***17***

1.5K 24 1
                                    

***17***

Ella's POV

Hingal na hingal akong umakyat sa building namin. Bakit ba hindi nagpaelevator yong si Marte? Ang yaman-yaman, hindi magawang magpaelevator? Saan naman kaya nun dinadala lahat ng kayamanan niya? Tsk. Speaking of Marte, hindi na siya ganun kasungit sa akin. Pero syempre, hindi naman normal sa amin kung di kami magsisigawan. May sigawan pa rin pero atleast, di na tulad ng dati na kung tratuhin nya ako, parang hayop lang. Sapakin ko siya pag inulit niya yun.

Nawala ang pag-iisip ko kay Marte ng mapansin ko ang mga pamilyar na mukha na nasa dulo ng hallway. It can't be! How come nalusutan ng mga to ang security? Dali-dali akong umalis doon hangga't hindi pa nila ako nakikita.

"Julia!" Sigaw ko sa kabilang linya habang tumatakbo. Di dapat nila ako makita. Bawal silang gumawa ng scene dito. Wag dito.

'Hey Ella, may problema ba?' Napatingin ako sa likod ko. 

"Nandito sila Julia! Nandito sila!" Rinig ko ang lagabog sa kabilang linya.

"Sino?---WHAT?! NASAAN KA? BE SAFE ELLA! PAPUNTA NA AKO!" Napapikit ako sa sobrang takot na nararamdaman ko. Masyadong maraming inosente ang mapapahamak ng dahil sa akin pag nagkataon. Agad akong lumiko sa likod ng building ang kaso bumagsak agad ako sa sahig. Agad akong napatingin sa nakabangga ko.

"F..Florence." Nakahinga ako ng maluwag. Agad akong tumayo at tumingin sa paligid. Wala naman sigurong nakakita o nakasunod sa akin right?

"Sino bang hinahanap mo?" Napatingin ako kay Florence sa bigla niyang pagsasalita. Anong sasabihin ko? Shocks! Di ako ang may hinahanap. Ako ang hinahanap!

"Ah.. wala." Napakamot ako sa ulo ko. Sabi ni Mommy, kung ayaw ko na may madamay, wala daw dapat makaalam. Mas lalong nadagdagan ang takot sa dibdib ko ng maisip ko na baka madamay si Florence. Ano bang nangyayari sa akin?

"Nakita mo ba si Cathy?" At dun lang ako natauhan. Bakit nga ba ako natatakot para sa isang to? Pakielam ko sa kanya? Doon siya sa Cathy niya.

"Di ako hanapan ng taong nawawala--"

"Tara, samahan mo kong hanapin siya." Nanlaki ang mata ko ng bigla niya kong hilahin papunta doon sa direksyon na pinang-galingan ko kanina. Sakto namang paglabas ng mga nakaMen In black. OH NO.

I Kissed Her GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon