I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 22

104 2 0
By decemberbabyy

KARA'S POV

"Kara..."

"Kara?"

"Kara!"

"Ha? Oh? Bakit?"

"Anong bakit? Bakit kanina ka pa tulala diyan, ha?" tanong ni Queenie pagkalabas namin ng campus.

"H-ha? Wala lang."

"Obviously, hindi pa yan naka get over sa moment nila ni Jeffrey kahapon!"

Flashback

"Sabihin mo nga sa 'kin, may nagawa ba 'ko sa'yo?"

"Wala."

"Meron eh."

"Wala sabi."

"MERON! BAKIT NGA?!" Ayan, sumigaw na 'ko.

"Baki---"

"BECAUSE I WAS JEALOUS! AT NAGSESELOS PA RIN AKO! Okay?! Happy now?!"

 

*dug dug dug dug*

A-ano daw?

*clap clap clap*

"Wooh! What a scene!"

"Marunong na palang magselos ang isang Jeffrey ngayon? Haha!"

"Wee! Ang cute naman nila!"

"So serious talaga si Jeffrey sa kanya? Ang sweet naman!"

"Aww!"

"Lumalablayp na talaga ang best friend ko!" pamilyar ang boses, alam kong si Queenie 'yun.

Kung ano-anong reaksyon ang narinig ko galing sa ibang tao.

Para lang kayong nanonood ng teleserye dito, ganon?

Ako?

I'm speechless.

Wala akong masabi sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact.

Ang alam ko lang, ang lakas ng tibok ng puso ko. May karera ba ng mga kabayo sa loob ng dibdib ko? Sobrang lakas talaga kasi. Feeling ko any moment, pwede na 'kong mabingi dahil sa lakas.

Bakit parang nanlalambot ang mga tuhod ko?

May nabasa na 'kong mga ganitong pakiramdam dati sa mga novels. Akala ko ka-OAhan lang lahat 'yun eh. Totoo pala.

*dug dug dug dug*

N-nagseselos siya? Kanino? Wala naman akong ibang kasamang lalake maliban kay Jimmy at Kean ah? Imposible namang si Jimmy eh bakla 'yun.

Don't tell me, si Kean? Bakit? Alam naman niyang magkaibigan lang kami, di ba?

Anong sasabihin ko? Tsaka kay Kean ba talaga siya nagseselos?

In the first place, why is he jealous?

Langya. Nakakabobo 'tong ganito ah.

Napatingin ako kay Jeffrey. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Parang medyo namumula siya out of frustration or embarrassment. Hindi ko alam. Hindi pa siya makatingin sa 'kin ng diretso.

Gusto ko tuloy matawa dahil ngayon ko lang nakita 'tong ganitong expression sa mukha niya.

Pero deep inside, bakit parang may part sa puso ko na biglang sumaya?

Shemay. Kinikilig ba 'ko?

I was about to speak when someone caught my eyes.

It was Bianca, his ex girlfriend.

She's looking at us. I can see the sadness in her eyes. She's j-jealous.

1 point, Jeffrey.

Bigla akong nalungkot. Paano kung sinabi niya lang 'yun kasi alam niyang nakatingin sa 'min si Bianca? Paano kung parte lang pala lahat 'to ng plano niya?

Bakit nga ba naman siya magseselos? Si Jeffrey Chua? Magseselos? Dahil sa akin? Impossible.

Lahat ba ng pinakita niya sa 'kin nung una, 'yung kahapon, pati ngayon, scripted lahat 'yun? Parte lahat 'yun ng plano niya?

Ouch. Why do I feel so betrayed? Parang pinaglaruan lang niya ang damdamin ko.

Oo nga pala, PANAKIP-BUTAS lang pala ako dito. NAGPAPANGGAP lang pala kami. Wala akong karapatang magreklamo o magalit.

Pero siguro naman, may karapatan din akong masaktan, di ba?

Psh. Nevermind.

You had a deal with him, Kara. Panindigan mo.

Lumapit ako sa kanya at bigla kong kinurot ang magkabila niyang pisngi.

"Wag ka ng magselos, Jelly ace! Alam mo namang ikaw lang ang nasa puso ko, di ba?" Ew. Ang corny.

Nakita kong bigla siyang pinanlakihan ng mga mata. Siguro hindi niya inasahang sasakyan ko ang trip niya.

"Haha! Bakit naman 'Jelly ace'?"

 

"Siguro kasi, sobrang seloso ni Jeffrey!"

 

"Aww! Ang cute talaga nila!"

 

"I know right!"

Binalik ko ang tingin ko sa kanya, "May class ka pa, di ba? Pasok ka na. Bye, Jelly ace! See you later!"

 

Pagkasabi ko nun, nagsimula na 'kong humakbang palayo. Naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na ang mga kaibigan ko.

End of flashback

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Agad ko itong pinunasan bago pa mapansin ng mga kaibigan ko.

Sa tuwing naiisip ko yung nangyari kahapon, sumisikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako. Muntik ko na palang nakalimutan ang lugar ko dito. Nakalimutan kong nagpapanggap lang pala kami ni Jeffrey para makuha niya ulit si Bianca.

I know in a few days, he'll get Bianca back. Babae din ako kaya alam ko at nahahalata ko kung anong nararamdaman ni Bianca. Alam kong mahal niya pa si Jeffrey.

Malapit ka ng manalo, Jeffrey.

Sino ang talo dito?

It's me.

Ako na nahulog sa taong ginamit lang ako para makuha ang taong totoo niyang mahal. Ang tanga ko lang.

Mas masakit kasi hindi niya ako sasaluin, dahil may iba na siyang hawak.

Ugh. Ano ba 'tong pinasok ko?

I never knew it would be this hard.

 

__________________________

 

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
83.3K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...