South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

4.8M 263K 121K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 45

58.7K 3.5K 1.3K
By JFstories

PAGLALABAHIN NIYA AKO?



Nakauwi na ako sa bahay ko sa Sunterra ay humihingal pa rin ako. Pabalibag kong binitiwan sa sofa ang plastic na kinalalagyan ng mga ukay na shirt. "Shit," usal ko.


Shit talaga. Ayaw kong nakakaramdam ng kahit anong emosyon na hindi kailangan sa buhay. Napahaplos ako sa aking noo na nakakunot pa. Ayaw kong dalhin ito hanggang mamaya. Should I do a yoga?


I had a better idea. Hinagilap ko ang aking iniwang phone dito sa bahay. Nang makita ay pinindot ko agad ang gilid upang lumabas ang screensaver. Nang lumitaw ang cute na cute na photo ni Bobbie habang nakangiti, ay doon na nabura ang kunot ko sa noo.


I unlocked my phone and went straight to the gallery. And after just a few swipes at the little girl's photos, my bad mood had completely disappeared. Ah, really my lifesaver.


Bago ako umakyat sa itaas kumuha ng pamalit na damit ay nag-beep ang phone ko. Ang text ay galing sa ibang bansa.


Israel:
Can I call?


Napahilot ako ng batok bago ni-reply ang text.


Me:
Wala pa si Bobbie.


Tumawag pa rin naman ito. Umakyat na ako sa itaas para doon ito kausapin. we talked for about an hour, which ended only because Tita Judy had finally arrived with my daughter, Bobbie.





SO PRECIOUS. 7:00 a.m. Ang lawak ng pagkakangiti ko habang nakatingin sa pader ng aking kuwarto. Ang dating bare wall ay ngayo'y napakakulay na. Makikita roon ang sari-sariling photo ngayon ni Bobbie, iba-ibang laki, iba-ibang background, mula noong ipinanganak ko hanggang sa paglaki.


Para hindi marumihan ay nilagyan ko iyon ng kurtina. Hahawiin lang kapag nandito ako sa kuwarto. Ganito rin noong nasa Mandaluyong kami, nakadikit din ang mga ito sa pader, at palagi kong pinakatititigan lalo tuwing gabi.


"Mamaaa?!" Isang cute na maliit na boses. It was my living doll, Bobbie. Gising na pala ito. The little girl was wearing partnered yellow pajamas, and she looked so adorable.


"Gising na pala ang baby ko!"


Bobbie pouted her pinkish small lips. "'Coz Mama is not with meee!"


Nagigising talaga si Bobbie pag hindi ako katabi. "Sorry, baby. But don't worry, Mama has no work later. Maaga mo akong makakatabi, okay?"


"Whyyy Mama needs work pow?" Matatas na talaga itong magsalita, maliit nga lang ang boses, pero super cute.


Nginitian ko ito. "Mama does not need to work; instead, Mama wants to work."


Kumiling ang magandang mukha ng batang babae.


Lumuhod ako upang pumantay sa bata at hinawakan ito sa balikat. "Hindi naman talaga kailangang magtrabaho. Puwede naman tayong umasa na lang kahit kanino, puwedeng makuntento sa kung anong nandiyan, o magpakagutom na lang tayo."


"Mamaaa, doesn't sound good pow!"


"Kaya nga. Kaya gusto ni Mama na mag-work kasi ayaw ni Mama ng ganoon. What Mama wants is the best for us, especially for you. Because Mama chose to have you, therefore she would do everything to provide you with a decent life."


"Thank youw, Mamaaa!" Yumapos sa leeg ko ang mabibilog na braso ng batang babae.


Ginanti ko naman ang yakap ni Bobbie at hinaplos ang malambot na buhok nito, nang bigla nitong pasimpleng hinila ang kuwelyo ng suot kong shirt. Napangiti naman ako. Gets ko na.


Inilabas ko ang aking isang dibdib at saglit lang nakasakmal na roon ang tatlong taong gulang na batang babae. I gently caressed her soft, silky hair while staring fondly at her doll-like appearance. My baby really resembled a little human doll.


Ang pagpapadede pa rin kay Bobbie ay talagang ikinagigil sa akin ni Tita Judy. Nasabon ako nito ng sermon nang malaman. Malaki na raw kasi ang anak ko for pag-breastfeed. Ang kaso, anong magagawa ko? Gusto pa ni Bobbie. At oo, inaamin ko na gusto ko pa rin.


I liked the feeling that my child still relied on me her for milk; it made me feel like she was still a baby, and I was all she needed to survive....





MY BANK BALANCE WAS TWO HUNDRED THOUSAND PESOS.


I frowned. I was not happy. Mas mapapalagay ako kung nasa kalahating milyon na ang ipon ko, kaya lang ay nagalaw pa dahil sa paglipat namin dito sa Cavite. Syempre, nabawasan sa lipat-bahay at ilang gamit na kailangang bilihin.


Maliban naman dito sa two hundred thousand pesos ay insured na kaming mag-ina. May tag-isa kaming private plan ni Bobbie, pero balak ko pang dagdagan. Tinutuloy ko rin ang pagbo-voluntary sa SSS at Philhealth, dahil iba pa rin iyong meron ka rin sa gobyerno.


Pero kulang pa rin para sa akin lahat. Hindi pa rin sapat. Ang gusto ko ay sobra-sobra at hindi sapat lang. Hindi lang sa insurance kundi pati sa liquid cash. Kailangang bukod sa emergency fund, college fund ni Bobbie, at retirement fund ko, ay may extra pa.


Tiningnan ko ang gastusin namin sa araw-araw, halos wala. Sinanay ko sa gulay si Bobbie kaya okay lang kahit puro pitas sa tanim kong malunggay, kalabasa, papaya, pechay ang lagi naming ulam. Tapos sa pangsahog ay ¼ na meat ay okay na. Sa prutas ako mas gumagastos.


Nilista ko ang lahat ng sasahurin this month. Medyo malaki mula nang nakalipat kami rito sa Cavite, dahil madalas hinihiram ni Tita Judy si Bobbie, that was why I could now work overtime, unlike when we were in Mandaluyong. I used to avoid working additional hours before, as the last thing that I would want my child to feel was I didn't have enough time for her.


Sumilip sa pinto ang cute na mukha ni Bobbie. "Mama, I'm sow readyyy!"


Tapos na itong magsuklay mag-isa sa harapan ng salamin. Pinababayaan ko ito para matuto, at isa pa ay nae-enjoy rin nito ang magsuklay sa sarili. Naka-yellow jumper ito at nakalugay ang malambot na buhok na may headband na yellow rin.


"Very good. Come here!" Itinabi ko na ang notebook na listahan ng gastusin.


Nanakbo si Bobbie sa akin sabay hila sa suot kong damit. "Mamaaa, milk!"


Pinigilan ko ang kamay nito. "Ops! Baka maabutan tayo ng Mommy Judy mo!" Masasabon na naman ako ng aking tiyahin pagnagkataon.


Lumabi si Bobbie. Lalo ito tuloy nagmukhang manika.


Hay, ang cute. Sino ba naman ang makakatanggi sa ganito ka-cute? Bumuga ako ng hangin. "Okay," sumusukong sabi ko. "But bilisan mo, ha?"


Agad na tumango ang bata. Umalog ang mamula-mulang mga pisngi. Napangiti ako at pinupog muna ito ng halik, pagkuwa'y inilabas ko na ulit ang aking isang dibdib.


Sakto na pagdating ng Tita Judy at tapos na ito. Isasama ulit ito sa kanila. Na-enroll na ito sa playschool at sabay nang papasok sa mga anak ng tiyahin ko. Elementary ang kambal pero iisang nandoon din sa school ng mga ito ang playschool.


"Hapon ko na ibabalik itong si pretty, ha?" paalam ni Tita Judy sa akin.


I was going to miss my little doll again, and I felt like protesting. Ngayon na lang talaga kami nagkakahiwalay ni Bobbie nang ganito katagal. Kaya lang ay hindi talaga papaawat ang tiyahin ko.


Bago lumabas sa pinto ay nilingon ako ni Tita Judy. "Gamitin mo ang oras para magtrabaho, magligpit ng bahay, at ayusin ang sarili mo. Magmuni-muni ka, Laila! Kailangan mo iyan!"


I just sighed when they finally left. My aunt was always telling me that I also needed time to myself. Pero ilang beses pa lang na wala sa paningin ko si Bobbie ay parang mababaliw na ako. Matagalan ko nga kaya talaga ito?





MUNI-MUNI.


Ginawa ko naman, pero nakakabaliw talaga. Naglinis na lang ako ng bahay matapos magtrabaho. Kailangan may gawin ako dahil kung wala ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.


Bandang tanghali nang maisipan ko na maglaba. Napatingin ako sa hamper kung saan nakabalunbon ang plastic na kinalalagyan ng mga ukay. Hindi ko pa iyon nilalabhan. Dadamputin ko na iyon nang tumunog ang doorbell. Alam ko na hindi pa iyon sina Tita Judy dahil nag-text pa lang ito sa akin kanina. Bumaba ako sa sala.


Hindi ko pa nabubuksan ang pinto nang marinig na may pilit nagbubukas ng tarangkahan ng gate. Boses ni Lydia Punzalan ang sumunod kong narinig na isinisigaw ang aking pangalan. "Laila!"


Pagbukas ko ay ito nga ang nasa labas ng kainitan. Kulang na lang ay umakyat ito sa gate upang maabot ang pagkakasara sa loob. Nang makita ako ay saka ito bumaba. "Laila, anak, buksan mo!"


May hinala ako na hindi ito basta aalis, kaya napabuga na lang ako ng hangin. Pinagbuksan ko ito pero hindi ko inalok pumasok. Doon ko mismo ito sa gate hinarap kahit katirikan ng init. "Ano hong kailangan niyo?"


Pawisan ito na ngumiti sa akin. "Ang init dito, sa loob nga tayo. Saka, may malamig ka bang tubig diyan?"


Nanguna na itong pumasok. Dere-deretso ito sa may kusina. Nangalkal sa ref bago ko pa maawat. Napasimangot ito dahil kalalagay lang ang mga tubig, hindi pa gaanong malalamig.


Nakakita ito ng choco drink, iyong dinala ni Tita Judy para kay Bobbie. Huli ko na para maawat ito dahil nakuha na nito. Sumisipsip na ito pagharap sa akin.


"Nananghalian ka na?" tanong sa akin nito. "Hindi pa ako nakain, e. Galing ako sa kulungan, dinalaw ko ang kapatid mong si Limuel. Diyos ko, napakainit doon! Ang dami nilang nagkukumpulan sa iisang kulungan! Tatlong preso ay tabi sa isang higaan lang!" 


Sinilip nito ang mga cupboard, tiningnan ang mga stocks. Muling napasimangot nang makitang kung hind oatmeal ay mga herbal na seasoning ang laman.


"Hindi ka pa nago-grocery?" Muli itong tumingin sa akin. "Tara, grocery tayo? Bili ka ng ice cream, ang init, e!"


Kumibot ang sentido ko sa pagbanggit pa lang ng ice cream.


Lumakad ito patungo sa sala. Binuksan ang electric fan at doon tumapat. Umalingasaw sa kabahayan ang nagsasalong amoy ng natuyong pawis at polusyon. "Laila, di ka ba nalulungkot dito? Mag-isa ka lang? Dito kaya muna ako—"


"Umalis na ho kayo, may trabaho pa ako."


Tumingin sa akin. "Sige na, kung may trabaho ka ay magtrabaho ka na. Bigyan mo ako ng pera, ako na ang mamimili ng stocks mo. Ipagluluto kita, gusto mo?"


"Darating ang tiyahin ko."


"Ano naman? Pinagbabawalan ka ba niyan? 'Wag nga kamo siyang epal diyan. Iyo ang bahay na ito at hindi kanya. Minana mo ito kaya ikaw at ang pamilya mo lang kamo ang may karapatan dito."


Magsasalita pa lang ako nang mauna na naman ito.


"Noong wala ka, hirap na hirap kami. Nasunugan iyong lugar ng Ate Len mo, nakisukob sila sa amin kasama ang anim na anak. Tapos si Ate Laura mo naman ay nakipaghiwalay na sa asawa, iniwan sa amin ang anak niya. Diyos ko, para kaming sardinas sa bahay. Gusto ko nga sana dito, kaso pinaupahan mo na pala."


Hindi ako makasingit dito sa tuloy-tuloy na pananalita nito.


"Ang hirap dahil ang dami namin. Minsan ay wala na kaming makain. Nakow, e buti na lang kamo ay hindi nakakalimot iyong ano mo—" Bigla itong nahinto sa pagsasalita at napahawak sa sariling bibig.


"Iyong ano ko ho?" tanong ko naman na nakakunot ang noo. Ano ang sinasabi nito?


"A-anong ano?" Namutla ito at nag-iwas ng tingin.  "Wala." Namaypay ito kahit nakaharap na sa electric fran. "Ang init talaga, ano?"


Inilabas nito ang cell phone na lumang model ng MyPhone. Mayamaya ay nagtitipa na ito roon.


"Oy, 'wag ka na palang bumili ng meryenda," anito pagkuwan. Nakangiti na. Ibinulsa nito ang phone at saka na naupo sa sofa, matapos itutok sa sarili ang electric fan.


Nagtataka man sa pagkakangiti nito ay pinili ko na wag mag-usisa. Gusto ko na lang itong paalisin, pero mukhang wala pa itong balak dahil nagpapahangin pa. Mukhang init na init talaga.


Umakyat na lang muna ako dahil nagbabasa ang harapan ng damit ko. Nagla-lactate ako. Mahilig kasi akong maggulay ng masasabaw, tapos araw-araw pa ring dumedede sa akin si Bobbie. Mabigat pa ang isang dibdib ko dahil sa kabila lang dumede kanina ang bata.


Nagpalit lang ako ng damit pero hindi na ako nag-abala na mag-bra dahil nandito lang naman ako sa bahay. Pababa na ako para paalisin si Lydia nang makarinig ako ng tila may kausap ito.


Sino ang dumating?


I had only taken a few steps when a familiar voice spoke. Baritono at malamig na boses na na dahilan nang muntik ng pagkasala ng aking isang paa sa paghakbang.


"NASAAN PO SIYA?"


"Nasa itaas si Laila," halos pabulong na sagot ni Lydia na rinig ko naman. "Pababa na iyon. Hinaan mo boses mo, hayaan mo siya masurpresa kapag nakita ka! Ku, matutuwa iyon—"


Hindi na nito natapos ang sinasabi nang tuluyan na akong bumaba. Wala ang gulat o ang tuwa na inaasahan nito, sa halip ay walang kahit anong reaksyon na makikita sa aking mukha.


Ang matangkad na lalaki na dumating ay sa akin din nakatingin. Wala ring makikita na kahit anong emosyon sa mukha, subalit may kung ano sa mga mata.


He was not wearing a hair tie, allowing me to see the entire length of his wolf-cut hair, which reached his neck. Medyo basa-basa pa, mukhang bagong ligo bago umalis sa kanila. Ang presko ng amoy, mukhang hindi man lang napagpawisan, o mabango rin pati ang pawis niya.



T-shirt na kulay puti na may tatak na Adidas sa harapan, striped cargo shorts na kulay abo at puti rin, at sa paahan ay isinuot niya ang isang spare house slippers dito sa bahay. Napataas ang kilay ko bago bumalik ang tingin sa mukha niya.


"Ay, ito na pala si Lai!" Napatayo sa sofa si Lydia Punzalan. Ang lawak ng ngiti sa mga labi. "Naku, dumating ang boyfriend mo! Ayan, may dalang meryenda! Kumuha ka roon ng baso, may softdrinks o!"


Sandali ko lang namang sinulyapan ang nasa center table. There were two bottles of soda and a box of donuts that were obviously bought in Malabon.


Siniko ako ni Lydia. "Ano, anak? Mas pumogi ngayon ni Asher, ano? Tumangkad pa lalo,'tapos gumanda ang katawan, at bagay sa kanya pala ang mahaba buhok!"


Nakatingin lang naman kami ni Asher sa isa't isa. Parehong walang emosyon ang mga mata.


Si Lydia na ang kumuha ng baso sa kusina. Ito na rin ang nagsalin ng soda habang salita pa rin nang salita. "Akalain mo naman, ano? Ang tagal niyo na rin. Wala ba kayong balak pang magpakasal? Ay, puwede naman. Pero 'wag munang mag-anak."


Wala pa ring nagsasalita sa amin. Ang mga mata ni Asher na walang kahit ano kanina ay sandaling nabahiran ng kung anong pagtataka nang mapababa sa katawan ko ang tingin niya.


Pasimple kong sinipat ang sarili, para lang manlaki ang mga mata. Wala nga pala akong bra. Pasimple akong humalukipkip kunwari. Hindi naman siguro niya napansin na parang hindi pantay ang dibdib ko.


Lydia continued talking, "Pero dapat nga talaga, Asher, ay pakasalan mo na ang anak ko bago ka man lang ulit sumampa sa barko. Para ba sa kanya na ang allotment mo. Para makaipon na baga kayo. Pero iyong pag-aanak ay saka na muna talaga. Marami namang pamangkin iyang si Laila."


"Umalis na kayo." Doon na ako nagsalita. Pumipintig na ang sentido ko. "May trabaho pa ako."


Wala namang reaksyon si Asher. Nakatingin pa rin siya sa akin at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya.


Napamaang si Lydia sa aming dalawa. Nang maka-recover ay napasigaw ang babae. "Lai, ano ka ba?! Kabababa lang ni Asher sa barko, inaaway mo na! Dapat nga ay magtino ka, dahil para bago siya sumampa ulit ay pakasalan ka muna!"


"Umalis na sabi kayo," mariing sabi ko. Hinarap ko si Lydia. "Kasama kayo, umalis kayo. May trabaho pa akong tatapusin."


Napasinghap sa gulat ang mukha ng babae. "Aba, Laila! Pinapaalis mo ako?!"


"Oho," malumanay kong sagot pero seryoso. "Umalis na kayo. Ilang ulit ko pa ba uulitin para ho maintindihan niyo?"


Kasabay ng pamumula ng mukha ni Lydia ay ang pamamasa ng mga mata nito. Napahiya ito. Huminga ito nang malalim at nilingon si Asher. "Kuwan, mag-usap kayo," anito sa pinipilit na patuwiring tono.


May kurot sa akin ang pilit na pagngiti ng babae, subalit hanggang doon lang.


Lumapit ito kay Asher at hinaplos siya sa braso. "Mainit ang ulo ng anak ko. Ikaw na muna ang bahala. Mag-usap kayo, ha? Uuna na muna ako." Tumingin pa ulit sa akin ito bago tumungo sa pinto. "Laila, babalik ako bukas, ha? Ipagluluto kita."


Nang wala na ito at kami na lang ni Asher ang naiwan sa sala, ay nakabibinging katahimikan ang namayani sa paligid. Kahit huni ng butiki sa kisame ay walang maririnig.


Dahil ramdam ko na hindi siya nag-aalis ng tingin sa akin ay hinarap ko siya. Tama ako, his stare remained fixed on me.


Napapasulyap pa siya sa bandang dibdib ko na basa na naman. Nagsalubong ang mga kilay niya, subalit saglit lang.


Ayaw ko namang magsayang pa ng sandali. Tumingala ako para salubungin muli ang mga mata niya. "You heard me, I have work to finish."


"Won't you even ask me why I'm here?"


"I won't."


Hindi naman siya nagulat sa deretsong sagot ko. Ni hindi nga kumurap. Seryoso ang mga mata niya nang bumukas muli ang kanyang mga labi. "Okay."


Tinalikuran ko na siya. "Pakisara na lang ang gate—"


"Nalabhan mo na?" tanong niya na nagpahinto sa paghakbang ko.


Nakakunot ang noo na nilingon ko siya. "Ano?"


"Iyong mga damit ko. I told you to wash them, didn't I?"


Hindi siya mukhang nagbibiro o nang-aasar, seryoso ang ekspresyon niya, kahit ng tila sa lawin niyang mga mata. Kumibot-kibot naman ang mga labi ko. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya?


"Okay lang," sabi ni Asher sa patag na tono. "Hindi ko pa naman kailangan, babalikan ko na lang." Lumakad na siya papunta sa pinto.


Babalikan? Napanganga naman ako nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya. "You don't have to. Kunin mo na ngayon kung gusto mo, or I can just pay you." Wala akong balak labhan iyon. Kung ayaw niyang kunin, babayaran ko na lang.


Huminto siya at nakataas ang isang kilay na nagsalita. "You'll pay me?"


"Oo. Nine hundred, 'di ba?"


Namulsa siya sa bulsa ng suot na cargo shorts. "Nine thousand."


Kulang na lang ay tumalsik sa kanya ang laway ko. "Ano?!"


"Sa abala. Mahal oras ko, e."


Nagsisimula nang maubos na ang pasensiya ko. "Ginagago mo ba ako?"


"Kailan kita ginago?" balewalang balik-tanong naman niya sa akin.


Nagtagis ang mga ngipin ko. "Fine. Kunin mo na lang." Hinding-hindi ako maglalabas ng ganoong halaga.


Tumaas lang ang sulok ng kanyang bibig. Tinalikuran ko na siya para kunin sa hamper sa itaas ang mga damit na ukay. Pahablot kong dinampot ang mga iyon saka ako madaling bumaba muli.


Ang kaso nga lang sa pagbaba ko ay wala nang tao sa sala. Umalis na siya!


Ang hingal na nararamdaman ko ay mas tumindi nang makita sa center table ang naiwang recibo ng donut. Doon ay may note na nakasulat. And it read:


'Balikan ko pag nalabhan na. Take your time. Matagal pa naman bakasyon ko, kaya wag kang mag-alala. Makikita mo pa rin ako. – AJP'


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

15.9M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
24.9K 1.7K 70
THE WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY IS BACK! Sana all bumabalik! Sana all binabalikan! Dahil narito na muli ang ating taunang Wattpad Filipino Block Pa...
4.6M 58K 51
Nagkulang ba ako sa kanya? Binigay ko naman sa kanya ang lahat, ang puso ko, ang kaluluwa ko at ang katawan ko pero bakit niya sakin nagawa ito? Akal...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...