South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

4.8M 263K 121K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 47

56.6K 3.6K 1.8K
By JFstories

NASAAN ANG ANAK NATIN?


Anong hinahanap niya? 


"Our kid. Saan mo siya dinala?"


Kumunot ang noo ko sa kanya. "Anong nangyari sa 'yo sa barko? Okay ka lang?"


Tumaas ang isang kilay niya. "Why? Are you worried?"


Pasimple akong humalukipkip upang takpan ang aking parteng dibdib ng suot kong t-shirt, at kaswal na nagsalita. "Hindi ko alam kung bakit bumabalik ka pa rito. Wala na si Mama. Siya lang naman ang pinupunta mo dati rito."


Wala naman siyang reaksyon. Kalmado lang pati ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.


"So wala tayong anak?" tanong niya na parang tinanong lang kung uulan ba ngayong araw.


"You want an honest answer? Here, wala kang anak sa akin."


Ang mga mata niya ay bumaba sa lupa kung saan ako nagtatanim kanina. "Ano iyan? Kinakain mo iyan?"


Sumunod naman ang tingin ko sa tinitingnan niya, doon sa mga gulay ko. Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong niyang walang kuwenta? Alangan naman nagtanim lang ako ng gulay para pabulukin?


"Hindi ka masyadong mahilig sa gulay dati. Mas gusto mo ang processed food, 'tapos nagrereklamo ka kapag nagkaka-pimple ka."


Kumikibot ang sentido ko subalit mahinahon pa rin nang magsalita. "Wala na si Mama rito, and as you can see, busy akong tao. Mas marami akong mas dapat unahin kaysa isipin ang mga trip mo sa buhay."


Imbes sagutin ako ay ibinalik niya ang paningin sa bandang pinto ng bahay at pagkuwan ay nangunot ang kanyang noo. "Walang laman na stocks ang cupboard mo."


"What?" Saka ko naalala na naglinis nga pala ako ng mga cabinet kanina sa kusina, nakabukas pa ang mga iyon dahil pinasisingaw ko. Kitang-kita iyon dahil nakaharap sa pinto. Wala ngang mga laman, dahil hindi naman na ako bumibili ng processed food as stocks. Kadalasan ay mga herbs and spices na lang.


"Uulitin ko, wala na si Mama rito," sabi ko sa pilit na pinapahinahon pa ring tono. "It is improper for you to still come here, or to even talk to me. Hindi tayo magkaano-ano."


"Hindi magkaano-ano? Sino may sabi?" Nang ibalik niya sa akin muli ang paningin niya ay may kakaibang kislap na ang kanyang mga mata. "Nagpakasal ang tita mo at ang kuya ko. Ibig sabihin, tito mo na ako."


Kumunot ang noo ko. Ang pagtitimpi ko ay napatid na. Dinampot ko ang pangbungkal ng lupa. "Gusto mong ibaon kita?"


Humalikipkip siya habang nakangiti pa rin na akala mo'y walang narinig. "Maybe some other time. May gagawin pa kasi ako sa amin at napadaan lang talaga ako rito."


Lumakad na siya papunta sa gate, pero bago lumabas ay tumingin pa ulit sa akin. "You should call me tito now. Siguro sa sunod na magkita tayo, try mo na mag-bless sa akin. Malay mo, pagpalain ka sa buhay at makabili ka na ulit ng food stocks mo."


Nakaalis na si Asher ay humihingal pa rin ako. I said, I would not exert more than 20% emotion today, but because of that bastard, I exerted more than 80%!


Gamit ang hawak na pangbungkal na pinagtataga ko ang lupa. Hindi ako tumigil kahit pawisan na. Tumigil lang ako nang maging kalmado na. Nakangiti na ulit ako na nagpatuloy sa pagtatanim habang kumakanta nang mahina.



ANONG ORAS NA? Malamang na pagod na si Bobbie ngayon. Nasa Lancaster na siguro sila. Nandoon nakatira ngayon sina Tita Judy. Doon pala sila nakakuha ng bahay ng asawa niya. Kapitbahay nila si Daddy no. 2, kaya madalas pa rin sila na magkakasama. Mas panatag din si Daddy no. 1 kapag nariyan si Daddy no. 2.


Back to my baby. Baka nga nakauwi na ang mga ito. Bakit kaya hindi dito dumeretso? Natunugan yata ng tiyahin ko na naririto ang bunsong kapatid ng asawa niya.


Pero hindi pa rin ba ako hinahanap ni Bobbie? Baka nagpapatimpla na iyon ngayon kay Tita Judy ng milk sa baso. Baka masanay nang hindi sa akin dumedede. Paano pag nasanay ang bata na hindi na nakadepende sa akin? Paano na?!


Ring ng phone ko ang pumutol sa aking pag-aalala. Sa screen ay naroon ang pangalang Israel. Lumabi ako habang nakatitig doon. I answered his call on the second ring. Wala naman kaming pinag-usapan masyado. Kinumusta niya lang si Bobbie. Nang malaman niya na wala ang bata ay nanamlay na siya at nagpaalam na.


Kalalapag ko pa lang ulit ng phone nang mag-beep iyon. May text. Galing sa ibang tao. Ang number ay naka-save na: My Better half


Pauunahan ko na, hindi ako ang nag-save ng pangalan nito, kundi ito mismo. The text read:


My better half (Message 1) :

Laiii! OMG! Guess what?! Renren broke up with her BF na! Iyong BF ni Renren na ikaw ang pumili two months ago! OMG, we broke up na kasi he wants to monopolize Renren! He wanted Renren to spend more time with him! Can you believe that?! OMG! So demanding!


Malamang. Sino bang jowa ang ayaw na makasama ang jowa nila? Maliban na lang kung sawa na, o di ka talaga mahal.


My better half (Message 2) :

So that's it, Lai! That's the big news! Renren broke up already with that demanding guy! Renren thinks it's for the best since Lai is back! Renren can spend more time with Lai now! OMG, is Lai excited?!


Hindi na rin naman ako nagulat. Lahat ng naging boyfriend ni Renren the past three years ay ako halos ang pinapili nito. Pagkatapos ay ibini-break din nito, na ang dahilan ay nahihirapan daw itong hatiin ang oras sa boyfriend at sa akin. Ewan ko ba.


Sumakit ang ulo ko kahit sanay na ako. In three years ay walang malay ang mga magulang ni Renren na kapag wala itong pasok ay pinupuntahan ako nito sa Mandaluyong. Ang hirap nitong palayasin kaya tinitiis ko na lang, tutal mabait naman.


Bandang 6:00 p.m. ay nag-ayos na ako. Maamo na ang aking ekspresyon at nasa mga labi ko na ang malambing na ngiti nang bumukas ang pinto. "Mama!"


"Hi, baby!" Sinalubong ko ng yakap ang aking anak,


"Hi, Mommy Lai!" bati sa akin ng kambal na sina Atlas at Adam.


"Kumusta si Bobbie, mga kuya? Pasaway ba?"


"No, Mommy Lai," sagot ni Atlas. "Our little princess is very nice."


Of course. Proud mama naman ako. Nakangiti ako nang mapansin ang isang kambal na si Adam, hindi ito sumagot at malikot ang mga mata. Napakunot ang noo ko.


"What is it, Adam?" tanong ko sa batang lalaki.


Si Tita Judy naman ay pasipol-sipol sa tabi.


"Uhm, Mommy Lai..." Napakagat ng daliri si Adam bago tumingin sa akin. Sa kambal ay ito ang madaling mapaamin. "Bobbie's hair was a mess when she got home from Playschool yesterday."


What? Nang ihatid naman nila si Bobbie ay nakaipit nang maayos naman ang buhok nito, ah?


Binatukan ni Atlas ang kakambal na si Adam. "Ang sabi ni Mommy ay 'wag magsumbong kay Mommy Lai!"


"Ano bang nangyari?" Hinarap ko na si Tita Judy. "Tita!"


"Maliit na bagay lang naman." Napanguso ang tiyahin ko. "Iyong isang bata na kasama kasi ni Bobbie sa playschool ay hinila iyong ipit niya sa buhok. Na-cute-an yata. Ang sabi ng teacher ay nag-sorry naman daw iyong kaklase ni Bobbie, ang kaso ay bigla na lang daw ginulo ng anak mo ang sariling buhok. Ayaw tanggapin iyong pagso-sorry ng classmate niya."


"Bobbie?" Tiningnan ko ang magtatatlong taong gulang na bata. Nakaupo na ito sa sofa na parang walang naririnig. Ni hindi kumurap sa pinapanood sa TV.


"Mabait naman iyong lalaking kaklase ni Bobbie, three years old na going four. Na-cute-an lang daw talaga siya sa ipit ng anak mo."


First time mag-playschool ni Bobbie. Kahit magti-three pa lang ito ay pinayagan ko na dahil marami naman na itong alam. Parang advance ang isip nito. Matured na. Parang ako lang din noong bata ako. Kaya hindi ako nag-aalala rito. Ang kaso ay nagkaroon ng ganitong pangyayari.


"Okay," sabi ko. "Ganoon lang pala ang nangyari." Umakto na ako na kinalimutan na ang tungkol doon. Nag-usap na kami ni Tita Judy tungkol sa ibang bagay.


Mayamaya ay nagpaalam na ang mag-iina. Nang makaalis na ang mga ito ay saka ko tinabihan si Bobbie sa sofa. "Baby, they already left."


Doon lang kumurap ang batang babae at saka tumingin sa akin. "Mamaaa, that boy kissed meee!"


Napatayo ako. "What?!"


Humalukipkip ang cute na mga braso ni Bobbie. "That boy said I'm cute and he will marry meee!"


Bumalik ako sa pagkakaupo at seryosong kinausap ito. "And what did you do?"


Fierce na nagtaas naman ng cute nitong mukha ang anak ko. "I said no. But that boy goch angry! He pulled my yellow hairclip!"


That brat. Nagtagis ang mga ngipin ko.


"He said he'll only return my hairclip if I marry him!" Umiling si Bobbie dahilan para tumalbog ang matambok na pisngi nito. "But no, Mama! I will only marry you! Mama and Bobbie only foreveeer!"


Ngumiti ako at niyakap na ang bata. Yumakap na rin ito sa akin nang mahigpit. So iyon ang nangyari. Kaya tuluyang ginulo ni Bobbie ang kanyang buhok bilang pagrerebelde.


Masuyong hinimas ko ang likod ng aking anak at hinagkan ito sa ulo, habang matamis na nakangiti, subalit ang mga mata ay madilim. "Don't worry, my little Bobbie. You will not marry that boy, and Mama will make sure of that."


Nakabuo ako ng desisyon habang madilim pa rin ang mga mata na nakatingin sa kawalan. Sisikapin kong matapos ang aking mga trabaho, nang sa gayon ay isa lumuwag ang schedule ko next week. Kailangang makita ko ang batang nam-bully sa anak ko, pati na rin ang nanay nito!



IBINABA KO ANG PHONE NI MADETH ENFANTE.


Ngayon ko lang linggo nabalikan ulit sa pagawaan sa Riverside ang phone ni Mama Madi. Bigla kasing namatay, akala ko ay sira pa rin ang phone, iyon pala ay charger na ang may sira. Dahil maraming customer pag linggo sa pagawaan ay naghintay ako nang matagal sa katirikan ng araw, pawisan tuloy ako dahil hindi ako nakapagdala ng payong. Malilim naman kasi kanina pag-alis ko.


Ang saklap lang dahil pagkatapos kong pagpawisan sa init ay bigla namang umulan. Na-double dead ang damit ko sa pawis at ulan. Tapos puyat pa ako dahil tinapos ko ang aking work file sa magdamag, dahil gusto kong malayang maka-bonding si Bobbie maghapon. Ang ending ay ito, inubo tuloy ako noong gabi.


Mabuti na lang at totoo na one call away ang aking tiyahin. Ngayon ko lang talaga naranasan na magkaroon ng katuwang, kaya halos maluha ako nang dumating ito kasama si Daddy No. 2.


Sumama naman agad si Bobbie sa mga ito, dahil alam naman nito ang reason ko. Excited din ito for her first ever night sleepover sa ibang bahay. Malungkot na lang akong kumaway sa papalayong kotse na sinasakyan nila pagkatapos.


Wala naman akong choice. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko, 'tapos bigla pang nagpadala iyong client ko ng rush file. Kailangan kong puyatan ulit sa magdamag. Kawawa naman si Bobbie, hindi ko maaasikaso bukas.


Ipinangako ko sa sarili na pagkatapos nito ay hindi na ako papalya sa eight hours sleep every day, para tumaas ang resistensiya ko. Hindi na rin ako makakalimot magdala ng payong, para kung uminit man nang matindi o umulan. Hindi ako puwedeng magkasakit dahil may anak ako.


Nag-inat ako at pagkuwan ay umakyat na sa itaas para magtrabaho. Masama ang pakiramdam ko pero hindi rin puwedeng pabayaan ang trabaho. Babawi na lang ako ng pahinga mamaya. Kahit maduling-duling na ako sa hilo ay tinapos ko ang rush file. Natapos ko naman iyon bandang 3:00 a.m.


Mainit na ang singaw ng aking mga mata nang i-off ang laptop. Gutom na gutom din ang pakiramdam ko. Wala na nga palang laman ang cupboard ko dahil hindi pa ako nakakapamili. Puwede naman akong manguha ng mga tanim, like kamote, para makain, kaya lang ay wala na akong lakas magluto.


Ayaw ko namang matulog nang gutom, dahil ang health ko ay health din ng munting pamilyang ito. Isa pa, nangako na lalong iingatan na ang sarili ko. Kaya kahit gusto ko nang mahiga ay nagsikap ako na magluto ng lugaw. Pagkakain ay saka na ako umakyat sa itaas para matulog.



HINDI SAPAT ANG LUGAW!


Tanghali na ako nagising. Pagmulat ng mga mata ko ay para akong zombie na naka-diet ng ilang araw. Gusto kong kumain. Gutom na gutom ako. Ang sakit-sakit ng aking tiyan, parang hindi ko na kakayanin kung maghahagilap pa ako ng makakain. Gusto ko ay iyong meron na agad diyan, iyon sanang isusubo ko na lang.


Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ay natigilan ako nang makarinig ng ingay. May nagpapatugtog.


Kahit ano basta ikaw, walang problema...♪ ♫

Kahit buhay ibibigay, ito'y pangako ko sinta

Dahil ayokong malayo sa 'yo, magmukha man akong gago

Pagka't minamahal kita, o giliw ko


Kanta ng isang OPM band. Pero saan galing? Hindi naman dinig dito sa loob kapag may patugtog ang mga kapitbahay, na bihira ding mangyari. Walang mahilig mag-soundtrip dito sa street namin.


Kahit ano basta ikaw, ay aking susundin

Kahit bituin susungkitin, wag lang akong mabibitin

Siguro ay wala na akong dapat pang ipangamba

Sa ganitong paraan di mo na 'ko iiwan pa! ♬


Pinakinggan ko nang mabuti dahil parang dito mismo sa bahay nanggagaling. Parang dito nga talaga! Pagbaba ko ay una kong nakita ang itim na cell phone sa ibabaw ng counter top, doon galing iyong tugtog!


Kanino iyon?! Pero wala na akong pakialam kung kanino, dahil nag-panic na agad ako. May tao! May tao sa bahay ko! Sino itong nagmamay-ari ng mahahabang daliri na nakahawak sa pinto ng refrigerator ko?!


Dinampot ko sa gilid ng hagdan ang ang walis tambo na kahoy ang hawakan. Hinintay kong magpakita nang buo ang kung sino mang nakatungo at natatakpan ng pinto ng ref. Pero nang umalis siya roon at humarap sa akin ay ganoon na lang ang aking pagsinghap sa gulat.


Matangkad na lalaking nakasuot ng white plain T-shirt at navy blue jersey shorts habang nakatali sa likod ang tila kaylambot na may kahabaang buhok. Sa makakapal na kilay pa lang nito ay nakilala ko na agad. Anong ginagawa ni Asher dito?!


Bakit nandito siya? Paano siya nakapasok? Hindi ba naka-lock ang pinto kagabi?! At bakit nagpapatugtog siya sa bahay ng may bahay?!


Nakakainis pa dahil parang hindi niya ako ramdam. Hindi siya tumitingin sa akin habang chill na isinara ang ref matapos maglagay ng kung ano man doon. May mga dinampot siya sa mesa. Mga ecobag mula sa Waltermart. Napatingin ako roon sa mga bitbit niyang groceries. Napalunok ako nang makita ang nakalitaw na supot ng tasty bread. Bakit may ganoon?!


Maingat at masinop na inisa-isa niyang inilabas ang iba pang laman ng ecobags. Bukod sa tinapay ay may Nutella spread, Spam, cereal, waffle mix, ramen noodles, at marami pang ibang pagkain na madalas ko noong kainin, pero hindi ko binibili ngayon dahil nagtitipid ako—este, healthy living na kasi ako!


Habang parang tutulo na yata ang aking laway ay chill pa rin si Asher sa pagkilos sa maliit kong kusina. Mahinahon ang bawat kilos niya habang iniisa-isang ilagay ang mga pinamili sa aking cupboard. Nang ilagay niya sa ref ang mga bottled juice ay napakagat-labi ako nang masilip ang mga bacon, hotdogs, at nuggets sa chiller.


Hindi na ako nakatiis. Lumunok muna ako at saka iritable ang tono na nagsalita sa "Ano ang mga iyan?"


Wala siyang sagot. Patuloy pa rin siya sa ginagawa na parang hindi ako narinig at hindi talaga ramdam. Ngayon ay pinupunasan niya na ang mesa para isa-isahin ang iba pang stocks na dala.


"Ano ang mga iyan?!" Napataas na ang boses ko dahil dini-deadma niya talaga ako!


"Are you blind?" kalmadong tanong naman niya.


"W-what?"


Pero may ipipintig pa ang sentido ko sa asar sa susunod na sasabihin niya.


"Puwede mong kainin lahat ng gusto mo rito." Malamig na tumingin sa akin ang mga mata niya. "Of course, maliban sa akin dahil di naman na tayo."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
4.7M 256K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
876K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.