Testing the Waters

By riathebeloved

3K 191 38

One forgotten night. Two not-so-strangers ended up in a shotgun wedding. Would the newlyweds be able to work... More

Testing the Waters
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 11

230 14 11
By riathebeloved

Chapter 11

"I still have to finish some works in my office. Don't wait for me. Mauna ka nang matulog," ani Ethan pagkatapos nilang kumain.

Ang office na tinutukoy nito ay ang sariling opisina nito sa kanilang mansyon.

Napanguso si Keira dahil gusto niya sanang panooring matulog si Ethan ngayong gabi. Kahit pa hindi niya makalimutan ang sinabi ni Ethan kanina bago sila maghapunan ay mas nananaig ang kaniya ang paglilihian ito. She could ignore what he said earlier.

"Ayoko. I'll wait for you," parang bata niyang pagtutol. "I want to watch you sleep. Pinaglilihian kita, remember? Hindi kami makakatulog ni baby 'pag hindi kita napagmasdang matulog tonight."

It became a habit of Keira to watch Ethan sleep. Gustong-gusto niya na ito ang una at huling nakikita niya sa simula at dulo ng kaniyang araw.

Ethan sighed.

"Keira, bawal sa 'yo ang mapuyat. Mamaya pa ako matatapos," malumanay na saad nito saka siya inalalayang maglakad.

"Can I just stay in your office until I'm sleepy? Promise, I won't disturb you," she tried to negotiate but Ethan shook his head.

"How about I tuck you in bed, instead? I'll wait for you to fall asleep."

Lalong nanghaba ang nguso ni Keira. Hindi iyon ang gusto niya pero mapagtitiyagaan na rin. Hindi na siya umangal dahil bawal talaga siyang mapuyat.

Iginaya siya ni Ethan patungo sa kuwarto nilang mag-asawa. Inasikaso nito ang mga kailangan niya bago siya mag-half bath. Paglabas niya mula sa banyo ay nakaligo at nakabihis na rin si Ethan ng pambahay. Mukhang sa ibang bathroom na ito naligo para makatipid sa oras.

Tipid sa oras? Sana ay sumabay na lang siya. Okay lang naman.

Natigilan si Keira sa paglalakad dahil sa naisip. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa napagtanto.

What the heck? Did I just say that in my mind? Anong okay lang? Saan galing 'yon? Keira! Umayos ka! pangangastigo niya sa kalokohang naisip.

Saktong napatingin si Ethan sa kaniya kaya nagkatinginan sila. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. She even felt how her face turned hot and red. Pakiramdam niya ay nahuli siya ni Ethan na may ginagawang masama kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito saka siya nilapitan.

Napansin nito ang pamumula niya.

Mabilis na nakaiwas si Keira mula sa kaniyang asawa. Patakbo siyang lumapit sa kama para doon maupo. Wala siyang paki kung nagmukha siyang tanga sa harapan ni Ethan dahil sa ginawa niyang pagtakbo.

"I-I'm fine. N-nagulat lang ako sa 'yo," pagpapalusot niya saka sumuot sa ilalim ng comforter.

Hindi pa naman talaga siya inaantok dahil maaga pa. Kailangan niya lang din talagang itago ang sarili niya sa ilalim ng comforter dahil manipis na bestidang pantulog ang kaniyang suot at idagdag pang wala siyang suot na bra. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Ethan kahit pa palagi naman siya nitong nakikita sa ganoong suot tuwing gabi.

Ayaw niyang magpalit ng sleepwear dahil mas komportable siya sa mga maninipis na satin niyang bestidang pantulog. Ayaw niya ring magsuot ng bra o ng nipple tape sa gabi dahil sensitive ang kaniyang dibdib.

Nakita niya naman na 'yan, ano pa bang ikahihiya mo? Magkaka-baby na nga kayo, e, saad ng isang parte ng kaniyang isip.

Ang tanong, natandaan niya bang nakita niya? Ikaw nga, hindi mo matandaan ang nangyari, buwelta naman ng isa pang parte ng kaniyang isip.

Napatingin siya kay Ethan nang tumango ito saka tumabi sa kaniya. Mukhang patutulugin na siya nito. Kapwa sila nahiga at pinaunan siya ni Ethan sa braso nito saka siya hinapit palapit. Ethan's manly scent instantly filled Keira's nostrils. May kung ano sa amoy ng kaniyang asawa ang nakakapagpakalma sa kaniya. She even felt comfortable and safe inside his arms.

He played with her hair and hummed a familiar song to put her to sleep. May mga gabing ganoon siya patulugin ni Ethan. Sa mga panahong magkasama sila ay nakuha na nito kung paano siya patutulugin.

Oo nga at nakakatulog siya nang maayos kapag tinititigan niya si Ethan bago matulog sa gabi ngunit ibang usapan kapag nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi para umihi. Palagi siyang nahihirapang bumalik sa tulog kaya madalas din magising si Ethan dahil sa kalikutan niya sa paghahanap ng komportableng puwesto. Hanggang sa yayakapin at kakantahan siya ni Ethan para lang makabalik siya sa pagtulog.

Ethan has a good singing voice. Wala nga yatang hindi kayang gawin si Ethan. A total package in one.

"Do you have a lot of works in the office? Sabi mo ay hindi ka na mag-uuwi ng trabaho . . ." Keira asked in a sleepy voice.

Kahit hindi siya inaantok ay bigla siyang inantok sa banayad na boses at paglalaro ni Ethan sa kaniyang buhok.

"Yep. Ngayon lang naman. We had a lot of meetings in the afternoon. May mga urgent paperwork akong hindi natapos kanina," sagot naman nito nang tumigil sa pagkanta ngunit hindi sa ginagawa nito sa buhok niya.

Nakakaunawang tumango naman si Keira saka tumagilid ng pagkakahiga at sumiksik sa dibdib ni Ethan. Ilang sandali lang ay iginupo na siya ng antok.

Hatinggabi nang magising si Keira para magbanyo. Wala na si Ethan sa kaniyang tabi. Hindi pa rin ito bumabalik sa higaan kahit pasado alas dose na kaya naman nahirapan siyang bumalik muli sa pagkakatulog. Pasado alas dos na nang pumasok si Ethan sa kuwarto at muling tumabi sa kaniya.

Gising pa si Keira ngunit nagkunwari siyang tulog. Hinintay niyang yakapin siya ni Ethan ngunit hanggang sa narinig niya na lang itong maghilik ay walang mainit na mga bisig ang yumakap sa kaniya. She sighed.

Ano pa nga ba ang aasahan niya? Hindi naman nito alam na gising siya. Ginagawa lang naman ni Ethan na yakapin siya kapag alam nitong gising siya ngunit kailangan niyang matulog.

Bahagyang natigilan si Keira nang may napagtanto.

Ginagawa niya lang ba 'yon para hindi kami mapuyat ng baby o dahil nirerespeto niya ako at gusto niyang may consent ko ang pagyakap na gagawin niya?

She would love to think that it was because of the latter, but she knew that it was because of the former. Para lang sa baby nila, hindi para sa kaniya.

Sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang loob ni Keira sa naisip.

Pero ang sabi niya kanina ay nahuhulog na siya. Hindi kaya ginagawa niya rin 'yon dahil gusto niya rin talaga akong yakapin?

Ngunit hindi naging sapat iyong dahilan para gumaan ang loob niya.

Bakit nga ba sumasama ang loob ni Keira kung hindi niya pa naman kayang saluhin si Ethan mula sa nag-uumpisang pagkahulog nito sa kaniya?

Nalunod si Keira sa mga samu't saring mga isipin. Gulong-gulo ang isip niya hanggang sa napagod na lang ang utak niya at tuluyan na siyang dinalaw muli ng antok.

***

ETHAN sighed. Wala naman talaga siyang balak magtrabaho sana ngayong gabi ngunit hindi niya maiwasang mahiya kay Keira. Umiiwas siya.

Dapat ay hindi niya sinabi ang bagay na sinabi niya kanina. Oo nga at nahuhulog na siya sa asawa niya ngunit ayaw niya naman itong i-pressure. Sana ay sinarili niya na lang muna iyon.

Ngunit hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Marcus, ilang linggo na ang nakalilipas. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi mawala si Keira sa isipan niya nitong mga nakaraan, bukod sa pagiging malambing at maalaga nito na dahilan kung bakit unti-unti siyang nahuhulog dito.

***

A few weeks ago . . .

Hindi magkadaugaga si Ethan sa pag-aayos ng mga gamit sa nilipatan niyang mansyon. Nailipat naman na ang mga gamit doon habang nasa isla sila ni Keira ngunit may mga personal siyang gamit na nakakahon pa na gusto niyang siya mismo ang mag-aayos pagdating niya kaya doon siya abala ngayon.

May ilang araw na mula nang makalabas si Keira mula sa ospital ngunit ngayon pa lang siya nagkaroon ng oras para ayusin ang mga gamit niya.

He was busy unpacking things in his office when Marcus arrived. May usapan sila ngayon, pero dahil kailangan niyang mag-ayos ng mga gamit ay ito na lang ang pinapunta niya roon.

He was carrying a brown envelop, containing the data and information they need from the investigation.

"Hindi ka pa rin pala tapos mag-unpack ng mga gamit. Need help?"

"Oo nga, e. Hindi pa, pero ito na lang naman . . . Salamat sa offer. I'll appreciate any help I can get. Baka bukas pa ako matapos kung walang tutulong sa akin ngayon," natatawang aniya.

Ngumisi naman si Marcus bago siya tinulungan. Itinabi muna nito ang envelop na hawak sa ibabaw ng office table ni Ethan.

Patapos na sila nang may nahulog na kulay blue na journal mula sa kahot itutupi na sana ni Marcus dahil akala nito ay wala na iyong laman. Mukhang napaglipasan na ng panahon ang hitsura ng journal.

"What's this?" Pinulot ni Marcus ang journal saka iyon binuklat.

Nagkibit-balikat lang si Ethan dahil hindi niya alam kung ano iyon. Ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng mga libro sa shelf.

Tahimik na binasa ni Marcus ang laman ng journal at hinayaan naman iyon ni Ethan dahil abala siya sa mga ginagawa.

Hindi kalaunan ay tumikhim si Marcus kaya naman kunot-noong napatingin si Ethan dito.

May malawak na ngisi ang matalik niyang kaibigan sa kaniya.

"Hindi ko alam na nagkagusto ka pala kay Keira noon. Kaya naman pala ang lambing at maalaga ka ngayon sa kaniya. First love mo pala," panunudyo ni Marcus na ikinakunot ng noo niya.

"First love? Ano'ng sinasabi mo? You know who my first love was. Alam nating parehong hindi si Keira 'yon," aniya saka naglakad palapit sa kinatatayuan ni Marcus.

Kinuha niya ito ang journal at binasa ang pahina kung saan iyon nakabukas.

"Edi crush mo na lang noon," hindi papatalong sagot nito saka binitawan ang journal.

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Ethan nang makilala ang pamilyar na pambatang handwriting na naroon.

'March 25, 1997

Keira smiled at me earlier. We played for a while. She's quiet but she's cute. I think I like her.'

Napakurap-kurap si Ethan. Ayon sa petsang nakasulat, pitong taon siya noong isinulat niya iyon. Halos nakalimutan na niya ang tungkol doon. Kundi lang napulot ni Marcus ang journal ay hindi niya maaalalang ay ganoon pala siyang sinulat noong pitong taong gulang pa lamang siya.

'July 9, 1997

Keira cried. Nabully siya kasi she was quiet. Ganon pala yon? Kahit quiet lang, nabubully pa rin? Sinapak ko nga yung bully. My mom got mad at me but it's okay. At least naiganti ko si Keira.'

Natawa si Ethan nang mabasa iyon nang maalala niya kung paano niya sinapak ang nam-bully kay Keira noon. Sa sobrang tagal na ng pangyayaring iyon ay nalimutan niya ang dahilan kung bakit siya nanapak. Iyon na ang una at huling may sinapak siya. Pinagalitan kasi siya nang husto ng mommy niya. Hindi na siya umulit.

"Who would have thought, you'll end up marrying your childhood crush?" nakangising saad ni Marcus. May panunudyo sa tono nito.

"Hindi ko na rin maalalang nagkagusto pala ako sa kaniya noon kundi mo pa nabuklat itong journal."

"Paano mong hindi malilimutan, e kabilaang quiz bee na ang inatupag mo niyan. Look at the date."

Totoo ang sinabi ni Marcus dahil naging abala nga siya sa mga quiz bee noong pitong taong gulang siya. Naging subsob siya sa pag-aaral dahil siya ang naging representative ng school nila sa mga quiz bee hanggang sa magtapos siya ng elementary. Noong high school naman ay hindi lang quiz bee ang sinalihan niya kundi mga school organization din kung saan naging consistent officer siya.

Nagkibit-balikat na ang si Ethan saka isinara ang journal. Ipinasok niya iyon sa pinakababang drawer ng office desk niya.

"The destiny seemed playful, isn't it?" patuloy na pang-aasar ni Marcus sa kaniya. "Hindi malabong mahulog ka ulit ngayon sa childhood crush mo noon. Hindi mo naman magiging crush dati kung wala kang nakitang espesyal sa kaniya."

***

Present time . . .

TANGHALI na nang magising si Keira at sa banyo agad ang kaniyang diretso dahil parang hinahalukay na naman ang kaniyang sikmura dala ng morning sickness. Mataas na ang sikat ng araw at wala na si Ethan sa kama. Mukhang pumasok na ito sa opisina.

Hilong-hilo at hinang-hina siya habang nakasalampak sa sahig at sumusuka sa toilet bowl. Kulang na lang pati mismong sikmura niya ay isuka niya na rin.

Nang matapos ang pinakamahabang sampung minuto ng buhay niya sa banyo ay nag-ayos muna siya ng sarili bago nanlalatang lumabas mula roon. Saktong kauupo niya lang sa couch nang mag-ring ang kaniyang phone na nasa side table. At dahil nanghihina pa ang kaniyang mga tuhod at kalamnan ay hinayaan niya lang iyong mag-ring. Wala siyang lakas para tumayo at kunin ang phone.

Isinandal niya ang ulo sa malambot na sandalan ng couch saka ipinikit ang mga mata. Hindi niya namalayang muli pala siyang nakatulog dahil sa sobrang sama ng kaniyang pakiramdam kundi pa may mahinng yumugyog sa kaniyang balikat. Nang magdilat ay sumalubong sa kaniya si Tonyang na may hawak na wireless telephone.

"Ma'am Keira, naku pasensya na po sa istorbo. Kanina pa raw ho kayo tinatawagan ni Sir Ethan pero hindi raw po kayo nasagot. Nag-alala po sa inyo kaya pinasilip niya na po ako rito. Tulog po pala kayo dito sa couch—ay bakit po kayo rito natutulog, ma'am? Naku! Baka mangalay po kayo. Gusto n'yo pong lumipat sa kama?"

Umiling si Keira bago pinakiramdaman ang sarili. Hindi na kasing sama kanina ang pakiramdam niya ngayon ngunit masakit pa rin ang kaniyang ulo.

"Ano'ng oras na?" mahina niyang tanong habang nagkukusot ng mga mata.

"Mag-aalas dose na po, ma'am," sagot ni Tonyang saka siya pinagkatitigang maigi. Hindi kalaunan ay gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. "Namumutla po kayo, ma'am. Ayos lang po ba kayo?"

"Medyo hindi po, pero wala po kayong dapat ikabahala. Morning sickness lang po ito, Manang Tonyang. Mawawala rin po mamaya . . ."

Bahagyang hinilot-hilot ni Keira ang kaniyang magkabilang sentido saka muling tumikhim.

"Late na po pala talaga . . . Hindi ko na po naipagluto ng lunch si Ethan," may panghihinayang na saad niya.

Ngayong araw lang siya pumalyang maghatid ng lunch kay Ethan. Bukod sa morning sickness ay napuyat din siya kaninang madaling araw.

"Naku, ma'am, ayos lang naman po iyon. Maiintindihan naman po siguro ni sir na masama ang pakiramdam n'yo."

Mukhang hawak na lang ni Tonyang ang telepono ngunit wala na itong kausap mula roon. Hindi sigurado ni Keira kun bakit hawak iyon ni Tonyang o kung sino ang kausap nito bago siya nagising.

Tumangu-tango si Keira.

"Manang, puwede po bang paki kuha iyong phone ko sa side table? May tumawag kasi kanina, hindi ko na nasagot dahil masama ang pakiramdam ko. Salamat po."

Agad namang sumunod si Tonyang. Kinuha nito ang phone niya saka iniabot iyon sa kaniya. Tipid siyang nagpasalamat dito.

"Nakailang katok po si Dela dito kanina para sa almusal pero wala pong sumasagot. Gutom na po ba kayo, ma'am? Tapos na pong magluto si Meling ng tanghalian. Magpapahain na po ako kung bababa na po kayo."

Tumango lang si Keira dahil naging abala na siya sa pagkalikot sa kanyang phone. Napakaraming mensahe at tawag mula kay Ethan.

"I'll go downstairs after twenty minutes, Manang. Kausapin ko lang po si Ethan. Salamat po ulit sa paggising sa akin."

"Wala o 'yon, ma'am. Sige po, maiwan ko na po muna kayo."

Lumabas na nga ito pagkatapos magpaalam.

Si Keira naman ay tinawagan si Ethan na mukhang kanina pa nakabantay sa phone nito dahil uang ring pa lang ay sumagot agad.

"Hello, Keira? You weren't answering my texts and calls earlier. I got worried. Tulog ka pa raw pala sabi ni Tonyang kaninang tumawag ako sa landline natin sa bahay."

Napatangu-tango siya dahil mukhang iyon na ang sagot kung bakit may hawak na telepono si Tonyang nang magising siya kanina.

"Uhm, yes . . . Late na ako nagising. Ang sama ng pakiramdam ko kanina, hindi ko namalayang nakatulog pala ako ulit. Sorry hindi na kita naipagluto ng lunch."

"No, it's okay. I can have lunch outside. Ang mahalaga ay makapagpahinga ka. How are you feeling? Did you have morning sickness earlier?"

"Yes, I had, but I'm feeling better now. Medyo nawawala na yung sakit ng ulo ko. Kakain na rin ako maya-maya kaya baka mawala na nang tuluyan yung headache ko."

"Okay. Just be careful. Kung nahihilo ka pa mamaya, just call Maang Tonyang. Magpahatid ka na lang ng pagkain sa kuwarto," Ethan said in a concerned tone.

"Yes, boss . . ." pabirong sagot niya.

Nag-usap pa sila nang kaunti bago sila nagaalam sa isa't sa.

***To be continued***

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.6K 36
Queenie Dela Cruz is a hardworking woman, kabago-bago pa lang sa kauna-unahan nyang trabaho ngunit nagpapamalas na ito ng kasipagan. Kahit pa papalug...
824K 25.3K 25
Magbabago ang buhay ni Hera kasabay nang pagbabago ng kanyang itsura. Papasok ito sa mansiyon ng isang makapangyarihang lalaki na kinatatakutan ng ma...
1.4M 51.3K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
25.8M 473K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...