Falling for the Billionairess...

By elisestrella

3.1M 82.3K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... More

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 38

32.9K 1.1K 186
By elisestrella

A/N: Sure akong may mga tanong kayo rito na sa next chapter ko sasagutin. I'm not going to read the comments first kasi gusto kong makita kung nasagot ko ba lahat 'yung mga posibleng tanong ninyo rito. Kapag na-post ko na siguro 'yung next chapter. Thank you and... hindi ko alam kung sasabihin ko ba ay "enjoy!" kaya ito na lang. Peace po tayo ha. ✌

 ALAGANG-ALAGA ako ni Meredith kagabi. Dahil masama nga ang pakiramdam ko, doon niya ako pinauwi sa bahay nila kung saan muntik na akong maiyak dahil napaka-sweet ni Mere at ni Tita Marianne. Ipinaghanda nila ako ng tomato soup at roast beef sandwiches para sa hapunan. At nag-level up na rin ako kasi hindi na ako sa TV room matutulog. Doon na ako sa kuwarto niya. Ang sarap ng feeling n'ung una akong nahiga sa kama niya.

Sabay kaming nag-shower then pinahiga niya ako para masahihin. Ang sarap. Sana hindi ko nalawayan 'yung unan niya habang dinidiinan niya 'yung likod ko.

Mayamaya, nang di na ako makatiis, hinila ko na siya at niyakap. I wanted to make love to her pero nasa bahay kami ng parents niya kaya nagpigil ako. Besides, the only thing I needed at the moment was to hold her kaya 'yun lang ang ginawa ko. 'Yun lang ang kailangan ng puso ko eh.

Maaga kaming nagising kasi uuwi pa kami sa bahay para makapag-shower at makapagbihis naman ako. Pagkatapos ay saka pa lang kaming pumasok.

Nasa work station na ako nang mag-ring ang phone ko. Pic ni Marlon ang nasa screen.

"Dude!"

"Aba, buhay ka pa pala!"

Napangiwi ako. "Ito naman. Parang ang tagal naman na nating di nagkita."

"O, eh kailan pa 'yung huli?" hamon niya.

Na-guilty naman ako. Matagal na nga 'yun, 'yung kasama ko pa si Meredith. At napakarami ko pang di nasasabi sa kanila, na may bahay na nga ako, na magpo-propose na ako kay Meredith. Hala, parang nalimutan ko na nga sila! Patay ako nito. "Oo na, sorry na. Ano'ng balita?"

"Mamayang gabi," sabi ni Marlon. "May inuman kila Hank. Kailangang sumipot ka, kundi magkalimutan na tayo."

Natawa ako. "Talagang magkalimutan?"

"Oo 'no! Hindi lang ako ang nagsabi niyan, pati sila Hank."

"Inuman? Weekday? May pasok ako bukas."

"Kailan ka pa—oh, yeah. Boss mo ang girlfriend mo."

"Mismo."

"Eh di 'wag ka magpakalasing. Basta magpakita ka lang mamaya. Nalimutan na namin ang mukha mo eh."

"Sus, 'tong ganda kong lalaki, makakalimutan n'yo? Eh ako ang pinakaguwapo sa grupo."

"Ungas. Basta dumating ka mamaya. Mga 8 dapat nand'un ka na."

"Yes, boss," buntong-hininga ko.

"At ikaw lang ha. Boys night lang 'to. Paano tayo manonood ng strippers kung kasama mo si Meredith?"

"ANO?"

Humalakhak si Marlon. "See you tonight."

Hindi niya ako hinintay magpaalam at pinutol na ang tawag.

Ibinaba ko ang telepono. Wala ako sa mood uminom. Sa katunayan, wala rin ako sa mood manood ng strippers kahit pa alam ko namang nagbibiro lang si Marlon. Walang strippers sa bar nila Hank. Pero tama rin si Marlon. Kailangan ko nang magpakita sa kanila. Nag-pull up ako ng IM window.

Amontesines (Sent at 9:04AM): Mere, magpapaalam ako. Tumawag si Marlon. Magkita raw kami sa bar ni Hank mamaya. Pwede akong sumama?

Mbalajadia is typing...

Mbalajadia (Sent at 9:04AM): Oo naman :) What time ka aalis?

Amontesines (Sent at 9:05AM): Mga 8 daw kami d'un.

Mbalajadia (Sent at 9:05AM): Okay.

Mbalajadia (Sent at 9:05AM): Ay, kung may pupuntahan ka, nag-aaya kasi si Charlie na magkita rin kami. Aayain ko silang mag-dinner mamaya ha.

Amontesines (Sent at 9:06AM): Sure. Saan kayo pupunta?

Mbalajadia (Sent at 9:07AM): Sa BHS lang para malapit. Aayain ko muna sila. I'll let you know kung matutuloy.

Amontesines (Sent at 9:07AM): Sige :)

Mbalajadia (Sent at 9:08AM): :)

Mbalajadia (Sent at 9:23AM): Tuloy daw kami. Larry's sa Serendra, 7 PM.

Amontesines (Sent at 9:23AM): All right :)

SABAY kaming nag-lunch sa pantry bago sumabak na naman sa trabaho. Okay lang ako. Magaan na ang pakiramdam ko kahit pa paminsan-minsan, sumasagi sa isip ko si Craig. Alam kong hindi 'yun titigil sa panggugulo sa 'min ni Mere pero secure naman ako sa girlfriend ko. Gawin na ni Craig ang lahat ng kaya niyang gawin. Alam ko namang hindi siya papatulan ni Meredith. 'Wag lang gawin ni Craig sa harapan ko kung anumang tactics ang gusto niyang gamitin kay Meredith dahil talagang babaliin ko lahat ng buto niya sa katawan.

Nagpa-late na lang kami ni Meredith ng alis sa office. Hinatid ko muna siya.

"Mag-text ka pagdating mo d'un," sabi niya habang inaalis ang seatbelt nang inihinto ko ang kotse ko sa Serendra. "'Wag ka masyadong iinom. Kung uminom ka, tawagan mo ako. Ipapasundo kita kay Kuya Midel. I don't want you driving home drunk."

Napangiti ako, na-touch. "Opo, ma'am," sabi ko bago siya hinila para halikan.

"I love you. Say hi to everyone for me."

"I will. Love you, too. Say hi to everyone for me," sabi ko rin.

After one last kiss, bumaba na siya ng kotse at isinara ang pinto. Pinanood ko siyang maglakad palayo bago ko muling pinaandar ang kotse.

MEDYO na-late ako ng dating sa bar nila Hank pero pinatawad naman ako ng mga ungas na masaya akong sinalubong ng yakap na para bang balikbayan akong OFW.

"Akala ko hindi ka na makakarating," hikbi ni Marlon habang nakabitin silang lahat sa leeg ko.

"Ang arte niyong mga lintik kayo."

Tumawa sila at hinatak ako patungo sa isang mesa.

"O, nasaan na 'yung mga strippers na sinasabi ninyo?" sabi ko nang maka-upo ako at inabutan ako ni Lester ng bote ng beer.

"Teka, may b*yag ka na ba ulit ngayon o Coke pa rin ang iinumin mo?" Maloko siyang nakangisi. Binatukan ko siya at hinablot ang bote ng beer.

"Woooooah!" tawa ng mga walangya.

"Porke wala si Boss Meredith, iinom!" hirit ni Marlon.

"Isa lang," sabi ko. Hindi naman sa gusto kong patunayan na hindi pa ako nakakapon ni Meredith (kahit malapit na), pero kasi parang tamang panahon para mag-beer ako ulit.

"Ano na'ng balita?" tanong ni Hank mula sa tapat ko.

"Ako ba ang nasa hot seat ngayon?"

"Eh linggo-linggo kami nagkikita," sabi naman ni Marlon. "Ikaw lang ang ngayon lang napadpad dito. Kundi pa binigyan ng ultimatum, di pa kami sisiputin."

Nakatingin silang lahat sa 'kin, naghihintay. Tiningnan ko sila isa-isa bago ako ngumisi. "Ibinili ko na si Meredith ng singsing. Magpo-propose na ako sa Linggo."

Nalaglag ang panga nila, nanlaki ang mga mata. Unang humalakhak si Hank bago siya tumayo para yakapin ako ulit. Sumunod si Lester at si Ronald. Minsan 'tong mga kabarkada ko may bahid rin ng kabaklaan eh. Nakita kong inistreyt ni Marlon ang beer at ngumisi ako sa kanya. Ibinagsak niya ang bote sa mesa, umiiling.

"Wala na, isa-isa na. Mauubos na kaming mga poging binata sa mundo," sabi niya.

"Ayaw mo n'un? Mas maraming babae para sa 'yo?"

"Oo nga no?" Then he reached his hand towards me. "Pero seriously, congrats, pare."

"Thanks."

"So, strippers sa bachelor's party?"

Kinutusan ko si Marlon at tumawa sila bago nag-order ng tig-isang shot ng celebratory tequila.

Nagkibit-balikat ako. Isang shot lang naman di ba? It wouldn't hurt.

A few more shots of tequila and two more bottles of beer later, plantsado na ang roles ng mga kabarkada ko sa kasal ko, kung sino ang candle, cord, Bible bearer... ring bearer. Teka, di ba bata ang Bible at ring bearer? Lasing na ba ako?

"Sabi sa 'yo, pare," ani Marlon na medyo malakas na kaysa normal ang boses. "Dito ka na mag-bachelor's party. Ipasara natin 'tong club. Tapos isang stripper lang. Isang sayaw lang."

"Dude, kung hindi lang din si Meredith ang magsi-strip para sa 'kin, di na ako manonood," sabi ko na medyo malakas na rin kaysa normal ang boses. "Pero private 'yun. Hindi kayo imbitado."

D'un sa bago naming bahay na saka ko na sasabihin sa inyo na meron na ako. Pagkatapos naming mabinyagan ni Mere. Napangiti ako sa secret ko bago dinama 'yung susi ng condo sa bulsa ko. Lagi ko na 'yung dala eh. Parang naging lucky charm ko na siya.

Binato nila ako ng mga nakalamukos na paper napkins. May isang nambato ng chicharong bulaklak na tumatawa kong sinalo bago ko kinain.

Parang ang saya ko ngayong gabi. Ang gaan ng pakiramdam! O dahil ba 'yun kay pareng Cuervo? Nakaka-ilang shot na ba ako ng tequila?

"Ewan ko ba kung ba't paniwalang-paniwala kayo sa forever," sabi ni Marlon na dumudukot ng chicharong bulaklak mula sa pinggan ng pulutan. "Walang forever! Maghihiwalay rin kahit gaano pa n'yo kamahal ang isa't isa."

"Meron 'no!" paninindigan ko. "Ikaw nga me forever eh! Forever alone!"

Nagtawanan na naman ang mga kaibigan ko at ako naman ang kinutusan ni Marlon.

"Teka, CR muna 'ko at nakakarami na yata ako ng inom," sabi ko bago tumayo. Medyo sumuray ako. Mabilis lang kasi akong tumayo 'no! Hindi ako lasing. Sus, ilang shots pa lang, lasing na kaagad?

Nagha-hum pa ako ng kanta ('yung kay Ed Sheeran ulit) habang naglalakad papunta sa CR. Parang obstacle course kasi kailangan kong iwasan 'yung ibang mesa, mga waiter, at mga lasing na gumagala-gala.

Pumasok ako sa CR, took care of business at naghugas ng kamay. Naghilamos na rin ako. Namumula ako eh. At habang pabalik sa table namin, kinuha ko 'yung phone ko para i-text si Meredith. Itatanong ko lang kung magkakasama pa sila ng mga kabarkada niya.

May message ako galing sa unknown number. MMS siya. May nagpapadala pa pala ng MMS ngayon?

I opened it at naging sanhi ako ng traffic sa daanan nang mapahinto ako sa paglalakad. Dahil nasa phone ko ang picture ni Meredith na nakangiti sa camera habang naka-akbay si Craig sa kanya at hinahalikan ang leeg niya. The picture was dated earlier in the night at alam kong totoo 'yun dahil 'yun ang suot ni Meredith kanina.

Putang ina.

Nawala ang lasing ko.

Imbis na bumalik sa table, lumabas ako ng bar at dumerecho sa kotse ko. Halos hindi ko ma-shoot ang susi sa ignition dahil sa matinding panginginig ng mga kamay ko. Kulang na lang magliyab ang ulo ko katulad ni Ghost Rider nang sa wakas ay na-start ko ang kotse ko. Umiyak ang mga gulong ko nang paandarin ko 'yun at nagmaneho akong parang hinahabol ng sampung demonyo pabalik ng Serendra.

Wala akong pakialam kung ma-tow ang kotse ko nang ihinto ko 'yun sa kung saan. Bumaba ako at binalabag pasara ang pinto. Para akong raging bull na naglakad papuntang Larry's Café & Bar.

Nang pumasok ako sa café, agad kong nakita ang isang mahabang mesa. Nand'un sina Meredith, Charlie, Pia at Alessa, pero kasama rin nila si Craig at dalawa pang lalaki at isang babaeng mukhang mga Hapon.

Kung nasa tamang katinuan ako, nakilala ko ang mga Japanese investors namin. Pero dahil wala ako sa tamang katinuan, ang nakita ko lang ay si Craig at Meredith na nakaupo sa iisang mesa.

Lumapit ako. Napatingin sa 'kin si Meredith. Nagliwanag 'yung mukha niya n'ung makilala niya ako. Ngumiti siya at nagsimulang tumayo pero nawala 'yung ngiti na 'yun nang makita niya 'yung galit sa mukha ko. Hinablot ko 'yung braso niya at hinila siya patayo. Hindi ko na alam kung mahigpit ba 'yung hawak ko.

"Halika na. Umuwi na tayo," mahina pero marahas kong aya at sinimulan siyang hilahin palabas ng café.

"What the hell do you think you're doing, Montesines?" tawag ni Craig habang sumusunod sa 'min.

"Stay the fuck out of this," singhal ko.

"What the fuck is your problem?" malakas niyang hamon hanggan sa pinagtitinginan na kami ng mga nasa loob ng café. Nakita mo 'tong gagong 'to? Hindi ko nga nilakasan 'yung sabi ko kay Meredith kasi ayokong gumawa ng eksensa, ito namang lintek na 'to nagpapansin!

Alam kong ito ang gusto niya, na gumawa ako ng eksena. Gusto niyang patunayan ko na totoo 'yung mga sinasabi ng mga tao tungkol sa 'kin, na basagulero ako. Hindi ko naman gagawin 'yun. Kasama ko si Meredith. Hindi ko siya ipapahiya.

Kaya lang hinablot ako ni Craig sa braso. Ano'ng gagawin ko? Hayaan ko lang siya?

Automatic response, hinila ko 'yung braso ko at tinulak ko siya palayo. Aba, ang lakas ko pala! Kasi napaatras siya at tinamaan niya 'yung isang waiter na may dalang mga pinggan ng pagkain at pareho silang natumba d'un sa isang mesa at nalaglag 'yung tray, mga pinggan, baso at kubyertos . May suminghap, may tumili, nakakuha kami ng standing ovation at umugong ang usapan sa buong restaurant.

Umugong din ang tainga ko. Nabigla ako sa ginawa ko. Di ko yata natantsa 'yung lakas ko. Fuck! Shit!

Hinablot ko ulit ang braso ni Meredith para ilabas siya rito. Kailangan ko siyang ilayo rito, sa kahihiyang ginawa ko. Hindi siya dapat makita ng mga tao na malapit dito. Na kasama ako...

"Ash, stop!" sabi niya habang halos kaladkarin ko siya palayo sa café.

"I need to get you away," I said feverishly. "Ihahatid na kita sa bahay ninyo."

"Ash, no!"

"Mere, please. Umuwi na tayo."

Pero hinihila niya ang braso niya, sinusubukang kumawala sa hawak ko. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko. She dug her heels, pulling away from me.

"Ano ba, Ash?!" sigaw na niya pero hinila ko pa rin siya papunta sa kotse ko. 'Wag kang manlaban! Bakit ka nanlalaban? Di ba sabi mo— "Ash, nasasaktan na ako."

Sinimulan kong buksan ang pinto ng Audi ko bago ko ma-realize 'yung sinabi niya. Nasasaktan na ako.

Nanghilakbot ako sa ginagawa ko kaya binitawan ko siya pero 'yun din 'yung sandaling nahila ni Meredith 'yung braso niya mula sa hawak ko at sinampal niya ako.

Sinampal niya ako.

Natauhan ako. Napatingin lang ako sa kanya, naka-awang ang bibig, mahapdi ang pisnging sigurado kong may marka ng kamay niya.

Humihingal siya habang nakatayo sa tapat ko, hawak ang brasong noon ko lang na-realize na baka nagkapasa dahil sa hawak ko.

I hurt her. I actually fucking hurt her.

"You're. Drunk," she bit out angrily. "You shouldn't be driving yourself, much less someone else in your condition. Stay here."

Tumalikod siya at para kong nakitang iiwan niya ako. Because as expected, I fucked it up.

"Saan ka pupunta?" tawag ko.

Humarap siyang muli sa 'kin. "Tatawagin ko si Kuya Midel para ipagmaneho ka niya pauwi. Itulog mo 'yan, Ash. Mag-uusap tayo bukas."

Sumiklab ang galit ko. "'Tapos kay Craig ka magpapahatid? Akala ko ba sila Charlie ang kasama mo? Ano'ng ginagawa ni Villacorta d'un?"

"Sila Charlie ang kasama ko! Nagkataon lang na d'un pala kakain sila Craig at 'yung Japanese investors natin. It seemed impolite not to invite them to join us. God!"

"Eh ano 'yung naghahalikan kayo sa picture?"

"What?!"

Halo-halong kalamay na. Di ko na alam kung saan ako mag-fo-focus, kung alin ang una kong gustong itanong sa kanya.

"Hanggang sa huling sandali naniwala ako sa 'yo. Nagtiwala ako sa 'yo. Kaya kita sinundo kasi gusto kong ilayo ka kay Villacorta! 'Yun pala ikaw ang gustong bumalik sa kanya!" panunumbat ko.

"Oh for crying out loud, Ash! Grow up!" sigaw niya sa 'kin.

Did she tell me to grow up? To grow the fuck up? Eh wala na akong ginawa mula n'ung magkakilala kami kundi mag-grow up!

Nanatili akong nakatayo malapit sa kotse ko, nakatingin lang sa kanya habang yakap naman niya ang sarili niya.

"Gusto kang agawin sa 'kin ni Craig," I said, not caring that it sounded whiney and pathetic, even to my own ears.

"Ash," ani Meredith na puno ng frustration ang tinig. "Hindi na si Craig ang problema dito. Ikaw na."

Para niya 'kong sinuntok sa solar plexus. Napasinghap ako. Hindi ako makahinga sa sama ng loob, sa sakit na halos pisikal ko nang nararamdaman.

"Kahit ilang beses ko pang sabihin sa 'yo o ipakita sa 'yo na mahal kita, na ikaw lang, walang silbi 'yun kung hindi ka maniniwala. Hindi na kasalanan ni Craig 'yun kung wala kang tiwala sa 'kin at sa relasyon natin."

Nakita kong namuo ang mga luha sa mga mata niya kahit pa nanlalabo na rin ang mga mata ko. Umiling siya at tumalikod.

"Saan ka pupunta?" tanong ko na halos hindi na marinig ang boses sa sobrang pananakit ng lalamunan ko.

"Stay here. Ipapahatid kita kay Kuya Midel."

"Mere—"

"Ash!" pasikmat niyang saway sa 'kin, binabalingan ako. Hindi siya kaagad nagsalita pero bumuntong-hininga siya. "Just... just stay here, okay? I'm too angry to talk to you right now. Bukas na lang tayo mag-usap kapag hindi ka nalasing. I need to go back to the café to fix the mess you made," mariin niyang saad.

Ilang beses ko na bang narinig 'yun mula sa ibang tao lalo na sa tatay ko? Ngayon, pati si Meredith...

Hindi ko na siya ulit tinawag nang tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. Naupo na lang ako sa semento at sumandal sa kotse ko. Ang init ng mga mata ko na gusto kong sumuka sa sakit ng sikmura ko. Alam ko sa ibang tao, epekto 'yun ng tequila pero sa 'kin hindi. Epekto 'yun nito.

Tiningnan ko ang mga kamay ko. Nanginginig sila. Ikinuyom ko ang mga 'yun bago ako nagsimulang humingal. 'Yun lang ang paraang alam ko para hindi tumulo 'yung mga luha.

Continue Reading

You'll Also Like

120K 2K 23
[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal n...
4.5M 38.3K 70
Sa Fairytale si Cinderella ay may Prince Charming na nag ligtas sa kanya sa pangaalipin ng dalawang Step Sister nya at ng kanyang Step Mother dito sa...
82.9K 1.9K 36
Can you live with your brother's bestfriend? con-amore-2015