SASWY -- Chapter 30

2.6K 69 19
                                    

Chapter 30


(Claire's Point of View)

Paikot-ikot ako sa harap ng pintuan ng bahay namin. Hindi ko kasi alam kung paano ko i-aaproach si Xavier. Gusto kong magkabalikan kami, pero hindi ko naman alam kung paano.

Pagkagising ko at nalamang nasa sariling katawan ko na ako, gustong-gusto ko nang tumakbo kay Xavier para ibalita ang good news. Dati kasi 'yon ang napagkasunduan namin. Kung sakaling kami pa, sa kanya ko daw unang una ibalita kapag nawala na ang sumpa.

Biglang may nagdoorbell habang paikot ikot ako sa tapat ng pinto kaya agad ko tiningnan kung sino 'yon. Si Elise at Sean ang sumalubong sa akin, alam kong masayang masaya rin si Elise dahil bumalik na kami sa normal kaya naman sinalubong niya ako ng yakap.

"So, kayo na ba?" tanong ko sa kanila. Hindi nila ako sinagot sa halip ay hinawakan nila ang kamay ng isa't isa pagkatapos ay itinaas ang mga ito, para inggitin, este ipakita sa akin na sila na nga.

"Edi kayo na may lovelife!" sabi ko sa kanila. Nagtampu-tampohan ako. Nakakainggit kasi e, namimiss ko na si Xavier.

"E kasi naman ano pa bang ginagwa mo dito Claire? Bakit hindi mo pa puntahan ang love of your life para naman may love life ka na rin," sabi ni elise. Gustong gusto ko nang puntahan si Xavier Elise, kung alam mo lang, pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Hindi ko nga kasi alam kung anong sasabihin ko e."

"Sabihin mo lang kung anong nararamdaman mo. Tinawag ko rin si Jane, Ellie at Kyle. Magpaparty tayo dito. Bibili lang muna kami ng pagkain sa labas ha? Ikaw na ang mag-invite kay Xavier, bye!" Ako pa talaga ha? Napailing na lang ako sa balak ni Elise. Iimbitahan ko ba si Xavier?

Sinarado ko 'yung pinuan at huminga ng malalim bago nagpractice ng speech na sasabihin ko kay Xavier, mahirap na baka mautal ako kung sakaling kakausapin ko siya.

"Xavier ano kasi. Hindi ko naman sinasadya na gawin lahat 'yon noon. Please patawarin mo na ako." Teka, mukhang may mali, kasi sinadya ko naman lahat. Take 2.

"Xavier, please naman patawarin mo na ako. Nagawa ko lang naman yung kasi mahal na mahal kita e. Hindi mo na ba ako mahal?" Ang desperada masyado ng dating. Take 3.

"Xavier. Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Kahit hindi mo na ako mahal handa akong maghintay sa 'yo, mapatawad mo lang ako at mahalin ulit." Pangit. Parang hindi lang niya ako papansinin, kapag 'yan ang sinabi ko.

Ayoko na nga! Bahala na kung walang lumabas sa bibig ko basta gusto ko siyang makita at maka-usap. Kinuha ko na 'yung bag ko tapos lumapit na sa pinto nang bigla na lang itong magbukas. Si Xavier? Ano namang ginagawa niya dito?

"Elise, buti naman at nandito ka. Mukhang may lakad ka pero saglit lang muna, may gusto lang akong sabihin sa 'yo." Elise? Wala pa bang nagbabalita sa kanya na wala na 'yung sumpa? At ano naman ang sasabihin niya kay Elise? Parang importante.

"Elise, mahal kita. Kaya masaya na ako na si Sean ang pinili mo basta ba masaya ka sa kanya." Nagpunta ba siya para sabihin 'yan? Masakit a.

"Pero Elise, tama ka e mas mahal ko si Claire. Nabulag lang ako sa galit ko sa mga ginawa niya. Nagpunta ako dito para magpasalamat kasi pinarealize mo 'yon sa akin." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ako naman speechless. Tama ba yung narinig ko? Mas mahal niya talaga ako?

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon