I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 27 Chapter 27

115 3 0
By decemberbabyy

Dedicated sa'yo, bibibi :*

------------------------------

KARA'S POV

"Kara, patingin naman ng assignment mo sa Accounting oh? Icocompare ko lang sa 'kin." sabi ni Queenie.

Kinuha ko naman ang filler ko sa bag ko at inabot ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa bago naming tambayan na naiilaliman ng mga puno. Ang ganda nga dito eh, wala masyadong estudyanteng dumadaan at presko pa ang hangin.

'Yung tungkol sa volleyball game, nagkaroon ng rematch kasi nga hindi natapos ang game. At kami ang panalo! Yey!

Kinuha ko ang cupcake ko sa bag ko. Hindi na naman kasi ako nakapag almusal kanina dahil na late ako ng gising. Mabuti nalang at wala sina Mommy't Daddy sa bahay dahil panigurado, hindi ako paaalisin ng bahay ng mga 'yun na walang laman ang tiyan.

Susubo na sana ako ng biglang may nagtakip ng mga mata ko gamit ang mga kamay.

Teka, sino 'to?

Nilapag ko muna ang cupcake at sinimulang kapkapin ang kamay.

"Sino ba 'to? Jimmy?"

Hindi pa rin nito binibitawan ang mga mata ko. Narinig ko nalang na biglang tumawa ng mahina si Queenie.

Kinapkap ko ulit ang kamay. Medyo pamilyar sa 'kin pero hindi ako sigurado. Parang nahawakan ko na 'to dati ah?

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko pero nahihiya akong sabihin out loud dahil baka magkamali ako at masabihang assuming kaya iba ang lumabas sa bibig ko.

"Kean? Ikaw ba 'yan?"

Naramdaman ko nalang na biglang lumuwag 'yung pagkakahawak hanggang sa tuluyan na itong binitawan at nagulat nalang ako sa biglang tumabi sa 'kin.

"Iba na naman ang naalala mo."

Sabi ko na nga ba, siya eh.

Tumawa lang ako ng mahina, "Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Alam mo bang nahirapan akong hanapin ka? Wala ka sa room niyo, wala ka din sa canteen, wala ka rin sa library. Andito ka lang pala." sabi niya sabay lapag ng mga gamit niya sa mesa.

"Eh ba't mo naman ako hinanap?" tanong ko.

"Wala lang. Bakit, bawal?" tanong niya sa 'kin habang nagpipigil ngumiti.

"Sinabi ko bang bawal?" balik ko ng tanong sabay subo ng cupcake.

Nakakapanibago ang feeling. Hindi ako naiilang sa kanya ngayon, hindi ako naiilang na andito siya. Sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya ngayon.

*dug dug dug dug*

Here comes my weird heartbeat again.

"Eh ba't mo nga ba hinahanap ang isang tao?" tanong niya sa 'kin habang nakatingin lang sa mga mata ko.

"Kasi gusto mo siya?" biglang sabat ni Queenie.

Bigla kong hinampas si Queenie sa braso at sinunod ko naman hampasin sa braso si Jeffrey.

"Tigilan niyo 'kong dalawa! Narinig ko na 'yan!"

Bigla namang nag high five ang dalawa sa harapan ko.

Pinagtulungan pa 'ko?

"Hi, guyyyys!" bigla kaming napalingon sa likod namin at nakita namin si Jimmy na papalit kasama si Kean.

"Hi, Jimm! Hi, Kean!" bati ko sa kanila.

"Hi!" bati naman ni Jimmy in a cheerful tone. Nag wave 'hi' naman sa 'kin si Kean habang nakangiti.

"Hi, Queenie." bati ni Kean gently kay Queenie pagkalapit niya.

"Hi." bati naman ni Queenie shyly.

Ehem. Anong meron dito sa dalawa? :)

"Teka, ano 'yang hawak mo?" tanong ko kay Jimmy sabay nguso sa hawak niyang mga pictures.

"Pictures ng little princess namin!"

Tinutukoy niya ang pamangkin niya na kakabinyag lang.

"Uy, talaga? Patingin!" sabi ni Queenie.

Lumapit naman si Jimmy at nilapag ang mga pictures.

Tumayo ako at nakisingit din.

"Patingin din ako!" sabi ko habang nakikisilip. "Ang cute naman ng niece mo!!"

"Kanino pa ba magmamana, eh di sa tita!"

Napatawa naman kaming lahat sa sinabi ni Jimmy.

Kukuha sana ako ng isang photo na nakalapag sa table nang biglang may naramdaman akong taong nakatayo sa likuran ko.

Napalingon ako at nagulat ako nang makita si Jeffrey na pulang-pula ang mukha, "Anong ginagawa mo diyan? Gusto mong tumingin sa photos?"

Uusog na sana ako sa kabila para makasingit siya pero pinigilan niya 'ko.

"Don't move." sabi niya in a serious tone na medyo ikinagulat ko.

Naramdaman ko nalang na hinila niya ang blouse ko pababa, enough para maabot ng tip ng blouse ko ang bulsa ng aking jeans. Doon ko lang narealize na dahil sa ang likot ko, nataas na pala ang blouse ko and...

O_______O

OMG! Did he just see my---

"Pink." madiin niya bulong sa 'kin sabay iwas ng tingin at umupo na sabay flip ng pages sa notes niya.

Mga sampung segundo din siguro akong nakatayo lang dun. Gosh! Pwede bang lamulin nalang ako ng lupa ngayon din? Nakakahiya!

~~~

"Haha! I can't stop laughing, Kara! -Jimmy

"Haha! Anong kulay?" tanong ni Queenie na nang-aasar.

Sana pala hindi ko nalang shinare sa kanila 'yung nakakahiyang pangyayari kanina na nakita ni Jeffrey ang undie ko! Sobrang nakakahiya. Paano kung biglang nag-iba ang tingin ni Jeffrey sa 'kin? Wala lang naman dapat 'yun, di ba? Pero hindi ko talaga maiwasang hindi mag freak out. Nakakahiya talaga! Kaya right after our class, sinabi ko sa kanila para maibsan ang kahihiyan ko pero lumala lang pala! Inaasar lang nila ako eh!

Papalabas na kami ng classroom dahil tapos na ang classes pero inaasar pa din nila ako!

"Pero in fairness huh, I find it sweet." -Jimmy

"Oo nga pero gosh, sana nakita ko ang reaksyon ng mukha mo! Hahahaha!" -Queenie

Ugh! Mga kaibigan ko ba talaga 'to? Hindi ba nila ako titigilan? Mabuti nalang at nauna ng umalis si Kean at hindi niya naririnig lahat 'to.

"Anong kulay kase, Kara? Haha! Oh, ayun pala si Jeffrey eh! Tanungin natin, Jim!" -Queenie

Si Jeffrey?! OMG! OMG!

Bago pa man ako makalingon kung nasaan si Jeffrey, agad ng tumakbo sina Queenie at Jimmy kaya sinundan ko sila kaagad.

"Jeffrey! Anong kulay ng lkjhgfdsahnm."

Bago pa man matapos ni Queenie ang sasabihin niya, agad kong tinakpan ang bibig niya.

"He-he. 'Wag mo siyang pansinin." sabi ko kay Jeffrey habang hindi ako makatingin ng diresto sa kanya.

"Yung tungkol kanina---"

Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya, "H-ha? A-anong tungkol kanina? Saan doon? Wala naman akong maalala ah?"

Pinagpapawisan na ako, swear.

Biglang nakawala si Queenie sa pagkakahawak ko sa kanya at lumapit siya kaagad kay Jeffrey.

"Jeff! Tell us! Anong kulay?" -Queenie

"Yah! Yellow? Pink? Orange? Haha!" -Jimmy

Nakita ko sa mukha ni Jeffrey na nagpailing-iling lang sa acts ng mga kaibigan ko.

Hindi ko na sila pinigilan. Para saan pa, di ba? Ang kulit nila eh.

Habang pinapanood ko sila, biglang may namumuong tubig sa mga mata ko.

Out of embarrassment and pressure siguro. Naiinis ako, nahihiya, napipikon. Mixed emotions. Gusto kong maglaho nalang ako dito bigla na parang bula.

"Kayo talaga. 'Wag niyo ngang ginaganyan si Kara. Alam niyo namang pikunin 'yan eh." sabi ni Jeffrey sa kanila sabay tawa ng mahina.

Lumingon siya sa 'kin at biglang kumunot ang noo niya nang makita niyang konting-konti nalang eh iiyak na 'ko.

Bigla siyang lumapit sa 'kin at sinubsob ang ulo ko sa chest niya.

"Yung tungkol kanina," pagpapatuloy niya sa sasabihin niya sana kanina na pinutol ko, "Kalimutan mo na 'yun. Wala sa 'kin 'yun. Memory erased."

Nakasubsob pa rin ako sa chest niya nang bigla niya 'kong yakapin, para akong bata na iyak ng iyak sa chest niya.

I found myself hugging him back while he's stroking my hair.

*dug dug dug dug*

'Yung ginawa niya kanina nang makita ang undie ko at ang ginagawa niya ngayon, nakakagaan ng loob.

How can I stop myself from falling in love with him?

-----------------------

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

590K 15.2K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
743K 16K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
16.4K 917 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
908K 36.9K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...