Take It or Leave It

By pixieblaire

10.2M 119K 12.8K

Story of a girl who is obliged to choose between her family and her love. Who will she choose to save in life... More

Take It or Leave It
#2 - True Love
#3 - Sandwich & Friends
#4 - Challenge
#5 - Twenty Pesos
#6 - Lagot Nawawala!
#7 - Fishy
#8 - Kilig Cells
#9 - 3 seconds
#10 - Her Specialty
#11 - Europe Siblings
#12 - Invisible Style
#13 - Bwisit na Anaconda
#14 - The Intricacy
#15 - First Date
#16 - Twinkle Star
#17 - Saturday and Sunday
#18 - Friend Me Not
#19 - The Transfer Student
#20 - Seatmates
#21 - The Music Way
#22 - This
#23 - The Snake Trap
#24 - Back for Good
#25 - MUMU
#26 - Dictionary
#27 - Official
#28 - The Meet Up
#29 - Almost Perfect
#30 - Unexpected
#31 - Distress
#32 - Magic
#33 - Exchange
#34 - Sacrifice
#35 - Push
#36 - In Between
#37 - The Sacrifice Spell
#38 - Upside Down
#39 - Three Royalties
#40 - Sa Burger Machine
#41 - Headbang
#42 - Epic
#43 - Humanda Ka
#44 - Way to her Heart
#45 - Distract Her
#46 - Make Her Smile
#47 - Act of Sincerity
#48 - Flame of Love
#49 - Melt Her Heart
#50 - Life and Love
Epilogue
On TV Adaptation

#1 - The Academy

464K 4.6K 517
By pixieblaire

Chapter One
The Academy

Hindi ko namalayang dismissal na namin dahil sa pag-iisip doon sa kwento ng teacher namin. Sabi niya, totoo daw na may magic pagdating sa love. Magic? Ano naman kayang klaseng magic? Paano nagkakaroon ng magic sa pag-ibig?

“Baks, bilisan mo!” sabi ng gwapong bakla kong friend na si Len sa kalayuan.

“Teka nga, maghintay ka!”

Busyng-busy kasi ako sa pagpupulot ng mga libro kong nahulog dahil binangga lang naman ako ng mga malanditang mga taga section A. 

Naglakad na ako papunta kay Len na mukang kating-kati ng nag-iintay sa'kin sa bungad ng building namin.

“Bakit ba ha Mr. Allen Jardanes? Anong pinagmamaktol mo dyan?”

“Look oh, umuulan. And yuck naman girl! Don’t call me Mister! Eww."

“Oh ano naman ngayon? Bawal na ba umulan?”

“Para sa mga magagandang diyosang katulad ko na walang dalang payong, oo! Pano ako uuwi nito? Tulungan mo ko Franz! I’m like so mababasa.” Eh sino kayang shungang nag-iwan dyan ng payong.

Binuksan ko 'yung bag ko at kinuha 'yung isang payong. “Nakuha ko ‘to sa may canteen kanina, may nakaiwan siguro. Ayan, gamitin mo muna, kaya lang baka hanapin 'yan nung may-ari Len.” Nakakakonsensya kasi eh. Baka wala ring gamitin 'yung may-ari nun, kawawa naman.

“Eh hayaan na natin 'yun. Iniwan-iwan niya tapos hahanapin niya! Okay lang yun, tara na baks!”

“Sira! 'Di ka ba nakokonsensya dyan? Dalhin na natin sa Lost and Found dali.”

“Hay nako Franz, may gusto ka lang makita dun sa council office eh! Si Kyle nanaman ba? Umuwi na 'yun, kagagaling ko lang dun kanina, nakita kong lumabas na siya.”

“H-Ha? A-ano b-bang s-sinasabi mo! Bakit ko naman gustong makita 'yung K-kyle na 'yun!”

“Bakla man ako at babae ka, ramdam kita Franz! Kaya nga bffs tayo eh! Saka, friend naman eh! 'Wag ka na ring mag-feeling mabait dyan! Magpaka-mean ka naman kahit once.”

Maya-maya pa may kumalabit sa'king babae. “Hi! Excuse me, may nakita ba kayong payong na kulay pink? Rabbit 'yung design?”

Paktay. Lumingon ako kay Len na kasalukuyang hawak-hawak 'yung payong na pasimpleng tinatago sa likod niya.

Bumulong si Len saken. “Baks, 1, 2, 3...Takbo!”

Tumakbo si Len hila-hila ako palabas ng building. Nababasa tuloy kami ngayon ng ulan.

“Len! Bakit mo ko sinama sa pagtakbo!”

“Ano ka ba! Baka habulin tayo nun! Baks, bilis!”

“Tigil muna!” Sigaw ko sa kanya.

Tumigil si Len. Pagkakataon ko na ‘to.

“Len.. sorry,” sabay kuha ko dun sa payong at takbo pabalik ulit dun sa babae.

Iniabot ko na 'yung payong kay ate. Muka pa namang mabait, baliw kasi si baks eh.  “Heto po. Sorry ah. 'Yung kaibigan ko kasing 'yun, walang payong, eh napulot ko 'yan sa canteen kanina, kaya ayun naisipan niyang itakbo. Pasensya ka na.”

Ngumiti yung babae sa'kin. “Okay lang 'yun.  Salamat. Pero pano 'yung kaibigan mo?”

“Ah ako na po bahala. Sasamahan ko na lang po siya sa bahay nila. 'Wag ka na po mag-alala.” Bumawi rin naman ako ng ngiti sa kanya.

Iniabot niya 'yung kamay niya sa'kin. “Ako nga pala si Codyne Ferson, section A.” Whoa. First time ‘to! Na may nag-abalang kumausap at makipagkilala sa'king taga section A. 

Franzes Amberluke po, s-section E.” Napayuko ako sa pagkahiya.

Inangat niya ang aking ulo at muling ngumiti. “Ano ka ba, bakit ka nahihiya? Wala namang kaso sa'kin 'yun eh. It’s nice to meet you Franzes.”

“You too ate Codyne.”

“Nako, 'wag ng ate. You’re making me look old lang eh.” Binigyan niya ako ng card. “Here’s my number, text mo lang ako if you need anything. And besides, you are my friend now Franzes."

“Wow! Talaga po? T-thankyou.”

“Yeah. Oo naman. Franzes, I need to go na pala. I’m a dead meat sa mom ko if I’m late. Bye, see you around.” Kumindat siya sa aki't umalis na. Nakakatuwa naman, may kumausap sa'king taga-section A, at friends na daw kami.

“Len, labas ka na dyan!” sabi ko kay Len na ramdam kong nagtatago.

“Baks, galit ba? Ano sabi?”

Binatukan ko nga. “'Yan, ikaw kasi eh! Magbabalak ka pang itakbo 'yung payong niya tapos matatakot ka ngayon.”

“Eh kasi, pano na lang ang beauty ko, mabubugbog lang ng ulan na 'yan. Sorry na.”

“Tss. 'Wag ka ng magdrama ha? Ihahatid na kita sa inyo.”

 Talunan ba naman ako? “Len huy! Shit ka! Ang bigat mo oy!”

“Ang sweet kasi ng boyfiee ko eh.” Sabay kurot sa pisngi ko at kapit sa braso ko. 

“Anong boyfie?! Gagawin mo pa akong tibo!” binuksan ko na ang payong ko at nagsimulang maglakad.

“Uy baks wait! Ikaw naman kasi eh, mas malandi pa ako sa'yo! Gusto mo turuan kitang kumire?”

“Daldal mo! Bilisan mo na lang kaya? Uuwi pa ako oh.”

“Yes boss baks!” 

Ba’t kaya ganyan ang mga bakla 'no? Ang aaning nila. Pasalamat si Len at mahal ko siya dahil siya lang naman ang nag-iisa kong bff dito. Saka ang laki rin ng utang na loob ko sa kanya. Sayang nga lang, bakla si Len, may itsura pa naman siya. Habulin nga 'yan ng mga babae eh. Chix-magnet lalo na pag nasa public places kami. Minsan nga nagwagwapuhan ako sa kanya eh. Pweh! Ano ba ‘tong sinasabi ko! Siguro kasi pagmumuka na lang niya ang lagi kong nakikita. Saka, hindi naman kasi si Len 'yung baklang nagme-make up at nagsusuot ng mga pambabaeng damit, kumbaga sa unang tingin at 'pag 'di mo siya kilala muka talaga siyang lalaki!

Inihatid ko na si Len sa kanila. At ano pa nga ba? Naglakad lang kami. Wala daw siyang pang-taxi kasi naubos kanina sa panglalaki niya kanina sa school magwi-withdraw pa raw muna siya.

Mayaman 'yang si bakla. May kotse nga 'yan eh, kaya lang grounded kasi siya for 2 months. Bakit? Kasi laging inuumaga pag-uwi. Kaya ayun, nalagot siya sa ate niya. Kinumpiska muna 'yung kotse niya. 

Ako naman, ayokong gumastos kasi 100 pesos na nga lang ang baon ko araw-araw tapos ang pagkain pa dun sa school, ginintuan ang presyo. Ang natitira sa baon ko, mga 30 o 50 pesos na lang eh iniipon ko naman 'yun kapag may mga project kami. O 'di kaya, kapag may nasobra, ibibigay ko kina mama pantulong sa kanila. Hindi naman kasi kami 'yung mayamang pamilya, eh.

Pasasalamat ko pa nga kila papa kasi naipapasok pa rin nila ako sa magandang eskwelahan, sa The Academy, kahit na shoe shop lang ang kabuhayan ng pamilya namin. Sobra kung magtrabaho sila mama para sa'min kaya naman gusto kong makabawi kahit man lang sa pagiging scholar ko dun sa school na 'yun.

Kaya lang nung patapos na ang 2nd year namin, na-ospital si papa, sobra kasi siyang magtrabaho eh. Kaya naman kinailangan kong maghanap ng pagkakakitaan. Nagtrabaho ako sa isang restaurant bilang waitress para lang may maipambayad sa gastusin sa ospital kaya napadalas ang absences ko noon sa school, natanggal tuloy ako sa scholar. Hindi ko na lang ipinaalam kila papa kasi ayoko na silang pag-isipin pa kung pano ako, kasi lagi na nga lang silang pagod tapos dadagdagan ko pa ng problema. 

Buti na lang nakahabol pa akong mag-enroll dito ngayong taon. Section E nga lang. Sobrang na-late kasi ako, isang araw na lang bago magpasukan ako nag-enroll, eh bawal 'yun, pinakiusapan lang namin ni Len. Sayang talaga section B na ako dati nung 1st and 2nd year, naging section E pa. 

Ganito kasi yun:

Section A – Mayayaman, Matatalino, Magaganda’t Gwapo (All-in-one kumbaga. Package ang section, ang Dream Section ko.)

Section B – Mga Scholar

Section C – Mga Athlete (dito naman 'yung mga nagrerepresent sa school, dahil sa madalas nilang training, hectic ang schedule nila kaya inihiwalay sila. Para bang may special treatment ang dating.)

Section D – School Servers (nakakapag-aral kasi nagtatrabaho sila sa school or pwede na ring ituring na working students, pero hindi sila yung tipong binubully kasi ang taas ng disiplina nila sa sarili kaya lahat ng kumausap sa kanila eh nirerespeto rin sila.)

At siyempre ang minamahal kong section kung saan ako ngayon kabilang.

Section E – Mga Masasayang Estudyante pero... puro kalokohan, suki ng guidance, mga tamad, itinuturing na worst section sa paningin ng higher sections.

Pero para samen ito ang best section. Bakit? Kasi lagi kaming masaya, kahit minamaliit kami ng mga higher sections wala kaming pakialam, at kahit puro kami kalokohan, matibay naman ang pagkakaisa namin.

Mga tamad talaga mag-aral ang mga kaklase ko dun, pero kapag naturuan naman masasabi kong may utak rin sila. Ako kasi, galing section B, sa mga scholar, akala ko noon ito na ang katapusan ng mundo ko dahil balita ko nga kasi, magugulo dun, at mga tamad, nag-aalala tuloy ako kung makakapag-aral ako dun ng mabuti.

Pero nung first day ko pa lang, aba! Ang saya pala talaga! 'Di nila pinaparamdam na nag-iisa ka, hindi rin uso dun yung ma-Out of Place ka, pati na rin 'yung Feeling Close, kasi para sa kanila close na sila lahat agad, pamilya na ang turingan nila.

Saka ngayon, mejo nag-iimprove na rin sila, sa pangunguna namin ni Len. 

Si Len nga pala, sating section A, pero nagpalipat sa section ko. Pinagalitan ko nga 'yan eh kasi sayang naman siya doon, lumipat lang siya sa SECTION E ng dahil sa'kin.

Naging magkaibigan lang kami ni Len sa hindi inaasahang pagkakataon. Naglalakad kasi ako nun sa kalsada, pauwi na sa bahay (2nd year ako ng mga panahong 'yon), nang bigla ba naman niya akong hinatak sa loob ng kotse niya.

Habang nasa kotse kami, pinagmamasdan ko siya, at nasense ko na... ay bakla 'to. Dinala niya ako sa isang bahay, at pinakilala akong girlfriend niya! Ni hindi ko pa nga alam 'yung pangalan niya tapos GF daw niya ako. Pero, nakahalata naman ako, na nagawa lang niya 'yun dahil ayaw niyang mabuking siya ng mga magulang niya na bakla siya.

Sobrang nagpasalamat naman sa'kin si Len. Nakapagkwentuhan kami, at nabanggit niyang ate niya lang pala talaga ang nakakaalam sa pamilya nila na ganun siya. Mula nun, naging magkaibigan na kaming dalawa.

At dahil din sa kanya kaya  nakakapasok pa rin ako ngayon sa The Academy. Ipinagpilitan ni Len na siya na lang magbabayad ng tuition ko, lahat ng gastusin doon, bilang tanaw na rin sa utang na loob niya sa'kin. Lubha nga akong hindi sumang-ayon sa kanya, kasi wala namang kaso sakin 'yang mga utang na loob na 'yan. Hindi ako tumatanaw ng mga kapalit, at siyempre kahit pa sabihing kaibigan ko si Len, ayoko namang gawin niya 'yun kasi sobra sobrang kapalit 'yun. Nakakahiya pa rin.

Pero wala eh, pinagpilitan ni bakla. Pero sabi ko nga sa kanya, babayaran ko siya balang-araw, kahit pa tumanggi siya, ibabalik ko lahat. Kaya ngayon, kailangan ko ulit mapapunta sa section B. Scholarship please bati na tayo ulit.

Tama na nga ‘tong pagdadrama. Sampung kanto na lang, malapit na ko sa bahay! 

Teka si Kyle ba 'yun? Bakit nakatayo siya sa gitna ng kalsada at nagpapaulan? 

Tumakbo ako papalapit sa kanya, hinawakan ko siya sa braso't hinila ko siya sa isang bench na malapit lang dun para sumilong.

“Kyle! Bakit ka nagpapaulan? Tignan mo oh, basang basa ka na! Alam mo bang pwede kang magkasakit dahil sa ginagawa mo?” Kinuha ko 'yung panyo ko at pupunasan sana 'yung muka niyang basa pero bigla niyang tinabig 'yung kamay ko.

“CUT!”

Nagulat ako sa sumigaw na isang lalaki, lumingon ako sa paligid at nagsilabasan naman ang ilang estudyante. Mga kaklase ni Kyle ito ah. 'Yung isa may dalang camera. Teka, ibig sabihin... Shit. Ang tanga ko! 

Lumingon naman ulit ako kay Kyle na galit na galit ang itsura! Len bakla, lumipad ka na, asan ka ligtas mo ako please.

“TANGA KA BA? BAKIT BA ANG PAKIALAMERA MO? NASIRA TULOY YUNG GINAGAWA NAMING VIDEO PROJECT!!!”

First time ko pa naman siyang makausap tapos galit pa siya sa akin? Hindi ito 'yung pinangarap kong unang pag-uusap namin. Mali. Maling mali! Nakakainis! Sira agad image ko sa kanya. At ang lalo kong ikinalulungkot, eh ang malaman ang katotohanang crush ko nga pala siya.

'Yung super crush ko, first year pa lang.

'Yung crush kong grabe kagwapo, ubod ng talino, sandamakmak ang tagahanga, tinitingala, at mistulang Prince ng The Academy.

'Yung crush kong si Kyle Monteluz, na ngayon ay...

Galit sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

669K 13.1K 69
What will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-li...
21.7K 1.1K 29
REMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like sibling...
1.6M 9.5K 10
Dahil sa isang insidenteng kanilang kinasangkutan, ang magkakaibigan na sina Lauren, Mary, at Bob ay ipinadala sa Tensee. Isang pribadong isla kung s...
6.5M 232K 96
Grimrose Series #1 (Story completed) Grimrose City. A city where beings from the Underworld secretly live among humans. Shana Rey Brea and her family...