Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 18

698K 19.3K 7.3K
By JFstories

Chapter 18
SPG

I took a quick glance at him habang naglalakad kami palabas ng mall. He really looked like a heartthrob-leading-man in some action movie. Pwede rin syang pang-romance o kaya pang-drama. Minsan napapaisip ako kung bagay ba talaga kami. Hindi naman kasi ako ubod ng ganda, cute lang at sexy, while sya e sobrang gwapo. Ni hindi nabawasan ang manliness nya kahit bitbit nya ang bag ko.

Bitbitin ang aking bag?

Impit akong napangiti at umiwas na ng tingin sa kanya. Oo, sya lahat ang may dala ng gamit ko. Pati na rin iyong binili nya sa aking mga branded na damit ay sya rin ang may dala.

He didn't let me to carry anything but  myself. Nagmumukha ko na nga syang alalay dahil nakasunod sya sa akin sa kabila ng marami nyang dala. Ayaw naman nya magpatulong sa mga tauhan nya.

Mayamaya ay lumapit sa kanya ang kanyang driver. Inabutan sya nito ng cellphone dahil may tawag na naman yata para sa kanya.

Isa-isa nyang inilapag ang paper bag na bitbit nya sa kung saan dahil wala na syang kamay na panghawak. Halos matumba pa nga iyong iba pero nailapag naman nya nang maayos sa sahig. Gusto ko syang tulungan subalit alam kong tatanggi na naman sya. Minabuti ko na lang tuloy na pagmasdan ang kawawang pabebe ko.

"Cancel everything today." Pagkasabi nya nito sa telepono na hawak nya ay ibinalik na nya ito sa kanyang driver. Dinampot nya muli isa-isa ang mga paper bag na inilapag nya.

Lumapit na ako sa kanya dahil nagkabuhul-buhol na ang kanyang mga braso. "'Tulungan na kita."

"No need. I can handle this." Kandatuwad na sya sa pagdampot ng mga ito.

Cute nya!

"Ah, pabebe ko... saan na tayo pupunta after nito?" I pouted my lips.

"To the chocolate factory."

"C-chocolate factory?"

Nagpatiuna na sya sa paglalakad na may kargadang bitbit hanggang sa mgakabilang mga braso. "I want to give you chocolates."

Hinabol ko sya at humarang sa dinaraanan nya. "B-bumili ka ng chocolate factory para lang bigyan ako ng chocolates?"

"Yeah."

Napabuntong-hininga ako bago ko kinuha sa kanya ang kanyang mga bitbit.

"'Lika nga rito." Pagkuwan ay hinila ko sya sa isang sulok. Tiningala ko sya at sinalo ang malalamig nyang mga mata bagama't inosente. "Listen to me... hindi mo kailangang bumili ng flower shop para bigyan ako ng flowers. Hindi mo rin kailangang dahl ako sa mall mo para lang i-date mo ako. At lalong hindi mo rin kailangang bumili ng chocolate factory para lang bigyang ako ng chocolates."

Bumagsak ang bughaw nyang mga mata sa aking mga paa. "Am I doing it wrong?"

"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin." Humawak ako sa mainit nyang palad. "Actually, sobrang happy ako sa mga ibinigay mo. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve na makatanggap ng mga ganito."

Bahagyang pumaling ang kanyang ulo.

"Kaya para sa akin, ayos lang kahit simple. Kahit bigyan mo lang ako ng bulaklak na pinitas mo sa daan ay okay na. Kahit kumain lang tayo ng fishball sa kalsada ay pwede na. Kahit bilhan mo lang ako ng chocolate sa tindahan ay sapat na. Kahit manood lang tayo ng TV sa kwarto basta magkasama tayong dalawa. Basta... kasama lang kita... lahat ay keri ko na..." My God! Ako ba talaga ito? Ganito na ako kasimple ngayon?

His bluish eyes locked on mine. My heart was beating fast as I looked at it. Hinagod ng kanyang daliri ang ilang hibla ng aking buhok na nakadapo sa aking pisngi. "I could buy the whole world... to give it to you."

Kung naging kamay lang aking mga paa ay kumuyom na ang mga ito dahil sa kilig.

Pagkatapos ay ikinulong nya ang mukha ko gamit ang kanyang mga palad. "You made me worry, don't you know that? The thought of losing you..."

Nangilid ang luha sa aking mga mata. "B-bakit ako? H-hindi naman ako kasing ganda ng ibang babae na para talaga sa'yo..."

Kinuha nya ako sa pulso at dinala nya ako sa harapan ng isang glass wall. Iniharap nya ko doon kung saan nakikita ko ang aking sarili. "What did you see?"

Dito ko napagmasdana ng laki ng agwat namin. He's tall and I'm just small. He was too beautiful when he's around me. Walang man lang akong striking feature. Wala akong asset maliban sa boobs ko.

"Tell me," he said huskily. "What did you see?"

Napayuko ako. "N-nakikita ko ang sarili ko..."

Nakatingin lang sya sa akin mula sa repleksyon.

"N-nahihiya ako dahil hindi ako maganda..."

He was silently staring at me. Hindi ko mabasa ang nais nyang iparating. Ilang sandali pa'y inakbayan nya ako. Nakatingin sya kung saan kaharap namin ang aming sarili. "Tha't not what I see."

"H-ha?"

"I see the girl whom I'll spend my life with.."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya.

"The girl that I will marry..." humarap sya sa akin at saka nya iniangat ang aking mukha. "My wife-to-be."

Tuluyan nang naglandas ang aking mga luha. Ngunit bago ito malaglag ay niyakap nya ako at ikinulong ng kanyang mga braso.

I am so thankful dahil nakilala ko ang pabebe ko. Wala pala talagang imposible sa love. Walang pinipili at pantay-pantay lahat.

...

"HOW'S Mommy Sita? Are you okay with her?" tanong sa akin ni Lord K habang nasa loob kami ng kanyang kotse. Si Aling Sita ang tinutukoy nya na may cute na ilong. Pauwi kami sa kanyang mansyon nang mga sandaling iyon.

"Okay na okay kami."

"I see." Tumanaw sya sa bintana sa kanyang tabi. "Please be good to her. She's the most important person in my life."

Ganun? Parang na-hurt ako dun, ah. Nag-assume kasi ako na ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay nya. Ewan, pero nagseselos ako. Although alam ko naman na isang tunay na ina ang turing nya sa matanda. Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Paano naman ang Dad mo? Hindi ba sya importatnte sa'yo?"

"You know my dad?"

Naalala ko na wala nga pala syang alam na nagkita na kami ni Ybarra. Hindi na ako tumugon at umiling na lang. "Naikuwento lang sa akin ni Aling Sita," pagsisinungaling ko. Hay, nakakakonsensya.

Hindi na nya ako tiningnan pagkatapos niyon. Namayani sa amin ang katahamikan hanggang sa makarating kami sa mansiyon nya. Nakakapagtaka lang na hindi pamilyar sa akin ang sumalubong sa aming mga unipomardong lalaki. Nakasuot kasi ang mga ito ng pula at karamihan ay mukhang African.

Bago ko pa lang bubuksan ang pinto ng kotse nang may magbukas na nito. Namutla ako nang makilala ko ito.

Speaking of the devil, it's Ybarra. Halata sa plakado nyang kilay na inaasahan na nya kami.

Umibis pababa si Lord K ng kotse. Nakita kong umalon ang kanyang adams apple nang makita ang ama. "Sir?"

'Sir' ang tawag nya sa kanyang dad?

Bumaba na rin ako ng sasakyan. "G-goodevening po, Sir?" bati ko sa kanya.

Kinuha nya ang aking kamay at pormal na hinagkan iyon. "Please kindly introduce me to this..." sinuyod nya nang tingin ang suot kong school uniform. "...young lady..." sabay baling nya sa binata. "...my son."

"Her name... is Ruby Castillo, sir." He vowed to his father.

"Ruby?" bumalik sa akin ng tingin si Ybara. "What a beautiful name, huh."

Sinikap ko syang nginitian.

Pumamulsa ang ginoo at naglakad papasok sa bakal na pinto. "Let's go inside for a dinner." Nilingon nya pa ang anak pagkuwan. "I have something to tell."

Napalunok ako at kinabahan. Ang mga kilay na iyon, iba ang sinasabi niyon.

Nilampasan ako ni Lord K na parang hindi nya alintana na kasama nya ako. Na para bang wala sya sa sarili at walang ibang alam kundi ang tumalima sa ama.

Kahit tila napako ang aking mga paa sa lupa ay pinilit kong ihakbang ang mga ito. Sumunod ako sa mga paa ni pabebe ko kahit na iginigiya naman kami ng mga unipormadong lalaki sa daan.

Sa huli ay narating namin ang dining area ng mansyon. Mayroon iyong mahabang mesa kung saan sa dulo ay may isang upuang ginto. Samantalang sa kabilang dulo naman, na may limang dipa yata ang layo, ay may tatlong upuan. Sa tatlong bangkong ito ay may isang ginang nakaupo. Napatayo ito nang makita kami na kararating lang.

Si Aling Sita!

May pangamba sa mukha ng matandang babae. Nasalo ko ang kanyang mga mata na para bang mayroon syang nais sabihin.

"Have a seat." Anyaya ni Ybara matapos nyang makaupo sa kabilang dulo.

Sa wari ko'y wala pa rin sa sarili si Lord K nang umupo sya sa gitnang bangko. Blangko na marahil ang kanyang isip at hindi na nya nagawang paupuin ako.

Napansin iyong ni maedad na lalaki. "Don't be shy, Ruby... take a seat."

Napapikit muna ako bago ko napagdesisyunan tumabi kay Lord K. Napapagitnaan namin sya ni Aling Sita nang makaupo na ako.

Ilang sandali pa'y may mga kawaksi na naglapag sa hapag namin ng pork steak. Ang mga kubyertos na katabi nito ay tanging kutsilyo lang at tinidor.

I heard youcancelled your engagement with Mari," ani Ybara sa gitna ng kanyang pagnguya.Parang ganoon nya lang kadaling naisubo ang piraso ng steak na iyon na hiniwanya samantalang para sa akin ay mahirap iyon gawin.

Napalingon ako kay Lord K na nakatingin lang sa kanyang ama at walang kibo.

Patuloy lang si Ybara sa ginagawa. "Why is that?"

Lagot. Pihadong kapag nalaman nyang ako ang dahilan kung bakit na-cancel iyon ay mayayari ako. Inabala ko na lang aking sarili sa aking pinggan kuno.

Matagal bago nakasagot si Lord K. "There's someone I want to marry."

Panaka'y napahinto sa pagnguya ang ginoo. "Really?" pinunasan nya ang kanyang mga labi gamit ang panyolitong nasa kanyang leeg. "Who might this be?"

"The girl that you met a while ago. Her name is Ruby."saad ni Lord K nang hindi ako nililingon.

Ngumiti sa akin si Ybara. "That's nice. Congratulations!"

Tigagal man ay napangiti na rin ako. Seryoso ba sya? As in ganoon kadali nyang natanggap?

Ipinagpatuloy ni Ybara ang pagkain. "By the way, Sita..." wika nya sa pagitan ng kanyang pagsubo. "How long have you been here?"

Pasimple kong nilingon si Aling Sita na nakapako lang ang tingin sa maedad na lalaki. "Twenty-five years, Ybara."

Ybarra lang ang tawag nya sa ama ni Lord K?

"Ako na ang nagpalaki kay K." pahabol pa ng matandang babae.

Napatangu-tango si Ybara. "I know. Ikaw na ang tumayong ina ni K." kumuha ito ng tubig at uminom. "And you did an important role in my family. Hindi ka na iba sa amin."

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Ybara?" biglang tanong ni Aling Sita. Nagulat ako sa kanya dahil nakakausap nya ng ganito ang isang leader ng mobster.

Napabuntong hininga si Ybara matapos pumitik gamit ang mga daliri. May lumapit sa kanyang isang lalaki at naglapag ng baril sa hapag. Namuo ang takot sa aking dibdib nang makita ko ito. Panigurado, may hindi magandang mangyayari. The last time na nakakita ako ng baril ay namatay na tao.

Pinagsalikop ni Ybara ang kanyang mga daliri at pinagmasdan ang anak. "You must have only one in your life, my son. Sadly to say but you have to choose."

Huminto ang pag-inog ng aking mundo. Pinapipili nya ba si Lord K kung sino sa amin ni Aling Sita ang pipiliin ng kanyang anak?

"Like I always said, son... love could kill. One must die, one must live."

Napanganga ako sa sinasabi nya. Tama ang hula ko, isa sa amin ni Aling Sita ang dapat mamatay. Kagyat kong nilingon si Lord K. Madilim ang mukha ng binata at walang imik. Si Aling Sita rin ay parang walang takot na nadarama. Prente lang itong nakaupo at nakatingin lang kay Ybara.

"It's either Ruby or Sita... I want you to - " hindi na natapos ni Ybara ang sasabihin.

Dahil sa isang saglit ay tumayo si Lord K. Kalmado ang mukha nito na tinungo ang likuran ni Aling Sita. Hinawakan nya ang ulo ng ginang at walang salitang pinilipit ito paikot. Napapitlag ako nang lumagutok ang leeg ng matandang babae at wala ng buhay nang bumagsak ang mukha sa mesa.

Manghang napaangat ang paningin ko sa aking boyfriend. His face was emotionless nang tumingin ito at tumuon kay Ybara. "Fair enough?"

Para akong naitulos sa aking kinauupuan.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
6.7M 243K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...