Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 17

782K 19.9K 5.9K
By JFstories

Napapangiti na ako nang marinig ko ang tahol ng aming aso sa labas ng aming bakuran. Napabangon tuloy ako sa aking kinahihigaang papag. Kilala ko itong si Bayug. Bihira itong tumahol dahil lagi lang itong may kinakayug.

Nadatnan ko ang isang lalaki doon nang lumabas ako sa aming bahay.

"Ariel?"

Limapit agad sya sa akin nang marinig nyang tinawag ko sya. "R-Ruby, bakit mo iyon ginawa sa kapatid ko?" malamig ang kanyang kamay nang humawak sa aking braso ang mga ito.

"Ha? Kapatid mo? Si Breeze?" buong pagtataka kong tanong sa kanya.

"O-oo. Bakit mo sya isinuplong?"

"Isinuplong?"

Hindi maipinta ang kanyang mukha. Namumutawi sa mga mata nya ang muta. "B-bakit mo sya ipinakulong?"

"Ako? Hindi ko sya isinuplong o ipinakulong."

Hinilamusan nya ang sarili gamit ang mga palad. "Kung ganun, sino? Sino, Ruby?! Kung hindi ikaw, sino?!" nagtaas na sya ng boses.

"Ewan ko... pero hindi ako."

"Ikaw lang naman ang huling nagbigay sa kanya ng pera! Paano mo sasabihing hindi ikaw ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis?!" namumula sya sa galit.

"I swear, Ariel, hindi talaga ako."

Tinalikuran nya ako bago sya napasuntok sa hangin. Bahagya lang syang kumalma bago humarap sa akin. "Hindi mo kilala si kuya Breeze, Ruby. Kapag nakalaya sya, ikaw at ang pamilya mo ang pagbabalingan nya." pagkuwan ay naglakad na sya palayo sa akin.

Tulala lang akong tinatanaw sya. Totoo ba ang sinabi nya? Ako at ang pamilya ko ang pagdidiskitihan ng kapatid nya? Wala naman akong alam sa mga nangyari. Ni hindi ko nga alam na nakakulong pala kuya nya.

Bigla tuloy akong kinabahan. Paano kung ilaglag ako ni Breeze at ikanta nya ako sa mga pulis na nagbebenta ako ng epektos? Paano kung idamay nya ako dahil iniisip nyang ako ang nagsuplong sa kanya? O di kaya naman ay nakalaya sya at ipapatay nya ako kasama ngpamilya ko?

Ano ba itong gulo na pinasok ko? At bakit naliligo sa laway ang mukha ko?

...

BUSINA NG ISANG sasakyan ang nagsilbing alarm clock ko. Napabalikwas ako ng bangon dahil bigla akong kinabahan. Natatakot ako na baka ito na si Breeze at naghihiganti. Nawala sa dibdib ko ang pangamba nang matanaw ko sa aming bintana ang isang itim na koste sa aming bakuran.

Kilala ko kung kaninong sasakyan ito.

Tumunog ang aking cellphone at dali ko itong dinampot. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Lord K kaya sinagot ko ito.

"Ready?"

"S-saan?"

"We're having a date today."

Seriously? It's only six in the morning! Natulog ba sya? Alas-tres na kami natapos kagabi, ah.

Napatikhim ako. Hinihila ako ng aking higaan pero nagising ang mga dugo ko. "A-anong meron?"

"It's our monthsary."

Napatakbo tuloy ako sa likod pintuan ng aking kwarto kung saan naroon ang aming kalendaryo. Bumagsak ang aking balikat nang makita ko ang petsa. "Hindi naman, eh. Malayo pa ang next monthsary natin." Katatapos lang kaya noong last. 

"I decided to celebrate it everday."

Patakbo kong tinungo ang aming banyo. Naligo ako agad at nagbihis ng school uniform.

Paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Amang.

"Saan ka pupunta?"

"Chuchurva."

"Ha?"

"Este!" nabatukan ko ang aking sarili. "Papasok na po sa school."

"Papasok eh, anong oras pa lang? 'Di ba, alas neuve ka umaalis dito?"

Humugot ako sa aking bulsa ng wallet. Kumuha ako ng limang daan na papel doon na natira ko pa sa naibigay sa akin ni Rom at saka ibinigay kay Amang. "Gamitin nyo po iyan sa sabong. Naipon ko po iyan sa aking baon. Malay nyo po swerte iyan dahil galing sa akin."

Sarkastiko syang napangiti. "Alam mo anak..."

Naku mukhang hindi ko sya masusuhulan!

"...maganda yang maaga kang pumapasok."

Sumibat naman ako palabas ng bahay hanggang marating ang kinaroroonan ng itim na sasakyan. Sa loob niyon ay prenteng nakaupo si Lord K ngunit umibis sya pababa nang matanawan nya akong paparating. Binuksan nya ang pinto ng kotse at iginaya nya ako papasok.

Si Pabebe ko ba talaga ang lalaking ito?

Pagkaupo ko sa backseat ay marahan nyang isinara ang pinto. Umikot sya sa kabilang pinto at doon pumasok. Ang gentleman naman. Kalmado ang kanyang pagkilos na para bang sanay nya ng gawin ito gayung ito ang unang beses. At bakit ganito? Parang mas lalo yata syang gumuwapo? Kahit may suot na maskara, ang guwapo-guwapo pa rin nya. Ops! Handsome was a lame word to describe him. He was more than that. 

Bumaling sya sa driver. "To the flower shop."

Flower shop? Siguro ibibili nya ako ng bulaklak? Napaisip bigla ako. Parang ginagawa nya iyong mga sinabi ko sa kanya na dapat ginagamapanan ng isang BF. Well, mukhang natututo na sya. Pihadong matutuwa nito sa Aling Sita na may malaking ilong.

Ilang minuto lang ay narito na kami sa isang flower shop. Ito lang naman ang pinakamalaking tindahan ng mga bulaklak dito sa aming lugar. Bumaba si Lord K ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bakit kaya kapag pinagbubuksan nya ako, pakiramadam ko'y binubuksan nya rin iyong panty ko?

Tigilan mo, Ruby! Mahiya ka! Wholesome ka dapat ngayon!

Napatingin ako sa mga bouquet ng roses na display. Kumikinang ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Never pa kasi akong nakakatanggap ng mga ito since birth. Wala pang nakakapagbigay sa akin ng ganito karaming bulaklak. Kahit ang mga ex ko ay hindi afford ito. At saka hindi naman ako kagandahan para pag-aksayahang bilhan nito.

"Flowers for you." Tinig ni Lord K na nasa aking likuran.

Nakangiti ko syang nilingon. "Alin sa mga ito?" pagkatapos ay bumaling muli ako sa mga bulaklak na nakaayos sa bouquet. Napalabi pa ako habang namimili at nang may ma-spot ako, nilapitan ko iyon. "Pwede itong bouquet na ito?" kinuha ko iyon at parang sanggol na idinuyan sa aking mga bisig.

Lumapit sya sa akin at saka pumamulsa. "Not only that one."

"Ha?"

Hinila nya ako sa pulso at dinala nya ako sa loob. Inilibot nya ang kanyang mga mata sa buong paligid na puno ng mga bulaklak. "But all of these."

Napatingin na rin ako sa paligid na kung aakalain ay isang hardin ng mga pulang rosas. "Bibilhin mo lahat ng bulaklak dito?"

Tumingin sya sa akin sanhi para mapatingala ako sa kanya. "I'm not just buying flowers... I also bought this flower shop for you."

My mouth fell open. "B-binili mo... ang flower shop na 'to?"

"I did. Before I went to your place." Pumitas sya ng isang rose sa hawak kong bouquet at inilagay nya iyon sa aking tainga. "These flowers are for you."

Papatayin nya ba ako sa kilig? Kung gaano kasi karami ang mga bulaklak rito ay higit pa roon ang kaligayahang nadarama ko. Ang isang bouquet lang ay okay na. Pero ang isang buong tindahan? Nakakaloka.

Nagka-instant negosyo pa!

Teka, kailan kaya isasalin sa akin ang titulo? Pero saka ko na itatanong. Mas uunahin ko muna ang kiligin kaysa hanapin ang mga legal documents. Binalingan ko isa-isa ang mga bulaklak at hinagkan ang mga ito.

Nawala ako sa sarili at nayakap ko sya. "Thank you, Pabebe ko." Naamoy ko tuloy ang mamahalin nyang pabango. This could turn me on lust kaya kumalas ako. Binalingan ko isa-isa ang mga bulaklak at hinagkan ang mga ito.

Lumapit kay Lord K ang aming driver at inabutan sya ng telepono. Tawag yata iyon sa kabilang linya kaya siangot nya.

Narinig kong nagsalita sya mayamaya. "Cancel it. I have a date today." Pagkasabi'y pinatay na nya ang linya at ibinalik sa driver ang cellphone. Humakbang sya hanggang sa makalapit sa akin. "You can have your flowers here... everyday."

"E-everyday?"

Kumurap ang banyga nyang mga mata. He's wearing masquerade pero angat ang kulay ng mga ito. "Like what I said..." he touched my chin to lift my face. "I decided to celebrate... everyday."

...

"PAPASOK TAYO DYAN?" tanong ko kay Lord K dahil napahinto ako. Balak ba naman nyang pumasok sa isang malaking mall na sarado pa dahil alas-ocho pa lang ng umaga. Ten o'clock pa kasi ang bukas nito. "Maaga pa, mamaya pa ang bukas nyan."

Hindi na sya at dinampot na lang nya ang akin kamay para hilahin ako. Wala akong magawa kundi ang magpatianod sa kanya.

Paglapit namin sa main entrance ay sinalubong kami ng mga gwardya. "Sir, dito po ang daan." Iginiya kami ng mga ito papasok at hinatid pa kami.

Ano ba talagang nangyayari?

Walang ibang customers doon kundi kami lang maliban sa mga crew ng mga bukas na restaurant at shops. Nakakapagtaka rin na bukas ang mga ilaw at aricon ng mall maging ang escalator ng mga ito. Parang normal maaga yata itong nagbukas ngunit ang kakaiba lang ay kaming dalawa lang ang shoppers dito. I know this mall. Palagi kami ni Chie-chie dito dahil isa ito sa pinakamalaking mall dito sa Cebu.

Lumiko kami matapos naming manggaling sa escalator. Naroon ang isang restaurant na mukhang kaming dalawa lang ang kakain. Subalit bago namin narating ito ay alang kiosk ang aming nadaanan na may service na rin.

Pagkaupo namin sa upuan ay nilapitan agad kami ng waiter upang abutan ng menu. Pinagpawisan ako kahit airconed ang paligid nang makita ko ang presyo ng mga pagkain na nakalista.

Binalingan ko na lang si Lord K na nakapirmi ang mga mata sa menu. "Ah, Pabebe ko... 'di ba close pa ang mall na ito? Bakit bukas na iyong mga tindahan at kainan sa loob nito?"

"This mall will operate for us only for today." Aniya nang hindi tumitingin sa akin.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. "Ha? Inupahan mo ang buong mall na ito?"

"I didn't." Umangat ang kanyang mukha kaya nasalo ko ang bughaw nyang mga mata. "I own this."

Napatayo ako sa sinabi nya. "Pag-aari mo ang mall na ito!"

Naningkit ang kanyang mga mata. "Is there a problem with that?"

Awtomatiko akong napabalik sa aking kinauupuan. "W-wala..." itinuon ko na lang ang aking sarili sa hawak kong menu. Nanlulumo ako sa isiping ganito sya kayaman. Hindi ko naman akalaing pag-aari nya ang malaking mall na ito.

Bakit ba hindi ko naisip iyon? Nagawa nya nga palang bumili ng isang flower shop sa isang iglap.

Hindi ko na alam kung ano iyong in-order ko. Basta alam ko lang ay pork steak ito kasi may picture naman. Gusto ko sana iyong special daing kaya lang kahawig naman ng ilong ni Aling Sita. Mawawalan naman ako ng gana kapag ganoon.

I've had trouble eating my steak. Nariyan iyong tumilapon ito sa sahig at tumalsik sa kung saan. Malambot naman ang karneng ito pero nahirapan talaga akong tinidurin. Bakit kasi wala akong spoon? Kutsilyo ang gamit ko at saka gadaliring fork. Mabuti pa nga itong BF ko ay hindi nahirapan. Halata namang kasing sanay syang kumain ng mga ganitong sosyal na food. Syempre nga naman dahil ipinanganak syang sosyal at ako ay ipinanganak naman na pasosyal lang.

Dumerecho kami sa sinehan para manood ng movie. Pinapili nya pa nga ako kung anong panonoorin. Siyempre, pinili ko iyong horror para kunwari ay matatakot ako. Tapos mapapakapit ako sa kanya at ang ending, maghahalikan kami.

As expected, kami lang dalawa. Sakto kasi madilim at malamig. Magkatabi kami at may bitbit akong pop corn sa aking tabi.

"Anong fave movie mo?" tanong ko sa kanya habang hindi pa nag-uumpisa iyong palabas.

"I had never seen a movie."

"Ano? Hindi ka pa nakakapanood ng movie?"

Nakitang umalon ang kanyang adams apple. "This is the first time I'm going to see a movie. I really don't know what it looks like."

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Oo nga pala, naikwento na sa akin ni Aling Sita na hindi nga pala naging normal ang buhay ni Pabebe ko.

Napapikit ako matapos kong humarap sa malaking screen. "Okay lang. At least, ngayon, makakapanuod ka na."

Doon din sya nakatingin.

"Masaya ako kasi ako ang kasama mo." Nagpatuloy ako. "Swerte ko kasi - "

Bigla syang napapiksi at napakapit sa braso ko.

"Ha?"

Kaya naman pala. Nagsimula na iyong palabas. Lumitaw kasi agad iyong multo kaya sya napakapit sa akin. "Damn, I'm scared..."

Seryoso ba sya? Nanginginig pa sya, oh, habang nakakapit sa akin.

Lihim na lang ako ng napangiti. Ang cute nya kasi. "Ah, Pabebe ko... salamat nga pala kasi - "

"Jesus!" napatalon pa sya at napausod sa akin. "Ghost?!" Napaurong pa siya sa pagkabigla.

Tsk. Sana pala hindi horror ang pinili ko. Malay ko bang matatakutin pala ang poging ito. Hmp! Akala ko mo brusko. Iyon naman pala ay takot sa multo!

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 99.4K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
830K 26.9K 100
Khaizer Alex Montenegro