***10***

2.4K 40 2
                                    

A/N: GUYS!!! Listen sa kantang 'Something happen to my heart'. Hahaha yun ang pinapakinggan ko habang ginagawa ang update na to! enjoy reading!

***10***

ELLA'S POV

Ilang linggo akong hindi pumasok dahil sa takot naming baka araw-araw na ako manmanan nung mga taong yun.  Lumipat na naman ng kami ng bahay. Di talaga healthy ang ganitong living. Yung lagi kang nagtatago. Tsk

Napatingin ako kay Julia na nagpapalit na naman ng mukha. No joke. Lagi siyang naglalagay ng maskara. Bawal kasi siya makilala. Yun din ang sinabi nyang gawin ko, pero ayaw ko. Mahanap nila kung mahanap pero never kong itatago ang mukha ko. ito na nga lang natitirang totoo sakin, pepekein ko pa?

"Pang-ilang palit mo na yan julia?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? This time ba, papayag ka na ding magmaskara?" Tinaasaan nya ko ng kilay. Hindi ko siya sinagot.

"Mauuna na ako sa loob." Nandito kasi kami sa parking lot ng School ko. Oo. Dito pa din ako pumapasok. Ayon kay Jack, binigyan niya ng bagong lead yung mga humahabol sakin. So safe na ko dito. Speaking of Jack, kanina pa siya text ng text na mag-ingat at wag alisin ang tracker sa katawan ko. Tss.

"Mag-drop ka na." Napalunok ako sa sinabi niya. Ayaw kong magdrop. Di ko alam kung bakit pero ayaw kong iwan tong school na to. Napabuntong-hininga ako. Bakit Ella? Anong pimipigil sayo? Naalala ko bigla yung ngiti ni Florence. Yung ngiti niya..

"Julia-"

"Mas safe kung magdadrop ka na. Mas maraming mapapahamak kung di ka lalayo." Putol niya sa dapat sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago tumango. Tama siya. Mas maraming mapapahamak kung hindi ako lalayo. 

~~~

"Ehem."

Putol ko sa mga nagtatawanang tropa ni Marte. Kumakatok ako sa office niya, pero wala kasing sumasagot. Kaya ang mga barkada niya ang hinanap ko.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon