Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 10

874K 22.1K 6.5K
By JFstories

Chapter 10

SOON. TO. BE. Married.

Ano kaya ang ibig sabihin nito? Bakit naninikip ang paghinga ko? A tear rolled down my face while I was looking at their photo. Ang mga labi ng babae ay nakadampi sa pisngi ng boyfriend ko. Normal lang naman iyong halik nito sa BF ko. Pero iyong mabasa sa likuran ng picture na ito ang mga salitang ito, iba na. Nakaka-hugot na!

Nanlambot ako kaya napaupo ako sa kama. Maraming tanong ang namumuo sa aking isipan. Akala ko ba si Rom ang nakatuluyan ni Erika? Akala ko ba si Rom ang napanagasawa nya? Napatitig muli ako sa larawan. Eh, bakit dito ay mukhang sila ang ikakasal? Hayan nga at ang harut-harot nila, oh, daig pa ang nagkikilitian.

Damn! Ang OA ko na. Ano naman kung nagkaroon nga sila ng relasyon noon? Ang importante ay iyong ngayon. Isa pa, wala na si Erika. Wala na sya, Ruby, kaya wag kang ma-drama! Parang kagabi lang kung maka-ungol ka wagas tapos ngayon huhugot ka? Wag ganun!

I stood up at buong lakas na pinunasan ang sariling mga luha. Hashtag hugot na kung hugot pero hindi ako matatahimik nito hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Ewan, pero galit ako! Naiinis ako dahil nagseselos ako! Hindi ko alam pero nasasaktan ako!

Dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. I'm sure na naroon sya sa sala kaya tinungo ko iyon. I used my weight to make steps. Hayun sya at wala akong ibang gusto kundi ang lamutakin sya.

Lamutakin sya?

Malay ko ba naman kasing naka-boxers lang sya. Nang makita nya ako ay tumayo sya from the sofa kaya namukol ang harapan nya. But wait a minute, kanin pa lang iyong tinutukoy ko, ah. Wala pa iyong ulam na idinedetalye ngayon ng aking paningin habang pinagmamasdan ito sa katawan nya.

Oh, damn! That abs again?

Kusang bumuka ang aking bibig. "P-pabebe ko, kumain ka na ba?"

Pabebe ko?

Pumaling tuloy ang kanyang ulo. His blue eyes behind his masquerade was asking me. "Pabebe ko?"

Shet.

I did my best to make myself calmed. "W-what an endearment, right?" pero ang mga mata ko ay nasa kanyang tiyan nakabaling.

Wala syang imik na nakatitig lang sa akin. Lalo tuloy akong nagkaroon ng pagkakataon na mapagmasdan ang kanyang katawan na nagpapahirap sa akin. 

Nasaan ang katarungan, Ruby? Akala ko ba nagngingitngit ka sa galit?

Oo nga pala, galit ako. Bakit ba ako nagpapatalo sa magandang katawan ng lalaking ito? "A-alis na ako." ani ko sa malalim na tinig.

Lumapit sya sa akin sanhi para mapadikit ako sa malapad nyang dibdib.

"Stay," aniya.

"Okay."

Oh, come on!

"H-hindi. K-kailangan ko na palang umalis." Nilampasan ko sya. Kailangan kong tikisin ang mapintog nyang puwet nang lingunin ko sya. Ang kaso hindi ko pala kaya. Kaya heto at tinampal ko nga.

Nilingon nya ako matapos kong tapikin ang kanyang pang-upo.

Kahit isang maiksing piraso lang ng tela ang nakatabing sa kanyang pang-ibaba ay makikita pa rin kung gaano sya makapangyarihan. Dangkal ko sa aking daliri ang sahig na kanyang tinutungtungan subalit sa klase ng kanyang pagtayo ay malalaman na malawak ang kanyang nasasakupan.

"I should punish you for doing that." He said in a husky voice.

Nanigas ang aking katawan nang masalo ko ang bughaw nyang mga mata na nagniningas. "S-sorry..."

Bahgya syang yumukod upang magpantay ang aming mukha. "On my bed, now..." bumulong sya sa aking punong-tainga. "...pabebe ko..."

...

FEELING KO AY masisira ko na ang keypad nitong CP ko. Mariin ko kasi itong tinitipa at tatlong araw ko na itong ginagawa. Ito kasing si Pebebe ko ay hindi nagre-reply. Tinatawagan ko ngunit hindi rin sumasagot. Wala tuloy akong ibang gusto kundi ang sapakin itong babaeng katabi ko.

"You know what, Ruby. You look so... so..." napahinto ito. "...blah! blah! blah!"

Whatever, Chie-chie.

Nandito kami ngayon sa university at katatapos lang magpasa ng thesis. Thesis na hindi ko alam kung paano ko nagawa habang lutang.

"What you call that?" Napapapitik sa hangin si Chiechie. Katabi ko sya sa bench. Uwian ko na pero sya, vacant lang nya. Dito kami nagkikita palagi kapag wala kaming klase. Dito sa bench kung saan libangan naming pagchismisan ang mga dumaraan.

"What you call that?" napapapitik pa sya sa hangin.

"Pathetic?"

"That's it! Pero may mas maganda pang term."

"Miserable?"

"Konti pa."

"Ridiculous?"

"Lapit na."

Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Brilliant?"

"Nadale mo!"

Seriously, masasapak ko na talaga sya.

"You are brilliant dahil napapaniwala mo ako na may bago kang BF."

Iyon pala ang pinupunto nya. Hindi kasi talaga sya naniniwalang may bago na akong BF. Kilala nya kasi ako na hanggang harot lang sa bibig pero hindi talaga madikit sa mga lalaki. Iyon ngang si Ariel ay pikit-mata ko lang na sinagot. Akala tuloy ni Chie-chie, in love talaga ako kay Ariel.

Humawak sya sa aking kamay. "Listen to me, BFFAEA. Hindi mo kailangang magpanggap na may bago ka na kung nasasaktan ka pa rin sa paghihiwalay nyo ni Ariel."

Ano raw?

BFFAEA means Best Friend Forever And Ever Amen.

"I'm here. Handa akong makinig sayo."

I took a deep breath bago ko hinugot sa aking bag ang picture ni Lord K at Erika. Pagkuwan ay ipinakita ko ito sa kanya. "Believe it or not, totoo ang sinasabi ko."

Namilog ang mga mata nya habang nakatitig dito. "Kill... me... now..." Nasa tinig nya ang pagkamangha. Though hindi nya gaanong nakikita ang mukha ni Lord K dahil naka-shades ito ng itim ay masisinag pa rin sa kanyang kilos ang kilig. "Ikaw ito?" ang tinutukoy nya panigurado ay si Erika. "Kailan pa naging asul ang mga mata mo?"

Hinablot ko sa kanya ang picture. "Lenses."

Nakakunot ang kanyang noo habang pinakatitigan nya ako. "Parang ang ganda mo dyan sa picture. In-adobe ba yan?"

Rom was right. Mukhang may pagkakahawig nga talaga kami ni Erika.

"Saan ka pupunta, BFFAEA?" tanong sa akin ni Chie-chie nang tumayo ako.

I smiled at her. "Sa bagong BF ko." Pagkasabi ay naglakad na ako palayo sa kanya. Hanggang sa makalabas ako ng gate ng university ay lumilipad ang isip ko. Tila ba kasi may namumuong pag-aagam-agam sa isipan ko.

Gusto lang ba ako ni Lord K dahil kamukha ko si Erika? O gusto nya ako dahil nakikita nya sa akin si Erika?

Parang parehas lang iyong tanong ko, ah.

May mga unipormadong lalaki ang pumalibot sa akin. Siguradong tauhan ito ni Pabebe ko.

Nagkusa na akong pumasok sa kotseng malapit sa amin. Pinaandar ng driver ang sasakyan at umabot ng kalahating oras bago namin marating ang isang hotel na hindi pamilyar sa akin. Pagsakay ko ng elevator sa loob ng gusali ay dinaluhan pa ako ng ilan pang naka-suit na mga lalaki. Nang marating namin ang gitnang floor ay isang babaeng amerikana ang dumulog sa akin upang ihatid ako papasok sa isang salaming pinto.

Pagpasok ko rito ay isang lalaki ang nakatalikod at nakatanaw mula sa malawak na bintana. He's wearing a black coat and holding a rod.

"Leave us." Utos nito sa babae nang hindi kami nililingon.

Napaatras ako nang humarap sya sa akin. I shivered nang masalo ko ang banyaga nyang mga mata. Nasa 6 feet yata ang taas at mala-George Clooney ang age at aura. 

Sino sya?

"Have a seat, Ms. Castillo." Umupo sya sa harapan ng executive desk.

Kilala nya ako?

I sat on a chair na kaharap ng may edad na lalaki. His blue eyes were the same as Lord K's. Malamig at walang emosyon.

May hawak syang papeles at ilang folder na nakapatong sa kanyang table. "You want a drink?"

Umiling ako. "M-mawalang galang na po." Kandautal ako. "Who you, po?"

His calm face turned on me at pinagsalikop nya ang kanyang mga daliri. Nahiya naman ako sa maganda nyang kilay na wala ako. Kahit kita na sa hitsura nya na ma-edad na sya ay mababakas pa rin ang kanyang kagandahang lalaki noong araw. At anong sinabi ng suklay na ginamit nya kaya suwabe ang hinas nyang buhok at pantay ang linya.

"My name is Ybara." He took a bottle of wine sa di kalayuan at saka sinalinan ang isang kopita. "And your boyfriend..." sumimsim sya rito. "...is my son..."

Nanlaki ang mga mata. "M-magandang araw po..."

Naman! Bakit hindi nya agad sinabi? Eh, di sana ay pinuri ko ang kilay nya.

Bumuga sya ng hangin. Humugot sya ng larawan na mula sa folder at inilahad nya sa akin iyon. "I want you to do something for me, Ms. Castillo."

I swallowed nang makita ko ang picture ni Ate Rosenda na inilapag nya malapit sa akin.

"I want you to stay away from my son..."

Napatigagal ako sa sinabi nya.

Muli syang sumimsim sa kanyang kopita. "Or else, I will kill her..." pagkatapos ay sinakop ako nang malalamig nyang mga mata. "You choose..."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

816K 20.3K 43
Ziana and Zavier ... PHOTOS AND RESOURCES CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER Photos and resources used for the bc aren't mine.
44.6K 2.8K 48
⚠️TW: Violence, Sexual Harassment Just the opposite of its meaning, the Scarper House won't let us run away.
114K 2.2K 40
Montenegro Series #2. Bata pa lamang si Irish Klaire Borromeo ay nakaranas na siya ng heartbreak. Heartbreak mula sa tatay niya. Ever since that day...
136K 3.9K 32
Ilongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan...