I Kissed Her Goodbye

By ProteaKing

70.2K 1K 130

You'll never know the worth of someone until He/She was gone. More

I Kissed Her Goodbye
***2***
***3***
***4***
***5***
***6***
***7***
***8***
***9***
***10***
***11***
***12***
***13***
***14***
***15***
***16***
***17***
***18***
***19.1***
***19.2***
***20***
***21***
***22***
***23***
***24***
***25***
***26***
***27***
***28***
***29***

***1***

5.7K 66 7
By ProteaKing

EDITED.




***1***




"Sure ka bang sasamahan mo ko sa School ko, Julia? I mean, kaya ko naman kasing mag-isa eh."






On the way na kami ngayon ni Julia sa Campus na papasukan ko. Pareho na kaming college ngayong nitong si Julia. Actually, purong koreana ang dugo nitong si Julia. At hindi nya tunay na pangalan ang Julia. yun lang ang tawag namin nila Mama sa kanya.  Simula ng pumunta ako dito sa Pilipinas, kasama ko na sya kaya naman talagang nakakasawa. tss




"Ehem Ms. Ella Sun. Alam kong alam mo ang tungkulin ko, at wala akong planong ipahamak ka. Kaya please lang. Quit it."




I just rolled my eyes. Never akong nanalo sa kanya. Disadvantage lang ng paglaki ko kasama ang isang to? kahit ako ang boss, wala akong say sa kanya. Tss. Maya-maya natanaw ko na ang papasukan namin. FM Academy. Tiningnan ko ang buong campus. Not bad. Nagpark si Julia dun sa malawak na parking. Grabe. Parking palang ang laki na. Mayaman din ang may-ari nito. tss.




"Pahinging copy ng sched mo, your highness." I glared at her.  Yan na naman sya sa pang-aasar nya. Nakakainis minsan.




"Di kita bibigyan. Bleh." Asar ko sa kanya. May pagpikon din kasi ang isang to. HAHA




"Your highness." Nagbabanta yung tono ng boses nya. Huminga ako ng malalim. Bakit nakakatakot tong isang to? Gandang babae pero nakakatakot.




"C'mon Julia, college na ko. Di ko kelangan ng bantay or whatever. Concentrate to your studies, and I will do the same thing."




"Alam kong alam mong di pwede." Here we go again. Wala nga akong kapatid pero pakiramdam ko nagkaroon ako ng Nanay at Ate at the same time. Tss. Mas malala, swear.




"Ganito na lang Julia, atleast wag sa loob ng school." I shot her my infamous puppy dog eyes.




"Elaborate." I rolled my eyes.




"Isa pang roll ng mata mo, tutusukin ko na yan." Nagpout ako. ang meanie nya talaga.




"Meanie! Baka nakakalimutan mo, marunong akong magmartial arts, taekwon--"




"Yeah yeah. And to remind you, sabay nating inaral yung mga yun." Di talaga sya nagpapatalo. Tss.




"Fine. Ganito na lang, atleast pabayaan mo ko inside the campus. Kung anu man ang meron sa loob ng campus, magiistay dun. Tsaka remember? Wala dapat makapansin na magkakilala tayo. So, ayun. Gets mo di ba?" I heard her sigh.




"Fine. Pero yun lang ang mabibigay kong favor."




"aye!"




~~~




Nauna akong lumabas ng sasakyan ni Julia. Tulad ng sinabi ko kanina, wala dapat makaalam na magkakilala kami. At dahil mahaba pa naman ang oras bago magstart ang klase ko, naglibot-libot muna ako sa buong campus. Malaki nga talaga ang FM Academy. Isang malaking college building per course. One room per Org. Malaki at fully airconditioned na library. Malaking cafeteria. Audio visual room. Computer building. air-conditioned gym. Swimming pool. At malaking mini-forest.




Natangahan ako dun sa mini-forest. Mini forest ang nakalagay na name pero sobrang laki nya! Tss. After kong mag-ikot-ikot, tumambay muna ako sandali sa lobby. Yeah. May lobby sya. at itong lobby na to ay kadugtong ng cafeteria. At wag kayo! Free wipie XDD (wifi).




Habang nag-eenjoy ako sa pagwiwifi, biglang nagtext si Julia. Nasa klase na daw sya at sabay daw kaming uuwi mamaya. Tss. Mas paranoid sakin ang isang yun. At dahil wala na din akong magawa, pupunta na din ako sa room ko! Em so eggzoited! First time na di kami magkaklase ni Julia. Ang course kasi niya ay accountancy while engineering sakin. Oh well.




Palabas na ko ng lobby ng may biglang magtilian. Ay. Anung meron? Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong nagkumpulan sila dun sa may entrance. May artista? Enrique Gil? Daniel? O baka mas gwapo pa dun? Ay syems! At dahil gusto ko talagang makita, nakisali ako sa kumpulan. Maya-maya lang may pumasok na (kung di ako nagkakamali) sampung lalaki na ang gugwapo talaga! As in gwapo! Sayang wala si Julia. Di nya nakita tong mga to. BWAHAHA! Iingitin ko sya mamaya. Kahit alam kong wala syang pakielam. K.




Tiningnan ko ulit yung sampung lalaki. Lahat sila nangiti except dun sa parang lider nila na nagaala-dao ming si (nasa gitna kasi, nangunguna pa.). Nakapoker face lang sya. At parang ilag din sa kanya yung mga tao dito. Bawat dadaanan nya, nag-gigive way sa kanya. Sya na boss! Tapos yung mga babae naman dito, tili ng tili. Tapos yung mga lalaki, well.. halata namang inggit sila sa atensyong nakukuha ng mga to.




Di ko sila pinansin at tumalikod na. Wala naman akong mapapala sa mga yan.  Pupunta na lang ako sa room. Baka pagalitan na naman ako ni Julia mamaya. Tapos isusumbong ako kay Mama. Tapos si mama naman, isusumbong ako kay auntie. Tapos si Auntie, irereport ako sa strikto kong dad--





"Ah." Napatigil ako sa paglalakad dahil may bumangga lang naman sa likod ko. Malaki naman ang daanan, bakit bumangga sakin? Tiningnan ko yung bumangga sakin at ayun si Dao Ming Si kuno. Binangga niya ako? Tinitigan ko siya. Nakatingin lang sakin. Hindi ba siya magsosorry?




Lumaban ako ng titigan sa kanya. Kailangan niyang magsorry, kundi nako! Kahit bago ako sa school na to, makakasapak ako. Una siyang sumuko sa titigan at tumingin sa ibang direksyon. Akala ko magsosorry siya kaso ang walang modong lalaki, lumakad palayo.




"Aba't!" Dali-dali ko siyang hinabol at hinawakan ang braso niya. 




"Hindi ka ba magsosorry?"




"Ahm..ano Miss, ok lang? Kami na lang magsosorry para sa kanya?" Napatingin ako dun sa isang singkit na isa sa mga nakabuntot sa kanya. At bakit sila ang magsosorry para sa kamalian ng iba? Tinitigan ko lang siya ng masama at tumingin dun sa nakatalikod na si Dao Ming Si. Nakatingin siya sa kamay ko na nakahawak pa rin pala sa braso niya. Bakit nga ba hawak ko pa din ang braso niya?




Agad ko siyang iniharap sakin tsaka ko lang binitawan ang braso niya.




"Ano? Hindi ka magsosorry?" Nakakatitig pa din siya sakin. Grabe! Wala ba siyang dila? Bakit hindi siya nagsasalita? Wala pang karea-reaksyon ang mukha niya. Robot ba siya? Baka nga robot siya. Di marunong sa tamang asal eh.




"Ahm Miss." Napatingin na naman ako sa isa sa buntot niya. Bakit ba sila ang kumakausap sakin? Guardian ba sila ng isang to? Tss




"Kami na ang humihingi ng pasensya sa nangyari--" Naparoll eyes ako.




"Freshman?" Napatingin ako dun sa robot na lalaki. Konti na lang talaga at mananapak na ako.




"Palalagpasin ko to dahil baguhan ka." Yun lang at umalis na siya. Sumunod naman ang mga buntot niya na ang sarap ding pagbabatukan! Nanggigigil ko siyang sinundan ng tingin. Argh! Wag siyang papakita sakin. Wag lang talaga!




~~~



"Ha? Baka naman kasalanan mo talaga at nagmodel ka dun sa gitna kaya ka binangga?" Tiningnan ko ng masama si Julia. Like duh? Sinong matinong tao ang magmomodel sa gitna ng hallway?




"Tingin mo sakin? Baliw para magmodel dun sa gitna ng daan?" Sinimangutan ko siya. Binalingan ko ng galit yung manok na kinakain ko. Nakakainis talaga!




"May sinasabi si Julia, baliw ka daw naman talaga. HAHAHA." Napatingin ako kay Jack. Jack Salazar. Anak-anakan ni Mommy dito sa Pinas. Kundi lang kuya ang tingin ko dito, baka itinapon ko na to sa bermuda triangle.




"Tumigil ka dyan J2! Susumbong ko kayo kay Mommy!" Panakot ko sa kanya. Lagi kasi siyang pinagagalitan ni Mommy pag inaaway niya ako. Ha!




"Sumbungera ka!" Nagulat ako ng bigla niya akong sinubuan ng isang malaking piraso ng manok. Argh.




"HAHAHA." tawanan nung dalawa. Pinagtutulungan nila ako! Agad kong iniluwa yung manok bago uminom ng tubig. Tiningnan ko ng masama yung dalawa. Kainis sila! J1 and J2 nga sila. Tss




"Jack! Inaaway mo na naman ang kapatid mo!" Turn ko naman para tumawa nung batukan ni Mommy si Jack. Kaso dun lang nagsink-in sakin yung sinabi ni Mommy.




"Di ko naman yan kapatid!" Sabay na sabi namin ni Jack. Sina Mommy naman ang tumawa. Argh. Wala na bang ikaiinis ang araw na to?




~~~


Tinanaw ko ang langit mula sa bintana ng kwarto ko. Sana lagi na lang ganito. Tahimik. Walang gulo. Bakit ba kasi ang gulo ng buhay ko?




"Nak?" Napatingin ako sa may pinto. Nakatayo dun si Mommy na may hawak na baso ng gatas. Umupo ako sa kama ko. Sumunod naman si Mommy.




"Tumawag ang daddy mo kanina." Napalunok ako. Si Daddy?




"Hindi ba delikado yung ginawa niyang pagtawag?" Tumingin ako sa ibang direksyon. Di ko maiwasang mainggit sa ibang pamilya pag naaalala ko si Daddy. Bakit hindi ako pwedeng magkaroon ng normal at masayang pamilya? hays.




"Nak, lumapit ka nga sakin." Agad akong lumapit kay Mommy. Niyakap niya ako ng mahigpit. Di ko na napigilan ang luha ko.




"Ano man ang nangyayari ngayon, gusto kong maintindihan mo na nangyayari to ng may dahilan. Oo. Magulo. Pero tandaan mo nak, hindi mo maeenjoy ang buhay ng walang gulo. Part na yun ng buhay natin." Inihiwalay ako ni Mommy sa pagkakayakap niya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.




"Wag lang tayong susuko. Lalaban tayo nak. Para sayo, sa kinabukasan mo. Sa kaligayahan mo." Napatingin ako kay Mommy. Ngumiti ako ng pilit bago yumakap sa kanya ng mahigpit. Hindi ako susuko. Hindi ko isusuko ang siyam na taon kong laban. Hindi.

Continue Reading

You'll Also Like

15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
123K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
4.5M 166K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!