***20***

1.1K 20 3
                                    

***20***

Ella's POV

Napatingin ako sa paligid. Ang daming nakablack na mukhang mga assassin. Nandito ako ngayon sa sala ng safe house ni Jeremy. Dito nila ako dinala agad after nung nangyaring kidnapping kanina. Grabe! Akala ko talaga katapusan ko na kanina. Akala ko di ko makikita sina Mommy. Akala ko talaga hindi ako maliligtas ni Julia. Buti na lang on-time lang sila.

"Thanks talaga Bro." Napatingin ako kina Jeremy at Oliver na kalalabas lang mula sa library. Ano kayang pinag-usapan ng mga to? Sobrang laki ng dapat kong ipagpasalamat sa kanila. Though nakakaguilty kasi dinamay ko pa sila sa gulo ko.

"No worries. Mag-iiwan ako ng ilang tauhan dito para safe." Tumingin muna sakin si Jeremy, dahilan para tumingin din si Carlo. Ngumiti ako. Hindi ko alam kung ano ang naging usapan ni Jeremy at Julia. Dito daw kasi muna kami titira pansamantala. Nakakahiya na kay Jeremy.

"Ge bro, una na ko." Nagtapikan lang sila balikat. Palabas na dapat si Carlo ng maalala kong di pa pala ako nagtethank you sa kanya.

"Ah. Carlo!" Agad naman niya akong nilingon.

"Thank you." He just smiled. Tuluyan na siyang lumabas, kasunod nung ibang assassin. Napabuntong-hininga na lang ako.

~~~

Para akong tanga na nakatulala sa kisame habang nakahiga. Sa halip kasi na isipin ko yung nangyaring kidnapping kanina na muntik ko ng ikapahamak, ang naiisip ko ay si Florence. Kamusta kaya siya? Ano kayang nangyari kanina nung nawala ako. Ok lang ba siya? Umiiyak kaya siya ngayon? Aish Ella! Baliw ka na. Baliw ka na talaga!

"Nasaan na ba ang anak ko? Nasaan na ba si Ella?" Napabangon ako sa kama ko nung marinig ko ang boses ni Mommy sa labas ng kwarto. Nandito siya? Agad akong tumayo mula sa kama at lumabas. Nakita ko si Mommy kasama si Julia at Jack na papunta sakin. 

"Mommy." Sandaling natulala si Mommy bago tumakbo at yumakap sakin.

"Anak! Nag-alala ako. Akala ko tuluyan ka na nilang kukunin sa akin. Akala ko may nangyari ng masama sayo. Next time, isama mo na rin si Jack sayo ha! Wag mo kong takutin ng ganito nak. Ikamamatay ko pag nawala ka, alam mo yan." Tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko ng mahigpit si Mommy.

"Ano ka ba My! Di ba pusa ako? Siyam ang buhay ko. Wag nga kayong matakot." Pilit kong pinasaya ang tono ng boses ko. Kailangan kong maging malakas para kay Mommy. Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko. Maya-maya ay bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.

"Ok ka naman ba anak? Wala ba silang ginawang masama sayo ha?" Para akong baliw na iyak tawa habang ineeksamin ako ni Mommy. Sa kabila ng kamalasan ko sa buhay, swerte pa rin ako kasi nandito si Mommy, sina Julia at Jack, ngayon nadagdagan pa. Kita ko sa peripheral vision ko si Jeremy na nanunuod lang samin. Dagdag na siya sa list kung bakit ang swerte ako.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon