Switched & Stuck With Him [PU...

By Chichi_Louise

189K 4.3K 1.1K

Switched and Stuck With You Copyright © 2012-2013 Chichi_Louise // Isang simpleng high school student lamang... More

Prologue:
SASWY -- Chapter 1
SASWY -- Chapter 2
SASWY -- Chapter 3
SASWY -- Chapter 4
SASWY -- Chapter 5
SASWY -- Chapter 6
SASWY -- Chapter 7
SASWY -- Chapter 8
SASWY -- Chapter 9
SASWY -- Chapter 10
SASWY -- Chapter 11
SASWY -- Chapter 12
SASWY -- Chapter 13
SASWY -- Chapter 14
SASWY -- Chapter 15
SASWY -- Chapter 16
SASWY -- Chapter 17
SASWY -- Chapter 18
SASWY -- Chapter 19
SASWY -- Chapter 20
SASWY -- Chapter 22
SASWY -- Chapter 23
SASWY -- Chapter 24
SASWY -- Chapter 25
SASWY -- Chapter 26
SASWY -- Chapter 27
SASWY -- Chapter 28
SASWY -- Chapter 29
SASWY -- Chapter 30
SASWY -- Chapter 31
SASWY -- Chapter 32
SASWY -- Chapter 33
SASWY -- Chapter 34
SASWY -- Chapter 35
SASWY -- Chapter 36
SASWY -- Chapter 37
SASWY -- Chapter 38
SASWY -- Chapter 39
SASWY -- Chapter 40
SASWY -- Chapter 41
SASWY -- Chapter 42
SASWY -- Chapter 43
SASWY -- Chapter 44
SASWY -- Chapter 45
Epilogue:
ACKNOWLEDGEMENTS & ANNOUNCENTS (PLEASE READ)
TO BE PUBLISHED.
A very short announcement

SASWY -- Chapter 21

3K 82 17
By Chichi_Louise

Chapter 21


(Elise's Point of View)


"Elise!"

"Ay kabayo!" Ano na naman kayang kailangan ni Jane? Kita nang busy ako e.

"Nagulat ka pa do'n? E pang sampung sigaw ko na 'yon." 'Di nga?

"Bakit mo ba kasi ako tinatawag?"

"Gusto ko lang po magpaalam. Alas-siyete na ng gabi at hinahanap na ako ni Kyle. Tapos ko na din 'yung project natin na halos ako lang ang gumawa. Kasi naman wala ka nang inatupag kundi makipagtext kay Sean."

"Tigil-tigilan mo nga ako diyan Jane. Pinag-uusapan lang namin 'yung intramurals next week. Kaya pwede ba? 'Wag kang mag-isip ng kung anu-ano d'yan." Napili kasi si Claire at Nath na maging fourth year team leader at dahil ako nga ang nasa katawan ni Claire kapag nasa school kami, ako na daw ang bahala. Tinatamad daw kasing mag-lead si Claire.

"Asus! Intramurals nga ba? Anong meron sa intramurals na nakakapagpangiti sa 'yo?"

"Ha? Hindi naman ako nakangiti a! Tigilan mo nga ako sa pang-aasar mo diyan Jane. Bakit mo ba ako palaging inaasar kay Nath, magkaibigan lang naman kami."

"Tse! Sinasabi mo lang yan Elise pero ang totoo, may gusto ka na kay Sean. In-denial ka lang."

"Jane. Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba? Hindi pa ako ready."

"Sinasabi mo lang 'yang hindi ka pa ready kasi nga pinangungunahan ka ng takot. Kaya ayan, in-denial ka kahit gusto mo na 'yung tao iniisip mo pa din na hindi. In other words gusto mo na natatakot ka lang na aminin sa sarili mo. Gets mo na?"

"Hindi pa din. Kahit ilang beses mo pa sabihin yan sa akin Jane. Hindi ko 'yan maiintindihan. Basta hindi ko siya gusto. At ayaw ko nang magkagusto kahit kanino man. Okay?"

"Ewan ko sa 'yo Elise, sa lahat ng nagmamatigas ikaw 'yung bato na. Bahala ka nga d'yan. Alis na ko bye! Sana magising ka na sa mga sinabi ko! Alam ko naiintindihan mo ako Elise." Kinuha na niya 'yung bag niya tapos umalis. Umiling na lang ako at hindi na lang inisip 'yung mga sinabi ni Jane. Napunta ang atensyon ko sa cellphone ko na kakatunog lang.

From: Nath

Nga pala elise nandito na sa bahay yung materials na gagamitin para sa decoration sa battle of the bands at vicory party. Kailan tayo gagawa?

To: Nath

Wow! talaga? Ambilis naman, kahapon ko lang yan pinabili sayo ahh.

Hmm, kung okay lang punta ako dyan bukas ng 6pm. Tapos gawin natin. Wala kasi t ayong time sa school ehh. May exam pa tayo.


Next week na ang intramurals kaya busy na talaga kami, imbis na mag-aaral na lang kami, kailangan pa naming asikasuhin ang victory party na part ng intramurals.

From: Nath

Okay lang naman. Sige bukas na natin simulan.

Matulog na tayo ngayon :) Para naman may lakas tayo para bukas.

Goodnight, sweet dreams and sleep well elise. :)

To: Nath

Cge. Goodnight din.

Inayos ko na 'yung sarili ko pagkatapos ay natulog na.

*****

"Sige Nath bye! Bukas ulit ha? Paki sabi sa lola mo salamat sa pakain, ang sarap." Nandito ako sa labas ng gate nila Nath, pauwi na dahil natapos na namin ang mga kailangan naming gawin.

"Oo sige sasabihin ko. Sigurado ka bang ayaw mo nang magpahatid?"

"Oo hindi na, sa kabilang village lang naman ako, malapit lang."

"Okay. Sige, bukas ako naman ang pupunta sa inyo para quits. Sige na ingat ka ha." Tumango lang ako tapos umalis na ako.

Kakapasok ko lang ng gate ng subdivision nang may narinig akong sumisit. Kinabahan ako kaya mas lalo kong binilisan paglalakad. Napatigil ako nang may humawak sa balikat ko. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko 'yung matandang babae na tinulungan ko noon.

"Lola? Ano po ang kailangan niyo? Teka, natatandaan niyo pa ba ako?" tanong ko dito.

"Oo, iha natatandaan kita at hindi kita malilimutan." Ano daw? Bakit naman?

"Gano'n po ba? Teka, may kailangan po ba kayo sa akin?"

"Hinahanap ko kasi ang address na 'to, matutulungan mo ba ako?" Pinakita ng matandang babae 'yung address na nakasulat sa papel. Sa kabilang street lang namin 'yon kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na samahan si lola doon.

"Iyan po 'yung address na pinakita niyo sa akin lola." Tinuro ko ang bahay na nasa tapat namin.

"Maraming salamat iha? Sige umuwi ka na sa bahay niyo." Tumango lang ako tapos nginitian ko siiya tapos tumalikod na.

"Teka lang pala, isa sa makakapagtanggal ng sumpa ay ang halik ng taong nilalaman ng puso mo." Sumpa? Alam ni lola ang tungkol do'n? Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi kaya siya ang sumumpa sa 'min? Tumalikos ako para tanungin siya pero nakapasok na siya ng bahay at nakita kong isinara na niya 'yung pinto.

(Claire's Point of View)


"My loves sige na please? Labas na tayo. Hindi ka ba nabobored?" Nandito ako ngayon sa bahay ni Xavier. Alam kong gabi na, pero may hinanda kasi akong surprise dinner date sa kanya kaya pinipilit ko siyang lumabas.

"Claire. Ayoko ko nga kasi. Pagod ako. Galing kami ng practice gusto ko na magpahinga."

"Saglit lang naman my loves e, kakain lang tayo."

"Claire. Ano ba?! Kapag sinabi kong ayaw ko ayaw ko. Okay? Alin ba do'n ang mahirap intindihin? Pagod ako Claire." Napatahimik ako sa pagsigaw niya, naiiyak na talaga ako kasi ito ang unang beses na sinigawan niya ako at unang beses na tinanggihan niya ako.

"Okay fine! Aalis na ako." Bbinuksan ko na 'yung pintuan pero bago pa ako umalis. "Nga pala happy monthsary ha?" Tumakbo na ako palabas. Hindi ko na kayang pigilan yung luha ko.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at di-nial 'yung restaurant.

"Hello, This is ms. Wilson. I-cacancel ko na 'yung reservation ko." Pagka-end ko ng call may humila sa akin tapos niyakap ako. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino siya kasi alam ko naman na si Xaviier 'to.

"My loves, sorry. Happy monthsary. Sorry."

"Okay lang Xavier. Aalis na muna ako magpahinga ka na muna. Bukas na lang tayo ulit mag-usap. Goodnight." Tinulak ko siya para makalas 'yung pagkakayakap niya sa akin. Hindi naman ako galit sa kanya pero hindi naman maiiwasan na sumama yung loob ko.

Tumakbo ako papunta sa park. Gusto kong magpahangin at magisip-isip. Ayoko munang umuwi.

Napansin ko 'to matagal na, simula no'ng umamin kami ni Elise sa ospital medyo naging cold na sa akin si Xavier. Minsan kahit hindi pinapakita ni Xavier naiisip ko, hindi kaya na-coconfuse siya sa amin ni Elise?

"Iha." Napatingin ako sa tumabi sa akin at hindi ko siya kilala pero mukhang ako 'yung tinatawag ng matandang babae. Bakit kaya?

"Bakit po?"

"Kung gusto mo nang matapos ang sumpa. Ipagtapat mo na ang mga ginawa mo noon na alam mong mali habang maaga pa. Bago pa mawala sayo ang kaligayahan mo, kailangan mong isakripisyo ang sikreto mo." Paano niya nalaman yung tungkol sa sumpa?

"Teka, paano-" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ko.

"Kilala ko ang babaeng sinaktan mo. Napakabait niya at hindi siya karapatdapat pasakitan at paglihiman. Sana maibigay niyo na sa kanya ang kanyang kaligayahan." Paano niya nalaman ang lahat? Sasagot pa sana ako nang biglang may tumawag sa 'kin.

"Claire!" Si xavier pala.

"Bakit ka nandito?"

"Galit ka ba talaga sa akin? Sinundan kita dito, medyo natagalan lang kasi may binili ako. Ito o." Binigyan niya ako ng flowers na kanina ay nasa likod niya. "Bati na tayo my loves, tara kain tayo sa labas." Ngumiti ako tapos tumayo na nang maalala ko, may kausap pala ako kanina.

'Pag lingon ko wala na 'yung matandang babae. Kailangan ko na ba talagang aminin 'yung kasalanang nagawa ko para bumalik na kami sa dati? Pero kinakabahan ako, baka imbis maalagaan ko pa 'yung relasyon namin ni Xavier ay mawala pa 'yon lalo. Kaso sabi ng matandang babae"Bago pa mawala sayo ang kaligayahan mo kailangan mong isakripisyo ang sikreto mo." Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?


Continue Reading

You'll Also Like

3M 38.2K 75
What will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema...
20.8K 1.2K 34
Si Herriette na nag-iisang anak ng mag-asawang Cosmus ay kaiba ang apelyido sa kaniyang magulang. Makikilala niya ang lalaking nagngangalang Jacinth...
11.1K 972 63
"The love that you are searching from someone else, will and must always start with yourself." (A collection of poem and prose about self-love, movin...
440K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)