Play The King: Act Two

By AkoSiIbarra

366K 24.6K 11.5K

["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months... More

ACT TWO: "Play The King"
RECAP: "Play The Queen"
THE HERALD's Front Page (September 20 Issue)
PRELUDE: Avenging Tigers (Alaric)
CHAPTER I: The Fallen Falcon (Reynard)
CHAPTER II: Alaric's Bluff (Castiel)
CHAPTER III: Theater Threats (Fabienne)
CHAPTER IV: Queen's Gambit (Fabienne)
CHAPTER V: Kingside Castling (Castiel)
CHAPTER VI: Falcon and Tiger (Reynard)
CHAPTER VII: Circle the Wagons (Castiel)
CHAPTER VIII: Royal Restraint (Fabienne)
NEWS UPDATE: CCS-CSC CHAIR RESIGNS
NEWS UPDATE: LEXECOM MAJORITY BLOC TO FILE IMPEACHMENT RAPS VS USC PRES, VP
CHAPTER IX: Flipped Like A Coin (Reynard)
CHAPTER X: Severed Strings (Castiel)
CHAPTER XI: Tricky Theatrics (Fabienne)
CHAPTER XII: Opening Shot (Castiel)
CHAPTER XIII: The Future is F?! (Reynard)
CHAPTER XIV: Queen's Gambit (Fabienne)
CHAPTER XV: Alpha Male (Castiel)
CHAPTER XVI: Castle Under Siege (Castiel)
NEWS UPDATE: 6 OUT OF 10 STUDENTS IN FAVOR OF OUSTING USC PRES, VP
CHAPTER XVII: 'T' in Theater Means 'Tea' (Reynard)
CHIKA MINUTE: Silence, Please?
CHAPTER XVIII: Double Check (Fabienne)
CHAPTER XIX: Sacrificial Lamb (Castiel)
CHAPTER XX: Passing the Torch (Fabienne)
CHAPTER XXI: At All Costs (Castiel)
NEWS UPDATE: ONLY 4 OUT OF 10 STUDENTS NOW IN FAVOR OF OUSTING USC PRES
CHAPTER XXII: Nuclear Option (Reynard)
CHAPTER XXIII: Pyrrhic Victory (Fabienne)
NEWS UPDATE: CBA-CSC CHAIR TOPS VP BETS
CHAPTER XXIV: Trouble in Paradise (Castiel)
CHAPTER XXV: Double Trouble (Fabienne)
CHAPTER XXVI: Hand of the King (Castiel)
CHAPTER XXVII: A Heartbeat Away (Castiel)
NEWS UPDATE: NEW USC VP TAKES OATH
OPINION PIECE: USC RHYMES WITH MISOGYNY
OPINION PIECE: MGA MAHIHINANG NILALANG
CHAPTER XXVIII: Insurance Policy (Reynard)
CHAPTER XXIX: Hard Bargain (Fabienne)
CHAPTER XXX: Spare Tire (Castiel)
CHAPTER XXXI: Race is On (Reynard)
CHAPTER XXXII: Pinky Promise (Fabienne)
CHAPTER XXXIII: D-Day (Fabienne)
CHAPTER XXXIV: Four Candies (Castiel)
CHAPTER XXXV: Line of Succession (Castiel)
NEWS UPDATE: USC VP TEMPORARILY ASSUMES PRESIDENCY
CHAPTER XXXVI: Caught By Its Mouth (Reynard)
CHAPTER XXXVII: Sleeping Prince (Fabienne)
CHAPTER XXXVIII: Down in the Dumps (Fabienne)
CHAPTER XXXIX: Declaration of War (Reynard)
CHAPTER XL: Regency Era (Castiel)
NEWS UPDATE: USC SUSPENDS 3 OFFICERS
CHAPTER XLI: So Much For So Little (Fabienne)
CHAPTER XLII: New Crew (Castiel)
CHAPTER XLIII: Countermeasures (Fabienne)
CHAPTER XLIV: United Front (Castiel)
CHAPTER XLV: Newfound Prey (Reynard)
CHAPTER XLVI: Fallout (Fabienne)
CHAPTER XLVII: Direct Attack (Castiel)
CHAPTER XLVIII: Uncoordinated Response (Fabienne)
CHAPTER XLIX: Poetic Justice? (Reynard)
CHAPTER L: Surge of Hope (Castiel)
CHAPTER LI: Farewell and Welcome Back (Fabienne)
CHAPTER LII: Deja Vu (Castiel)
CHAPTER LIV: Warning Shot (Reynard)
CHAPTER LV: What Ifs (Fabienne)
CHAPTER LVI: Cheese in the Trap (Reynard)
CHAPTER LVII: Locked in the Crosshairs (Reynard)
CHAPTER LVIII: Return of the King (Fabienne)
CHAPTER LIX: Beating Hearts (Fabienne)
CHAPTER LX: Queen of the North (Fabienne)
CHAPTER LXI: First of January (Fabienne)
CHAPTER LXII: Ticking Bomb (Reynard)
CHAPTER LXIII: Royally Official (Fabienne)
CHAPTER LXIV: Back in the Game (Castiel)
CHAPTER LXV: Tiger's Tail (Reynard)
CHAPTER LXVI: Prior Restraint (Reynard)
CHAPTER LXVII: Shots Fired (Castiel)
CHAPTER LXVIII: Emergency Meeting (Fabienne)
CHAPTER LXIX: Straight from the Heart (Fabienne)
CHAPTER LXX: State of the Race (Reynard)
CHAPTER LXXI: Tea Time (Castiel)
CHAPTER LXXII: Final Stretch (Fabienne)
CHAPTER LXXIII: Popularity Contest (Reynard)
CHAPTER LXXIV: Vox Populi (Fabienne)
CHAPTER LXXV: Curtain Call (Castiel)
EPILOGUE: Necessary Evil
USC Media Briefing: Q&A Portion
Author's Notes
DO NOT READ THIS PART

CHAPTER LIII: Awakened Prince (Fabienne)

2.3K 216 73
By AkoSiIbarra

FABIENNE

NEVER PA akong tumakbo nang ganito kabilis sa buong buhay ko.

When I received Tita Primavera's message this morning, 'di na ako nagdalawang-isip pa at agad akong umalis ng campus. Saktong magla-lunchtime na no'n kaya wala akong mai-skip na classes. Instead na sumakay ng dalawang jeep papuntang Clark Medical Center, mas pinili kong mag-book sa ride-sharing app para deretso na ako ro'n.

Pagdating na pagdating ko sa ospital, kumaripas ako nang takbo palabas ng sasakyan. Bigla akong tinawag ng driver, muntik na nga niya akong habulin. Akala ko'y may nakalimutan akong gamit sa loob. Nakalimutan ko palang magbayad ng fare. Pasensiya na. Sobrang preoccupied ko kasi kaya nawala 'yon sa isip ko.

Why was I in a hurry? Mas mabibilis pa ang pag-recover ni Priam kapag nakarating ako ro'n nang maaga? Nope! Definitely not. Pero kinabahan ako lalo na no'ng naalala ko ang ikinuwento sa 'min ng mga magulang nina Castiel at Cassidy. Just within the hour after their daughter woke up, namaalam na 'to sa kanila. I was worried na baka gano'n din ang mangyari kay Priam. Alam kong magkaiba ang circumstances ng dalawa, pero 'di ko pa rin naiwasang mangamba.

That's why I wanted to see him as soon as possible. Kahit anuman ang mangyari sa kaniya—sana'y wala nang masama—ang importante'y makita ko siya habang siya'y mulat at buhay. I'd missed his face for a long time that it's the only thing that I wanted to catch a glimpse of today.

Dahil alam ko na ang floor at room number ni Priam, deretso na ako sa elevator. Pag-slide ng pinto nito pabukas, sumingit na ako sa mga nakapila at nakisiksik na sa loob. Once it reached the seventh floor, ilang beses akong napa-"excuse me" para padaanin ako at makalabas na. Once I made it outside, muli akong kumaripas nang takbo sa hallway.

Huminto ako sa tapat ng Room 707 at hinabol muna ang aking hininga. If this wasn't an emergency, pupunta muna ako sa washroom para i-check ang itsura ko at mag-retouch. But I didn't care about my looks right now. Wala akong pakialam kung mukha akong haggard at buhaghag ang buhok ko. Ang importante'y makita ko na agad si Priam.

Huminga muna ako nang malalim at sandaling ipinikit ang aking mga mata. Hinawakan ko ang doorknob, ramdam ng mga daliri ko ang lamig nito, bago ko maingat na ipinihit at itinulak papasok. I went inside with my eyes closed. Una kong narinig ay ang mahihinang usapan 'tapos ang constant beep ng machine. Humakbang pa ako ng ilang beses bago iminulat ang mga mata ko. My head slowly turned to the left.

Napaawang ang aking bibig. Nagsimulang maglawa ang mga nanlaking mata ko habang tinititigan ang maamo niyang mukha. Napakagat din ako ng labi para pigilang bumuhos ang mga luha ko, pero may isang butil na tumulo mula sa kanan ko.

Finally! After weeks of praying and hoping . . .

Sinubukan kong magsalita, pero parang may nakabara sa lalamunan ko. But I kept on trying hanggang sa may lumabas na boses.

"Y-Yam . . ." tawag ko.

Priam Torres, who'd been in coma for more than a month, was sitting upright in his bed! Mulat na ang mga mata niya, pakurap-kurap pa nga sa direksiyon ko. Nanuyo na ang labi niya, pero pinilit niyang ngumiti. Nanghihina pa ang katawan niya, pero pinilit niyang itaas ang kaniyang kanang kamay para kawayan ako. Nabawasan ang muscles niya at pumayat ang kaniyang braso.

Nilapitan ko agad siya at akmang yayakapin. Kaso naalala kong kagigising pa lang niya mula sa mahabang pagkakatulog at paniguradong nanlalambot pa ang kaniyang katawan. Baka malagutan pa siya ng hininga dahil sa yakap ko. Instead of a hug, I gave him a peck on the cheek. Compared no'ng huling bisita ko rito, lalo pang namayat ang mukha niya. Litaw na nga ang kaniyang cheekbones.

"Yen . . ." Sinubukan niyang magsalita kahit paos at sobrang hina ng kaniyang boses.

"Shush!" I pressed my forefinger on his lips. Nasundan pa ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko habang pasinghot-singhot pa. "'Wag mo munang pilitin na magsalita, ha? 'Wag mo munang i-stress ang vocal chords mo lalo na't higit isang buwan kang hindi nagsalita. Just rest muna, okay? We'll talk once you get better."

'Di ko na nailabas ang hanky ko. Napapunas ako ng mga luha gamit ang aking mga kamay. Sa isip ko, walang tigil ang pasasalamat ko. Ilang weeks kong ipinanalangin 'to. Ilang weeks ko ring tinawagan kung sino-sinong santo. Ngayo'y parang panaginip ang lahat. 'Di pa rin ako makapaniwalang gising na siya. 

"Tita, bless po." Pumunta ako sa kabilang side ng kama niya kung saan nakapuwesto ang kaniyang mom. Nakasuot siya ng lab coat kaya aakalaing doktor siya rito kahit iba ang logo ng ospital na nakatahi sa chest part n'on. Kagaya ko, mukhang nagmadali siyang pumunta rito nang balitaan siya ng bantay ni Priam. "Pasensiya na, 'di ko po kayo agad na-greet. Na-excite po kasi akong makita agad si Yam."

"That's okay." Namumula rin ang mga mata niya. 'Di na ako magtataka kung naiyak din siya matapos marinig ang balita. "I appreciate you coming here as soon as possible even if you didn't have to. Teka, 'di mo ba kasabay si Cas? I also told him that Priam's already awake."

Napakagat ako ng labi. Napanood ko ang press briefing niya bago ang lunchtime. He was interrupted by a call—na in-assume kong galing kay Tita Primavera—'tapos bigla siyang bumaba sa podium at tumakbo palabas ng briefing room. Base sa namutla niyang mukha at halos nahulog na panga, mukhang mas natakot pa siya kaysa natuwa sa kaniyang narinig. Parang deja vu nga kasi nasa kalagitnaan din daw siya ng press briefing no'ng naka-receive siya ng call tungkol sa kapatid niya.

"He might still be feeling unwell po." 'Yon na lang ang isinagot ko. He'd been through a lot the past week, pero pinilit niyang bumalik sa university agad. "Baka nagluluksa pa po siya sa pagpanaw ni Cassi—"

Napatakip ako ng bibig at lumingon agad kay Priam. Shoot! How careless of me! 'Di pa pala niya alam ang nangyari sa kapatid ni Castiel! Tita wouldn't probably tell him just minutes after he regained consciousness. 'Di rin mabuti sa kaniyang kondisyon kung malalaman niya ang malungkot at nakadudurog ng puso na balitang 'yon.

Kumunot ang noo niya. "Wh . . . What did you . . ."

Quick, Fab! Pinilit kong ngumiti at saka umiling. "Nothing! Basta magpahinga ka muna, ha? Bumawi ka muna ng lakas. Once you're feeling better, we'll let you know kung ano-ano ang na-miss mo."

"But . . ."

"Ano'ng sinabi ko sa 'yo kanina? 'Wag mo munang puwersahin ang sarili mo na magsalita."

Mabuti't masunurin siya ngayon kaya 'di ko na kinailangang ulitin pa.

Humarap ako kay Tita Primavera at hininaan ang aking boses. "Pasensiya na po ulit, muntik nang madulas ang dila ko kanina. Masyado pang maaga para malaman niya 'yong . . ."

"It's okay." Hinaplos niya ang likod ko. Hininaan din niya ang kaniyang boses. "I will try to distract him para makalimutan niya ang muntik mo nang masabi."

"Kumusta po ang kondisyon niya? Ano po'ng sabi ng doktor?" tanong ko nang sumagi sa isip ko ang nangyari kay Cassidy. May kaunting kaba na dumapo sa 'kin. "Magiging okay at stable na po ba siya?"

Bumuntonghininga si Tita sabay baling sa anak niya. "I-o-observe pa siya ng doctor at isasailalim sa ilang test. Hopefully, he will start to feel and get better. What we can do right now is to continue praying and show him the love that he deserves."

There must be a reason why ginising na siya mula sa coma. Of course, I'd be here para suportahan siya. I wouldn't think of leaving his side.

Chineck ko ang time sa 'king phone. Lagot! It's already twelve-thirty. "Tita, babalik po muna ako sa campus. May afternoon classes pa po kasi ako. Pero babalik din ako mamayang hapon."

"Ingat ka, Fab. Thank you ulit."

Sunod kong nilapitan si Priam. Hinawakan ko ang namayat niyang kamay. I didn't press it too hard dahil baka brittle ang mga buto niya. "Yam, aalis muna ako, ha? Babalik din ako later."

Kumurba ang labi niyang namamalat na. Nginitian ko muna siya bago muling hinalikan sa pisngi. Then I whispered in his ear. "Stay with us, Yam. Get well soonest."

Kahit gusto kong mag-stay pa sa ospital para i-monitor at i-entertain siya, kinailangan ko munang umalis. Dahil lunchtime, paniguradong traffic na sa highway pabalik sa campus. But being late was the least of my worries right now. Ang importante'y nakita at nakausap ko na ulit si Priam.

My heart hasn't been this happy.



"GUSTO N'YO bang sumama?" tanong ko kina Belle at Colin pagka-dismiss ng class namin sa Dramaturgy. Isinukbit ko ang aking bag sa kanang balikat. Nagsitayuan na rin ang iba naming classmates. "Kasama ko ang USC officers mamaya."

Nagkatinginan muna ang dalawa, may pag-aalinlangan sa kanilang mga mukha.

"Maybe not now?" nahihiyang sagot ni Belle. "Baka ma-overwhelm si Mr. President kapag dinumog siya sa hospital room."

"It's also best to give his family and closest friends the opportunity to see him again for the first time since he woke up," nakangiting dagdag ni Colin.

"Tama! Baka sa mga susunod na araw ka namin samahan doon. For now, close friends and associates only, sabi nga ni Colin. Pero send our regards and well wishes, ha?"

"Okay!" Nagpaalam na ako sa kanila bago umalis ng Arts and Sciences building at nagtungo sa admin building. Right after my first trip to the hospital this lunchtime, binalitaan ko agad ang mga taga-USC tungkol sa kondisyon ni Priam. We agreed na sabay-sabay namin siyang bibisitahin ngayong hapon. Wala pa akong nare-receive na update mula kay Tita Primavera, kaya mukhang maayos pa ang lagay ng anak niya.

"Hi, guys!" Kumaway ako pagpasok sa USC office. Nakaabang na sa lounge sina Lavinia, Sabrina, at Tabitha. "Sorry, medyo na-late ako. Medyo late din kasing nag-dismiss ang prof namin."

"Actually, you're just in time," agad na tugon ni Lavinia. Nakaupo siya sa couch habang nag-i-scroll sa phone. "Halos kararating din ng ilan sa amin."

Inilibot ko ang aking tingin. I was expecting to see two more people here, pero 'di ko mahagilap maging anino nila. "Nasa'n na si Rowan? Sasama rin ba si Val sa 'tin?"

"Rowan volunteered to use his car para 'di na raw tayo mag-commute," sagot ni Tabitha. Nakaupo siya sa kabilang couch. Ni 'di man niya ako binalingan. "I can drive my own car, but he said na aksaya raw sa parking kung dalawang kotse ang dadalhin natin."

"If we can fit in one car, why not?" depensa ng chief-of-staff. "Babalik din tayo rito sa campus pagkatapos bumisita sa ospital."

"Whatever."

"Anyway, he's here." Tumayo na si Lavinia habang chine-check ang phone niya. "Sinundo na niya si Val para hindi na niya kailangang pumasok dito."

"Fab, puwede mong iwan muna ang gamit mo rito. Baka abala sa 'yo na dalhin 'yan sa ospital," payo ni Sabrina sabay turo sa likuran. "Wala namang magnanakaw sa USC office."

"Sure? Thanks!" Nginitian ko siya. "Saan ko puwedeng ilagay 'to?"

"Kahit sa cubicle ko na. Ipatong mo sa swivel chair katabi ng bag ko."

Agad kong pinuntahan ang pangatlong cubicle mula sa kinatatayuan ko at iniwan muna ro'n ang bag ko. Wala namang importanteng gamit do'n. Enough na ang dala kong purse sakaling may babayaran o bibilhin. Good luck sa magtatangkang magnakaw.

"'Di ba sasama ang junior officers n'yo?" tanong ko matapos mapansin ang tatlo sa loob ng conference room. May mga kahong nakapatong sa mesa. Do'n sila kumukuha ng folders na isa-isa nilang chine-check.

"Nah, they're fine." Napamuwestra si Tabitha na parang wala siyang pakialam. "Lav told them to hold the fort while we're gone. I also left them some gawain so they won't get bored."

"Lav?" Umangat ang isang kilay ni Lavinia matapos sumulyap sa treasurer. "Who gave you permission to call me by that nickname?"

"Whatever."

Nang ready na ang mga kasama ko, sabay-sabay na kaming umalis ng USC office at lumabas ng admin building. Isang puting sedan ang nag-park sa tapat at naka-on ang hazard lights. Nag-roll down ang car windows at bumungad sa 'min ang mukha ni Valeria sa shotgun seat at ni Rowan sa driver's seat.

"Are we four kasya at the back?" may dudang tanong ni Tabitha. "I can drive my own kotse if you want."

"Payat tayong apat kaya puwede nang pagkasyahin." Nauna nang lumapit si Lavinia sa sasakyan. Siya na ang nagbukas ng car door sa kanan. Papasok na sana siya, pero bigla siyang siningitan.

"I want the seat by the window," hirit ni Tabitha sabay pasok sa loob. Sunod na pumasok si Sabrina, 'tapos ako. Huling pumasok si Lavinia na nagsara ng pinto. Kinailangan naming umusod nang kaunti para mas comfortable siyang makapuwesto. Surprisingly, kasya kaming apat.

"Are we all ready?" Inayos ni Rowan ang rearview mirror at sumulyap sa 'min. Sandaling nagtagpo ang tingin namin. "Okay lang ba kayo riyan, ladies?"

Sabay-sabay kaming tumango sa likuran maliban kay Tabitha na nakamasid sa labas. Pinaandar na ni Rowan ang kotse at nag-drive paalis ng campus. Dahil oras na ng uwian, na-traffic kami sa daan, lalo na sa intersection na may traffic light. Saktong makatatawid na kami nang biglang nag-red ang ilaw. Rowan had to step on the brake bago siya makapasok sa tinatawag na yellow box. Muntik tuloy akong tumilapon sa windshield, mabuti't nakahawak sa 'kin sina Sabrina at Lavinia.

"May balita ba kayo kay Cas?" tanong ko habang inaabangan naming mag-green ulit ang ilaw. Ninety seconds din ang kinailangan naming hintayin. "He ran away from his press briefing this morning, right?"

"He dropped his phone, so there's no way for us to communicate with him," may buntonghiningang sagot ni Lavinia. Nakatitig siya sa mga sasakyang kasabay naming naghihintay sa intersection. "Hindi rin siya bumalik o dumaan sa USC office hanggang sa umalis tayo roon."

"The call he took during the briefing must have affected him so much." Lumingon si Valeria sa aming apat na nakaupo sa likod. "Nakita n'yo ba ang kaniyang reaction? Daig pa niya ang nakakita ng multo."

Yumuko ako at tumitig sa mga kamay ko. "That's probably Yam's mom telling him the good news. Kaso mukhang na-trauma siya sa nangyari sa kapatid niya. Baka naisip niyang gano'n din ang sapitin ni Yam."

"I knew he's not feeling well yet!" Halos paluin ni Rowan ang manibela. "Dapat talaga'y hindi ko na ipinatawag ang press kanina."

A part of me was happy na na-interrupt ang balak sabihin ni Castiel. A part of me was sad na 'di niya natapos. He tried to reveal na si Alaric ang nakaaksidente sa kaniya at sa kapatid niya. Sakaling natuloy 'yon, malalabag niya ang non-disclosure agreement. I wasn't fully aware sa consequences, pero paniguradong hahabulin siya ng family ni Alaric.

If he was willing to violate a legally binding document, 'di ko naiwasang mangamba kung ano ang kaya pa niyang gawin. Mas mabuti kung agad naming siyang mata-track at makauusap.

Nag-green na ang traffic light kaya umabante na ang sasakyan namin. Dumaan muna kami sa isang fruit stand at flower shop. Sina Valeria at Lavinia ang nag-volunteer na bumaba para bumili. Nang sila'y bumalik, nangamoy prutas at bulaklak ang loob ng kotse.

Our trip to Clark Medical Center took around twenty minutes. Nag-park muna si Rowan sa basement parking ng ospital. Once we were all set, bumaba na kami ng sasakyan at nagtungo sa elevator. I pressed the button going up to the seventh floor. Habang hinihintay na makarating kami ro'n, chineck ko ang aking phone. Wala pang message o call mula kay Tita Primavera. Mukhang okay pa rin si Priam.

Pagbukas ng elevator, nilakad namin ang kahabaan ng hallway hanggang marating namin ang Room 707. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Dahil nakita ko na si Priam, I stepped aside and let my companions in first. Nauna si Valeria, sumunod si Lavinia, 'tapos sina Rowan, Sabrina, at Tabitha.

"Priam!" tawag ni Valeria sabay lapit sa kaniya. Yayakapin na sana niya ang pasyente, pero hinila siya pabalik ng kasama niya sa likuran. I also thought of doing the same this morning.

"Now's not the right time for that. 'Kita mong nanghihina pa siya." Nakahawak pa rin si Lavinia sa sleeve ng uniform nito. "Your hug can wait."

"S-Sorry." Kumalma na si Valeria. She then cleared her throat. "It's good to see you again, Priam."

"V . . Val . . ." banggit ni Priam kahit nahihirapan siya.

"We're praying for your speedy recovery, Mr. President," bati ni Lavinia. "May kulang sa USC office mula nang naospital ka."

"L . . . Lavi . . . nia."

"Get well soon," bati ni Sabrina. "Na-miss na namin kayo sa school."

"S . . . Sab."

"Not gonna lie," sabi ni Tabitha. "I kinda miss your presence do'n. I also miss you pressuring us to accomplish tasks way ahead of the deadline."

"T . . . Tabby."

"How are you feeling, Mr. President?" Inilapit ni Rowan ang kamao niya sa kaniya.

Pilit na iniangat ni Priam ang kamao niya para makipag-fist bump. "R . . . Rowan."

"Sayang, wala si Cas. Complete sana kayo ngayon," banggit ko bago ako napasimangot. "But for sure, hahabol siya rito! Baka may inaasikaso lang 'yon."

Umiwas ng tingin si Priam. 'Di pa niya alam ang nangyari kay Cassidy.

With him awake, babalik na sa dati ang lahat. Or maybe not. Magdadalawang buwan na ang lumipas mula nang isinugod siya sa ospital at ma-coma. Marami na ang nagbago.

But I hoped some things didn't change.


NEXT UPDATE: Reynard notices something suspicious.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
17.3K 1.4K 138
Poetry Book Collaboration by Cabin of Writers and Cabin of Artists and Editors.
83.4K 2.4K 15
WATTYS 2021 WINNER - ROMANCE CATEGORY Cassidy Prim, a public figure who despises being in the spotlight, headed to a lesser-known island to get away...
10K 685 28
WATTYS 2021 SHORTLIST Curious by the sudden change of his former childhood friend, Vale tries to see through Jean's painful scars that she hides unde...