I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 21

109 2 0
By decemberbabyy

KARA'S POV

"Ayun si Papa J oh!" biglang sabi ni Jimmy kaya napalingon naman ako sa direksyon na tinuro niya.

"Asan? Asan?" tanong ko habang lumilingon-lingon pero wala akong makitang Jeffrey.

"Chika!" sabay na sabi ni Jimmy at Queenie sabay tawa nila. Nag apiran pa!

*boink * boink*

Mabatukan nga ng tig-iisa!

"Ouch! My hair!"

 

 

 

"Aray ko naman, Kara! Kung makabatok ka eh noh!"

"Nakakainis naman kayong dalawa eh! 'Wag niyo nga akong pinaglololoko!"

 

 

 

"Hahahaha! Eh kasi naman, kanina pa namin napapansin na hinahanap mo si Jeffrey!" comment ni Queenie sabay apir ulit nila ni Jimmy.

"Hindi ah." pagdedeny ko sabay inom ng strawberry frappe ko.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanila dahil alam kong mabubuko rin nila ako.

"Hindi daaaw!" -Jimmy

"KARA, SI JEFFREY!" sigaw ni Queenie kaya medyo napatakip ako ng tenga ko dahil magkatabi lang kami.

Lumingon naman si Jimmy sa tinuro ni Queenie.

 

"Omg! It's Papa J talaga!"

I just glared at them.

"Pinagtutulungan niyo talaga akong dalawa ha? Batukan ko kayong dalawa ulit dyan eh."

 

 

 

"No! We're serious, Kara!"

Nag make face lang ako sabay paikot ng mga mata ko.

*boink*

 

"Aray! Ba't ka namamatok, Queen?" sabay hipo ko ng nabatukan niya.

"Eh kasi nga seryoso na 'to! Hindi kami nagbibiro! Ayun talaga si Jeffrey oh!"

 

 

 

"Alam mo, ikaw! 'Pag ako niloloko niyo na naman," dahan-dahan akong lumingon sa tinuro nila.

 

"Oh, asan naman dyan? Eh wala naman---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla kong namataan si Jeffrey. Si Jeffrey nga!

"Kitams?"

Papasok siya ng canteen nang biglang may lumapit na babae sa kanya at may inabot na notes. Nginitian niya lang ito na halos nahimatay naman ang babae sa pagngiti niya. Kahit kailan talaga 'to si Jeffrey!

 

"Ehem. Someone's jealous here!" narinig kong sabi ni Jimmy kaya napalingon ako sa kanya at napatitig ng masama.

Hindi naman ako nagseselos noh! Nakakairita lang talaga silang dalawa tignan!

Binalik ko ang tingin ko kay Jeffrey at ngayon, mag-isa nalang siya. Dala-dala niya yung notes habang ngingiti-ngiti pa rin.

Habang naglalakad siya, biglang nagsalubong ang mga mata namin. Iiwas na sana ako pero mas nauna siyang umiwas ng tingin. Nakita ko pang biglang sumama ang mukha niya. Bigla siyang sumimangot eh.

So ganon? Nasira ang mood niya nang makita ako?!

Bigla akong nakaramdam ng kurot sa puso ko. Siguro kasi, hindi ko inasahan na magiging ganon ang reaksyon niya.

Iniwas ko nalang ang tingin ko.

 

"Anyare dun, Kara?" tanong ni Queenie.

"Hindi na siya tumuloy sa canteen. Nag-iba ng direksyon. What happened? Are you not in good terms? Huh?" pag-i interrogate ni Jimmy.

Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko din alam kung anong nangyari dun.

Galit ba sa 'kin 'yun? Iniiwasan niya ba ako?

 

JEFFREY'S POV

Kailan pa ba ako naging ganito ka apektado dahil sa isang babae?

 

Ang alam ko, kay Kara lang.

Flashback

"Jim? Asan si Kara?"

 

 

 

"Oh, hi Papa J! Pumasok sa loob, magC-CR lang daw."

 

 

 

"Sige. Thanks."

Eto talaga si Kara. Hindi man lang nagpasama kahit ni Jimmy lang. Eh kung may mangyari na namang masama sa kanya?

Papasok na sana ako ng bahay nila Queenie nang makita kong papalabas na si Kara kaya sasalubungin ko nalang siya.

Bigla akong napangiti nang makita ko siya.

Mas lalo kong narealize sa sarili ko na ang ganda niya talaga.

Napansin kong medyo nahihirapan siyang maglakad dahil sa taas ng heels niya. Eto talagang babaeng 'to. Sino naman daw ang nag-utos sa kanyang magsuot ng ganyan kataas na heels? Eh di nahihirapan tuloy siya. Aish.

Mas lalo kong binilisan ang lakad ko para maalalayan siya.

Sa isang hakbang ni Kara, bigla siyang natapilok. Sabi na eh!

Tatakbo na sana ako para saluin siya pero naunahan ako.

 

"Okay ka lang ba, Kara?"

 

 

 

"Okay lang ako. Salamat, Kean. Pasensya ka na, ang clumsy ko talaga kahit kailan." sabay pagpag niya ng damit niya at medyo napayuko pa, siguro dahil nahihiya.

Tumawa lang si Kean ng mahina at kinurot ang ilong ni Kara.

 

"Ang cute mo talaga."

 

 

"Weh? Bolero." sabay tawa nilang dalawa.

Asdfghjkl!

Hindi ko na hinintay pa ang susunod nilang sasabihin at bigla nalang akong umalis.

Pumuporma na ata yung Kean na 'yon kay Kara eh! Nakakainis lang! Ang sarap batuk-batukan!

Bakit ganon?

Bakit 'pag si Kean ang kasama ni Kara, parang sobrang komportable niya sa taong 'yon? Ang bait ng pakikitungo niya sa kanya. Tumatawa lang at nginingitian. Yung tawang totoo.

Bakit 'pag ako ang kasama niya, parang nasisira ko ang araw niya? Ang huling alala ko lang na tumawa siya ng ganon sa 'kin eh nung nasa Enchanted Kingdom kami. Ang kulit niya pa nga nun eh.

Masaya ako kapag kasama siya kahit madalas ko siyang inaaway. Pero parang 'di naman siya masaya na kasama ako.

 

End of flashback

 

Dalawang araw na simula nung iniiwasan ko siya.

Sa totoo lang, nahihirapan ako.

Miss na miss ko na 'yung pikunin na Karang 'yon.

I badly wanna talk to her, I really wanna hug her right now.

Kanina nga nung nakita ko siya sa canteen, gustong-gusto ko siyang lapitan pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Teka, ba't ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Aish!

"Oy hindi ah! Si Jimmy kaya yung mas maraming nakain nun!" bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses kaya napalingon ako sa may likuran ko.

How I miss that voice.

Nakita kong magkasama na naman sila ni Kean. Ang saya nilang nagtatawanan.

Oo na! Inaamin ko na sa sarili ko na nagseselos ako! Nagseselos talaga ako! Kanina ko pa nga binubugbog 'yang kutong-lupang Kean na 'yan sa isip ko eh!

Kung makaporma... di hamak naman na mas gwapo ako noh! Psh!

Ugh! Bakit kailangan ko pang makita 'to?!

Iiwas na sana ako ng direksyon pero nakita ako ni Kara.

KARA'S POV

 

"Kara, sigurado ka bang wala kayong misunderstanding ni Jeffrey or what?" biglang tanong ni Queenie in the middle of the lesson.

 

"Ssh. Mamaya na natin pag-usapan 'yan." sabay balik ko ng tingin sa prof namin.

Hindi naman talaga ako nakikinig sa lecture ng prof namin. Lutang ako eh. Ayoko munang pag-usapan kasi iniisip ko rin kung anong posible niyang dahilan para iwasan ako.

Yung totoo, may mood swings din ba 'yon? Kahit kailan talaga kasi, ang moody eh!

 

 

Flashback

 

"Manghiram ka kaya kay Queenie ng mas mababang heels?" pagsu-suggest ni Kean.

 

"Wag na. Malapit na naman matapos ang party eh."

 

 

"Sige. Ikaw ang bahala."

 

Sabay na kaming bumalik sa garden. Umupo na 'ko sa upuan ko at bumalik na rin si Kean sa stage.

Napansin kong wala na si Jeffrey sa upuan niya.

"Jim? Asan si Jeffrey?" tanong ko kay Jimmy na busyng-busy sa pag kain ng favorite niyang chocolate cake. Baka naman mabilaukan na 'to sa kakakain? Kulang nalang, pati 'yung plato kainin niya eh. Oo, plato talaga. Hindi sapat ang saucer sa kanya eh. 'Yaan na. Mas matakaw talaga sa 'kin 'yan.

"Oh, hi thsis! Timumban ka bin ata nu---"

 

 

 

"Teka, teka. Ano?! 'Di kita maintindihan!"

 

Kung hindi nag a-alien (beki) language 'to, hindi naman makapagsalita ng maayos dahil sa puno ang bibig niya.

He chewed his food properly before he gulped.

He cleared his throat, "Ehem. Sabi ko, sinundan ka din ata nun. Hindi ba kayo nagkasalubong?"

Napailing lang ako, "Hindi eh."

"Nako. Baka andyan lang sa tabi-tabi."

Nagkibit-balikat nalang ako. Siguro nga. Baka andyan lang 'yon.

Natapos na ang party pero hindi ko pa rin nakikita si Jeffrey. Asan na ba kasi 'yon?

*beep*

Biglang tumunog ang phone kaya chineck ko ito.

1 msg. received

Fr: Jelly Ace >:)

[ Sabay na tayong umuwi. Andito lang ako sa car. ]

Reply...

[ Ok. ]

Nasa sasakyan lang ba siya all this time? Hindi siya na bore dun?

Nagpaalam muna ako kela Queenie, sa mga magulang niya at sa iba kong mga kaibigan.

Lumabas na ako ng gate. Mabuti nalang at malapit lang sa gate naka park si Jeffrey. Kanina pa din kasi sumasakit ang paa ko sa kakalakad eh. I swear! Hindi na talaga ako magsusuot ulit ng ganito kataas na heels! Hay nako! The perks of being a girl.

Namataan ko na ang sasakyan ni Jeffrey. Biglang nagbukas ang pinto sa may driver's seat. Siguro bababa siya.

"Kara!" bigla naman akong napalingon sa tumawag sa 'kin.

"Oh, Kean. Bakit?"

 

May inabot siya sa 'king supot.

 

"Ano 'to?"

"Slippers. Hiniram ko lang kay Queenie. Suotin mo na 'yan. Alam kong kanina pa sumasakit ang paa mo dyan sa heels mo."

 

 

 

"Eh, Kean. Hindi na kailangan. Pauwi na rin naman ako eh."

 

Ibabalik ko na sana ang supot pero pinigilan niya.

 

"Hmm. Akin na lang."

 

Kinuha niya ang supot at ang tsinelas. Lumuhod siya at tinanggal niya ang heels ko para siguro palitan ng tsinelas pero pinigilan ko.

 

"Oy, nakakahiya! Ako na!"

"Ako na."

 

 

 

'Di na 'ko pumalag, "Mapilit ka eh."

 

Inangat niya ang ulo niya at ngumiti sa 'kin. Ngumiti nalang din ako.

Ang caring talaga ni Kean. Kaya din siguro nainlove si Queenie sa kanya.

"Oh ayan, okay na." sabi niya sabay tayo.

Ngumiti ako sa kanya, "Thank you."

 

*beep*

 

1 msg. received

Fr: Jelly Ace >:)

[ Antok na 'ko. Tinext ko na si Mang Delfin. Sya na susundo sa'yo. ]

Lumingon ako sa kung saan naka park si Jeffrey at wala na nga ang sasakyan niya.

Bigla akong nalungkot.

Iniwan niya 'ko?

End of flashback

Hindi ko alam kung anong nagawa ko nung time na 'yon para iwan at iwasan niya 'ko.

Tsk. Bahala ka nga sa buhay mo, Jeffrey! Ang bipolar mo eh!

Pero miss ko na siya.

Aish! Burahin mo 'yan sa isipan mo, Kara!

 

*kriiiing*

Nag ring na ang bell kaya nagsitayuan na kami.

 

"Kara, mauna nalang kayo ni Kean sa library. Ipapass ko muna 'tong assignment ko sa faculty. Magpapasama lang ako kay Jimmy." pag papaalam ni Queenie.

Tumango lang kami pareho ni Kean.

Habang naglalakad kami, biglang nagsalita si Kean.

"Kara, tumataba ka." banta niya na parang nananakot pa.

"Huh?? Talaga??" tanong ko habang kinakapkap ang tiyan ko.

Bigla naman niyang kinurot ang ilong ko, "Joke lang! Ang lalim kasi ng iniisip mo dyan eh!"

 

Nginitian ko lang siya.

 

"Pero totoo namang madami ka din nakain nung party ni Queenie!"

"Oy hindi ah! Si Jimmy kaya yung mas maraming nakain nun!"

Hinampas ko siya ng mahina sa braso sabay tawa namin.

Magsasalita na sana ulit ako nang biglang may nahagilap ang mga mata ko.

 

"Jeffrey?"

Hindi niya 'ko pinansin at nagmadali siyang maglakad.

"Jeffrey, sandali!" Lumingon ako kay Kean, "Mauna ka na, susunod na 'ko."

 

 

Tumango lang siya pero biglang lumungkot ang aura niya. Anyare dun?

Naglakad na ako para sundan si Jeffrey.

Bakit ko ba sinusundan 'tong bipolar na unggoy na 'to? Bahala na nga. Gusto ko din malaman ang dahilan niya eh.

"Hoy! Ambilis mo naman maglakad eh! Hintayin mo nga ako!"

Confirmed. Iniiwasan nga ako.

Ayaw pa din akong pansinin eh! Napapagod na 'ko sa kakahabol eh ang laki-laki ng mga hakbang niya.

Hmm. Alam ko na.

 

 

"Jeffrey! Jelly ace!!!"

Napahinto siya siguro dahil sa huling tinawag ko sa kanya. Effective!

 

"Hay! Salamat naman at naabutan kita!"

Tumingin siya sa 'kin pero ang cold ng tingin niya. Ayan na naman siya sa expression niyang 'yan!

 

"What?" cold niyang tanong sa 'kin.

"Anong nangyayari sa'yo? Iniiwasan mo ba ako?"

 

 

 

"No. Bakit naman kita iiwasan?"

 

"Aba! Malay ko sa'yo! Baka sadyang may sayad ka lang kaya bigla-bigla ka nalang hindi namamansin!"

"Psh." 'yon lang sinabi niya at tinalikuran na ako.

Aba! Aba!

*boink*

"Aray! Bakit mo 'ko binatukan, Kara?!"

 

 

 

"Eh bakit mo 'ko tinatalikuran? Sabihin mo nga sa 'kin, may nagawa ba 'ko sa'yo?"

"Wala."

 

"Meron eh."

 

"Wala sabi."

"MERON! BAKIT NGA?!" Ayan, sumigaw na 'ko.

 

"Baki---"

 

"BECAUSE I WAS JEALOUS! AT NAGSESELOS PA RIN AKO! Okay?! Happy now?!"

__________________

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
16.8K 934 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...