My Professor is an Eyesore

By heytheregigi

2.2M 16.7K 4.8K

Cheska Romulo is not your typical spoiled brat. Wala siyang sinasanto. She can be a bitch to everyone. She ca... More

My Professor is an Eyesore
Lesson 0
Lesson 1
Lesson 2
Lesson 3
Lesson 4
Lesson 5
Lesson 6
Lesson 7
Lesson 8
Lesson 9
Lesson 10
Lesson 11
Lesson 12
Lesson 13
Lesson 14
Lesson 15
Lesson 16
Lesson 17
Lesson 18
Lesson 19
Lesson 20
Lesson 22
Lesson 23
Lesson 24
Lesson 25
Lesson 26
Lesson 27
Lesson 28
Lesson 29
Lesson 30
Lesson 31
Lesson 32
Lesson 33
Lesson 34
Lesson 35
Lesson 36
Lesson 37
Lesson 38

Lesson 21

46.5K 385 135
By heytheregigi

Lesson 21
Curiosity

"Hindi mo pa ba sasagutin 'yan? Kanina pa 'yan ah," sabi ko sa kanya habang kinakain ang Peach Mango Pie na bigay niya kanina.

Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang phone niya. Tumayo siya at saka pumasok sa kwarto. Hindi ko ba pwedeng marinig kung sino ang kausap niya at kung ano ang pinag-uusapan nila?

Itinuloy ko lang ang pagkain sa Peach Mango Pie na inalok niya sa akin kanina. Halos mauubos ko na ito pero hindi pa rin natatapos ang usapan nila ng kausap niya. Would I eavesdrop?

Tumayo ako at naglakad nang dahan-dahan patungo sa pinto ng kwarto. Medyo nakauwang ito at nakikita ko ang nakatalikod na si RR na nakatayo sa tapat ng kama habang pinapasadahan niya ng hagod ang ulo.

"...not now, please. We're having dinner," sabi niya sa kausap. Pinipilit ba siyang kausapin ng kausap niya?

Idinikit ko pa lalo ang tainga ko sa pinto.

"Yup, she's with me. Let's just text, okay? Bye..."

Baka naman co-faculty niya lang or a client?

"Love you, too... I gotta hang this up."

Nagulat ako sa narinig ko. Ramdam ko ang pagbilis ng pulso ko. Naramdaman ko ang paglakad niya palabas ng kwarto kaya tumakbo ako nang dahan-dahan papuntang dining room. Isinantabi ko muna ang pagkagulat ko.

Umupo na ako at itinuloy ang pagkain sa Peach Mango Pie. Ramdam kong nasa likod ko na siya.

Tinapik niya ang balikat ko.

"Sino yung tumawag sa'yo?" tanong ko sa kanya. I pretended I did not hear anything a while ago.

Umupo na siya sa harapan ko at inayos ang kuwelyo niya. "Ahh... just a client."

Agad na tumaas ang kilay ko. Client pero may love you, too?

"Was asking me to consult his finance department next week," pagtutuloy niya. "Sabi ko, maya na lang kami mag-usap dahil kumakain tayo."

I narrowed my eyes. RR, why are you lying?

"Fine," maiksi kong sagot at ipinagpatuloy ang pagkain.

"What's with that face?" Tanong niya sa akin habang pinanliliitan din ako ng mata.

"Bakit? May mali ba sa mukha ko?" Tanong ko pabalik.

"Haist," he waved me off. Tinuloy na lang niya ang pagkain.

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko. Umupo ako nang diretso at saka tiningnan siya ng diretso.

"Tell me, RR."

Agad na inangat niya ang ulo niya. "Tell you, what?"

"Do you think we have a chance that our relationship will work?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Pinag-iisipan niya pa ang sagot niya.

Dugtong ko. "If this relationship won't work, then we can like somebody else, right? Tutal sa papel lang tayo binded. If both of us have third parties, then it doesn't matter. Am I right?"

"Bakit mo nasabi 'yan? May nagugustuhan ka bang iba?" Gago. Ikaw ang gusto ko.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. May pag-asa ba tayo, RR?" Madiin ang pagtanong ko sa kanya.

"Baka. Hindi ko alam. Oo? Depende. Aish. Bakit mo ba ngayon tinatanong 'yan?!" Napahawak siya sa batok niya.

Gago ka. Ang dapat na sinagot mo diretso at siguradong OO.

"Una na akong matulog." Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at iniwan siya sa hapag-kainan. I lost my appetite.

"Ako lang ang magliligpit nito ha?!" Sigaw niya.

"Sino pa nga ba?" Lumingon ako sa kanya pagkalagpas ko sa pintuan. "You were the one who ordered for it, right?" Ani ko sabay sarado nang malakas sa pinto.

* * *

Pinapakinggan ko ang pagkilos niya sa kusina. Mula sa pagligpit ng kinainan namin hanggang sa paghugas itinuon ko ang atensyon ko sa kanya. The call he had later troubles me big time lalo na nang marinig ko ang exchange ng I love you's nila.

I sensed he is walking towards our room and I quickly shut my eyes. He turned on the lights. He's checking on me if I am asleep or not then he turned it off again.

Naramdaman ko ang bigat niya sa tabi ng puwesto ko.

Buti na lang nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya makikita ang pagngiwi ko. Napapangiwi ako dahil iba na naman ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.

Dahil nakatalikod ako sa kanya, hindi ko rin makita kung anong ginagawa niya. Kung tulog na ba siya o hindi pa.

Nagring na naman ang phone niya.

"Gabi na ah? Bakit napatawag ka?" sagot niya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang paghinga niya malapit sa leeg ko. Halos mapasinghap ako dahil sa naramdaman ko pero pinigilan ko dahil tinitingnan niya yata kung talagang tulog ko.

"Cheska..." bulong niya sa tainga ko. Goodness, that turned me on but I forced myself to pretend I am asleep. Binagtas ng kamay niya ang mga braso ko at saka bumalik ulit sa pwesto niya kanina.

"I think she's already asleep," sabi niya ulit. RR, what are you up to?

Nanahimik siya saglit.

"Please don't always call especially when I'm home. Alam mo namang -" naputol ang sasabihin niya.

Dahil andito ako, ganoon ba?

"Irritated? No, you aren't irritating me. Ikaw pa ba?" Tumawa siya saglit. I suddenly felt a pinch in my heart. I have always been an annoying bug to him. 

"Bye, maaga pa kami bukas and you're in night duty, right? Take care..."

"Yep, love you, too..." Dugtong niya.

Anong kagaguhan ito, RR? Bakit mo hinayaang ikasal tayo na may karelasyon ka pa pala? Does it mean I can be in love with someone else for us to be fair?

Love you, too... Damn.

Based on his movements, I guess he's putting himself down to sleep. Ugh, ako naman itong hindi makatulog dahil sa mga narinig ko ngayong gabi. Ang lakas ng loob niyang makipaghalikan sa akin kanina tapos 'yun naman pala may iba pala siya.

Naglolokohan lang kami rito eh. I want out.

Only I can't do it right now. Hindi kung kailan crucial ang kasal namin sa mga kumpanya namin ngayon.

Just when I was about to decide to sleep my frustration away, I heard him sigh. Then I felt his arm wrap around my waist. Gosh, what is he doing?

"Damn, Cheska..." he softly said.

* * *

Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagkahigpit sa bandang tiyan ko. Hindi ko mawari kung gabi pa ba o umaga na dahil makakapal ang mga kurtina kaya hindi ko makita ang labas. Bumaba ang paningin ko papunta sa baywang ko at nabakas ko ang braso niyang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. Hindi ako makahinga nang maayos kaya nang ginalaw ko nang dahan-dahan ang leeg ko, tumama ito sa bagay na malambot.

Tumaas ang balahibo ko nang umabot sa leeg ko ang mahina niyang pagbuga nang hininga. Hindi ko na binalak na lumingon sa pagkakatagilid kong posisyon dahil alam kong mukha lang niya ang tatambad sa akin.

Inabot ko ang phone ko sa mesa na malapit sa akin.

Time check: 5:30 A.M.

Medyo maaga pa. Iidlip pa ako ng ilang oras panigurado gigisingin pa ako mamaya ni RR. Ibinalik ko ang phone sa mesa at pumikit ulit. Maya-maya lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at  hindi nagtagal, humiga na siya nang maayos. Doon ko napagdesisyunang humiga na rin nang maayos dahil nangangawit na rin ako sa nakatagilid na posisyon.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin ako makatulog. Letse kasi itong lalaking ito, payakap-yakap pa.

Inilibang ko na rin ang sarili ko sa pagtitig kay RR. I traced my index finger from his forehead to his eyebrows, then down to the bridge of his nose until I ended up on the space above his lips. Binawi ko ang daliri ko. Hindi ko sinasadyang mapalunok habang pinagmamasdan ang bahagyang nakaawang niyang mga labi. Bumaba ang tingin ko sa leeg niya at sinundan ang paggalaw pati ng Adam's apple niya.

Sakalin ko 'tong lalaking ito eh. Bakit ang gwapo naman masyado nito?

Binaling ko ang posisyon ko sa kanya kaya ngayon naman ay nakaharap na ako sa kanya.

Pwede na sana tayo kaso may issue ka. Napaisip ako habang nakatitig sa kanya. Hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko ang phone niya sa tabi. Ingat na ingat ako sa pag-abot nito para hindi siya magising.

Halos tumalbog na ang puso ko sa kaba nang bigla siyang umunat at tinamaan ang braso ko. Muntik nang bumagsak ang phone niya sa tiyan pero nasalo ko rin kaya agad akong bumalik sa posisyon ko.

I pressed the Home button of his iPhone. Pagkabukas nito lumantad ang isang Message notification sa screen.


From: Cine

I can't sleep. I wanna see you.


So her girl's name is Cine? Cine as in sine which means theater house or sine sa trigonometry? Weird name, huh? Hindi ko matukoy kung anong oras natanggap ni RR ang message pero hindi ako interesado doon. Mas interesado ako sa ibang conversation nila.

Who is she? Is this his new girl after his ex? Or baka ex niya ito na nakabalikan niya? Damn! Ang dami kong tanong pero walang sagot!

Balak ko sanang kalikutin ang phone niya kaso may PIN na kailangan. Malay ko ba kung ano yung linagay niyang password doon. Kung magta-trial and error ako, aabutin ako nang ilang taon bago ko mabuksan ang phone na ito.

Nah, saka na lang. May iba pa naman sigurong araw na matyetyempuhan ko para makita ang messages nila. But damn, I know hindi ako mapapakali habang hindi ko nababasa lahat-lahat.

I need to read those but how?

Pagkalapag ko sa phone niya sa kaninang pinaglalagyan nito, nagulat ako dahil nakatitig sa akin si RR.

"What were you doing, Cheska?" Sinusundan niya ako ng tingin habang inaayos ko ang pwesto ko na tila nakaluhod sa ibabaw ng kama.

Hindi ko masagot ang tanong niya. Ano nga bang ginawa ko? Napalunok na lang ako sa kinapupuwestuhan ko.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako para pumaibabaw sa kanya. Ramdam ko ang agad na pagpitik sa puso ko dahil sa posisyon namin ngayon. Gusto kong kumawala dahil baka marinig niya ang malakas na pagkabog sa dibdib ko.

"I said, what were you doing Cheska?" Inulit niya ang tanong sa akin habang inayos niya ang pwesto ko na nakaupo sa tiyan niya. And damn, I can feel his abs under my butt. Napakagat ako nang labi.

Tila estatwa pa rin ako. Hinagod niya ang braso ko at hinila ito para magkalapit ang mga mukha namin. Itinukod niya ang mga siko ko sa magkabilang gilid ng ulo niya.

Now our faces are really fuckin' damn close. I took another gulp. Hindi matinag ang pagkakatitig niya sa akin. Panay ako iwas ng tingin sa kanya dahil natatakot akong mabasa niya ang mga naiisip ko ngayon. Pilit kong ibinabaling ang ulo ko sa magkaibang direksyon pero hawak-hawak niya ito para sabihing titigan ko lang siya.

He licked his lower lip quickly. Sa pagkakita pa lang noon ay mas tumaas ang temperatura ng katawan ko. "I repeat, what were you doing Cheska?" 

Ganoon lang ang posisyon namin. Matagal-tagal bago ako sumagot. "I am just curious." Hindi ko na diretsong sinagot ang tanong niya dahil huling-huli naman ang ginawa ko kanina.

Ngumisi siya. Bakas pa rin sa pagkapungay ng mga mata niya ngayon ang antok. "Do you know the saying 'Curiosity kills the cat.'?" Tanong niya sa akin.

Itinango ko ang ulo ko.

"I cannot kill you but you might kill me for this." Inilapat niya ang mga labi niya sa akin. Nagpakalunod na naman ako sa mga labi niya kahit ipinangako ko sa sarili ko na tama na. Nabitin ako nang tumigil siya sa paghalik at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko.

Sinimulan niyang dampian ng labi niya ang leeg ko nang maraming beses at napapasabunot na lang ako sa buhok niya. Then I feel him softly sucking a spot between my neck and my shoulder. Dahil sa ginawa niya, hindi ko alam kung bakit idiniin ko ang sarili ko sa kanya. Nabigla rin ako nang nakaramdam ako nang masakit sa leeg ko. 

Napaindang ako sa naramdaman ko kaya tinigil naman niya ang ginagawa niya at humarap ulit sa akin. Napahawak ako sa parteng masakit sa bandang leeg ko at hinawi niya ang buhok papalikod.

Nginisian niya ulit ako at sinabing, "Matagal-tagal kang magtitiis sa turtlenecks, Cheska."

Then I realized he just gave me a kiss mark. Sht! How obvious is this?! Dahil imposibleng makita ngayon kung walang salamin, sinamaan ko siya ng tingin at sabay hampas sa mukha niyang nagpipigil ng tawa.

"Letse ka!" Sigaw ko habang patuloy sa paghahampas ng unan sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
510K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.4M 94.3K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...