‘ด ๐ด๐‘ข๐‘กโ„Ž๐‘œ๐‘Ÿ'๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘ก๐‘’: ๐‘‡โ„Ž๐‘–๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘œ๐‘˜ ๐‘–๐‘  ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘…๐ด๐‘Š ๐‘ฃ๐‘’๐‘Ÿ๐‘ ๐‘–๐‘œ๐‘›. ๐ด ๐‘™๐‘œ๐‘ก ๐‘œ๐‘“ ๐‘’๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘œ๐‘Ÿ๐‘ ...